You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao-10

Baitang: _____________________ Petsa: ___________________

I. Mga Layunin

A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto


1. Pamantayang Pangnilalaman  Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga konsepto tungkol sa mga yugto ng makataong
kilos at mga hakbang sa moral na pagpapasiya.
2. Pamantayan sa Pagganap
 Nakapagsusuri ang mag-aaral ng sariling kilos batay
sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa
ng plano upang maitama ang kilos o pasiya.

3. Batayang Konsepto  Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat


maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
 Ang bawat yugto ng makataong kilos ay
kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon
ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na
pasiya at kilos.

Nilalaman ng Aralin: Modyul 8: Mga Yugto ng Makataong kilos at mga


Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

Mga Kagamitan: Manila Paper, krayola, pentel pen, meta strips, laptop
at lcd projector

Mga Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa EsP B.10, pahina

K to 12 Gabay sa Pagtuturo ng EsP B.10, pahina 83-93

K to 12 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao B.10,


pahina 143-160

B. Mga Kasanayang KP1: Naipapaliwanag ang bawat yugto ng makataong


Pampagkatuto kilos at mga hakbang sa moral na pagpapasiya.
KP2: Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na
umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos.
KP3: Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong
kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng
isip at katatagan ng kilos-loob sa paggawa ng moral na
pasiya at kilos.
KP4: Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasiya batay sa
mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng
plano upang maitama ang kilos at pasiya.
II. Paunang Pagtataya: Sumangguni sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao
B.10 pahina 144-145
III. Plano ng Pagtuturo-
Pagkatuto:
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman Gawain 1 & 2. Magsagawa ng tamang pagpapasiya
B. Paglinang ng Kaalaman, batay sa makataong kilos (Sumangguni sa Modyul
Kakayahan at Pag-unawa pahina 146-148 para sa mga tanong.)

Gawain 3: Sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo


makakalimutan (Indibidwal na gawain)

Gawain 4: Sitwasyon sa iyong buhay na iyong isinulat


sa Gawain Bilang 1. Suriin kung ang bawat isa ay
naging mapanagutan sa pagpili ng pasiya at
nagpapakita ng makataong kilos.

C. Pagpapalalim Mga Posibleng Tanong:


1. Ano –ano ang yugto ng makataong kilos ayon kay
Sto. Tomas de Aquino?
2. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasiya?
3. Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng
mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag.
4. Bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon
bago magsagawa ng pasiya?
5. Ano ang iyong pagkaunawa tungkol sa proseso ng
pakikinig?
6. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa isang
kabataang katulad mo sa pagsasagawa ng mabuting
pasiya? Ipaliwanag.
7. Ano-ano ang hakbang ng proseso ng pakikinig.
Ipaliwanag ang bawat isa.

(Gumamit ng graphic organizer para sa paghinuha ng


batayang konsepto)

Pagganap Gawain 5: Gumawa ng sariling pagtatasa sa


pagpapasiya. Isipin ang mga maling pasiya na
naisagawa sa sumusunod: pamilya, kaibigan, pag-
aaral, barangay, at simbahan. Sumulat kung paano ito
iwawasto.

IV. Pagtataya Sumangguni muli sa Modyul sa Edukasyon sa


Pagpapakatao B.10 pahina 144-145
V. Kasunduan Gawin ang mga gawain para sa pagninilay at
pagsasabuhay bilang takda sa Modyul ng EsP B.10
pahina 158-159.

Inihanda ni:

JIMMY M. ROMASANTA
Secondary School Teacher III
Ilaya National High School

You might also like