You are on page 1of 20

Modyul 15: Mga Isyung

Moral Tungkol sa Kawalan


ng Paggalang sa
Katotohanan
Inihanda nina: Joshua Dela cruz at Samantha Noriel
Ang Katotohanan

 Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring


napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa
ibang lugar.
Ang Misyon ng Katotohanan

 Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at


layunin sa buhay.
 Masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at
walang pagaalinlangan na sundin, ingatan at pagyamanin.
 Pahayag ni Fr. Roque Ferriol – “Tahanan ng pagkatoto” – may kasama ako na
makakita o may katoto ako na makakita sa katotohanan
 Ang katotohanan ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na
maging mapagpahayag. Wika ay nagagamit na instrumento sa pag alam ng katotohanan
 Sa paanong paraan nagagamit ang wika bilang isang instrumento sa pag alam ng katotohanan.
Ang Imoralidad ng Pagsisinungaling

 Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pag sang ayon sa katotohanan.


Ito ay lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o
sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o
lipunan.
 Masasabi mo ba na kalaban ng katotohanan ang pagsisinungaling.
Pangatwiranan.
 Naniniwala ka ba na pwede ring maging mabuti ang pagsisinungaling? Sa
paanong paraan.
 Paano naman nagiging masama ang pagsisinungaling?
Tatlong Uri ng Kasinungalingan

Jocose lie
 Isang uri ng pagsisinungaling na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng
kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay aliw ngunit hindi sadya ang
pagsisinungaling.
 Halimbawa: Pagkukwento ng isang kapatid tungkol sa pagtupad ng kahilingan ng
isang diwata sa isang bata dahil sa pagiging masipag nito.

Officious lie
 Tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya
ay paglikha ng usaping kahiya-hiya upang ditto maibaling, kahit gaano pa ang
ibinigay nitong mabigat na dahilan.
 Halimbawa: Ang isang estudyante na ibinaling ang kaniyang pag ka huli sa klase
dahil sa pagkapuyat niya sa pag punta nila sa isang party ng kanilang kamag anak,
na ang totoo’y nag puyat siya sa paglalaro sa kaniyang cell phone.
Pernicious lie

 Nagaganap kapag ito ay sumisira ng Reputasyon ng isang tao na pumapabor sa


interes o kapakanan ng iba.
 Halimbawa: Pagbibintang ng isang estudyante sa kaniyang kaklase na
nagnakaw ng pera ng kanilang kaklase na hindi naman ito ang kumuha.
Ang lihim

 Pagtatago ng impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay ang


pag angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kwentong kaniyang nalalaman at
hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang
pahintulot ng taong may alam dito.
Mga Lihim na Hindi Basta Maaaring
Ihayag

Natural Secrets
 Mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral. Mga katotohanan na
nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng hinagpis at sakit sa isa’t-isa. Ang bigat na
ginawang kamalian (guilt) ay nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayang
ginawa.
Promised Secrets

 Ito ay mga lihim na ipinangako ng tao sa pinagkakatiwalaan nito. Nangyari ang


pangako pagakatapos na ang mga lihim ay maibunyag.

 Bilang isang pinagkakatiwalaang kaibigan, paano mo pahahalagahan ang lihim


na ipinagkatiwalaan sa iyo?
Commited or Entrusted Secrets

 Naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay


nabunyag. Ang kasunduan bago ito mahayag ay maaaring:
 Hayag – kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita kahit
pasulat.
 Di hayag – ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit
inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o
institusyon. Madalas ito ay propesyonal at opisyal na usapin.
Mental Reservation

 Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan


walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan
nga ito.
 Sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagbubunyag o pagtatago ng lihim?
Iba pang Paraan ng Pagtatago ng Lihim

 Pagiwas (Evasion) at paglihis ng mga maling kaalaman (Equivocation).


Prinsipyo ng Confidentiality

 Ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip,
ito rin ay maipapahayag sa mas malalim na pag-iisip , pananalita at pagkilos
bilang isang nagpapahalaga sa katotohanan.
 Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, ang pagiging totoo ay solusyon sa mga
posibleng hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw, hindi pagkakaunawaan,
mga sakit ng kalooban at kahihiyan at nakababawas ng pagkakahiwa-hiwalay
sa pagitan ng bawat isa tungo sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na
samahan.
Mga Isyu sa ating Kapaligiran na Humahamon
sa Kasagraduhan ng Katotohanan

Plagiarism
- Isang paglabag sa intellectual honesty (Artikulo, A ET Al 2003). Ito ay isyu na
may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng katotohanan at katapatan sa
mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda,
programa, himig at iba pa ngunit hindi kinikilala ang pinagmulan bagkus nabuo
lamang dahil sa illegal.
Intellectual Piracy
 Ang paglabag sa karapatang-ari (Copyright Infringement) ay naipapakita sa paggamit nang walang
pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa
Intellectual Property Code of the Philippines 1987.
 Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng
bagong likha.
 Ang piracy ay isang uri ng pagnanakaw o paglabag dahil may intension para sa pinansiyal na dahilan.
 Ang theft ay hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang
pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito.
 Ang pagda-download ng kahit anong files sa internet ay matatawag na piracy o pagnanakaw. Anuman
ang maging dahilan sa pag-download, ito ay maituturing pa ring paglabag sa karapatang-ari ng taong
nararapat sa pagkilala at paggalang.
Whistleblowing
 Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng
gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon.
 Whistleblower naman ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga
maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o illegal na gawain na naganap sa loob ng
isang samahan o organisasyon.
 Ang paghahayag ng katotohanan ay tunay na mabuti at matuwid na gawain at walang pasubali na isa
itong moral na obligasyon ng bawat tao.
 Sa pangkahalatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa
angkop na pagkakataon dahil ito ang nararapat na gawin ng isang matapat at mabuting tao. Ang
pagsasabi ng totoo ay pagpapairal ng kung ano ang inaasahan sa atin bilang tao at mapanagutang
mamamayan sa lipunan. Ito rin ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng sarili
at kapuwa.
Sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng paggalang sa katotohanan dahil sa mga isyu sa
plagiarism, intellectual piracy, whistleblowing, at gampanin ng social media sa usapin ng katotohanan.
Nilalabag ng plagiarism at intellectual piracy ang karapatang pantao at kawalan ng pagkilala at paggalang
sa pagkatao ng tunay na may akda. Samantala, masasabing gawaing mabuti naman ang whistleblowing
dahil naibubunyag ang katotohanan at naisisiwalat ang gawaing masama. Hindi rin maihihiwalay ang
impluwensiya ng social media na tila nagpapahina o nagpapalakas sa kaisipan ng mga netizens na maging
mapanagutan sa mga kaakibat na obligasyon sa paggamit dito. Ang obligasyong ito ay mula sa kampanyang
“Think Before You Click” ng isang media outlet.
 Ang pagmamahal sa katotohanan o ang pagiging makatotohanan ay dapat maisabuhay at
mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon.
 Dahil sa kawalan ng paghahanap sa katotohanan, ang kasinungalingan ang nangingibabaw.
 Ito ngayon ang hamon sa bawat tao – maging instrument tungo sa katotohanan at magsikap na
mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at mga pagpapahalaga.

You might also like