You are on page 1of 5

Pangalan:__________________________________ Petsa:_____________________________

Baitang/ Seksyon: ___________________________

UNANG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN


ARALING ASYAHO
I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot
1.Ano ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa na napapaligiran ng kapatagan.
a. Kontinente c. Kanlurang Asya
b. Kalupaan d. Timog- Silangang Asya
2.Ano ang tawag sa hanay ng mga bundok?
a.kabundukan c. bulkan
b.kapatagan d. talampas
3.Saang bansa matatagppuan ang Mt. Everest?
a.Pakistan c. India
b.Nepal d. Philippines
4. Anong kontinente ang binansagang “Father India at Liitle China ”
a.Silangang Asya c. Timog Asya
b.Hilagang Asya d. Timog-Silangang Asya
5.Ilan ang kabuuang sukat ng Asya?
a.7,862,336 c. 24,210, 000
b.44,486,104 d. 30,269,817
6. Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon ang____.
a. ideolohiyang political c.pagkakaisa
b.pagkakakilanlan d.modernisasyon
7.Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na”Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi”
a. sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi
b. ang wika ang susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
c. iba-iba ang wika ng mga tao
d. ang wika ay may iba-ibang layunin
8.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
a.Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
b. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig
c. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan,talampas, disyerto at kabundukan
d. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan
9. Sa isang artikulo sa isang pahayagan sinasabi na, “Ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliranin
pangkapaligiransa Bangalore, India. Ang kawalan ng posibilidad at epektibong pamamahala upang itapon ito sa maayos na pamamaraan ang
mga dahilan nito” Walang habas na pagtatapo ng basura kung saan-saan ang nagiging suliranin, alin sa sumusunod ang naging malaking
epekto nito sa kapaligiran ng Bangalore, India?
a.Nahaharangan ng mga daluyan ng tubig sa mga estado at ilog
b. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maaasido at organikong material
c. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig, at maging ang lupa
d.Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na dumadaloy sa irrigasyon
10.Sa mga sumusunod na usapin, alin ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity.
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
b.Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
c. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
d.Intruduksyon ng mga species na hindi likas sa isang particular na rehiyon
11. Ano ang tawag sa uri ng damuhang ugat na mababaw o shallow rooted short grasses.
a. prairie c. savannah
b. steppe d. taiga
12. Ilarawan ang katangian ng tundra o treeless mountain tract?
a.madami ang mga halaman na matatagpuan ditto dahil sa kaaya-ayang klima
b. coniferous ang kagubatang ito bunsod ng malamig na kilima
c. kakaunti ang mga halaman na matatagpuan dito at halos walang puno dahil sa malamig na klima
d. maliit ang damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang sila ng 10-13 pulgada ng ulan.
13. Ano ang tawag sa uri o dami ng mga halaman sa isang lugar?
a. savanna c. taiga
b. tundra d. vegetation
14. Ilarawan ang uri ng klima mayroon ang Silangan Asya.
a. klimang tropical c. Moonsoon climate
b. tag-araw d. tag-ulan
15. Ano ang tawag sa karaniwang panahon na nararanasan ng isang lugar sa matagal na panahon?
a. monsoon c. panahon
b. panahon d. klima
16. Ipaliwag ang kung bakit kabilang ang Pilipinas sa tinatawag na Ring of Fire?
a. dahil sa klima ng Pilipinas
b.dahil sa dami ng mga bundok na pumapalibot sa Pilipinas
c. dahil matatagpuan ang Pilipinas sa Pasipiko
d. walang tamang sagot
17. Sa anong rehiyon matatagpuan ang Pilipinas?
a. Timog-Silangang Asya c. Timog Asya
b. Hilagang Asya d. Kanlurang Asya
18. Ipaliwanag klima ng mga bansang napapabilang sa Timog-Silangang Asya.
a. mahaba ang taglamig at karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init
b. monsoon climate ang uri ng klima ng rehiyon
c. halos lahat nh bansa sa rehiyon ay may tropical na klima
d. hindi palagian ang pagbabago ng klima.
19. 1. Ang Hilagang Asya ay may mahabang taglamig na karaniwang nagtatagal ng anim na buwan.
2. Ang Kanlurang Asya ay may iba-ibang klima sa loob ng isang taon.
3. Ang Timog Asya ay nagkakaroon ng monsoon climate.
4. Ang Timog-Silangang Asya ay mayroon tropical na klima.
Alin sa mga sumusunod ang may tamang uri ng klima?
a. 1 at 2 c. 1 at 4
b. 2 at 3 d. 2 at 4
20. Ipaliwag ang dahilan ng pagkakahati-hati ng 5 rehiyon sa Asya.
a. Nahati- hati ang mga rehiyon dahil mas madali itong pamahalaan.
b. Nahati-hati ang mga rehiyon dahil magkaroon ng 5 Presidente
c. Nahati-hati ang mga rehiyon dahil isinaalang-alang ang paghahating pisikal , historical at kultural na aspeto.
d. Nahati-hati ang mga rehiyon dahil isinaalang-alang ang wika ng mga bansa.
21. Ano ang tawag sa kabundukang humahati sa mga kontinente ng Europe at Asya?
a. Bundok Everest c. Bundok Makiling
b. Bundok Apo d. Kabundukang Ural
22. Ang rehiyon na ito ay may anyong hugis tatsulok na may hangganang Indian Ocean sa timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga.
a. Kanlurang Asya c. Hilangang Asya
b. Timog Asya d. Silangang Asya
23. Anong rehiyon ang may pinakamalaking bahagi ng kalupaan ng Asya?
a. Timog-Silangang Asya c. Kanlurang Asya
b. Hilagang Asya d. Silangang Asya
24. Ano ang kahulugan ng Pacific Ring of fire?
a. Ang mga lugar ay nagtataglay ng ng maraming hanay ng mga bulkan.
b. Ang hugis ng lugar ay pabilog
c. Ang klima sa lugar na ito ay mainit
d. Ang lugar na ito ay umaapoy
25. Ano ang kahulugan ng salitang klima?
a. Ito ang panahong nararanasan ng isang lugar sa maiksing panahon
b. Ito ang pagkakaroon ng mainit o malamig na klima sa isang araw
c. Ito ang karaniwang panahon na nararanasan sa mahabang panahon
d. Ito ang pagkakaroon ng monsoon ng isang lugar.
26. Ano ang kahulugan ng “Fertile Crescent”
a. Nagtataglay ito ng mga lupain ng kabundukan at talampas
b. Nagtataglay ito ng matabang lupa at saganang supply ng tubig
c. Nagtataglay ito ng isang malawak na tangway na napapaligiran ng iba’t-ibang anyong tubig.
d. Nagtataglay ito ng mga bundok at karagatan
27. Ang mga lugar na Sri lanka , Maldives Afghanistan, Nepal at Bhutan ay matatagpuan sa anong rehiyon?
a. Kanlurang Asya c. Silangang Asya
b. Hilagang Asya d. Timog Asya
28. Ipaliwanag ang katangiang pisikal ng Kanlurang Asya.
a. Ito ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa Hilangang Silangang bahagi ng Africa.
b. Ang rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at maikling panahon ng tag-init.
c. Hugis tatsulok na may hangganang Indian Ocean sa timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga
d. Ang rehiyon na ito ay may pisikal na hangganan tulad ng Gobi desert, Mongolian-Tibetan Plateus, at ang Himalayas
29. Ipaliwanag ang katangiang pisikal ng Timog-Silangang Asya.
a. Ito ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa Hilangang Silangang bahagi ng Africa.
b. Ang rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at maikling panahon ng tag-init.
c. Hugis tatsulok na may hangganang Indian Ocean sa timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga
d. Ang rehiyon na ito ay may pisikal na hangganan tulad ng Gobi desert, Mongolian-Tibetan Plateus, at ang Himalayas
30. Ipaliwanag ang katangiang pisikal ng Silangang Asya.
a. Ito ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa Hilangang Silangang bahagi ng Africa.
b. Ang rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at maikling panahon ng tag-init.
c. Hugis tatsulok na may hangganang Indian Ocean sa timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga
d. Ang rehiyon na ito ay may pisikal na hangganan tulad ng Gobi desert, Mongolian-Tibetan Plateus, at ang Himalayas
31. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa deforestation. Ano ang iyong gagawin upang matigil ito?
a. magtanim ng mga halaman at punong kahoy
b. huwag magpuputol ng mga punong kahoy
c. ipaputol ang mga punong kahoy malapit sa inyong bahay
d. A & B
32. Papaano nagkakaroon ng Salinization?
a. dahil sa maling proceso ng irrigasyon
b. dahil sa maling paggamit ng tubig
c. dahil sa maling paggamit ng pinagkukunang yaman
d. dahil sa maling paggamit ng lupa
33. Paano nagkakaroon ng Red Tide?
a. ito ay sanhi ng pagtatapon ng kulay pulang liquido sa karagatan
b. ito ay sanhi ng dinoflagellates
c. ito ay sanhi ng pagtatapon ng ketchup
d. walang tamang sagot
34. Paano naaapektuhan ng Urbanisasyon ang Hinterlands?
a. dahil sa mga Hinterlands kumukuha ng pangunahing pangangailangan ang mga taga lungsod
b. dahil sa mga Hinterlands kumukuha ng pangunahing pangangailangan ang mga taga baryo
c. dahil malapit sila sa lungsod
d. walang tamang sagot
35. Paano nagkakaroon ng Global Climate Change?
a. ito ay dulot ng likas na pagbabago
b. ito ay dulot ng walang habas na pagtatapon ng basura
c. ito ay dulot ng walang habas na pagpuputol ng kahoy
d. ito ay dulot ng likas na pagbabagoo ng daigdig at mga Gawain ng tao
36. Ano ang land conversion?
a. ito ang pagbabago ng kakayahan ng lupa upang mapakinabangan ng mas madaming tao.
b. ito ay ang pagtatanim ng mga punong kahoy
c. ito ay ang pagpuputol ng mga punong kahoy upang mapakinabangan sa paggawa ng bahay
d. walang tamang sagot
37. Ano ang Migrasyon?
a. ito ang inaasahang haba ng buhay ng tao
b. ito ang kita ng bawat tao sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan.
c. ito ang pandarayuhan o paglipat ng lugar na tirahan
d. tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa
37. Ano ang Populasyon?
a. ito ang inaasahang haba ng buhay ng tao
b. ito ang kita ng bawat tao sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan.
c. ito ang pandarayuhan o paglipat ng lugar na tirahan
d. tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa
38. Ano ang life expectancy?
a. ito ang inaasahang haba ng buhay ng tao
b. ito ang kita ng bawat tao sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan.
c. Ito ang pandarayuhan o paglipat ng lugar na tirahan
d. tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa
39. Ano ang GDP per capita?
a. ito ang inaasahang haba ng buhay ng tao
b. ito ang kita ng bawat tao sa loob ng isang taon sa bansang kanyang panahanan.
c. ito ang pandarayuhan o paglipat ng lugar na tirahan
d. tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa
40. Ano ang Population Growth Rate?
a. ito ang inaasahang haba ng buhay ng tao
b. ito ang bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon.
c. ito ang pandarayuhan o paglipat ng lugar na tirahan
d. tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa
41. Anong bansa ang nagpaptupad ng 1 child policy?
a. Pilipinas c. Thailand
b. China d. England
42. Anong bansa ang nagpatupad ng Quality Family 2015?
a. Canada c. Brunei
b. Afghanistan d. Indonesia
43. Ang mga Asyano ay nahahati sa sa iba-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan nito. Ano ang tawag sa pagpapangkat
na ito?
a. etniko c. nomad
b. katutubo d. etnolingguwistiko
44. kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon ang ___________.
a. ideolohiyang political c. modernisasyon
b. pagkakakilanlan d. pagkakaisa
45. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi.”
a. ang wika ay may iba-ibang layunin c. wika ang susi sa pag-unlad ng kultura
b. iba-iba ang wika ng iba-ibang tao d. wika ang pagkakakilanlan ng isang tao
46. Ang Asya ay kasalukuyang dumaranas ng iba’t-ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na
nakakaapekto sa sapag-unlad ng mga bansa. Ikaw bilang isang kabataan ay naanyayahan ka na dumalo aa isang pagpupulong upang talakayin
ang solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran. Ano ang iyong imumungkahi?
a. dumulong sa United Nations upang malutas ang suliranin
b. ipagbawal ang paggamit ng plastic
c. magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak
d. magsagawa ng kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran.
47. Sa mga sumusunod na usapin, alin ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity ng Asya?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
b. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
c. walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
d. introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang lugar o rehiyon.

POPULASYON BILIS NG EDAD 0-14 EDAD 15-64 EDAD 65+


BANSA PAGLAKI NG
POPULASYON
Sri Lanka 20 237 730 0.86 24.9 67 8.1
Laos 6 320 429 2.29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229 964 723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127 156 225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1 198 003 272 1.38 29.3 65.2 5.6
48. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon ano ang tamang pagkakasunod-sunod?
a. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
b. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka at Laos
c. Sri lanka, India, Inodnesia, laos at Japan
d. Japan, India, Indonesia, laos at Sri lanka
49. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng populasyon, sumusunod ang Sri
lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki sa India at Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng
populasyon ng isang bansa?
a. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon
b. Upang magamit ang pagplano sa pamilya
c. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao
d. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ngmga patakarang na makakapagpabagal o makakapagpabilis ng pagdami ng
tao.
50. Ang malaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unting lumiliit. Makikita sa talahanayan na bumababa ang bahagdan
ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Japan at Sri lanka. Ano ang ipinapahiwatig nito?
a. Mabisa ang impluwensya ng mga bansang kanluran
b. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan
c. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang pagkakaroon ng anak
d. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay
51. Ito ay nauukol sa pag-aaraal ng daigdig at ng mga taong naninirahan dito.
a. Heograpiya c. Hinterlands
b. Ekonomiks d. Etnisidad
52. Ito ay isang uri ng anyong lupa na tuyo at mainit.
a. Hinterlands c. Lungsod
b. Asya d. Disyerto
53. Ano ang tawag sa pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng may buhay na bumubuo sa natural na kalikasan.
a. Biodegradable c. Bundok
b. Biodiversity d. Tamlampas
54. Ito ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mga bato, putik, lahar at abo.
a. Bulubundukin c. Bundok
b. Bulkan d. Tamlampas
55. Ang mga mamamayan ng Ngalops ay matatagpuan sa anong bansa?
a. Bhutan c. China
b. Thailand d. Indonesia
56. Ito ay isang uri ng anyong lupa na may malawak at pantay o patag na lupa.
a. Pulo c. Talampas
b. Kapatagan d. Kabundukan
57. Ito ay isang uri ng anyong lupa na may mataas na anyong lupa na nagtataglay ng mga bato at lupa.
a. Bulkan c. Tangway
b. Bulubundukin d.Bundok
58. Ito ay isang uri ng anyong lupa na napapaligiran ng tubig.
a. Pulo c. Bundok
b. Bulkan d. Tamlampas
59. Ito ay isang uri ng anyong lupa na patag at makikita sa pagitan ng mga bundok o sa gilid ng mga ilog.
a. Pulo c. Lambak
b. Kapatagan d. Kabundukan
60. Ano ang tawag sa grupo ng mga maliliit at malalaking pulo?
a. Pulo c. Kapatagan
b. Talampas d. Kapuluan

II. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung ang pangungusap ay hindi wasto.
____ 1. Ang mga pagkain ng mga tao at maging ang produktong panluwas ay nagmula sa pangingisda.
____2. Kung malawak at mataba ang lupain mas natutugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa.
____3. Marami ang mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod sa klasaganahan nito sa sa likas na yaman.
____4. Ang patuloyt na pagami ng tao ay nangangahuluhang patuloy din ang pagdami ng nangangailanganng ikabubuhay at panahanan nito.
____ 5. Habang lumalaki ang populasyon ngunit ang lupa ay hindi.
____ 6. Ang Timog Silangang Asya ay makikita sa Timog ng China at Japan.
____ 7.Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya particular na ang China na sumasakop ng 20% sukat ng
kontinente.
____ 8. Nahahati sa 3 rehiyong pisikal ang Kanlurang Asya, ito ang Northern Tier, Arabian Peninsula at Fertile Crescent.
____9. Ang ilang bahagi ng Hilagang Asya ay may malalawak ba damuhan na may iba’t-ibang anyo tulad ng steppe, prairie at savanna.
____10. Ang Timog Asya ay hugis parisukat.
____ 11. Populasyon ang tawag sa dami ng tao sa isang lugar.
____ 12.Ang GDP ay ang pandarayuhan o paglipat ng tirahan.
____ 13. Literacy Rate ang tawag sa kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
____ 14. Unemployment Rate ang tawag sa bahagdang ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan.
____ 15. Life Expectancy ang tawag sa inaasahang haba ng buhay.
____ 16. Asyano ang tawag sa mga taong nakitira sa Asya.
____ 17. Ang kabuhayan ang isa sa mga batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya.
____ 18. Wika ang ginagamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan.
____ 19. May 2 kategorya ang wik, ito ay ang tonal at non-tonal.
____ 20. Ang wika ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura ng mga etnolingguistiko.
III. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot

Deforestation

29.0 Alkalinization Global Climate Change

Red Tide Desertification China

Habitat Ecological Balance Asya

Silation Ozone Layer India

Salinization Bangladesh 1,345,750,973

Hinterlands Carbon Dioxide

Over grazing Asian Ecology: Pressing Problems and Research Challenges

1. Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng tubig


2. Ito ay inlathalang artikulo nina J. Wu at C. Overton na tumutukoy sa mga problemang ekolohikal na nararanasan ng mga
Asyano.
3. Sa procesong tio lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin.
4. Tumutukoy ito sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo.
5. Ito ay ang pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng mga
Gawain ng tao.
6. Tirahan ng mga hayop.
7. Ano ang tawag sa pagkasira ng lupa kung saan ang kasasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop.
8. Ito ay lugar na malayo sa Urbanisasyon ngunit apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod.
9. Ito ang pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.
10. Sa procesong tio lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang alkaline.
11. Ito ay isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone.
12. Ito ay isang uri ng gas na ibinubuga ng tao.
13. Ang lugar na ito ay nakakaranas ng malubhang problema ng salinization.
14. Ito ang tawag sa pagdami ng deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.
15. Ito ay balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran.r
16. Ilan ang bahagdan ng mga taong marunong bumasa sa bansang Afghanistan?
17. Ano ang bansa ang may pinakamadaming populasyon sa buong mundo?
18. Ilan ang populasyon ng China?
19. Saang kontinente matatagpuan ang pinakamadaming bilang ng tao?
20. Anong bansa ang pangalawa sa may pinakamadaming bilang ng tao?

GOODLUCK BESHY! 

You might also like