You are on page 1of 11

(DAILY LESSON Paaralan STA.

FE NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang Baitang 10


PLAN) Guro Jose D. Norcio Asignatura Isyu at Hamong Panlipunan
MASUSING Petsa o oras 03 – 19 – 2019 Markahan Ikatlong Markahan
BANGHAY 9:00 – 10:00 (T) - RIZAL
ARALIN

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may mang-unawa sa:
mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng
pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay :


nakagagawa ng mga malikhaing hakbang sa pagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iaba’t-
ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuuto AP10IKL – IIIe – F - 7


Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.

1.1 nailalahad ang mga karahasang naranasan ng mga kababaihan


1.2 nakagagawa ng slogan na may kaugnayan sa mga karahasan at diskriminasyong nararanasan ng
kababaihan.
1.3 nipapahayag ang sariling saloobin tungkol sa kung ano ang tamang gawin upang maiwasan ang
karahasan at diskriminasyon sa kababaihan.

KARAHASAN AT DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Kagamitan
1. mga pahina sa gabay ng guro
2. mga pahina sa kagamitang pangmag-aaral LM Pp. 301-
310
3. mga pahina sa teksbok
4. karagdagang kagamitan mula sa portal ng
learning resource
B. Iba pang kagamitang panturo Bond paper. Colored paper, manila paper, gunting, pentil pen. Laptop, projector
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at at Isang maganda at maliwalas na pagbati para sa mapanghamong umaga ngayon mga mag-aaral!
pagsisimula ng bagong aralin.
Ganon din po sa iyo aming guro!

Salamat, tayo ba ay may kahandaan na para sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman para sa bagong paksang
bibigyang talakayan?

Handang-handa napo aming guro!

Magaling, ngunit bago natin hamonin ang ating mga sarili para sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman, ibig kong
tayo ay magkaroon ng maikling panahon sa pagbabalik-tanaw sa ating nakaraang tinalakay upang malaman kung
tunay ngang ito ay inyong naisaulo at naintindihan.

Ano ngaba ang ating tinalakay noong nakaraang tagpo?

Ito po ay tungkol sa karahasang nararanasan ng mga kasapi ng LGBT at ng mga lalaki.

Tulad halimbawa ng anong karahasan?

Ang mga panlalait at pagmamaltarato at ang hindi sila nabibigyan ng sapat karapatan para
sa kanila sa lipunang kanilang kinabibilangan.

Kamangha-mangha! Tunay ngang inyong naintindihan ang ating binigyang talakay na paksa.
Mga mag-aaral, sa pontong ito ako ay may kaibigang nangangailangan ng inyong tulong sa kadahilanang ibig
niyang malaman ano ngaba ang pinagdaraanan ng iilang mga tao na katulad niya sa iba’t-ibang panig ng daigdig
at nais niya ng ito ay bigyan ng solosyon. Ngunit magagawa lamang niya ito kung tutulungan natin siya.Kayo ba
ay handang tulungan siya?

Handang-handa po aming guro!

Nagyon upang ating matulungan ang kaibigan kong si MAINE, siya ay may ibig na sabihin at ipahayag sa atin, at
ito ay kailangan na mabigyan ng katugunan.

Ang pagsubok na ibibigay niya sa atin upang siya ay matulungan ay tatawagin nating “FIND THE MISSING PIECE
OF ME”. Sa gawaing ito ay inyong kokompletohin ang mga salitang inyong nakikita sa harapan sa pamamagitan
ng pagpuna ng mga letrang kinakailangan. Ito ay upang malaman ni MAINE kung ano ngaba ang pinagdaraanan
ng kapwa niya mga kababaihan.

Nakuha?

Opo!

Ako ay tatawag ng tatlong mag-aaral na siyang tutulong sa kaibigan ko. Kayo ay bibigyan lamang ng tatlong
minuto para sa pagsubok na ito.

Naintindihan?

Opo aming guro!

Ang mga pahayag ni MAINE ay makikita sa kanyang hawak na bag. Kayo ang kukuha nito.

Kung magkagayon, ating simulan ang gawain!

(sisimulan ng mga mag-aaral ang gawain)


1. K__B__BA__HA__
2. KA__AH__S__N
3. DIS__RI__IN__S__ON

1. Kami ay mahihina kung ituring, sa utos ng lalaki, kami ay walang dapat na ibang gawin kundi sila ay sundin,
maging sa mga karapatan noon ay hindi mabibigyang pansin.ngunit gayon paman kami ay kaperaha ng mga
kalalkihan na kung saan ay nakatataas kung sabihin.
2. Mga pasakit at paghihirap, sa pisikal o emosyonal ay nagaganap,babae, lalaki at LGBT. Ito ay salahat
nangyayari.
3. Mga panlalait, nararanasan ng paulit-ulit, lahi at kasarian maaring basihan,maging pisikal na kaanyuan kung ‘di
kaaya-aya ay pagtatawanan.

Basi sa naging mga pahayag ng aking kaibigan, ano ngaba ang pinagdaraanan ng mga katulad niyang mga babae?

Aming guro, ito po ay tungkol sa mga karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan!

Tama ang inyong naging kasagutan!

Sapagkat sa araw na ito ating tatalakayin kong ano ngaba ang pinagdaraanan ng mga kapwa niya kababaihan sa
iilang panig ng daigdig na nais niyang matulungan kasama kayo.

Upang tuluyan nating atulungan ang kaibigan kong si MAINE na sagipin ang mga kapwa niya kababaihan, alam
niyang kayo ay may kakayahan na ngunit ibig niyang itong mga kasanayan ay taglayin niyo rin sapagkat ito ang
kailangan niyo upang kayo ay magtagumpay.

Maari bang pakibasa ng sabay-sabay!

(Babasahin ng sabay-sabay ng mag-aaral ang layunin.)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ano-ano ba ang mga karahasan o diskriminasyon na naranasan ng mga kababihan?


Ano ba ang maari mong magawa upang iyong maiwasan ang di maganang pakikitungo o hindi maayos na
pagtrato sa mga kababaihan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin “SINO AT ANO MAN ANG IYONG KATAYUAN SA LIPUNAN, ANG PAGKAKAPANTAY-PANTAY AY NARARAPAT
PAGDATING SA KALAYAAN AT KARAPATAN”

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Upang tuluyan nating matulungan ang aking kaibigan na si MAINE, may mga pagsubok pa tayong pagdaraanan at
paglalahad ng bagong kasanaayaan isa dito ay ang ipapagawa sa buong klase, nangsagayon unti-unting maibsan ang paghihirap na ga kababaihan na
ibig niyang makaalis sa kanilang kinalalagyan at pinagdaraanan. Ang buong klase ay hahatiin sa tatlo sa paaagitan
ng ga watawat na makikta niyo sa inyong upuan.

Para sa nakakuha ng watawat ng china ay siyang magiging unang pangkat

Para sa nakakuha ng watawat ng Africa na siyang magiging pangalawang pangkat.

Para sa nakakuha ng watawat ng India ay siyang magiging pangatlong pangkat.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na kung saan nakapaloob doon ang inyong gagawin at ang pagsubok
na inyong dapat bigyang solusyon upang matulungan ang aking kaibigan. Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang
ng limang minuto para sa pangkatang pagsasagawa at tatlong minuto para sa paglalahad sa buong klase.

Handa naba ang lahat?

Handang-handa na po aming guro!

At para sa inyong magiging gawain, narito ang ating pamantayan. Maari bang pakibasa ng sabay-sabay.

(Babasahin ng mag-aaral ng sabay-sabay)


RUBRIK

pamantayan 3 2 1
nilalaman Naibigay ng kompleto at Isa o dalawa sa kasagutan naTatlo o higit pa sa mga ideya at
tama ang mga hinihinging kanakailangan at hinihingi ay
impormasyon bilang sagot ay
ideya o impormasyon hindi naibigay. hindi nainigay ayun sa
bilang sagot sa katanungan katanungan.
Takdang Natapos ang gawain bago Natapos ang gawain mismo Natapos ang gawain na huli sa
oras ang nakatakdang oras. sa oras na nakalaan. nakatakdang oras.
Naging malikhain at kaaya- Di gaanong naging malikhain Hindi naging malikhain at
Pagiging aya ang paglalahad ng ang paglalahad ng pangkat kaaya-aya ang pagtatanghal ng
malikhain buong pangkat. ngunit ito ay naging kaaya- buong pangkat.
aya

May nais ba kayong baguhin sa ating pamantayan?

Wala napo sir!

Kung magkagayun, simulan ang gawain.

(sisimulan ng mag aaral ang nakatakdang pangkatang gawain.)

(pagkatapos ng pagsusuri ng bawat pangkat ay ang paglalahad ng paksa sa


buong klase)
(unang pangkat)

Ano ang FOOTBINDING SA CHINA?

Ang unang pangkat ay susuriin at kikilalanin kung ano nga ba ang footbinding sa China na itinuring na
diskriminasyon at karahasang naranasan ng mga kababaihan. Ito ay kanilang ilalahad sa buong klase sa
pamamagitan ng isang talk show.

(pangalawang pangkat)

Ano ang BREAST IRONING SA AFRICA?

Ang pangalawang pangkat ay naatasan na suriin at kilalanin kung ano nga ba ang Breast Ironing sa
Africa na itinuring na karahasan at diskriminasyong naranasan ng mga kababaihan. Ito ay kanilang
ilalahad sa buong klae sa pamamagitan ng isang pagbabalita.

(Ikatlong pangkat)

Ano ang SATI SA INDIA?

Ang pangatlong pangkat ay naatasan na suriin at kilalanin kung ano nga ba ang Sati sa India bilang
karahasan at diskriminasyong naranasan ng mga kababaihan. Ito ay kanilang ilalahad asa buong klase
sa paamagitan ng isang maikling pagsasadula.
(pagkatapos ay ang pagbibigay ng marka at ang paghuhusga)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan
F. Paglinang sa kabihasaaan Sa mga ipinakitang pagtatanghal na bawat pangkat bakit masasabing ito ay diskriminasyon o karahasan
sa panig ng mga kababaihan?

Sa kadahilan pong ating makikita at malalaman na ito ay labag sa mga karapat ng


tao.

Sa kadahilan pong ito ay nagbibigay ng hindi magandang karanasan at


kinalalagyan para sa mga kababaihan.

Dahil po tinanggalan nila ng kalayaan ang mga taong ito na magpahayag ng


kanilng mga saloobin at nais nila sa buhay. Sila ay walang kalayaang mamili.

(iba pang kasagutan galing sa mga mag-aaral)

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na Ngayon mga mag-aaral, nangsagayon ay tuluyan ng malutas ng mga kababaihan ang kanilang pinagdaraanan na
buhay hangad ng kaibigan kong si MAINE, muli ay may pagsubok kayong haharpin upang maisakatuparan ang lahat.

Bigyan ng mga katugunan ang iilan sa kanyang mga katanungan.

Bilang isang mag-aaral, ano ba ang dapat na inyong gawin upang ito ay hindi muling maranasan ng mga
kababaihan o ano pamang mga karahasan at diskriminasyon?

Ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pang-unawa ay daan upang ang mga karahasan at


diskriminasyon sa kababaihan o ano pamang kasaian ay maiwasan.

Ang igalang ang kanilng mga karapatan at ibigay ang kanilang mga kalayaan.

Sila ay unawain at mahalin.


Ang magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa mga karapatan at oportunidad ay
magiging daan upang maiwasan ang ganitong mga karanasan.
(Iba pang kasagutan galing sa mga mag-aaral)
H. paglalahat ng aralin
Unti-unti ng naiibsan ang mga paghihirap ng mga kababaihan na binibigyang pansin ni MAINE at dahil yon sa
tulong niyo. Kaya upang tuluyan ng sila ay makalaya, para sa huling pagsubok na inyong susuongin, humanda
ang lahat.

Sa loob ng bag ni MAINE ay may mga bugtong na ibig niyang ito ay bigyan ng sagot. Kung sino man ang
makakakuha ng tamang sagot ay ay ganipalang naghihintay at matutulungan rin ang mga kababaihang
tinutulungan ni MAINE at niniyo. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng tatlong minuto.

Ngayon mga mag-aaral, simulan ang gawain.

BUGTONG

1. Ang sundan ang aking asawa, sa pagpanaw niya ako ay sasama. Mahirap mang tanggapin, sa apoy ako ay
lalamunin, aking sinisinta hanggang sa kabilang buhay tayo ay magkapiling.

2. Sa aming mga kababaihan, kung sa ganda at rangya ang pagbabasihan. Mga paa ay kailangng maypagdaanan.
Kahit na mahirap at masakit, kailangan kahit na pilt, sapagkat sa lipunan ito ang tangap at maging sa
pagpapakasal ay basihan para daw sa magandang hinaharap.

3. Sa murang edad ng mga kababaihan, pisikal na pasakit ay nararanasan, mga bakal ay nakaabang na ayon sa
kanila ay proprotekta sa mga karahasan. Bakal daraan sa aming katawan sa paniniwalang kami ay
mapapangalagaan.

Nais iparating ng aking kaibigan ang kanyang lubos na pasasalamat sa kadahilanang siya ay inyong natulungan na
muling makita ang liwanag sa buhay na iilang kapwa niyang kababaihan.
I. Pagtataya ng aralin
Sa pontong ito, sa kadahilanang natulungan niyo si MAINE sa kanyang misyon sa buhay, bilang pasasalamat at
pagbibigay pugay sa tulong niyo ay magkakaroon kayo ng isang pasasalamat na salo-salo sa isang kondisyon, yon
ay ang gagawa kayo ng slogan na kung saan ay nagpapahayag kung ano ngaba ang dapat gawin upang maiwasan
ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan. Kayo ay bibigyan lamang ng tatlong minuto para sa
pagsasagawa at dalawang minuto para sa paglalahad.

Gawin ring basihan ang kaparehong pamantayan na ginamit sa naunang pangkatang gawain.

Simulan ang gawain.

(sisimulan ang gawain)

(pagkatapos ay ang paglalahd sa buong klase at ang pagbibigay ng marka sa lahat ng naging gawain ng bawat
pangkat at ang pagbibigay ng gantimpala.)

J. karagdagang gawain para sa takdang aralin


at remediation. Kilalanin ang iba’t-ibang pandaigdigang samahan na nagtataguyod upang maiwasan ang mga karahasan at
diskriminasyon pagdating sa kasarian.

V. Mga tala
VI. Pagninilay
A. bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80 %
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para se remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. alin sa mga stratehiya sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
G. anong kagamitang panturo ang aking
nadibuhona nais kung ibahagi sa mga kapwa
ko guro.
Cooperating teacher Student teacher

Sir ARNOLD AGUS JOSE DOLIM NORCIO

You might also like