You are on page 1of 2

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
SAN FERNANDO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Fernando, Camarines Sur
Unang Pamanahunang Pagsusulit
Araling Panlipunan
Grade 7

I. A. Piliin ang titik na tama ang sagot.


1. Ang pinakatanyag na bulubundukin o hanay ng mga bundok na may habang umaabot sa 2,415
kilometro.
a. Himalayas b. Hindu Kush c. Pamir d. Tien Shan
2. Ang mga bansang: Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore at East tImor ang bumubuo
sa,
a. Timog Asya b. Silangang Asya c. Hilagang Asya d. Timog-Silangang Asya
3. Ang bilang kung saan nahahati ang rehiyon sa Asya.
a. 3 rehiyon b. 2 rehiyon c. 5 rehiyon d. 4 na rehiyon
4. Ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.
a. Bansa b. kontinente c. rehiyon d. kalupaan
5. Ang pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig.
a. Heograpiya b. kultura c. kabihasnan d. lokasyon
6. Ang lupaing may damuhang matataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
a. Steppe b. Prairie c. Savanna d. Taiga
7. Ito ay matatagpuan sa Timog-silangang Asya particular sa Myanmar at Thailand. Lupain ng
pinasamang mga damuhan at kagubatan.
a. Steppe b. Prairie c. Savanna d. Vegetation
8. Ang uri ng damuhang may ugat na maababaw o shallow-rooted short grasses.
a. Steppe b. Prairie c. Savanna d. Vegetation
9. Ang uri o dami ng halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan at damuhan.
a. Steppe b. Prairie c. Savanna d. Vegetation
10. Ang disyerto na matatagpuan sa Mongolia at Hilagang China na pinakamalaki sa Asya.
a. Taklimakan b. Karakum c. Gobi desert d. Sahara Desert
11. Ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro.
a. Mt. K2 b. Mt. Everest c. Mt. Kan-chenjunga d. Mt. Fuji
12. Ang zero degree latitude at humahati sag lobo sa hilaga at timog na hemisphere nito.
a. Prime Meridian b. equator c. Latitude d. Longitude
13. Ang zero degree longitude.
a. Prime Meridian b. equator c. Latitude d. Longitude
14. Ang mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng prime meridian.
a. Prime Meridian b. equator c. Latitude d. Longitude
15. Ang mga distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator.
a. Prime Meridian b. equator c. Latitude d. Longitude
16. Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na
kalikasan.
a. Habitat b.biodiversity c. salinization d. temperatura
17. Ang mga hanging nagtataglay ng ulan na isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa
lipunan.
a. Monsoon b. topograpiya c. klima d.temperatura
18. Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon.
a. Monsoon b. topograpiya c. klima d.temperatura
19. Ang pinakamalaking lawa sa Asya.
a. Caspian Sea b. Lake Baikal c. Dead sea d. Aral Sea
20. Ang ilog na pinaniniwalaang nagsimula ang kabihasnan sa China.
a. Indus river b. Tigris River c. Huang Ho river d. Euphrates river

B. Deforestation Hinterlands Tibetan Plateau


Desertification Ozone Layer Tropical Rainforest
Ecological Balance Red Tide Lake Baikal
Global Climate Change Salinization Etnolinggwistiko
Habitat Siltation Wika
Punan ang bawat puwang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng parisukat.

21.____________tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o bahagyang tuyo


na kapag lumaon ay hahantong sa permamenteng pagkawala ng kapakinabangan.
22.____________ang proseso kung saan lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod
ng tubig papunta sa lupa.
23.____________ang tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.
24.____________ang balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang
kapaligiran.
25.____________ang parami at padagdag na deposito ng banlik na dal ng umaagos na tubig sa isang
lugar.
26.____________ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
27.____________ang pagbabago ng pandaigdigan o panrehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na
pagbabago sa daigdig o ng mga Gawain ng tao.
28.____________Ito ay isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng
ozone.
29.____________ang pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga kagubatan.
30.____________Ito ay isang malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar ngunit apektado ng
mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod.
31.____________Pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.
32.____________ang pinakamalalim na lawa.
33.____________ang pinakamataas na talampas sa buong mundo.
34.____________tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na myaay magkakaparehong wika,
kultura at Etnisidad.
35.____________ito ay isa sa mga batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya.

II. KILALANIN MO
Panuto: Kilalanin ang inilalarawan ng mga sumusunod. Isaayos ang ginulong letra para sa
tamang kasagutan.

36. Bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon (TIONPOPULA THROWG ETAR)
37. Bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan (MENTPOLYUN ARET)
38. Kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan. (PDG REP IPATAC)
39. Kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon. (SSROG MESCITOD DUCTPRO)
40. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat. (RACYLITE ARET)
41. Pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan. (SYONARGIM)
42. Inaasahang haba ng buhay. (EFIL TANCYPECEX)
43. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa. (SYONPOPALU)

III. PAG-IISA-ISA
Isulat sa bawat bilang ang tamang sagot.

A. Ang dalawang kategorya ng wika.


44.____________________ 45._________________________
B. Ang 5 rehiyon kung saan nahahati ang Asya.
46._____________________
47._____________________
48._____________________
49._____________________
50._____________________

Inihanda ni: ROMAR D. OLAÑO


Guro sa A.P. 7

You might also like