You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 4A CALABARZON
DIVISION OF CALAMBA CITY
BUNGGO NATIONAL HIGH SCHOOL
BUNGGO, CALAMBA CITY, LAGUNA

FIRST PERIODICAL EXAM


ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: _________________________________________ ISKOR:_______________


BAITANG AT PANGKAT: ________________________________ GURO: Ryan A. Fernandez

Panuto: Suriin ng mabuti ang mga tanong o pahayag at ibigay ang tamang kasagutan sa bawat bilang. Piliin
lamang ang titik ng iyong sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Ito ay distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanlurang Prime Meridian.
a. latitude b. longitude c. equator d. Prime Meridian
2. Ito ay humahati sa globo sa hilaga at timog ng hemispero.
a. Tropic of Cancer b. Tropic of Capricorn c. longitude d. ekwador
3. Paano nakatulong ang paggamit ang mga linyang latitude at longitude sa paghahanap ng isang
lugar sa mapa?
a. Sa pamamagitan ng paggamit ng latitude at longitude madaling mahanap ang anumang lugar sa mapa.
b. Sa pamamagitan ng paggamitng latitude at longitude matagal mahanap ang anumang lugar sa mapa.
c. Hindi nakakatulong ang paggamit ng latitude at longitude sa paghanap ng anumang lugar sa mapa.
d. Wala sa nabanggit.
4. Ito ang pinakamalaking kontinente ng daigdig.
a. Aprika b. Asya c. Europa d. Hilagang Asya
5. Hinahati ng Equator ang globo sa dalawang hemispher, ang hilagang hemisphere at
_______________.
a. silangang hemisphere b. timog hemisphere
c. kanlurang hemisphere d. wala sa nabanggit
6. Alin sa mga sumusunod ang mga direksyong kardinal na makikita sa globo?
a. timog, kanluran, silangan at timog b. longitude, latitude, equator
c. Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn d. Prime Meridian
7. Ang lawak ng Asya ay umaabot ng hanggang 164° longitude at hanggang _________.
a. 85° latiutude b. 87°latitude c. 58° latitude d. 78° latitude
8. Ang lupain ng Asya ay umaabot mula sa Arctic hanggang lampas ng __________.
a. equator b. Prime Meridian c. longitude d. latitude
9. Ano ang dalawang linya na naging mahalaga sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar o bansa?
a. Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn b. equator at latitude
c. longitude at latitude d. lahat ng nabanggit
10. Ang mga sumusunod na bansa ay napabilang sa Timog Silangang Asya. Alin dito ang hindi
kabilang?
a.Pilipinas b. Vietnam c. Bhutan d. Thailand
11. May limang rehiyon ang kontinenteng Asya tulad ng Timog Silangang Asya, Silangang Asya,Timog
Asya, Kanlurang Asya, at ____________.
a. Europa b. Hilagang Amerika c. Aprika d. Hilagang Asya
12. Ang mga sumusunod na mga bansa ay kabilang sa rehiyon ng Timog Asya maliban sa isa,
a. Bharain b. Nepal c. India d. Pakistan
13. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _________.
a. Timog Asya b. Timog Silangang Pilipinas
c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya
14. Matatagpuan ang sumusunod na mga bansa sa Silangang Asya maliban sa isa ________.
a. China b. Japan c. Malaysia d. South Korea
15. Anong produkto ang malaki ang naitutulong sa pagpapaunlad at pag papalakas sa ekonomiya ng
Kanlurang Asya?
A. palay B. langis C. troso D. ginto
16. Aling bansa ang may pinakamalaking reserba ng langis sa Asya?
A. Iran B. Kuwait C. Saudi Arabia D. Qatar
17. Alin ang itinuturing na pinakamahalagang likas na yaman sa bansang India?
a. lupa b. tubig c. gubat d. Himalayas
18. Aling yamang mineral ang sagana sa Kanlurang Asya?
a. ginto at natural gas b. langis at petrolyo
c. Ginto at carbon d. Tubig
19. Ano ang pinakamahalagang yamang mineral ng Kyrgyztan?
a. ginto b. natural gas c. pilak d. tanso
20. Saang bansa nanggagaling ang mahigit 80% ng langis sa Timog- Silangang Asya?
a. Brunei b. Malaysia c. Indonesia d. Pilipinas
21. Paano nakaaapekto ang Indian Ocean sa pamumuhay ng mga tao sa Timog Asya?
a. malaking palaisdaan ng rehiyon b. daanan ng mga naglalakbay dagat
c. sentro ng turismo d. dito sila maliligo araw-araw
22. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga Asyano?
a. pagmimina b. pangingisda c. pagsasaka d. pagtrotroso
23. Paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang yamang lupa?
a. pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka
b. nagiging mga minero ang nakararami sa kanila
c. nagiging tagapagluwas ng mga produktong pansakahan.
d. wala itong naitulong sa mga mamamayan
24. Alin sa ibaba ang nililinang para sa hydroelectric power na siya namang pinagkukunan ng koryente?
a. yamang kagubatan b. yamang lupa c. yamang tubig d. yamang
mineral
25. Aling bansa sa Asya ang salat /kulang sa likas na yaman, subalit nangunguna sa industriyalisasyon?
a. Malaysia b. Indonesia c. Japan d. Pilipinas
26. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Ang Hilaga, Kanluran, Silangan, Timog, at Timog-Silangang Asya.
Sa anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Kanlurang Asya B. Silangang Asya C. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
27. Ang heograpiya ay hango sa wikang Greek na geographia. Ang salitang “geo” ay
nangangahulugang _________ samantalang ang “graphien” ay nangangahulugang ________.
A. tubig at pagtatala C. mundo at pagsusulat
B. lupa at pag-aaral D. klima at pagsasaliksik
28. Ito ay ang panaka-nakang hangin na nahahati sa dalawang uri. Nakaaapekto ito sa mga bansa sa
Indian Subcontinent at sa malaking bahagi ng Timog-Silangang Asya. Nagmula sa salitang Arabic na
“mausim” na nangangahulugang “season” o “seasonal wind”. Alin sa mga ito ang tinutukoy?
A. amihan B. klima C. habagat D. monsoon
29. Ang klima, lokasyon at pagkakaroon ng kabundukan, uri o dami ng halaman at maging ang lapit o
layo ng isang lugar sa mga anyo ng tubig ay mga salik kung saan nakikibagay ang tao sa kung paano
sila mamumuhay. Ano ang itinuturing na kalupaan na matatagpuan sa paanan ng bundok?
A. boreal forest B. disyerto C. mountain-lands D. tundra
30. Sakop ng bansang ito ang 7% ng lupa sa buong mundo, kaya naman ang kanilang bansa ang
nangunguna sa produksyon ng palay at iba pang mga pananim na pasok sa mga pangunahing
pangangailangan ng tao.
A. China B. Japan C. Pilipinas D. Singapore
31. Halos lahat ng bansa sa Asya ay nakasentro sa pagpapayabong ng mga
pananim na pinagmumulan ng pagkain. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bahagi ng
pamumuhay ng mga Asyano na nakakaapekto sa suplay ng pagkain.
A. agrikultura B. ekonomiya C. kultura D. panahanan
32. Nakatutulong sa pag-angat ng bansa ang pakikipagkalakan. Ito ay bahagi ng pamumuhay ng mga
Asyano na naapektuhan ng likas na yaman batay sa mga produktong maaaring ipagbili o bilin. Alin
sa mga ito ang tinutukoy?
A. agrikultura B. ekonomiya C. kultura D. panahanan
33. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng
likas na yaman nito. Anong aspeto ng pamumuhay ng mga Asyano ito kaugnay?
A. agrikultura B. ekonomiya C. kultura D. panahanan
34. Tinatayang ang bansang Kyrgyzstan ang may pinakamalaking deposito ng ginto sa buong mundo.
Saang rehiyon sa Asya nabibilang ang bansang Kyrgyzstan?
a. Hilagang Asya b. Timog Asya c. Kanlurang Asya d. Silangang Asya
35. Ano anong yamang mineral ang sagana sa Kanlurang Asya?
a. ginto at pilak b. langis at petrolyo c. magnesium at phosphate d. natural gas
at zinc
36. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya ay;
a. Pagsasaka b. Pangingisda c. Pagmimina d. Paghahayupan
37. Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t- ibang anyo nito maliban sa bansang
Mongolia dahil;
a. mabuhangin ang lupa dito. c. mabuhangin o tigang ang lupa dito
b. tigang ang lupa dito. d. walang tamang sagot
38. Saang mga pangunahing bansa sa Timog- Silangang Asya matatagpuan ang lupain ng
malalawak na kagubatan?
a. Pilipinas at Malaysia c. Thailand at Singapore
b. Myanmar at Brunei d. Vietnam at Cambodia
39. Ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa natural
na kalikasan ay tinatawag na _______.
A. Ecological Balance B. Biodiversity C. Ecosystem D. Ozone Layer
40. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang habas na pagkuha at paggamit ng likas na yaman
D. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon
41. Ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo.
A. Desertification B. Salinization C. Deforestation D. Ecological Balance
42. Balanseng ugnayan sa pagitanng mga bagay na may buhay atang kanilangkapaligiran.
A. Salinization B. Desertification C. Deforestation D. Ecological Balance
43. Pagkaubos at pagkawala ng mga punungkahoy sa mga gubat.
A. Ecological Balance B. Desertification C. Salinization D. Deforestation
44. Ito ay tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.
A. Hinterlands o Kabundukan C. Habitat o tahanan
B. Forest o kagubatan D. Sea o Dagat
43. Parami at padagdag na deposito ng banlik(putik)na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar. Ito ay
_________.
A. Salinization B. Siltation C. Deforestation D. Desertification
44. Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone. Ito ang
nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng
ultraviolet rays.
A. Siltation B. Atmosphere C. Temperature D. Ozone Layer
45. Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa
daigdig o ng mga gawain ng tao.
A. Global Climate Change B. Deforestation C. Ozone Layer D. Red Tide
46. Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat .
A. Red Tide B. Siltation C. Deforestation D. Salinization
47. Ang dalawang batayan sa paghahati ng grupong etnolinggwistiko.
A. relihiyon at lahi C. wika at kaugalian
B. etnisidad at wika D. etnisidad at pamahalaan
48. Populasyon ng isang lugar o bansa na may kakayahang maghanapbuhay upang mapaunlad ang
sarili at ang bansa sa kabuuan.
A. populasyon B. yamang-tao C. life expectancy D. migrasyon
49. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.
A. populasyon B. yamang-tao C. life expectancy D. migrasyon
50. Inaasahang tagal ng buhay ay ang karaniwang bilang ng taon na itinatagal ng buhay ng tao sa
isang bansa.
A. populasyon B. yamang-tao C. life expectancy D. migrasyon

Inihanda ni:

RYAN A. FERNANDEZ
Guro

Iniwasto ni:

EUFEMIA S. PANGANIBAN
Ulong-Guro 1

Binigyang-Pansin

LINO T. SANCHEZ, EdD


OIC-Principal / EPS Filipino

You might also like