You are on page 1of 8

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level 10

W7&8 Quarter Ikatlo Week

I. LESSON TITLE Paggamit ng Kapangyarihan at Pangangalaga sa Kalikasan


II. MOST ESSENTIAL LEARNING 45. Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
COMPETENCIES (MELCs) pangangalaga sa kalikasan
46. Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan
47. Napangangatwiranan na:
a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang lahat
ng tao ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kalikasan.
b.Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo
sa iisang kalikasan (Mother Nature) Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang
kalikasan (stewards) at hindi maging tagapagdomina para sa susunod na
henerasyon.
c. Binubuhay tayo ng kalikasan.
48. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral
na batayan

EsP10PB-IIIg-12.1, EsP10PB-IIIg-12.2, EsP10PB-IIIh-12.3, EsP10PB-IIIh-12.4


III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa pangangalaga sa
kalikasan.

(Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10, pp. 209-232


Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Marami tayong nakikitang nangyayari ngayon sa ating
Panimula (Unang Araw kapaligiran at kalikasan. Nakararanas tayo ng matinding tag-init,
ng Ikapitong mga pag-ulang nauuwi sa pagbabaha, malalakas na bagyo, at
Linggo)
kung anu-ano pa. Kadalasan, nauuwi ito sa pagkasira ng mga ari-
arian at ng pagkitil sa buhay. Minsan, hindi natin maiwasang
magtanong, “Ano nga ba itong mga nangyayari sa atin?” Galit na
ba sa atin ang Inang Kalikasan?
Sa araling ito, inaasahang maunawaan mo na mayroong
kang kapangyarihan at kung ano ang maaaring gawin o gampanin
ng tulad mo upang makaiwas sa ganitong mga pangyayari.
Sa gitna ng mga pangyayaring nauukol sa kalikasan at
kalamidad na ating nararanasan, mahalagang masagot mo ang
mahalagang tanong na: Bakit kailangang pangalagaan ang
kalikasan?
B. Development 90 Minuto Gawain sa Pagkatuto 1. Basahin ang bawat speech balloon. Buoin
Pagpapaunlad (Una at ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag kung
Ikalawang ikaw ay mahaharap sa ganitong usapan. Isulat ang iyong sagot sa
Araw Ikapitong
ganitong usapan sa iyong sagutang papel.
Linggo)

1.
Dahil sa nakaraang bagyo
kaya nasira ang tulay sa amin.
Sa ginagawang bagong tulay
nakasulat PROYEKTO ni .......
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

2.
Substandard daw ‘yung
materyales na ginamit sa
itinayong evacuation
center para sa mga
nasasalanta ng bagyo…

3.
Isang pulitiko daw ang
nagpapatayo ng
subdivision sa dating
taniman ng palay….

Mga Tanong:

1. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang nararapat na maging


tugon at kilos mo rito?
2. Ano ang mga reaksiyon mo batay sa mga naging tugon mo
sa bawat speech balloon?
3. Ano-anong mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan
ang mahihinuha sa gawaing ito?

Basahin sa Pagpapalalim sa pahina 216-230, 341-355 sa EsP 10


Learner’s Material ang sumusunod na talata patungkol sa paggamit
ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan. Sagutin ang mga
tanong na nasa loob ng kahon sa iyong sagutang papel.

Paggamit ng Kapangyarihan

“With great power comes great responsibility.”

Naaalala mo ba ang pangungusap sa itaas? Nasubukan mo na


bang humawak ng isang tungkulin na sa iyong tingin ay mahirap
gampanan? Totoo dahil nangangailangan ito ng katapatan. Pag-
aralan naman natin ang isa pang isyu na hahamon sa iyong
pagkatao na maging mapanindigan sa tungkuling ipinagkatiwala sa
iyo – ang isyu tungkol sa kapangyarihan.

Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang


pasiya, kapasidad upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-
uugali ng iba, at lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat.
Maipamamalas ito sa pamamagitan ng posisyon, organisasyon at
pagiging lider ng isang grupo.

Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan


Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Anu-ano nga ba ang mga isyung napapaloob sa paggamit ng
kapangyarihan? Bakit nagkaroon ng mga ito? Paano natin
haharapin ang mga ito nang may paninindingan at nang buong
katapatan at integridad? Narito ang ilan sa mga isyung may
kinalaman sa paggamit ng kapangyarihan.

1. Korapsyon. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o


pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na
kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na
asal. Ang taong may malinis na puso at tapat ang talagang
karapat-dapat magsilbi sa lipunan. Maipakikita ito sa
pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa
pandaraya.
2. Pakikipagsabwatan (Kolusyon). Hindi maililihim ang
pagkakaroon ng ganitong isyu sa ating lipunan. Ano nga ba
ang pakikipagsabwatan? Ito ay iligal na pandadaya o
panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo,
limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga
kickback, pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na
panghihimasok sa proseso ng isang halalan at sa pagbilang
ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagbili
o panunuhol ng mga botante. Nangyayari ang mga gawaing
ganito dahil sa kagustuhan ng isang tao na mapaunlad ang
pansariling kapakanan. Bakit nga ba maraming nakatataas
sa lipunan ang gumagawa ng mga ganitong bagay? Bakit
mali ang mga ganitong gawain? Paano kaya ito maiiwasan?
3. Ang bribery o panunuhol ay isang gawain ng pagbibigay ng
kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor
na ibinigay ng tumanggap. Ang mga suhol na ito ay bahagi
ng pagtatakip sa ginawang katiwalian ng isang taong may
puwesto sa pamahalaan. Ito ay isang krimen. Ang iba pang
mga halimbawa nito ay pagbibigay ng malaking tip, regalo,
diskuwento (discount), libreng tiket, pagkain, espesyal na
anunsiyo, pamamasyal sa iba’t ibang lugar,
kickback/payback, paglalaan ng malaking pondo sa isang
proyekto, magandang alok sa kontrata, donasyon, mga
kampanya para sa kontribusyon, fundraising at sponsorship,
lihim na komisyon at promosyon (mataas na posisyon o
ranggo).
4. Ang kickback ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula
sa mga pondong itinalaga sa kaniya. Isang halimbawa nito
ang paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang
negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak
ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto
sa negosyo. Mayroon ding mga katiwalian sa ating pansariling
buhay. Ang mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan
ay isang malinaw na repleksiyon ng iba’t ibang pansariling
katiwalian. Ang pagiging tagapangalaga ng dignidad ng tao
ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
pakikipagkapuwa. Ito rin ay isang panghabambuhay na
proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa
ultimong kabutihan.
5. Ang nepotismo ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng
kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa alin mang
sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon na ari
o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak
na hindi dumaraan sa tamang proseso.

Pangangalaga sa Kalikasan

Sa kuwento ng paglikha, binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan


na alagaan ang kalikasan at hindi maging tagapag-domina nito.
Bilang natatangi sa lahat Niyang nilikha, pinagkalooban ng Diyos ang
tao ng kapangyarihang gawin ang nararapat sa kalikasan ngunit
nabigyan ito ng ibang pakahulugan. Ang kapangyarihang
ipinagkaloob sa tao ay nakita niya bilang isang karapatang gamitin
ang kalikasan nang walang pakundangan at naaayon sa kaniyang
kagustuhan. Hindi kailanman isinaalangalang ng tao na ang
kapangyarihan niya na gamitin ang kalikasan ay may kaakibat na
pananagutan. Tinalakay sa Modyul 4 na malaya tayong gawin kung
anuman ang nais nating gawin. Samakatuwid, may kalayaan tayong
gawin o gamitin ang kalikasan. Ngunit dapat nating isipin na ang
paggamit sa kalayaan ay napapalooban ng paggawa ng mabuti.
Mabuti ang paggamit sa kalikasan, ngunit kung ito’y nauuwi sa
pagmaltrato at hindi na tumutugon sa kabutihang panlahat, ang
kalayaang ginagamit mo ay hindi tunay na kalayaan.

Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng


paggalang sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung
bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan. Marapat ding tandaan na ang
lahat ng bagay na nilalang ng Diyos kabilang na ang tao ay
magkakaugnay. Kung kaya’t anuman ang mangyari sa isa ay maaari
ding maganap sa iba o kaya naman makaapekto sa iba. Ang
pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay isang
pananagutang panlipunan. Ang pananagutang ito ay
nangangahulugang nararapat nating isaalang-alang ang anumang
epektong ginagawa natin sa kalikasan. Maaaring tayo ang maging
biktima ng mga maling gawaing ito.

Ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang gawin at sundin


hindi lamang sa ating pansariling dahilan kundi para sa susunod na
henerasyon. Naging kaisipan natin na may kapangyarihan tayong
gamitin ito ayon sa paraang gusto natin. Ginagamit natin ang ating
kalikasan at kapaligiran na animo’y isang kasangkapan na hindi
inaalala kung may maaapektuhan o wala. Minsan, walang habas
ang ginagawa nating paggamit at wala ring pag-iingat na parang
hindi ito mauubos. Nagkaroon tayo ng kaisipan na tayo ang sentro
ng mundo, na ang lahat ng bagay na nakapalibot sa atin ay para sa
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
ating pansariling kapakanan lamang. Para bang ang kalikasakan ay
“at our own disposal.”

Ang etikang pangkalikasan ay nagbibigay sa atin ng dalawang


mahalagang tanong na kailangang sagutin natin kaugnay ng mga
pangyayaring nagaganap ngayon sa ating kalikasan: Ano ang mga
tungkulin natin bilang tao sa kalikasan na ating tinitirhan, at bakit?
Ang pagsagot sa unang tanong ay maaaring masagot sa
pamamagitan ng pagsagot sa pangalawang tanong. Bakit
mayrooon tayong pananagutan at tungkulin na pangalagaan ang
ating kalikasan?

Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay


nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang
mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang tungkulin
nating ito ay hindi lamang para sa mga taong namumuhay sa
kasalukuyan sa panahong ito kundi higit sa mga taong maninirahan
dito sa susunod na panahon at henerasyon.

Mga Isyu sa Maling Pagtrato sa Kalikasan

Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na


tuwirang taliwas sa pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang
mga ito at pagkatapos ay suriin mo ang iyong sarili kung kabilang ka
sa mga kabataan na gumagawa rin ng mga ito.

1. Maling Pagtatapon ng basura. Dahilan sa komersiyalismo at


konsiyumerismo, nagkaroon ang tao ng maraming bagay na
nagiging patapon o hindi na maaaring magamit. Resulta?
Walang habas ang ginawang pagtatapon ng basura kung
saan-saan na lamang.
2. Iligal na pagputol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang
halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng
napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay
tayo at iba pang mga hayop.
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang dalawang suliraning
nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng polusyon.
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at
halaman sa kagubatan.
5. Malabis at mapanirang pangingisda. Ang malabis at
mapanirang pangingisda ay nagbubunga ng pagkawala ng
mga likas na yamang kailangan ng mga tao para sa kanilang
ikinabubuhay.
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na
pagmimina, at quarrying.
7. Global warming at climate change. Ang malawakang pag-
iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na
nagdudulot nang matinding pagbabago sa
pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na
climate change.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
8. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay
tumutukoy sa paguugali ng tao at mga kilos na nagpapakita
nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay
pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang
mga pagpapahalaga.

May mga pagkakataong ang paggamit ng kapangyarihan at pera


ng ibang indibidwal para sa pansariling benepisyo ay isa rin sa
pangunahing dahilan kung bakit hindi matigil-tigil ang problema ng
bansa sa tamang pangangalaga ng kalikasan.

Gawain sa Pagkatuto 2. Sagutan ang mga sumusunod na


katanungan batay sa iyong pagkakaunawa sa natapos na aralin.

1. Ano-anong isyu sa paggawa ang tinalakay sa babasahin? Ang


mga isyu sa kapangyarihan? Isa-isahin ang mga ito.

2. Paano nakaapekto ang mga isyung ito sa pag-uugali at


performance ng isang manggagawa sa kaniyang pagtugon sa tawa
g ng tungkulin?

3. Bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan?


Ipaliwanag.

4. Makatutulong ba ang kaalamang iyong binasa sa pagkakamit ng


kabutihang panlahat? Ipaliwanag

A. Engagement 90 Minuto (Una Gawain sa Pagkatuto 3. Suriin ang mga sumusunod na paalala na
Pakikipagpalihan at Ikalawang iyong nakikita sa pamayanan. Sa iyong sagutang papel, sagutin ang
Araw mga tanong sa ibaba.
Ikawalong
Linggo)

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang tema o paksa mayroon ang mga paalala?
2. Paano nakatutulong ang mga paalalang ito sa
pangangalaga ng kalikasan?
3. Kung ikaw ang bibigyan ng kapangyarihan upang gumawa
ng isang batas para mapangalagaan ang kalikasan, ano ang
gagawin mo at paano mo ito ikakampanya?

Gawain sa Pagkatuto 4. Gumawa ng isang talumpati na


nagpapakita ng iyong posisyon sa isang isyu sa paggamit ng
kapangyarihan at maghihikayat sa kanila na patibayin ang mga
batas na mangangalaga sa kalikasan
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Naririto ang rubriks sa pagmamarka ng iyong talumpati. (Ang
ikatlong kategorya ay maidadagdag para sa recorded/online
class.)

Kategorya 5 3 2

Layunin Malinaw na May Walang


naipakita ang naipakitang naipakitang
layunin sa layunin sa layunin sa
talumpati talumpati talumpati

Kabuuan ng Buong-buo May kaisipan Walang


Kaisipan ang kaisipan at nilalaman maayos na
at nilalaman ang kaisipan at
ng talumpati nagawang nilalaman ang
talumpati talumpati

Linaw, lakas at Malinaw, Hindi Hindi malinaw,


timbre ng malakas at masyadong mahina at
boses naayon ang malinaw, hindi naaayon
timbre ng malakas at ang timbre ng
boses. hindi maayos boses.
ang timbre ng
boses.

A. Assimilation 20 minuto Isulat ang mahahalagang kaisipan sa araling ito gamit ang larawan
Paglalapat (Unang Araw sa ibaba.
ng Ikawalong
Linggo)

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

VI. REFLECTION 10 minuto (Unang Araw ng Ikawalong Linggo)


Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP


Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3 Bilang 4

Prepared by: Venesa M. Buen Checked by: Ana R. Reblora


Teacher III
PSDS/ EsP & Guidance Focal/In-
Los Baños National High School-Batong Malaki
Municipality of Los Baños charge SDO Laguna Province
SDO Laguna Province
Reviewed by: Philip D. Cruz LeaPEsPG10-Wk7-8 For Release
EsP- EPS SDO Cabuyao 202104019-X04

Philips T. Monterola
EsP Regional Coordinator
Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 10, pp. 209-232

You might also like