You are on page 1of 15

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA
EDUKASYON SA PAGPAPATAO 8

I.Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan;
B. Naipapaliwanag ang Batayang konsepto ng aralin at;
C. Naisasagawa ang mga angkop ng kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa
kaniyang paaralaan.

II. Nilalaman:
Paksa: Mga Karahasan sa Paaralan
Sangguiang Aklat: Paglalakbay ng may Mabuting Asal
Awtor: Giselle Mendoza
Pahina: 322--330
Kagamitan: Pantulong biswal, PowerPoint presentation, mga larawan, audio o video clip.
Metodolohiya: (Small Group Discussion)

III.Pamamaraan
Gawain Guro Gawain Mag-aral
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa gagawin natin
ngayong araw na ito klas, maaari bang
magsitayo tayo at manalangin.

Maaari mo bang pangunahan Joggie? Paginoon, maraming salamat sa umagang ito


dahil binigyan mo na naman kami ng bagong
umaga at bagong pag-asa. Panginoon,
hinihiling po naming na bigyan mo po kami ng
sapat na katalinuhan at pang-unawa sa mga
mapapag-aralan namin. Gabayan mo rin po ang
aming guro sa araw na ito. Ito ang samo’t
dalangin sa pangalan ni Jesus. Amen
2. Pagbati

Magandang Umaga sa Klas? Magandang Umaga rin po Maam.

Kamusta ang bawat isa? Mabuti naman po Ma’am

May lumiban ba sa klase? Wala po maam

Mabuti kung ganon.

Maari na kayong maupo. (mauupo na ang mga mag-aaral)

Bago tayo magsimula klas ay nais ko munang


ipakilala sa inyo ang aking mga alituntunin.

Maaari mo bang basahin Stephanie? MGA ALITUNTUNIN:


1. Makinig sa Guro
2. Huwag Maingay
3. Rumespeto

Maliwanag ba ang aking mga alituntunin klas? Opo Ma’am.


B. PAGGANYAK

Sa araw na ito may bagong paksa tayong


tatalakayin ngunit bago ang lahat magbalik
tanaw muna tayo sa ating nakaraang pinag-
aralan.

Gusto ninyo bang maglaro klas? Opo, ma’am

Kung gayon ay papangkatin ko kayo sa tatlong


grupo. Harold maaari bang umpisahan ang (magbibilang ang mga mag-aaral)
pagbibilang isa hanggang tatlo?

Ang unang pangkat sa kanan, pangalawang


pangkat sa kaliwa at huling pangkat ay sa
gitna.

Maaari bang gumawa ng maliit na bilog ang


bawat grupo. At pipili kayo sa miyembro ng
iyong grupo upang maging Leader. Unang grupo- Grupong Pabebe

Pangalawang grupo- Grupong Iyakin

Pangatlong grupo- Grupong Baliw


Itatala ninyo ang inyong mga sagot sa
kagamitang aking ibibigay at bawat tamang
kasagutan ay may kaakibat na puntos.
Naintindihan ba klas? Opo Ma’am.

Handan na ba ang bawat grupo? Opo Ma’am.

Kung gayon makinig kayo sa aking mga


katanungan.

Sino siya. Georgina?

Ma’am si Jovito R. Salonga


Magaling, Bigyan siya ng Duterte Klap klas.

Si Jovito Salonga naging president ng senado.


Pang ilang presedente siya ng senado. Joy?
Ma’am Siya ang naging ika-labingapat na
presidente ng senado (mula noong 1987
hanggang 1992) nang maging pangulo si
Dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Magaling, Bigyan natin ang grupong ito ng
pabebeng klap klas. Si Jovito nagtapos sa
anong kurso. Angel?
Ma’am, Nagtapos sa kanyang kurso sa
abogasya at ng makapasa sa bar exam ay
tuluyan nang naging isang ganap na abogado.
Tama, Bigyan siya ng Power klap klas.

Saan naman sa Estados Unidos nag aral ng


kanyang Master Degree.Hilarie?
Ma’am sa Harvard University po!
Mahusay, Sa kagrupo ni Hlarie Bigyan siya ng
Basic klap klas.

Hindi pa dun natapos ang kanyang pag- aaral


ni Jovito Salonga nagkaroon din siya
pagkakataon mag aral muli Sa Estados Unidos.
Anong Paaralan ito Stephanie Belle? Ma’am sa Yale School po!

Tama, Bigyan ng Dionesia klap si Stephanie


Belle klas.

Ano naman ang mga iba’t ibang Paglabag sa


Kalinisan? Ma’am, Makamundong Pagnanasa,
Masturbation, Pornikasyon, pornograpiya,
Prostitusyon,Panggagahasa at
Homosekswalidad
Mahusay, Bigyan natin ang grupong ito ng
Duterte klap klas.

C. PAGHAHAWAN NG SAGABAL

Ngayon bago tayo dumako sa ating talakayan


ay may nais muna akong ipanood sa inyo klas,
maaari nyong ilabas ang inyong kwaderno
upang itala ang mga importanteng detalye sa
inyong mapapanuod, Maliwanag ba klas? Opo, Ma’am.
(Manonood ang mag- aaral)
Ngayon klas base sa inyong napanuod ano
kaya ang ating talakayan ngayong araw? Tungkol sa karahasan sa paaralan po maam.

Tama, Ano naman kaya ang mga karahasang


ito klas? Cedric maari ka bang magbigay ng
isa? Bullying ma’am

Tama, Ano pa? Jazzel maaari ka bang


magbigay? Pagkakaroon ng Fraternity po maam

Tama, Ilan lamang yan sa mga karahasan sa


paaralan na nagsisilbing problema ng mga
kabataan ngayon.

Nais ko lang din sana itanong sa inyo klas,


kayo ba ay nakaramdam na ba ng mga
karahasan gaya ng inyong napanood? Opo, ma’am.

Shiara maaari mo bang ibahagi ang iyong


karanasan tungkol dito? Base sa aking napanood naranasan ko pong
laitin at kutyain ng mga kapwa ko magaaral
ma’am.
D. PAGTALAKAY

Ngayon naman klas may mga larawan akong


ipakita sa inyo, nais kong alamin ninyo kung
sino sila.
Sino sila klas. Devora maaari ka bang
magbigay ng iyong ideya? Sila po ang mga taong nakaranas ng mga
karahasan sa paaralan maam.
Tama, Tulad nyo klas sila ay nakaranas ng mga
karahasan sa paaraan na nagsahi ng
pagkakaroon nila ng takot at Deression.

Ngayon ay atin nang tatalakayin ang iba’t


ibang karahasan sa paaralan na maaari nating
maramdaman.

Unang pangunahing karahasan sa Paaralan ay


Ang Pambubulas o Bullying.

Ano ang tinatawag na Pambubulas o Bullying


klas. Maaari mo bang basahin Jazzel? Ma’am ang pambubulas ay isang sinasadya at
madalas na malisyosong pagtatangka ng isang
tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan
ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
Tama, ito ay nagaganap dahil sa hindi pantay
na kapangyarihan o lakas sa pagitan ng mga
tao. Matatawag lamang na pambubulas kung
ito ay isasagawa ng paulit-ulit.

Meron tayong tinatawag na Mga Kabataang


Nambubulas.

Una dito ay laki sa layaw.

Klas maaari ninyo bang sabihin kung ano ang


sariling ninyo opinyon sa laki sa layaw.Cora? Ma’am isang tao ay naibibigay ang kagustuhan
sa pagkabata.
Tama, Sino pa may ideya klas. Anjhela? Ma’am, ang mga laki sa layaw kadalasan sila
yung mga mayayaman nasusunod ang mga
kagustuhan.
Tama, Ang laki sa layaw ay mga taong
naibibigay ang lahat ng kung anumang
gustuhin nila, nabibili at nakukuha nila lahat
ng gusto dahil sa katayuan sa buhay.
Kadalasan mula sila sa mayayamang pamilya.
Napapabayaan na gawin ang lahat ng kaniyang
gustong gawin at hindi napapaalalahanan lalo
na sa mga hindi tamang nagagawa.
Ano naman ang pangalawang Kabataang
nambubulas. Haylee paki basa.

Ma’am, Hindi nakakaramdam ng pagmamahal


Ano ang sarili ninyong opinyon sa hindi ng pamilya
nakakaramdam ng pagmamahal ng pamilya.
Kristin Angel maaari mo ba maibahagi ang
inyong ideya? Ma’am sila po yung mga batang kulang sa
pansin.
Magaling, Sino pa magbibigay ng ideya klas.
Rommel? Ma’am, Kadalasan din ang mga hindi
nakakaramdam ng pagmamahal ng magulang
ay mayayaman din po. Dahil sa lagi nakatuon
ang atensyon ay sa trabaho.
Tama, Sila yung mga batang kulang sa
atensyon ng mga magulang. Halimbawa ang
kanyang mga magulang ay puro trabaho
lamang hindi na nila nabibigyan ng atensyon
ang kanilang anak. Kaya ang batang kulang sa
atensyon o pagmamahal sa kanyang magulang
ay gumagawa sila nang pangbubulas sa
kanyang kamag aral para mapansin lamang.

Ano naman ang ikatlo sa Mga kabataang


Nambubulas. Paki basa. Angel?

Ma’am, Walang ugnayan sa pamilya.

Salamat, Ano ang mabibigay ninyong ideya


klas. Angel? Ma’am, Sila po yung ang mga magulang ay
nasa ibang bansa.

Tama, Karagdagan ideya klas. Georgina? Ma’am, malayo ang kanilang pamilya kung
kaya wala silang ugnayan sa pamilya.
Tama, Ito ung mga bata na ang mga magulang
ay nasa ibang bansa. Hindi ko naman nilalahat.
Maaari ang kanilang mga anak ay maging
malayo ang loob sa kanilang magulang. Ang
isang taong malayo sa kanilang pamilya ay
maaring ang buong pamilya ay walang
kabuluhan at malungkot kaya ang kanilang
anak ay nagagawang mangbulas ng kamag aral
para sa kanilang sariling kasayahan.
Naiintindihan ba klas? Opo Ma’am.

Ano naman ang ika apat na mga Kabataang


Nambubulas. Paki basa Carlos?

Ma’am ang ika apat po ginagamitan ng


pananakit bilang disiplina.
Salamat, Sa inyong palagay klas sino ang
nakakaramdam ng mga ito, Felix? Ma’am, ang pagdisiplina ng kanilang
magulang ay pananakit.
Magaling, Sino pa ang may karagdagan sagot.
Ma’am, Lagi sila po nakakaranas ng pananakit
Caezar?
sa kanilang magulang.
Tama, may magulang ginagamitan ng
pananakit para madesiplina ang mga bata tulad
ng pamamalo ng subra, panununtok,
pananadyak at iba pang pisikal na pananakit.
At ang pang huli may sakit sa pag-iisip.

Dumako naman tayo sa Mga Dahilan ng


Pambubulas
Ano ang unang Dahilan ng pambubulas klas.
Paki basa Edward?

Ma’am, kakaibang pisikal na anyo.

Salamat Edward, Klas ano ang sarili ninyong


opinyon sa kakaibang pisikal na anyo. Nelson? Ma’am mga may kapansanan sa
pangangatawan.
Tama, sino pa may karagdagan opinyon klas.
Belle? Ma’am, mga mataba at payat.

Mahusay, Ang halimbawa nito ay ang maaring


pagkakaroon ng kapansanan sa katawan,
masyadong mataba o payat, mahina o astigin,
masyadong matangkad o bansot, at iba pa.

Ano naman ang pangalawang Dahilan ng


Pambubulas. Maari mo bang basahin Sherwin?

Ma’am, ang pangalawa ay kakaibang istilo ng


pananamit.
Ano naman ang sarili ninyong opinyon klas sa
kakaibang istilo ng pananamit. Jogie?
Ma’am sila po yung katawa tawa kung
May karagdagang opinyon pa klas sa manamit.
kakaibang istilo ng pananamit.Jayvee? Ma’am mga tinatawag na badoy sa pananamit.
Mahusay, Halimbawa kung ikaw ay isang
babae maaring magiging target ka nila kung
masyadong maiksi o bulgar ka sa iyong
pananamit, o hindi kaya masyado namang
mahaba ang balot o konserbatibo ka kung
manamit.

Ano naman ang ikatlo sa mga Dahilan ng


Pambubulas. Paki basa Mico?

Ma’am, Oryentasyong Sekwal.

Salamat, Ano pa ang maibabahagi ninyo


opinion klas. Jessica Ma’am, malaim na relasyon sa taong ang
kasarian ay maaring katulad ng sa kanya, iba sa
kanya o kasariang higit sa isa.
Magaling, halimbawa nito ay Lapitin ka ng
mga mambubulas kung kakakitaan ka nila ng
pagiging mahina bilang isang lalaki o dikaya sa
pagiging astigin mo bilang isang babae.

Ano naman ang ika apat sa mga Dahilan ng


Pambubulas. Paki basa Marl Lee?

Ma’am, madaling mapikon.

Tama, Magbigay ng halimbawa klas sa


madaling mapikon? Ma’am sila po yung madaling maapektuhan
pag tinutukso.
Tama, Matutuwa ang isang nambubulas kung
makikita kagyat ang galit na ipapakita kapag
tinutukso o kinukutya. Alam nilang
nakaaapekto ang kanilang ginagawa kung kaya
matutuwa silang ulit-uliting gawin.

Ano naman ang ika lima. Paki basa Carla?

Ma’am ang ika lima po ay kawalan ng tiwala


sa sarili.
Ano naman ang ninyo maibabahagi na opinyon
klas sa kawalan tiwala sa sarili. Stephanie? Ma’am ang kawalan ng tiwala sa sarili ay
isang palatandaan ng kahinaan. Madali itong
nakikita ng mga mambubulas.

Maroon pang karagdagan klas. Kean? Ma’am sila po yung mga mahihina ang
kalooban. Kung kaya’t nawawalan ng
pagkakaataon makihalubilo sa iba kasi hindi
nagtitiwala sa sarili.
Magaling, maging ang kawalan tiwala sa sarili
ay isang napakagandang indikasyon na
magiging madali para sa isang mambubulas na
maipakita ang kanyang nakahihigit na
kapangyarihan.

Ano naman ang ika anim klas? Paki basa


Shaira?

Ma’am, ang Ika anim sa mga dahilan ng


pambubulas ay tahimik.
Bakit kaya klas napasama sa mga Dahilan ng
Pambubulas ay ang tahimik.Belle? Ma’am sila yung tao mas gusto tahimik at nag
iisa para makaiwas sa mga mambubulas.
Tama, May karagdagan pang opinion. Angel?
Ma’am, hindi po nakikihalo bilo sa mga kapwa
mag aaral.
Magaling, Sila yung mga taong tahimik at
laging nagiisa sila yung mga madalas na
mabulas hindi nila mailabas ang tunay na
kakayahan nila dahil may mga taong
hinuhusgahan ang bawat galaw nila. .

Ano naman ang ika pito sa mga Dahilan ng


Pambubulas. Paki basa Angelyn?

Ma’am, ang Ika pito naman ay Walang


kakayahang ipagtanggol ang sarili.
Ano naman ang maibabahagi ninyong opinion
sa walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.
Calvin? Ma’am sila po yung nakakakitaan ng mahina
ang loob ipagtanggol ang sarili kaya madalas
sila mabulas.
Tama, Sila yung mga mahihina at may mga
kapansanan na walang kakayahang lumaban at
ipagtanggol ang sarili.

Dumako naman tayo sa Epekto ng


Pambubulas. Ano naman ang unang epekto ng
Pambubulas.paki basa James?

Ma’am pagkabalisa ng batang nabubulas po.

Ano ang sarili ninyong opinyon sa pagkabalisa


ng batang nabubulas. Georgina? Ma’am, nagiging balisa ang batang nabubulas
dahil sa kadalasang binubulas siya.

Tama! Dahil sa pagbubulas nagiging balisa ang


isang tao o ang pagiging kawalan ng seguridad
sa sarili ay isang palatandaan ng kahinaan.
Madali itong nakikita ng mga mambubulas.
Ano ang pangalawang Epekto ng Pambubulas.
Pakibasa Anjhela?
Ma’am, Ang pangalawa ng epekto ng
pambubulas ay kalungkutan
Bakit kaya klas nagiging epekto ang
kalungkutan sa binubulas? Ma’am, dahil sa madalas na pambubulas sa
kanila.
Magaling, Dahil sa madalas sila binubulas
nakakaramdam sila ng kalungkutan, gusto
nalang nila lagi mapag isa kasi inaakala niya
lahat ng lalapit sa kanya ay aasarin lang siya o
bubulasin.

Ano naman ang ikatlo klas. James?

Ma’am hirap sa pag tulog.

Anong ideya ninyo kung bakit sila hirap sa pag


tulog. Jazzel? Nahihirapan sila sa pagtulog kasi po naiisip
nalang niya ang ginagawa pangbubulas sa
kanya, o kaya iniisip niya kung ano nanaman
gagawing pangbubulas sa kanya.

Tama! Naiintindihan ba ninyo klas? Opo, Ma’am

Mabuti naman. Ano naman ang ika apat na


Epekto ng Pambubulas. Paki basa Triz?

Ma’am, Nagkakaroon ng mababang tiwala sa


sarili
Bakit kaya naging mababa ang tiwala sa sarili
ng nabubulas. Kristin? Ma’am, Nagkakaroon ng mababang tiwala ang
batang binubulas sa kadalasan ng pangbubulas
sa kanya maaring marami sila ng bubulas sa
kanya kaya hindi niya kaya ipagtanggol ang
sarili niya doon siya nagkakaroon mababang
tiwala sa sarili.
.Tama, Maging ang kawalan tiwala sa sarili ay
isang napakagandang indikasyon na magiging
madali para sa isang mambubulas na maipakita
ang kanyang nakahihigit na kapangyarihan.
Ano ang ika lima Epekto ng Pambubulas. Paki
basa Jogie?

Ano ang sariling opinyon sa pangkalahatang

Ma’am, pagkakaroon ng pangkalahatang


tensyon sa katawan.
tensyon sa katawan. Carlos? Ma’am Nagkakaroon siya ng tensyon sa sarili
kasi sa madalas siya binubulas o kaya naman
ang pangbubulas sa kanya ay may kasamang
Tama, ito ung pananakit sa isang indibidwal pisikal na pambubulas.
tulad ng sundok sipa at marami pang pisikal na
pambubulas kung kaya’t nagkakaroon siya ng
tensyon sa sarili.

Ano pa ang nakaka epekto ng Pangbubulas.


Shaira?

Ma’am, mahina pangangatawan po.


Bakit epekto ng pambubulas ang mahinang
pangangatawan? Magbigay ng halimbawa Axl? Ma’am halimbawa po kakain siya sa canteen,
inaagawan siya kung kaya’t nagkakaroon ng
mahinang pangangatawan.
Tama, Nagkakaroon rin siya ng mahinang
pangangatawan kasi dahil sa pambubulas sa
kanya hirap na siya makatulog, nagiging
malungkutin na, nagkakaroon na ng tensyon sa
katawan, hindi na makakain sa kakaisip ng
ginagawang pambubulas sa kanya..

Anong susunod klas. Maari mo bang basahin


Jude?

Ma’am kaunting kaibigan po.

Sa sarili inyong opinyon klas bakit kaya kaunti


ang kanyang kaibigan. Maureen? Ma’am kukunti ang kaibigan nila kasi po.
Nagkakaroon na sila takot makipagkaibigan.
Mahusay, Ang biktima mg pambubulas ay
madalas na kakaunti ang kaibigan o maaring
walang kaibigan. Dahil sa labis na pagiging
balisa at sa kanilang mababang tingin sa sarili,
masyadong mahirap para sa kanila ang
humanap at magkaroon ng kaibigan.

Ano naman ang ika walong Epekto ng


Pambubulas. Hilarie?

Ma’am, nagiging marahas sa katagalan.

Bakit kaya nagiging marahas na sila sa


katagalan klas? Ma’am kasi po sa madalas na sila binubulas
ginagawa narin nila ung pangbubulas sa kanila.
Sila ay napipilitang gumanti at makapanakit.
Magaling, Ang karahasan na ito ay pwede
nilang gawin sa sarili, sa paaralan, sa kapatid o
sa taong nambubulas sa kanila. Maaring
makagawa sila ng mas marahas na bagay lalo
pa ang naging malabis ang sakit na kanilang
naranasan mula sa mga nambubulas. Sila ay
mapipilitang gumanti at makapanakit.

Ano ang pang huling Epekto ng Pambubulas


klas. Maaari mo bang basahin Mic?

Ma’am, Ilag sa kapwa.

Bakit kaya sila ilag sa kapwa klas? Ma’am, Nagiging ilag sila sa kapwa maaring
ininisip nila lahat ng lalapit sa kanila ay aasarin
o bubulasin lang sila kung kaya iiwas siya o
iilag siya sa kapwa niya mag aaral.
Magaling, Naintindihan ba klas ang mga
kabataang Nambubulas, mga dahilan ng
Pambubulas at Epekto ng Pambubulas? Opo, Ma’am.

Dumako naman tayo sa pangalawang


Karahasan sa Paaralan. Paki basa April?

Ma’am, Ang pag lahok ng Fraternity o Gang.

Ano nga ba ang gang? Ano nga ba ang


fraternity? Magkapareho ba ito klas? Hindi po Ma’am.

Tama, Ano nga ba ang gang klas. Jazzel paki


basa.

Ang gang ay pagsamasama ng tatlo o mahigit


pang indibidwal. Ang mga miyembro naman
nito ay kinikilala ang kanilang pangkat sa
pamamagitan ng paggamit ng
pangkakakilanlan ng kanilang ginagamit.
Tama, pag gamit ng pagkakakilanlan tulad ng
Tattoo, kulay ng buhok, ayos ng buhok,
senyales ng kamay at iisang pangalan. Na ang
tanging layunin ay makilahok o sumali sa
masasamang gawain o mga krimen at
gumagamit ng karahasan.
Ano naman ang fraternity klas. Paki basa
Vincent.

Ma’am ito Ay galing sa salitang latin Frater


ibig sabihin ay kapatiran, tinutukoy nito ang
pormal na organisasyon at pagkakapatiran ng
isang grupo
Tama, Ang Fraternity naman sa kabilang dako
ay isang panlipunan akademikong
organisasyon o samahan na ginagamit ang
alpabetong griyero na batayan sa kanilang mga
pangalan.
Ano pa ang maibabahagi ninyo tungkol sa
fraternity klas. Jude? Ma’am, Ito ay binubuo ng maraming layunin,
kasama rito ang edukasyon lalo na sa mga
pamantasan, kakayahan sa paggawa, relihiyon,
pulitika pagtulong sa kapwa o maging
paggawa ng krimen at maraming pang iba.
Tama, Mapapansin ang ilan mga pagkakaiba sa
kanilang kahulugan at layunin ngunit
mapapansin na kapwa mayroon kapasidad ang
fraternity at gang na makagawa ng masama sa
kapwa at makapagdulot sa kanilang
kapahamakan.

May mga Pinasalang Dulot ng Fraternity o


Gang. Ano ano ito klas? Gerogina paki basa. Ma’am pangunahing dahilan ng pagdami ng
karahasan sa loob ng paaralan.
Ano ang mababahagi ninyo klas sa karahasan
sa loob ng paaralan. Devora? Ma’am, may mga mag aaral na meyembro ng
fraternity at gang na nagkakalaitan sa loob ng
paaralan.
Tama, itinuturing nangngungunang dahilan sa
pagdami ng karahasan o krimen sa
kasalakuyan, sa loob man o labas ng paaralan.
Ano pa klas pinsala dulot ng Fraternity.
Angelo. Paki basa. Ma’am Pananakit na pisikal po.

Tama, ano ang dahilan ng pananakit na pisikal


Michael? Ma’am, Upang maging kasapi ng isang
fraternity o gang, isang inisasyon ang
kailangang maipasa. Ito ay kadalasang
naglalaman ng mga marahas na gawain katulad
ng pananakit na pisikal, pananamantala o
pagpatay.
Magaling, Ano pang pinsala dulot ng
Fraternity o gang klas. Paki basa james? Ma’am Pagkakulong po.

Tama, bakit sila nakukulong klas. Kimberly? Ma’am minsan po nagnanakaw sila!

Magaling, Ang pagiging kalahok ng isang


fraternity o gang ay maaring magdulot ng
kapahamakan, maaring maging dahilan ng
pagkakulong o kaya naman kamatayan.
Ano pang pinsala dulot ng Fraternity o gang
klas. Maari mo bang basahin hilarie? Maam Paggamit ng alcohol at droga!

Magaling, Ang paglahok sa isang fraternity o


gang ay halos palaging nangunguhulugan ng
paggamit ng alcohol at droga. Para sa kanilang
pakikisama sa grupo.
Ano pang pinsala dulot ng fraternity klas. Axl
paki basa. Ma’am, Paglagay sa sariling pamilya sa
kapahamakan.
Tama, Bakit maaring mapahamak ang pamilya
klas? Ma’am maaring ang kalaban ng kanilang grupo
ay pag gantihan ang kanilang pamilya.
Magaling, Inilalagay nito sa kapahamakan
maging ang sariling pamilya na siyang maaring
pagbalingan ng mga kalabang gang bilang
paghihiganti.

Naiintindihan ba klas? Opo ma’am.

Isa pang pinsala dulot ng ng fraternity o gang


ay paghinto sa pag-aaral. Bakit sila
napapahinto klas sa pag aaral? Maari mob a
mabahagi ang ideya mo Harold? Ma’am dahil sa pag sama sama sa kanilang
grupo.

Tama, Karagdagang ideya Ronaldo? Ma’am, nakakatamaran nap o nila ang pag
aaral sapagkat sa pakiramdam nila masaya
kasama ang kanilang grupo.
Mahusay, Karamihan sa mga miyembro ay
humihinto sa pag-aaral o di kaya naman ay
natatangal sa paaralan.

Ano pa pinsalang nadudulot ng fraternity o


gang klas. Jazzel? Ma’am pagkawatak watak ng pamilya

Tama, Nagkakawatak ang pamilya dahil sa


dala nilang kapahamakan.

Ano ang pang huli klas na pinsala dulot ng


Fraternity o gang? Jommel? Pagkakaroon ng takot sa katagalan.

Mahusay. Nagkakaroon na ng takot sa


katagalan dulot sa banta ng kanilang buhay.

E. PAGLALAHAT

Ngayon naman klas, magkakaroon muli tayo


ng laro, mabilisang sagot lamang ang ating
gagawin, may mga katanungan akong ipapakita
at ang isasagot ninyo lamang ay Tama o Mali.
Isulat ninyo ang tamang sagot sa gamit na
ibinigay ko sa inyo.

Maliwanag ba klas? Opo, Ma’am.

1.Ang karahasan ay maiiwsan kung nanaisin


lamang.
Sagot: Tama

2. Mabuhay sa takot.
Sagot: Mali

3. Kabutihan ng anak ang layunin ng mga


magulang.
Sagot: Tama
4. Gayahin ang pananamit ng iba upanghindi
ma-bully.
Sagot: Mali

5. Sumali sa gang upang maging sikat.


Sagot: Mali
IV. EBALWASYON
Ngayon naman klas base sa napag aralan natin
kayo ay nais kong gumawa ng isang maikling
roleplay tungkol sa ating napag-aralan bawat
grupo ay bubunot ng kanilang paksa. Mga Kabataang Nambubulas

Mga Dahilan ng Pambubulas

Epekto ng Pambubulas

Ngunit bago yun maari mo bang basahin ang


criteria para sa inyong roleplay Marco? Criteria:
DISIPLINA……….…………..……….30%
PAGKAKAISA NG …………………..25%
GRUPO
EKSPRESYON ……………………….25%
PAGKAMATOTOO NG DRAMA…..20%

Handa na ba kayong magpakitang gilas klas? Opo, Ma’am.


Sige Umpisahan na Roleplay klas.
(Aktibong manunuod ang mga mag-aaral)

Unang Grupo
Bigyan natin ng Pabebeng Klap ang
ikalawang grupo klas
Pangalawang Grupo
Bigyan natin ng Duterte klap ang ikatlong
grupo
Pangatlong Grupo
Bigyan natin ng Basic klap ang ikatlong grupo

V. Takdang Aralin

Klas, pakikopya ang inyong takdang aralin


para sa susunod nating pagkikita-kita. Basahin ang susunod na aralin
A. Paksa: Agwat Teknolohikal
B. Pahina: 340-348
C. Sangguniang Aklat: Paglalakbay ng
may Mabuting Asal
Tanggapin ang munting gantimpalang galing
sa akin.

Maraming salamat sa inyo partisipasyon.


Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili gamit
ang barangay clap. (Palakpakan ang mga mag-aaral)
Paalam klas. Paalam Ma’am.
DALTON ACADEMY
Magsaysay, Alicia, Isabela

MASUSING BANGHAY ARALIN


SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 8

Ika- 13 Marso, 2019

Inihanda ni: ERIKA V. ARCEGA


Gurong Nagsasanay

Sinuri ni: FE MAGBALETA SICUAN, Ph.D.


Gurong Tagasanay

You might also like