You are on page 1of 9

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Petsa :
A. Pamantayang Ang mag -aaral ay… nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
Pangnilalaman nagsusulong ng agtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantaypantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag -aaral ay… may pag -unawa sa mga epekto ng mga isyu at
hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.

C. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan


at LGBT (Lesbian , Gay , Bi – sexual , Transgender).
Mga Tiyak na layunin

1. Naipapakita ang mga halimbawa ng diskriminasyon sa mga babae, lalaki


at LGBT
2. Nakikilala ang iba’t-ibang kilalang personalidad na babae, lalaki at LGBT
3. Nabibigay ang sariling saloobin tungkol sa pagkakaroon ng
diskriminasyon sa kasarian.

II. NILALAMAN Kasarian at Sekswalidad


III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng TG KONTEMPORARYONG ISYU, pahina 126-127
Guro
2. Mga pahina sa LM KONTEMPORARYONG ISYU Grade 10, pahina 294-304
kagamitang pang-mag-
aaral
3. Karagdagang kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resources o
nilalaman.
B. Iba pang Kagamitang Laptop, Projector, video clips
Panturo metacards at mga larawang may kaugnayan sa aralin
IV. PAMAMARAAN Panimulang Gawain
1. Pagsasagawa ng pambungad na panalangin
2. Pagbati
3. Pag tsek ng attendance
A. Balik-aral sa nakaraang Ang guro ay magtatawag ng 2-3 mag-aaral upang ibahagi sa buong klase
aralin o pagsisimula ng kung ano ang tinalakay sa nakaraang aralin.
bagong aralin
B. Paghahabi sa layunin ng Gawain 1- Balita-Suri
aralin Ipapakita ng guro sa mga mag-aaral ang balita tungkol kay Gretchen Diez,
isang transgender woman na kamakailan ay napabalitang nakaranas ng
diskriminasyon dahil sa pagbabawal sa kanyang gumamit ng banyo ng
babae.

Pagkatapos ay sasagutan ng mga mag-aaral ang sumusunod na


pamprosesong tanong:
1. Ano ang saloobin ninyo pagkatapos mapanood ang balita?
2. Para sainyo, may diskriminasyon ba talagang nangyari kay Gretchen
Diez? Sumasang-ayon ba kayo o tumututol sa ginawa sa kanya ng lady
guard? Ipaliwanag.
3. Naniniwala ba kayo na dapat ay payagan ang mga transgender na gaya
ni Gretchen Diez na gumamit ng banyong pambabae? Pangatwiran.

C. Pag-uugnay ng mga Gawain 2 Larawan-Suri


halimbawa sa bagong Ang guro ay magpapakita ng mga larawan sa mga mag-aaral na kailangan
aralin nilang suriin at ipaliwanag. Bibigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito.

Pagkatapos masuri ang larawan, pasasagutan sa mag-aaral ang mga


sumusunod na pamprosesong tanong:
1. Ano sa tingin ninyo ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
2. Nararanasan ba sa tunay na buhay ang mga kaganapan sa larawan?
Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng bagong Gawain 3. Unawain Mo!


konsepto at paglalahad Ipapabasa ng guro sa mga mag-aaral ang maikling teksto. Pagkatapos ay
ng bagongkasanayan #1. sasagutan ang pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang diskriminasyon?
2. Sino-sino ang kadalasang nakakaranas ng diskriminasyon?
3. Ano ang magagawa mo upang masugpo ang diskriminasyon sa ating
lipunan? Ipaliwanag ang sagot

E. Paglalahad ng bagong Gawain 4. Kilala Mo Ba Sila?


konsepto at paglalahad Gamit ang powerpoint presentation o instructional materials, ipapakita ng
ng bagong kasanayan #2 guro sa mga mag-aaral ang ilang mga babae, lalaki at LGBT na kilala sa iba’t
ibang larangan sa bansa at maging sa buong mundo.

1. Maliban sa mga nabanggit, may kilala ka bang


babae/lalaki/miyembro ng LGBT na matagumpay sa larangang
itinuturing na para sa babae/lalaki/miyembro ng LGBT? Ipakilala
sila sa klase

F. Paglinang sa kabihasaan( Gawain 6. May ‘K’ Ka!


Tungo sa formative Ang guro ay hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay
assessment )#3 gagamit ng metacards na ididikit sa modelong nakatalaga sa kanila. Isusulat
lamang ng mga miyembro ang mga trabahong sa tingin nila ay angkop sa
napili o naitalagang paksa.

Pangkat A- Lalaki
Pangkat B- Babae
Pangkat C- LGBT

Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay batayan sa trabahong


papasukan? Ipaliwanag.

G. Paglalapat ng aralin sa Gawain 6. Batas Ko, Sundin Mo!


pang-araw araw na Pasasagutan ng guro sa mga mag-aaral ang tanong na “Kung ikaw ay
buhay. gagawa ng batas patungkol sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay
ng bawat kasarian, ano ito at bakit ito ang napili mo?” (5 minuto)

H. Paglalahat ng Aralin Gawain 7. Tanong Ko, Sagot Mo!


Ibibigay ng guro sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng diskriminasyon?
2. Sino ang kadalasang nakakaranas ng diskriminasyon?
3. Bakit sila ang kadalasang nakakaranas ng diskriminasyon sa lipunan?
Ipaliwanag

I. Pagtataya ng Aralin Gawain 8. Punan Mo Ang Pagkukulang Ko!


Ang mga mag-aaral ay kailangang makumpleto ang mga sumusunod na
pangungusap:
1. Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa _______________________
_______________________ __ ______________________________
2. Ang hindi pantay na pagtingin sa lalaki at babae ay nakaapekto sa
lipunan dahil _______________________ _______________________ _
3. Mabibigyan ko ito ng solusyun sa pamamagitan ng
_______________________ __________________________________
Pamantayan sa pagbigay ng puntos

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Inihanda ni:

RUPERTA E. DE LEON ___________________________ __________________________


Guro sa AP 10

____________________________
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o
restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.

Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-


pantay ayon sa kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang
narating ng kababaihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media,
akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila
ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang
nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang lalaki
din ay biktima nito. Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton
(2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBT, ang kanilang
mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang
nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa
malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa
pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.

Ayon sa pag- aaral na ginawa ng United Nations Office of the


High Commissioner for Human Rights o UNOHCHR noong 2011
may mga LGBT (bata at matanda) na nakaranas nang di-pantay
na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya,
komunidad at pamahalaan. 56 Mahalagang malaman at
maunawan ang mga isyung kinakaharap ng lipunan na may
kaugnayan sa mga LGBT, sa mga babae at mga lalaki bagama’t
may CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms
of Discriminations Against Women (1979) na ang mga babae,
may ilang mga bansa at insidente pa rin ng hindi-pantay na
pagtingin at pagtrato sa mga babae.
TO : GRADE 10 EMPATHY PARENT/GUARDIAN
FROM : RUPERTA E. DE LEON
DATE : FEBRUARY 16, 2021
SUBJECT : 1ST HOMEROOM PTA MEETING

Please be informed that we will be having our 1st HomeRoom PTA Meeting on February 18, 2021, 7:30 in the morning
at Grade 10- Empathy Room.

Your presence is highly appreciated.

Agenda:

1. Election of Home Room PTA Officers


2. Home Room Projects
3. Distribution of Certificates for Awardees
4. Students’ Performance
5. Others

Thank you and God Bless!

RUPERTA E. DE LEON
Class Adviser
Annex A

Subject: Year Level:

WORKSHEET MODULE TOPIC DATE VERIFIED BY


NO. ( Subject/ Group
Head )
1
2
3
4
5
6

Prepared by: Verified by:

Noted by:

ARLANDO A. IMPERIAL JOSE O. ARCE


JHS Assistant Principal for Academics Assistant Principal II for Admin

Approved:

JEREMIAS F. MASAPOL JR.


Principal III

You might also like