You are on page 1of 24

Modyul 15: MGA ISYUNG MORAL

PATUNGKOL SA KAWALAN NG
PAGGALANG SA KATOTOHANAN
GROUP 4- NEWTON
Ang Misyon ng Katotohanan
 •Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa
paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.
 Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay
nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang
katotohanan.
 Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan
lamang niya ang katotohanan kung siya ay
naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin,
ingatan, at pagyamanin.
 •Ang sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng
kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip
na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.
Fr. Roque Ferriols: “Tahanan ng mga
Katoto”
 Ibig sabihin, may kasama ako na makakita o may
katoto ako na makakita sa katotohanan. Mahalaga na
makita ng bawat tao ang katotohanan mula sa
pagkakakubli na lumilitaw mula sa pagsisikap niya na
mahanap ito. Hindi ito maipagkakait sa kaniya dahil
bilang tao siya ay may kakayahan na kumuha ng buod
o esensiya sa mga bagay na umiiral.
 Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kondisyon
ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na
maging mapagpahayag ang bawat isa sa kung ano
ang totoo sa simple at tapat na paraan. Dahil dito,
malaya ang isang tao na gamitin ang wika sa
maraming paraan lalo na sa pakikipagtalastasan.
Higit pa rito, nagagamit ito bilang instrumento sa pag-
alam ng katotohanan
Ang Imoralidad ng Pagsisinungaling
 Ayon kay Sambajon Jr. et al (2011), ang
pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at
pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay
isang lason na humahadlang sa bukas at
kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon
na nararapat na mangibabaw sa pagitan
ng mga tao sa isang grupo o lipunan
3 URI NG KASINUNGALINGAN
2. Officious Lie – ipapahayag upang
maipagtanggol ang sarili o kaya ay paglikha ng
isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling
ang atensyon. Ito ay isang tunay na
kasinungalingan, kahit na gaano pa ang
ibinigay nitong mabigat na dahilan Halimbawa:
ang isang mag-aaral na idinahilan ang kaniyang
pagliban sa klase nang nakaraang araw dahil
sa pagkamatay ng kaniyang ama, na ang
totoo’y noong nakaraang taon pa yumao.
3 URI NG KASINUNGALINGAN
3. Pernicious Lie – ay nagaganap kapag ito ay
sumisira ng reputasyon ng isang tao na
pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Halimbawa: Pagkakalat ng maling bintang kay
Pedro ng pagnanakaw niya sa wallet ng
kaniyang kaklase na hindi naman siya ang
kumuha nito
ANG LIHIM
 Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon
na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat.
 Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na
pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman
at hindi kailanman maaaring ihayag sa
maraming pagkakataon nang walang
pahintulot ng taong may-alam dito.
3 Uri ng Lihim na hindi basta-
basta maaaring ihayag
1. Natural secrets – ay mga sikreto na
nakaugat mula sa Likas na Batas Moral na
kapag nabulgar ay magdudulot sa tao ng
matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa.
Halimbawa: Ang pagtatago ng isang
maambisyong babae na isa siyang ampon na
pinipilit pagtakpan ang kaniyang nakaraan. Ito
ay maaaring magdulot ng kahihiyan sa
kaniyang pagkatao.
3 Uri ng Lihim na hindi basta-
basta maaaring ihayag
2. Promised secrets – ito ay mga lihim na
ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito.
Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga
lihim ay nabunyag na.
Halimbawa: Paglihim sa isang sinisimulang
magandang negosyo hangga’t hindi pa ito
nagtatagumpay. Hindi rin sinasabi ang mga
mahahalagang detalye at impormasyon kahit
sa mga kasamahan o kaibigan.
3 Uri ng Lihim na hindi basta-
basta maaaring ihayag
3. Committed or entrusted secrets – naging
lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman
sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga
kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring:
a. Hayag - Kung ang lihim ay ipinangako o kaya
ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.
Halimbawa: Ang isang sekretarya ng doktor, na
inililihim ang mga medical records ng isang
pasyente.
3 Uri ng Lihim na hindi basta-
basta maaaring ihayag
B. Di hayag - ito ay nangyayari kapag walang
tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng
taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa
isang kompanya o institusyon. Madalas ito ay
pang propesyonal at opisyal na usapin.
Halimbawa: mga kasalanang ikinumpisal sa
mga pari na binigyan ng ganap na kapatawaran
at iba pang di ginagawa ng hayagan Ayon ito
kay Papa Pius XII. Ang pagtatago ng mga lihim
na propesyonal ay isang grave moral
obligation.
Ang mga lihim ay maaaring ihayag o itago lalo’t
higit kung may matinding dahilan upang gawin
ito. Sa kabilang banda, ang paglilihim ay
maaaring magbunga ng malaking sakit at
panganib sa taong nagtatago nito, sa ibang
taong may kaugnayan rito at maging sa
kaniyang lipunan ginagalawan.
Ang Mental Reservation
 Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita
sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang
ibinibigay na tiyak na impormasyon sa
nakikinig kung may katotohanan nga ito. •
Una,ito ay paraan ng paggawa ng
kasinungalingan. Halimbawa nito ay ang
pahayag na, “Ang sabi ko ay pupunta ako sa
isang excursion na ang totoo ay wala naman
talaga akong planong gawin iyon.”
 Pangalawa ay ang pagbibigay nang malawak
na paliwanag sa maraming anggulo ng mga
isyu upang ang nakikinig ay makakuha ng
impormasyon sa isang pahayag na walang
katotohanan. May mga kondisyon sa
paggamit nito, ang ilan ay ang ss:
 a. Walang panganib sa tao na siyang may
karapatan na malaman ang totoo
 b. Magandang intensiyon sa paglilihim dito
 Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng
katotohanan ay sa pamamagitan ng pag- iwas
(evasion) at paglilihis ng mga maling
kaalaman (equivocation). Makatutulong ito
kung ang isyu ay hindi lubhang mahalaga at
ang isang partido ay may pahintulot dito.
Ang Prinsipyo ng Confidentiality
 Ang pagsasabi ng totoo ay nagpapahayag sa
mas malalim na pag-iisip, pananalita, at
pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga
sa katotohanan. • Mula sa matalinong pag-
iisip at pagpili, ang pagiging totoo ay
solusyon sa mga posibleng hidwaan, mga
pagkakaiba-iba sa pananaw, hindi pag-
uunawaan, mga sakit ng kalooban at
kahihiyan at nakababawas ng pagkakahiwa-
hiwalay sa pagitan ng bawat isa tungo sa
pagkamit ng kapayapaan at maayos na
samahan.
Moral Issue A:Plagiarism
 Ito ay isang paglabag sa Intellectual Honesty
(Artikulo, A. et al, 2003).
 Ito ay isyu na may kaugnayan sa
pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan
at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga
pangungusap, buod at balangkas ng isang
akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi
kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo
lamang dahil sa ilegal na pangongopya.
 Ito ay maituturing na pagnanakaw at
pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi
iyo
Moral Issue B. Intellectual Piracy
 Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright
infringement) ay naipakikita sa paggamit
nang walang pahintulot sa mga orihinal na
gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law
on Copyright mula sa Intellectual Property
Code of the Philippines 1987.
 Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami,
pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya
sa pagbuo ng bagong likha.
 Ang piracy ay isang uri ng pagnanakaw o
paglabag dahil may intensiyon para sa pinansiyal
na dahilan.
 Ang theft ay hindi lamang literal na pagnanakaw
o pagkuha nang walang pakundangan kundi
lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na
walang paggalang sa karapatang nakapaloob
dito.
 Ang pagda-download ng kahit anong files sa
internet ay matatawag na piracy o pagnanakaw.
Anuman ang maging dahilan sa pag-download,
ito ay maituturing pa ring paglabag sa
karapatang-ari ng taong nararapat sa pagkilala at
paggalang.
Whistleblowing
 Ito ay isang akto o hayagang kilos ng
pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay
empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon/korporasyon. • Whistleblower
naman ang tawag sa taong naging daan ng
pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling
asal, hayagang pagsisinungaling, mga
immoral o ilegal na gawain na naganap sa
loob ng isang samahan o organisasyon.
 Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay na
mabuti at matuwid na gawain at walang pasubali
na isa itong moral na obligasyon ng bawat tao.
 • Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat
mapanindigan at ipahayag nang may katapangan
sa angkop na pagkakataon dahil ito ang
nararapat gawin ng isang matapat at mabuting
tao. Ang pagsasabi ng totoo ay pagpapairal ng
kung ano ang inaasahan sa atin bilang tao at
mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ito rin ay
pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa
dignidad ng sarili at ng kapuwa
 Sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng
paggalang sa katotohanan dahil sa mga isyu sa
plagiarism, intellectual piracy, whistleblowing, at
gampanin ng social media sa usapin ng katotohanan.
Nilalabag ng plagiarism at intellectual piracy ang mga
karapatang pantao at kawalan ng pagkilala at
paggalang sa pagkatao ng tunay na may-akda.
Samantala, masasabing gawaing mabuti naman
whistleblowing dahil naibubunyag ang katotohanan at
naisisiwalat ang gawaing masama. Hindi rin
maihihiwalay ang impluwensiya ng social media na
tila nagpapahina o nagpapalakas sa kaisipan ng mga
netizens na maging mapanagutan sa mga kaakibat na
obligasyon sa paggamit dito. Ang obligasyong ito ay
mula sa kampanyang “Think before you click” ng
isang media outlet.
 Ang pagmamahal sa katotohanan o ang
pagiging makatotohanan ay dapat
maisabuhay at mapagsikapang mapairal sa
lahat ng pagkakataon. • Dahil sa kawalan ng
paghahanap ng katotohanan, ang
kasinungalingan ang nangingibabaw. • Ito
ngayon ang hamon sa bawat tao – maging
instrumento tungo sa katotohanan at
magsikap na mapanindigan nang may
katuwiran ang piniling pasiya at mga
pagpapahalaga.

You might also like