You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN (7)

Panuto: Basahin ang bawat tanong o pahayag at mula sa opsyong may letrang A, B, C, at D ay piliin ang wastong sagot.
Itiman ang bilog na katumbas ng iyong sagot sa bawat bilang sa sagutang papel.

1. Sa pagtatakda ng lokasyon, mahalagang mabatid ang konseptong may kaugnayan dito, tulad ng mga natatanging
likhang guhit sa mapa at globo. Anong guhit ang dumadaan sa Greenwich, England at itinalaga bilang zero
degree longhitude?
a. Prime Meridian c. Tropiko ng Kanser
b. Ekwador d. Tropiko ng Kaprikorn
2. Ang lupain ng Asya ay umabot mula sa Artiko hanggang lampas ng ekwador. Batay sa tradisyon ano ang
hangganan ng Asya at Europa sa kanlurang bahagi?
a. Ural Mountains c. Caucasus Mountains
b. Mediterranean d. Pacific Ocean
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang walang katotohanan hinggil sa paghahating heograpikal ng Asya?
a. Karaniwang pinagsasama ang mga bansang may pagkakahawig sa lahi
b. Karaniwang pinagsasama ang mga bansang may pagkakapareho sa kultura at relihiyon
c. Pisikal na katangian ang tanging pinagbabatayan sa paghahati ng rehiyon sa Asya
d. Pinagbabatayan sa paghahating heograpikal ng Asya ang kasaysayan ng mga bansa
4. Anong rehiyon sa Asya ang kilala rin sa tawag na “Central Asia at Inner Asia”?
a. Kanlurang Asya c. Timog Asya
b. Silangang Asya d. Hilagang Asya
5. Kung ang Timog-silangang Asya ay nakilala bilang “Father India” at “Little China” dahil sa impluwensya ng
kabihasnan ng Tsina at India, ano namang rehiyon sa Asya ang pinagtatagpuan ng hangganan ng Aprika, Asya at
Europa?
a. Hilagang Asya c. Timog Asya
b. Kanlurang Asya d. Silangang Asya
6. Ano ang naging bunga sa pagkakahati ng Timog-silangang Asya sa 2 subrehiyon – ang Mainland Southeast Asia at
ang Insular Southeast Asia?
a. Tradisyong agrikultural ang nabuo sa rehiyon
b. Nagkakaroon ng sigalot sa pagitan ng dalawang subrehiyon
c. Dalawang magkaibang tradisyon ang nabuo sa rehiyon, ang agrikultural at pandagat
d. Umunlad ang kalakalan sa rehiyon
7. Sa anong kategorya kabilang ang mga rehiyong Timog, Timog-silangan at Silangang Asya na kakakitaan na
mataba at mayamang lupa, gayundin ng malaking populasyon?
a. Monsoon Asia c. Arid Asia
b. Artic Asia d. Insular Asia
8. Ano ang pananaw ng mga Kanluranin na nagsasaad na ang kultura at pamumuhay ng Asya ay bunga ng
sibilisasyong Europa, na ito’y tagatanggap lamang ng impluwensya mula sa dakilang tradisyon at kabihasnan?
a. Eurosentriko c. Sinosentriko
b. Asyanosentriko d. Devarajah
9. Ano ang pananaw ng mga Asyano na nagbibigay-diin sa ambag ng Asya sa sarili nitong kabihasnan at sa
kabihasnan ng daigdig sa pangkalahatan?
a. Oryentalismo c. Asyanosentriko
b. Sinosentrismo d. Eurosentriko
10. Umabot sa 44,900,000 kilometrong kwadrado ang kabuuang lawak ng Asya. Katumbas nito ang lawak
ng_______________?
a. Hilagang Amerika, Timog Amerika at Australia c. Timog Amerika, Aprika, Australia
b. Hilagang Amerika, Europa, Aprika d. Europa, Hilagang Amerika, Timog Amerika
11. Ang kontinente ng Asya at Aprika ay inuugnay sa bawat isa ng Isthmus of Suez na matatagpuan sa hilagang
bahagi ng Red Sea. Ano ang itinuturing na hangganan ng dalawang kontinente?
a. Kipot Bering c. Kanal Suez
b. Karagatang Artiko d. Kipot Gibraltar
12. Aling rehiyon ng Asya ang binubuo ng malalawak ng lupaing matigas na tinatawag na tundra? Mayroon din
ditong malalawak ng taiga at mga kabundukan?
a. Silangang Asya c. Timog-silangang Asya
b. Hilagang Asya d. Timog-kanlurang Asya
13. Dahil sa laki, tinatawag na subkontinente ang rehiyong ito. Dito matatagpuan ang Kabundukang Himalaya.
a. Silangang Asya c. Hilagang Asya
b. Timog-kanlurang Asya d. Timog Asya
14. Bakit kadalasang tinatawag ng “Land of Mysticism” ang Timog Asya?
a. Dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at relihiyong umusbong dito
b. Dahil sa Hinduismo ang pangunahing relihiyon dito
c. Dahil malaki ang teritoryong sakop nito
d. Dahil bahagi ng Timog Asya ang India na pinakamalaking bansa sa rehiyon
15. Vietnam at Indonesia ang pinakamaraming umani ng kape sa buong Asya. Samantalang Bangladesh naman ang
nangungunang bansa sa buong mundo sa pag-ani ang anong produkto?
a. jute b. niyog c. tubo d. seda
16. Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa malalawak na lambak at kapatagan?
a. Pagmimina c. Pagtotroso
b. Pagsasaka d. Pangingisda
17. Karamihan sa mga bansa sa Timog at Timog-silangang Asya ay nasa mababang latitude. Ano ang karaniwang
klima sa mga lugar na ito?
a. Tropikal c. Madalas ang bagyo
b. Umuulan ng yelo d. Mainit sa buong taon
18. Ang lupain sa Asya na hugis buwan ay nagtataglay ng matabang lupain at saganang suplay ng tubig. Ano ang
tawag sa bahaging ito ng Asya?
a. Arabian Peninsula b. Deccan Plateau c. Takla Makan d. Fertile Crescent
19. Ang mga bansa sa Timog-kanlurang Asya ay karaniwang nasa disyerto, mainit at salat sa tubig. Sa kabila nito,
mauunlad ang mga bansang UAE, Saudi Arabia, at Qatar dahil sa ___________
a. Suplay ng ginto b. Masaganang ani ng bigas c. Minang langis d. Nickel
20. Ang pagiging industriyalisado ng mga bansa ay nagdudulot ng kasaganaan at kaunlaran, ngunit ano ang
masamang kapalit ng industriyalisasyon?
a. Pagkasira ang likas na yaman c. Pagkawala ng biodiversity
b. Polusyon d. Lahat ng nabanggit
21. Mga tao ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa dahil sila ang ________
a. Nangangasiwa sa pamahalaan
b. Nangangalaga at magpapalago sa yaman ng isang bansa
c. Sila ang gumagawa ng mga produkto na mapapakinabangan ng bansa
d. Lahat ng nabanggit
22. Saang rehiyon sa Asya makikita ang mga bansang halos nakalutang sa “dagat” ng langis?
a. Timog-kanlurang Asya b. Silangang Asya c. Hilagang Asya d. Timog Asya
23. Ito ay isang malawak na sona kung saan madalas nagaganap ang paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan
na maaaring magdulot ng paglindol. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap
dito.
a. Moonson Belt b. Pacific Ring of Fire c. Eastern Ghats d. West Bank
24. Bakit kaya mabagal ang pag-unlad ng mga bansang kapuluan sa Asya tulad ng Pilipinas at Indonesia?
a. Kulang sa likas na yaman c. Magkakalayo ang mga pulo
b. Tama ang mga tao d. Maraming tao sa mga pulo
25. Hindi lahat ng bansa sa Asya ay biniyayaan ng likas na yaman, subalit hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-
unlad. Ano ang mabuting dulot nito?
a. Naging masipag at matiyaga ang mga Asyano c. Nagkaroon ng lakas ng loob at determinasyon
b. Umasa sila sa kanilang sariling kakayahan d. Lahat ng nabanggit
26. Sa bansang ito matatagpuan ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium at tungsten.
a. Maldives b. Malaysia c. Tsina d. Pilipinas
27. Ang pinakamatabang lupa sa Myanmar ay matatagpuan sa lambak ng mga Ilog na ___________
a. Irrawady at Sittang b. Mekong at Tonle Sap c. Indus at Ganges d. Tigris at Euphrates
28. Malaking isyu sa Asya ang lumalaking populasyon dahil nagdudulot ito ng mga poblemang tulad ng _____.
a. Pagkaubos ng lupang taniman c. Pagkawasak ng mga yamang-likas
b. Pagsisikip sa mga kalunsuran d. Lahat ng ito
29. Ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo, na kapag lumaon, ay
hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity?
a. Salinization b. Desertification c. Alkanization d. Intensification
30. Alin sa mga sumusunod ang dahilang ng mabilis na pagkawala ng biodiversity?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon c. Pang-aabuso sa lupa
b. Walang batas na pagkuha at paggamit ng likas na yamand. Lahat ng nabanggit
31. Ang Spratly Islands ay pangkat ng mga pulo na pilit na inaangkin ng maraming bansa sa Timog-silangang Asya
dahil sa pinaniniwalaang may reserba itong langis. Ang Spratly Islands ay nakalatag sa ___.
a. Karagatang Pasipiko b. Dagat Timog Tsina c. Kipot Bering d. Dagat Sulu
32. Mahalaga sa grupong etnolinggwistiko ang kanilang pagkakakilanlang kultural, lalo na sa kanilang kinagisnanag
kaugalian at paniniwala. Alin sa mga sumusunod ang higit na nakatutulong sa paglinang ng kanilang
pagkakakilanlan?
a. Wika b. Kalakalan c. Transportasyon d. Kasuotan
33. Ang bansang Indonesia ay binubuo ng iba’t ibang grupong etnolinggwistiko. Allin sa mga sumusunod ang
pangunahing grupong etnolinggwistiko sa Indonesia?
a. Javanese b. Balinese c. Ainu d. Dravidian
34. Ang Gender Related Development Index ay naglalayong alamin ang katamtamang katuparan sa sektor ng
kababaihan. Anong bansa sa Asya ang nagtatala ng pinakamataas ng Gender Related Development?
a. Yemen b. Japan c. Taiwan d. China
35. Batay sa Human Poverty Index sa Asya, nakakaranas ang mga bansang Bangladesh, Pakistan, Nepal at India ng
matinding kahirapan. Sa anong rehiyong sa Asya kabilang ang bansang nabanggit?
a. Kanlurang Asya c. Timog Asya
b. Silangang Asya d. Hilagang Asya
36. Ang yamang tao ng isang bansa ay mahalaga sa pambansang kaunlaran, ngunit mas matatamo ito kung ang mga
yamang tao ay ________.
a. May sapat na edukasyon at malusog na pangangatawan c. May pangarap sa buhay
b. May sipag at tiyaga d. May determinasyong yumaman
37. Ano ang maidudulot ng pagkasira ng ecological balance o timbang ng kalagayang ekolohikal?
a. Kapahamakan sa mga tao c. Polusyon
b. Pagkakaroon ng sakit d. Pagkawala ng mga hayop
38. Anong bansa ang may pinakamalaking polusyon sa daigdig, base sa 2004 sensus?
a. India b. Tsina c. Pilipinas d. Indonesia
39. Sa paanong paraan nagiging kapaki-pakinabang sa ekonomiya ng isang bansa ang migrasyon?
a. Mabilis na paglaki ng populasyon sa lungsod
b. Nadagdagan ang mga reserbang dolyar ng bansa dahil sa padala ng OFW
c. Nagiging masaya ang mga lungsod sa pagdami ng tao
d. Lahat ng nabanggit
40. Ang patuloy na pagbilis ng paglaki ng populasyon ay nagdudulot ng ___________.
a. Kaginhawaan sa buhay c. kahirapan sa buhay
b. Kalinisan ng paligid d. kasayahan at kapayapaan
41. Ang usapin sa mabilis na paglaki ng populasyon ang isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga bansa sa
kasalukuyang panahon. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na hindi katanggap-tanggap na paraan sa
paglutas ng suliraning ito?
a. Boluntaryong kontrasepsyon c. Sapat ng edukasyon
b. Sistemang aborsyon d. mas malawig na karapatan sa kababaihan
42. Ano ang implikasyon sa populasyon kung mas mataas ang birth rate o bilang ng mga batang ipinapanganak?
a. Mas malaki ang potensyal sa paglaki ng populasyon ng isang bansa
b. Magiging masaya dahil maraming bata
c. Kakailanganin ang maraming paaralan para sa mga bata
d. Mga kabataan ang magpapaunlad ng bansa
43. Bakit kaya ang mga bansa sa Silangang Asya, tulad ng Hapon at Singapore ay may mataas na life expentancy o
inaasahang haba ng buhay?
a. Maginhawa ang kanilang pamumuhay at progresibo sa pangangalagang pangkalusugan
b. Umiinom sila ng bitamina at supplement
c. Nasa lahi nila ang mahabang buhay
d. Mas masustansya ang kanilang kinakain
44. Ang gross domestic product (GDP) ay ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon. Ang
hinating GDP batay sa populasyon ay tinatawag na ________.
a. Inflation rate b. Per capita income c. GNP d. deflation rate
45. Ano ang implikasyon ng kakulangan sa hanapbuhay at kawalan ng mapagkakakitaan ng mamamayan?
a. Kawalan ng pagkain para sa pamilya c. pagtaas ng bilang ng mga krimen
b. Kasalatan sa kalusugan at edukasyon d. lahat ng nabanggit
46. Ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga grupong etnolinggwistiko. Ano ang tawag sa wika na ang
kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbikas nito?
a. Nontonal b. stressed nontonal c. tonal d. lingua franca
47. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kontaminasyon sa dagat na
nakapagdudulot ng kasiraan sa kalusugan at pagkawala ng hanapbuhay?
a. Oil spill c. human waste
b. Basura galling sa mga barko d. lahat ng nabanggit
48. Ano ang pinakamahalagang yaman ng mga bansa sa Hilagang Asya?
a. Yamang tubig c. yamang lupa
b. Yamang mineral d. yamang gubat
49. Mahigit 80% ng langis sa Timog-silangang Asya ay galling sa Indonesia at 35% ng liquefied gas sa buong daigdig
ay dito rin nanggagaling. Ano naman ang pangunahing mineral ng Pilipinas?
a. Langis c. tanso
b. Ginto d. diamante
50. Ang mga rainforest ay nagsisilbing tahanan ng milyun-milyong uri ng hayop at halaman. Sa anong rehiyon
matatagpuan ang karamihan ng rainforest sa Asya?
a. Hilagang Asya c. Silangang Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog Asya at Timog-silangang Asya

You might also like