You are on page 1of 14

Gabay sa Pagtuturo

Modyul 9: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud

Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Nailalapat sa pang-araw-araw na buhay
unawa sa mga konsepto tungkol sa ang mga tiyak na hakbang sa
pagpapahalaga at birtud pagsasabuhay ng mga birtud

Batayang Konsepto:

Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral


na halaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).

IV. MGA LAYUNIN


 Mga Layunin sa Pagtuturo (Teaching Objectives)
.1 . Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag-
aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa:
Ang Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
a. Ang Kahulugan ng Birtud at mga Pamamaraan kung paano
mahuhubog
b. Mga Uri ng Birtud
c. Kahulugan ng Pagpapahalaga
d. Mga uri ng Pagpapahalaga
e. Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
 Pagsuri ng kahalagahan ng pagpili ng gagawing kilos at ang kugnayan ng
pagpapahalaga sa pagpiling ito
 Pagtuklas sa mga birtud na nalinang sa pagkamit ng pagpapahalaga
 Paglahad ng kahulugan at kaugnayan ng birtud at pagpapahalaga
 Pag-isa-isa ng mga uri ng birtud at pagpapahalaga
 Paggawa ng Tsart ng sariling Birtud at Pagpapahalaga upang
mapaghambing kung magkatugma ang dalawa
 Paggawa ng isang pagninilay kung may kaugnayan ang pagpapahalagang
taglay sa birtud na nalilinang
 Pagsabuhay ng mga birtud upang maging tugma ito sa pagpapahalaga

93
 Mga Layuning Pampagkatuto
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 178. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 9 na nasa loob ng kahon.

Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning


binasa?

V. PAUNANG PAGTATAYA

1. Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 179-180.

94
95
2. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit
ang susi sa pagmamarka sa Annex 1.
3. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka.
4. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga
ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha
ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang
bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.
5. Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,
maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
6. Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging
Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
7. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa.

VI. GABAY SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

 Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul

Sabihin:
Sa nakaraang modyul natutunan ninyo na ang tao ay pantay-
pantay dahil sa taglay nilang dignidad. Binibigyang diin nito ang
paggalang sa kapwa, sapagka’t tulad mo sila rin ay mahalaga.
Nararapat na malinang sa kaniya ang pagpapahalaga na kailangan
upang matutunan kung paano mahalin, igalang at pahalagahan ang
sarili at kapwa na may pantay at parehong dignidad.

Sa modyul na ito, ipauunawa sa mga mag-aaral ang kaugnayan ng


pagpapahalaga at birtud upang maging malinaw ang dahilan ng paggawa ng
mabuti at pag-iwas sa masama.

96
K. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Gamitin ang
bahaging ito sa
pagpapaliwanag
ng gawain sa
Pagtuklas ng
Dating Kaalaman

Isulat ang
usapan ni
Alice at
pusang si
Cheshire sa
hiwalay na
manila paper

Paalala:

Layunin ng bahaging ito na pukawin ang kaisipan ng mga mag-aaral sa


kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malinaw na patutunguhan ang tao. Ang
mahalaga rito ay ang sagot ni Alice sa tanong ng pusa upang ihambing ng mga
mag-aaral ang kanilang sarili kung malinaw para sa kanila ang kanilang
patutunguhan sa buhay.

(Kailangan ng guro ng masking tape para sa pagdikit ng poster at manila paper


sa pisara)

1. Idikit sa pisara ang poster ng pag-uusap ni Alice at ng pusa. Itanong sa mga


mag-aaral kung pamilyar sila sa bahagi ng kuwento ng larawan. Hayaan ang
mag-aaral na sumagot.
2. Idikit ang isinulat na pag-uusap na naganap sa pagitan ni Alice at ng pusa.
Ipabasa ito sa mga mag-aaral o kaya naman maaring atasan ng guro ang
dalawang mag-aaral upang bigyang buhay ang pag-uusap ng dalawang

97
tauhan. Ang isang mag-aaral ay gaganap na Alice at ang isa ay gaganap na
pusa.
3. Ipaskil o isulat sa pisara ang mga tanong.
4. Ipabasa sa mga
mag-aaral ang
mga tanong?
Ipaliwanag sa
kanila ang
layunin ng mga
tanong na ito.
Tanungin sila
kung mayroon
silang hindi
naunawaan.
5. Bigyan sila ng 10-15 minuto para sagutin ang mga tanong sa kanilang
kuwaderno.
6. Pagkatapos ng 10 – 15 minuto, atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng
triad. Ipabahagi ang sagot nila sa mga tanong sa kasapi ng triad. Sabihan
silang paghambingin ang kanilang mga kasagutan. Ipabahagi sa klase ang
kanilang mga natuklasan.

L. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Paalala:

Kailangang
maihanda ang
pagkakaroon ng bawat
mag-aaral ng sariling
kopya ng kuwento ni
Joven, Ang Aking
Pinahahalagahan at
Nalinang na Birtud.
Ibigay na takdang-
aralin ang pagbabasa
sa kuwento ito.

Paalala:

Maghanda ng coupon band, meta strip, pentel pen, at masking


tape para sa limang pangkat.

98
1. Sabihin: Makikilala ninyo ang isang kabataang katulad ninyo sa pamamagitan
ng kanyang karanasan sa buhay. Alamin ninyo ang nalinang sa kaniyang
pagkatao makamit lamang ang kaniyang pinahahalagahan.
a. Ipakikilala ninyo si Joven sa klase bilang inyong kaibigan. Paano
ninyo siya ilalarawan. Bilang kaibigan ano ang madarama mo para sa
kanya? Narito ang paraan kung paano ninyo ito gagawin.
2. Atasan ang mga mag-aaral na magpangkat sa lima. Hayaan silang pumili ng
kanilang magiging pinuno, tagasulat at taga-ulat. Ipatalakay sa pangkat ang
sagot sa mga tanong na ito.

3. Ipaguhit ang tsart na ito sa coupon band dito nila isusulat ng kanilang
napagkasunduang sagot.
4. Bigyan sila ng 10-15 minuto para sa gawaing ito.
5. Ipaguhit nang malaki ang tsart na ito sa pisara. Sabihin: Nahahati ang tsart
sa limang bahagi na ibibigay sa bawat pangkat. Pupunan ng naatasang
pangkat ang bahaging nakatalaga sa kanila. Maaaring sundan ang paraan ng
paghahati sa ibaba.

6. Isulat sa meta strip ang sagot ng kanilang pangkat sa bahaging nakatalaga


sa kanila. Idikit ang mga ito sa pisara.

99
7. Pagkatapos na magawa ito ng lahat ng pangkat. Sabihin: muling tingnan ang
tsart sa pisara, mayroon ba kayong nais pang idagdag sa mga nakatala?
Ipasulat ang mga ito at idikit sa bahaging nais nila itong idagdag.
8. Ipaulat ang kanilang ginawa sa paraang pagpapakilala sa pangunahing
tauhan.

PAGPAPALALIM

Panuto:

Mahalagang may sariling sipi ng babasahing ito ang bawat mag-aaral.


Gawing takdang-aralin ang pagbabasa ng babasahing ito. Pagawin sila
ng tala (notes) ng mga konseptong matatagpuan sa babasahin. Mas mainam
ang pagtsek ng mga tala ng konsepto na kanilang ginawa upang maramdaman
ang kaseryosohan sa pagpapagawa ng gawaing bahay.

Mahalagang mabasa at makapagtala sila bago ang pagtatalakay upang


handa sila sa gawain sa klase.

1. Kung kinakailangan, ipabasa ang kabuuang sanaysay sa pahina 10-24.


Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang gawin ito. Matapos ang 15
minuto pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat o depende sa bilang
ng mga mag-aaral. Hayaang magtalaga sila ng lider, tagasulat at taga-ulat.

100
 Sa unang pangkat ipatalakay ang naunawaang konsepto ng babasahin sa
pahina 184-189 gamit ang graphic organizer

 Para sa ikalawang pangkat ipatalakay ang naunawaang konsepto sa


sanaysay sa pahina190-195. Maaaring gamitin ang graphic organizer sa
ibaba.

 Para sa ikatlong pangkat, ipatalakay ang naunawaang konsepto sa


sanaysay sa pahina 194 gamit ang graphic organizer.

101
Paalala: Ang pagpapangkat ay maaaring dagdagan ng guro depende sa
bilang ng mga mag-aaral, maaari ding hatiin ang paksang ipatatalakay sa
kanila. Ang graphic organizers na gagamitin ay mungkahi lamang
maaaring lumikha sila ng nais nilang gamitin na graphic organizer.

 Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.


 Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga
mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag ng wasto at sapat.
 Pasagutan ang tayahin natin ang iyong pag-unawa. Bigyan sila ng 5 minuto
upang gawin ito.
Tayain natin ang iyong pag-unawa

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Ano ang pagpapahalaga?


__________________________________________________
__________________________________________________
1a. Bakit kailangang taglayin ito ng tao?
__________________________________________________
__________________________________________________
2. Ano ang birtud?
__________________________________________________
__________________________________________________

102
2a. Paano ito nalilinang sa tao?
__________________________________________________
__________________________________________________
3. Paano nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud? Ipakita mo ito sa
pamamagitan ng ilustrasyon.

Kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud:

 Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer.

 Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.


Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na
graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang
Konsepto:

Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral


na halaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).

2. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

103
Paalala: Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa bilang takdang aralin
subalit kailangang ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahan na
magagampanan nila sa bahaging ito.

Pagganap
 Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Value at Virtue Tsek” sa kanilang
kuwaderno. Ipaliwanag sa kanila ang panuto kung paano ito gagawin.

Pagninilay
 Atasan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang kanyang mga natuklasan sa
sarili sa resulta ng ginawang Value at Virtue Tsek .

104
 Ipapasa sa mga mag-aaral ang kanilang journal o reflection notebook upang
mabasa ang ginawa nilang pagninilay at markahan ito gamit ang rubric sa
Annex 2.

Pagsasabuhay
 Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagsasabuhay. Ipaliwanag ang panuto
kung paano ito gagawin. Magbigay ng paglilinaw kung kinakailangan.

105
106

You might also like