You are on page 1of 1

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong:

1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit na
malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller;
a. Mahirap maging isang bulag
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas malala pa sa kawalan ng paningin
c. Hindi mabuti ang walang pangarap
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay

2. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya,
kailangan mong-
a. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
c. Gawin na lamang kung ano ang magpapasaya sa iyo.
d. Gawin na lamang ang magpapasaya sa mas nakararami.

3. Ang kakulangan ng salapi ay maaring maging hadlang sa pagkuha ng kursong nais makamit ni Raquel, ang lahat ay
maaaring makatulong sa kanya malibans sa:
a. Mag-antay ng tulong mula sa mga mayayamang kamag-anak
b. Magtakda ng mithiing maabot base sa kanyang kakayahan, kaalaman at kahusayan
c. Alamin ang kapasidad ng pananalapi ng buong pamilya
d. Lahat ng nabanggit

4. Bakit mahalagang malaman ang iyong interes, hilig at kakayahan bago pumiling kurso?
a. Maiwasan ang papalit-palit ng kurso
b. Pagkakaroon ng direksyon sa pagtupad ng minimithi
c. A at B
d. Wala sa nabanggit

5. “Begin with the end in mind”, ito ay nangangahulugang:


a. Kung sa simula pa lamang ay alam na natin ang gusto nating mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap
para sa atin ang magpasya sa buhay
b. Nalalaman agad ang maaring maging resulta ng desisyon
c. Nasa huli lagi ang pagsisi
d.Lahat ng nabanggit

6. Bakit malaya ang tao na magpasya para sa sarili?


a. madali lang itong gawin c.ang tao ay may isip at kilos-loob
b.ang tao ay may konsensya d.tao lang may kakayahang gawin ito

7. Mahalaga na maging ___________ sa pagpili ng mithiin.


a.mapanagutan b.maunlad c.masaya d.matapat

8. Ang kakulangan ng salapi ay maaring maging hadlang sa pagkuha ng kursong nais makamit ni Raquel, ang lahat ay
maaaring makatulong sa kanya maliban sa:
a. Mag-antay ng tulong mula sa mga mayayamang kamag-anak
b. Magtakda ng mithiing maabot base sa kanyang kakayahan, kaalaman at kahusayan
c. Alamin ang kapasidad ng pananalapi ng buong pamilya
d. Lahat ng nabanggit

9. Sa Pagtatakda ng Mithiin, ang lahat kinakailangan maliban sa:


a. Isulat ito
b. Tukuyin ang maaring maging balakid o hadlang
c. Tukuyin ang maaring solusyon samgabalakid o hadlang
d. Sabihin sa iba ang iyong mithiin.

10. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng konkretong layunin sa buhay?


a. Upang matupad ang mithiin
b. Upang maging gabay sa pagtupad ng pangarap
c. May tamang direksyon ang buhay na tinatahak
d. Lahat ng nabanggit

You might also like