You are on page 1of 2

PAGSASANAY NA PASULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7-QUARTER 1(MODULES 1-4)

Argao National High School


Canbanua, Argao, Cebu
S.Y. 2021-2022

Pangalan:______________________________________ Seksyon:________________ Petsa:_______________


Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ito ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.


A. Kasaysayan B. Heograpiya C. Siyensya D. Kultura
______2. Ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
A. Europe B. Africa C. Asya D. America
______3. Nahahati ang Asya sa limang rehiyon batay sa mga sumusunod na aspeto.
A. Pisikal, Historikal at Kultural C. Pisikal, Literatura at Mito
B. Biblikal, Legal at Mistikal D. Kultural, Alamat at Legal
______4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman
B. Ang hangganan ng Asya sa iba pang lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig
C. Ang Asya ay kinakikitaan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa:tangway, kapuluan, bundok kapatagan at talampas
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
______5. Ilang karagatan ang pumapaligid bilang pangunahing hangganan ng kontinente ng Asya?
A. Isa B. Dalawa C. Tatlo D. Apat
______6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga bansa sa Kanlurang Asya?
A. Iran B. Saudi Arabia C. Afghanistan D. Qatar
______7. Sa anong rehiyon ng Asya nabibilang ang bansang China?
A. Kanluran B. Hilaga C. Silangan D. Timog-Silangan
______8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga bansang Insular South East Asia.
A. Philippines B. Cambodia C. East Timor D. Malaysia
______9. Ito ang pinakamalaking lawa sa buong mundo
A. Lake Baikal B. Dead Sea C. Aral Sea D. Caspian Sea
______10. Ang itinuturing na pinakamahabang bulubundukin sa buong daigdig?
A. Himalayas B. Hindu Kush C. Caucasus D. Sierra Madre
______11. Isa sa mga pinupuntahan ng mga turista sa Cebu ay ang “Osmena Peak”itinuring na pinakamataas na bundok sa Cebu. Saang
bayan ito matatagpuan?
A. Alcoy B. Dalaguete C. Oslob D. Argao
______12. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan ng tao sa mga anyong lupa,maliban sa.
A.Pinakapangunahing lugar panirahan ng mga tao at hayop
B.Nagtataglay ng samutsaring yamang mineral
C. Depensa ng mga lugar sa mga malalakas na bagyo
D. Nagiging lugar tambakan ng mga basurang walang paglalagyan
______13. Paano naapektuhan ng mga kabundukan ang mga ilog ng Asya?
A. Tinutulungan ng mga bundok ang pagkakaroon ng tubig ng mga ilog.
B. Ang mga yelo sa tuktok ng bundok ang nagbigay daan sa pagsilang nga mga ilog.
C. Ang mga kabundukan ang nagpapahaba sa pagdaloy ng mga ilog.
D. Ang mga ilog ang nagbibigay buhay sa mga kagubatan ng mga bundok.
______14. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o
grasslands.Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa bahaging Russia at Manchuria?
A. Prairie B. Savanna C. Steppe D. Tundra
______15. Ang Siberia sa Hilagang Asya ay may kagubatang coniferous bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaring
nasa anyong yelo o ulan. Anong uri ng behetasyon ang ganitong kapaligiran?
A. Savanna B. Taiga C. Tundra D. Steppe
______16. Dahil ang Pilipinas at mga bansa sa Timog Silangang Asya ay matatagpuan sa malapit sa ekwador anong klima ang
nararanasan dito? A. Humid Continental B. Equatoriql C. Tropical D. Tundra
______17. Ito ay isang kagubatan na mataas ang antas ng pag-ulan.
A. Taiga B. Tundra C.Rainforest D. Savanna
______18. Sa mga bansang matatagpuan sa “Pacific Ring Of Fire”, anong salik sa heograpiya ang humuhubog sa katangiang pisikal ng
mga bansang ito?
A. Pagdating ng malalakas na bagyo C. Pagdating ng monsoon o hanging nagdala ng ulan
B. Pag-apaw ng mga pangunahing ilog D. Paggalaw ng lupa dulot ng pagputok ng bulkan
______19.. Anong uri ng anyong lupa ang Pilipinas? A. Bundok B. Pulo C. Bulubundukin D. Kapuluan
_____20. Si Mischa ay napili ng dibisyon para kumakatawan sa gagawing Youth Meeting sa Singapore na dadaluhan ng piling mag-
aaral ng iba’t ibang bansa sa Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa problemang kinakaharap ng mga kabataan sa Pilipinas.Alin sa
mga sumusunod ang dapat niyang ihanda at isaalang-alang?
A.Progress Report Chart ng Bansa
B. Datos na naglalaman ng mga suliranin sa bansa
C. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa mga problema ng kabataang Pilipino
D.Datos na naglalaman ng Suliranin at datos na naglalaman kung paano ito malulutas ng bansa
_____21.Bansa sa Timog Silangang Asya na nangunguna sa produksiyon ng langis ng niyog at kopra.
A. Pilipinas B. Bangladesh C. Mayanmar D. Brunei
_____22. Ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong mundo.
A. Saudi Arabia B. Qatar C. Bahrain D.UAE
_____23. Isang produktong panluwas sa Hilagang Asya ang caviar ng anong isda na likas dito?
A. Bangus B. Sturgeon C. Tilapia D. Tuna
_____24. Ano ang pangunahing mineral sa Pilipinas?
A. Ginto B. Bakal C. Tanso D. Pilak
_____25. Ang bansa na salat man sa likas na yaman ay nangunguna naman sa industriyalisasyon?
A. China B. Japan C. South Korea D. Qatar
_____26.Sagana sa bulak, ginto, at ibang mineral ang Hilagang Asya. Ngunit, di sapat ang suplay ng kanilang tubig dahil sa dahan-
dahang pagbaba ng tubig sa Aral Sea at kontaminasyon ng Ilog Amu Darya at Syr Darya dulot ng urbanisasyon. Ano kaya ang nararapat
gawin ng mga naninirahan doon?
A. imungkahi sa kinaukulan ang pagpababa ng populasyon
B. ipagpatuloy ang mga nakaugalian sa paggamit ng tubig
C. burahin na ang mga pangkalakalang ruta sa Aral Sea
D. maghanap ng bagong pagkukunan ng tubig
____27. Sakop ng bansang China ang halos 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin,Ito ay nangangahulugang?
A. Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao ang pagsasaka
B. Pagmimina at panghahayupan ang pamumuhay nila
C. Mainam ang mga lugar na itong pagpastulan
D. Pangingisda ang hanapbuhay ng mga tao dito
____28. Sa maraming bansa sa Timog Silangang Asya ,itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay.Bakit?
A. Maaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo,mais, at barley
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog Silangang Asya
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na prudukton ng rehiyong ito.
____29. Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?
A. Tajikistan B. Kyrgyztan C. Turkmenistan D. Uzbekistan
____30. Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?
A. Kanlurang Asya B. Timog Asya C. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
____31. Mayaman sa likas na yaman ang mga rehiyon sa Asya na kung saan nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya. Anong
rehiyon sa Asya ang sagana sa yamang mineral na langis at petrolyo?
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya C. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
____32. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya na nagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang
pangunahing produkto na iniluluwas ng bansang Pilipinas?
A. Langis ng niyog at kopra, palay, at Trigo C. Palay at Trigo
B. Natural gas at Liquefied gas D. Tilapia at Bangus
____33. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking
deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto? A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C.
Yamang Gubat D. Yamang Mineral

____34. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa Hilagang Asya, ano ang
mahihinuha mong maaaring maging hanap buhay ng mga naninirahan dito?
A. Pangingisda B. Pagmimina C. Pagsasaka D. Pagpipinta
____35. Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at nakapagpapalaki ng
produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang bansa. Anong larangan ang pinagtutuunan ng pansin
dito?
A. Agrikultura B. Ekonomiya C. Panahanan D. Turismo
____36. Anong bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya matatagpuan ang pinakamaraming puno ng Teak?
A. Brunei B. Myanmar C. Cambodia D. Vietnam
____37. Dahil sa lawak ng kalupaang sakop ng Timog Asya, alin sa sumusunod ang itinuturing na mahalagang yaman nito?
A. Bakal at karbon B. Palay C. Lupa D. Mahogany at palmera
____38. Kung ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra, alin sa sumusunod ang
pangunahing produkto ng Malaysia?
A. Tanso B. Liquefied petroleum gas C. Telang silk o sutla D. Sibuyas, ubas at mansanas
____39. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
A. Makapal at mayabong ang gubat sa Timog-kanlurang Sri-Lanka na hitik sa puno ng mahogany.
B. Ang Bangladesh ay sagana sa paghahayupan.
C. Ang pinakamahalagang likas na yaman ng India ay lupa.
D. Sa mga lambak ng Irrawady at Sitang River ang pinakamatabang lupa sa Myanmar.
____40. Alin sa sumusunod na likas na yaman ang nasa tamang pangkat?
A. Ginto, tanso, natural gas, Mayapis
B. Trigo, palay, barley, bulak at gulay
C. Bakal at karbon
D. Ganges, Brahmaputra, hydroelectric power

You might also like