You are on page 1of 8

DASMARIAS NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7: ASYA


(Unang Markahang Pagsusulit)

PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahin at unawain ang sitwasyon o pahayag sa bawat bilang. Ang bawat bilang ay may
apat na pagpipilian. Itiman sa sagutang papel ang bilang ng kumakatawan sa wastong
sagot.

MAGSIMULA RITO:
1. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon, saang rehiyon napabilang ang bansang South Korea?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
2. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa paghahating heograpikal. Paano isinasagawa
ang paghahating ito?
A. Ayon sa klima at behetasyon na nararanasan ng bansa
B. Depende sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa
C. Gamit ang batayang pisikal, kultural, historical at politikal
D. Isinasaalang-alang ang sukat at lawak

3. Sa hilagang bahagi, hangganan ng Asya ang Arctic Ocean, sa silangan ang Pacific Ocean, sa
timog naman ang Indian Ocean. Ito ang patunay na ang Asya ay _____________.
A. napapalibutan ng anyong lupa C. napaliligiran ng apoy
B. Napalilibutan ng hangin D. napaliligiran ng anyong tubig
4. Hango sa salitang Arabo na mausim na nangangahulugang season. Ito rin ay mga hanging
nagtataglay ng ulan.
A. Mansoon C. Mensoon
B. Mausun D. Monsoon
5. Ang HINDI tamang pagtatapon nito ay nagdudulot ng malaking problemang pangkalusugan sa
mga tao at problemang ekolohikal sa kalikasan.
A. Biodiversity C. Polusyon
B. Ecological Balance D. Solid Waste
6. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong upang mapangalagaan ang ating
mga likas na yaman?
A. Hindi pagtatapon ng basura kung saan-saan lalung-lalo na sa mga ilog at
estero.
B. Hindi pagsusumbong sa awtoridad sa mga namumutol ng puno ng walang
permiso.
C. Makikisama sa mga nanghuhuli ng mga hayop na malapit nang maubos
D. Pagwawalang bahala sa mga mangingisdang gumagamit ng dinamita at lambat
na may maliliit na butas.
7. Bakit higit na kailangan ang matalinong paglinang ng ating mga likas na yaman?
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan.
B. Upang magamit ito sa ating mga kagustuhan.
C. Upang hindi agad ito maubos at lalo pang maparami.
D. Upang maipamahagi ito sa lahat.
8. Anong suliraning pangkapaligiran ang tinutukoy ng pahayag: pag-alat ng lupa,dala ng mataas
na konsentrasyonng asin na nanggagaling sa ilalim ng lupa o kaya naman ay dala ng pag-agos ng
tubig.
A. Desertification C. Salinization
B. Red Tide D. Siltation
9. Sa Hilagang Asya matatagpuan ang mga Grassland tulad ng Steppe at Prairie. Nasa bahagi
naman ng Siberia ang Tundra at Taiga. Samantala ang malaking bahagi ng rehiyon na ito ng Asya
ay disyerto.
A. Kanlurang Asya C. Timog Asya
b. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
10. Ito ay isang rehiyon ng Asya na nagtataglay ng sobrang habang tag-lamig at may maigsing
tag-init. Hindi kayang tirahan ng tao ngunit nagtataglay ng matabang lupa.
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Silangang Asya
11. Ang Asya ay hango sa salitang Assyrian na ASU na nangangahulugang
A. Di sinisikatan ng araw C. Lubhang malamig
B. Lubhang mainit D. Sinisikatan ng araw
12. Pinakamalaking lawa sa Asya na matatagpuan sa ilang mga bansa sa Hilagang Asya.
A. Caspian Sea C. Sea of Marmara
B. Lake Baikal D. Taal Lake
13. Ang lugar na nagtataglay ng maraming hanay na mga bulkan at tinawag ding Circu-Pacific
Seismic Belt.
A. Pacific Seismic Fire C. Pacific Ring of Fire
B. Pacific Ocean of Fire D. Pacific Volcanic Fire
14. Hanging nagmumula sa Siberia patungong karagatan.
A. Amihan C. Monsoon
B. Habagat D. Southeast Monsoon
15. Hanging nagmumula sa karagatan patungong kontinente.
A. Amihan C. Monsoon
B. Habagat D. Southeast Monsoon
16. Kung ikaw ay taga-lungsod, ano ang dapat mong gawin upang makatulong ka sa
pagpapatupad ng tamang paraan ng pagtatapon ng basura?
A. Pagbabahay-bahay upang kolektahin ang basura
B. Paghihiwalay ng mga nabubulok sa di-nabubulok na basura
C. Paglalagay ng mga babala sa paligid ng lungsod
D. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan
17. Kung ang Uzbekistan ay nasa Hilagang Asya, saang rehiyon naman matatagpuan ang
Afghanistan?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
18. Ano ang epekto ng klima sa vegetation cover ng isang lugar?
A. Ang klima ang nagdidikta ng magiging uri ng halaman na uusbong o lalago sa isang
lugar.
B. Nakadepende sa uri ng klima ang pagdami ng mga uri ng halaman at puno sa isang
lugar.
C. Nasa klima nakasalalay ang mga pagkukunang yaman ng mga tao sa isang lugar.
D. Nakadepende sa klima ang pangyayari sa pagkaayos ng mga halaman sa isang lugar.
19. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa likas na hangganan ng bansang Pilipinas,
maliban sa
A. Ang silangang bahagi ay ang bansang Taiwan
B. Ang bansang ito ay napapaligiran ng dagat at karagatan
C. Matatagpuan sa kanlurang bahagi ang Vietnam
D. Sa silangang bahagi nito matatagpuan ang karagatang Pasipiko
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong karagatan sa daigdig na nakalibot sa
Asya?
A. Karagatang Artiko C. Karagatang Indian
B. Karagatang Atlantiko D. Karagatang Pasipiko
21. Ang rehiyong ito ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya. Sa hilagang silangang
bahagi ng Africa madalas ang pagtuyo ng mga ilog at lawa dahil sa sobrang init at walang ulang
nararamdaman dito.
A. Kanlurang Asya C. Silangang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog Silangang Asya
22. Sa paanong paraan nakatutulong ang mga hanay ng kabundukan sa magiging klima ng isang
lugar?
A. nagsisilbi itong proteksyon o harang sa malalakas na bagyo o sigwa.
B. nagbibigay ito ng ibat-ibang uri ng yamang mineral.
C. nakapagdudulot ito ng kasaganaan sa mga tao dahil sa ibat-ibang pananim na maaaring
anihin dito.
D. nakatutulong ito para sa kabuhayan ng mga tao
23. Ang matalinong paggamit ng likas na pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng
pangangalaga, paggamit ng wasto at kailangan lamang; at muling paggamit ng mga ito ay.
A. kapaligirang likas C. polusyon
B. konserbasyon D. yamang di nauubos.
24. Pinakasagana sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya. Anong pangunahing
yamang mineral ng mga bansa dito?
A. karbon at mineral C. langis at petrolyo
B. ginto at langis D. tingga at bakal
25. Ang makapal na kagubatan ng Taiwan ay matatagpuan sa mula sa hilaga hanggang sa timog
na bahagi ng bansa. Dahil sa ganitong katayuan, ano ang pinakamainam na pagkakakitaan sa mga
lugar na ito?
A. pagmimina C. pagtroroso
B. pagsasaka D. pangangalakal
26. Ito ay isang uri ng naipong mataba at pinong lupa sa lambak at bunganga ng ilog matapos
ang pagbaha.
A. Alluvial soil C. Oasis
B. Kaoliang D. Prairie
27. Umaabot sa 44,900,000 kilometrong kwadrado kasama ang mga pulo ang sukat ng Asya, 1/3
bahagi ng mundo ay sakop nito. Kung ihahambing ang laki nito sa ibang kontinente, ang Asya ay
katumbas ng pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog Amerika, Australia at apat na beses ang laki
ng kontinente ng ______________.
A. Africa C. Australia
B. Antartica D. Europa
28. Malaking bahagi ng kalupaan sa Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya kung saan ang
China ay sumasakop sa kabuuang porsiyento ng sukat ng kontinente.
A. 20% C. 30%
B. 25% D. 35%
29. Sa kasalukuyan, makikita ang ibat-ibang larawan ng pandaigdigang kalakalan sa Asya.
Hawak ng mga bansang Arabo gaya ng Kuwait ang malaking reserba ng langis, kontrolado naman
ng Thailand at Vietnam ang pagluluwas ng bigas, ang tsaa sa Sri Lanka at goma sa Malaysia.
Ipinahihiwatig lamang nito na ________________.
A. Ang Asya ay nagiging pandaigdigang kapangyarihan sa ekonomiya
B. Ang kaayusang pulitikal ay tatag sa Asya
C. Magiging malakas ang turismo sa Asya
D. Maraming manggagawa ang kailangan sa Asya
30. Sa usaping pangkapaligiran, alin ang HINDI direktang dahilan ng mabilis ng pagkawala ng
biodiversity sa Asya.
A. Introduksyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon\
B. Pagkakalbo o Pagkasira ng kagubatan
C. Patuloy na pagtaas ng populasyon
D. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
31.May mga pangkat etniko na itinuturing na uplander o naninirahan sa matataas na lugar at
mayroon ding lowlander na makikita naman sa kapatagan at mga baybaying dagat. Ano ang
batayan ng kanilang pagpapangkat?
A. Etnisidad C. Kultura
B. Panirahan D. Wika
32. Ang KanlurangAsya ay itinuturing na tagpuan ng iba t ibang kultura dahil sa estratehikong
lokasyon nito kung kayat tahanan ito ng ibatibang grupo ng tao .Alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang sa pangkat?
A. Assyrian C. Jew
B. Austronesian D. Persian
33. Kung ikaw ay nagnanais na magtungo sa bansang Bhutan, anong pangkat etnolingwistiko ang
inaasahan mong makilalala?
A.Arabs C. Ngalops
B.Balinese D. Tajiks
34. Makikita ang yaman ng kultura ng Tajikistan sa makukulay na tela na karaniwang hinahabi at
nilalagyan ng disenyo kagaya ng ng mga karpet na nasa mga dingding. Ano ang masasalaming
katangian ng mga Tajiks?
A. Kahusayan sa pagbuburda C. Kahusayan sa pakikipagkalakalan
B. Kahusayan sa Paglililok D. Kahusayan sa pagpipinta
35. Ang pagkakaroon ng ibat ibang wika na ginagamit sa rehiyon ng Timog Asya ang dahilan ng
pagkakaroon ng mayamang kultura nito. Alin sa mga sumusunod na wika ang hindi kasama sa
grupo ng mga taga TimogAsya?
A. Arab C. Indo Aryan
B. Dravidian D. Munda
36. Isa ang wika sa mga batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya. Bakit mahalaga rin ang wika
sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Asyano?
A. Gamit ito sa pakikipagtalastasan.
B. Nagbubuklod sa mga tao
C. Napapahalagahan ang kanilang kultura
D. Lahat ng nabanggit.
37. May dalawang kategorya ang ginagamit na wika sa Asya, ang tonal at non tonal language.
Bakit maikakategorya naTonal Language ang mga wikang Chinese,Tibetian, Burmese Thai at
Vietnamese?
A. Batay sa pagkakasulat ng letra
B. Batay sa tono ng pagbigkas
C. Dahil sa Stress ng pagbigkas
D. Dahilan sa mga letrang bumubuo dito
38. Ang mga Asyano ay nahahati sa ibat ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na
kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko C. Katutubo
B. Etnolinggwistiko D. Nomad
39. Ang mga Tajik ay isa sa mga sinaunang tao sa daigdig. Sa matagal na panahon paano
napanatili ng mga Tajik ang sinau-nang kultura at tradisyon ng kanilang mga ninuno?
A. Gumawa sila ng mga batas na susundin ng lahat
B. Mahuhusay ang kanilang mga naging pinuno
C. Sa pamamagitan ng matibay na samahan ng pamilyang Tajiks
D. Sa pamamagitan ng paglipat sa ibang lungsod
40. Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay binubuo ng ibat-ibang pangkat etnolinggwistiko.
Anong pangkat etnolingwistiko ang matatagpuan sa Indonesia?
A. Aeta C. Manchu
B. Balinese D. Ngalops
41. Ano ang iyong maipapayo upang mapanatili ang mayamang kultura ng mga pangkat
etnolinggwistiko?
A. Gayahin ang kultura ng mga dayuhan
B. Ilapit ang usapin sa National Historic Commission for Culture and the Arts
C. Makipamuhay sa mga katutubo
D. Pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa natatanging kultura ng mga
pangkat etnolinggwistiko.
42. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na Sinasalamin ng Wika ang kultura
ng isang lahi?
A. Ang wika ay may iba- ibang layunin
B. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
C. Iba-iba ang wika ng iba-ibang tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.
43. Austro Asiatic ang dalawang pamilyang matatagpuan sa Timog Silangang Asya, samantala,
saang rehiyon naman matatagpuan ang mga pangkat ng Sino-Tibetan, Indo-Aryan at Hapones?
A. Hilagang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya
44. Kamakailan ay nagkaroon ng framework agreement sa pagitan ng gobyerno at ng MILF na
tatawaging BANGSAMORO. Ano ang kahalagahan ng kasunduang ito sa mga Muslim na isa sa
pangunahing pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas?
A. magkakaroon ng sariling batas para sa mga Muslim
B. mapapalakas ang sandatahang lakas ng Pilipinas
C. mapapangalagaan ang pagkakakilanlan o identity ng mga Muslim bilang isang
pangkat etnolinggwistiko
D. pagpapanatili ng kapayapaan sa Pilipinas
45. Ang Bangsamoro ay isang political entity na naglalayong ipalit sa pangalan ng isa sa mga
kasalukuyang rehiyon ng Pilipinas. Anong rehiyon ito na matatagpuan sa Mindanao?
A. ARMM C. CARAGA
B. CAR D. SOCKSARGEN
46. Alin sa mga sumusunod ang tunay na kahalagahan ng yamang tao sa pagpapa-unlad ng
bansa?
A. Sila ang naglalantad ng katiwalian sa pamahalaan
B. Sila ang nangunguna sa pagpili ng pinuno ng bansa
C. Sila ang gumagamit ng kaalaman sa paggawa ng produkto para
kapakinabangan ng bansa
D. Sila ang nakikipag ugnayan sa pamahalaan ng ibang bansa upang
makipagkalakalan
47. Simula pa noong dekada 70 sinisikap na ng pamahalaan ng Indonesia na makontrol ang
mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa. Sa kasalukuyan Isinusulong ng Indonesia ang
programang Quality Family 2015. Ano ang binibigyang pansin ng programang ito?
A. Pagpapabuti ng kalidad at antas ng pamumuhay ng pamilya at pagkontrol sa
paglaki ng populasyon
B. Pagpapataas sa ekonomiya ng bansa
C.Pagbibigay trabaho sa mga miyembro ng pamilya
D. Pagpapataas ng kalidad edukasyon
48. Ang kaunlaran ng isang bansa ay maaaring masukat sa pamamagitan ng kabuuang halaga ng
produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang taon. Ano ang tinutukoy nito?
A. Birth Rate C. Gross Domestic Product
B. Economic Rate D. Literacy Rate
49. Ayon sa ulat ng United States Census Bureau, 60 bahagdan ng kabuuang populasyon ng
daigdig ay nagmula sa Asya. Patunay dito ay ang dalawang bansa na may pinakamalaking
populasyon ay matatagpuan sa Asya. Anu-ano ang dalawang bansang ito?
A. China at India C. Mongolia at Saudi Arabia
B. Japan at Korea D. Pilipinas at Indonesia
50. Taong 1979 ipinatupad ng China ang One Child Policy na naglalayong limitahan ang mabilis
na pagdami ng kanilang populasyon. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate
ng ng bansa. Ayon sa pinuno ng National Bureau of Statistics ang kasalukuyang populasyon ng
China ay binubuo ng karamihan ay may edad ,edukado at mga dayuhan. Ano ang mahihinuha sa
sitwasyong ito?
A. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang pantao
ng mga mag-asawa.
B. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon.
C. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng
ekonomiya nito.
D. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang
ipinatupad nito
51. Ang mga mag-asawang sumusunod sa patakarang One Child Policy ng China ay binibigyan ng
pabuya ng pamahalaan. Alin sa mga sumusunod na insentibo ang ipinagkakaloob sa pamilyang
sumusunod sa patakarang ito?
A. Hindi na kailangang magtrabaho ng mag-asawa
B. Libreng serbisyong pangkalusugan
C. Libreng edukasyon para sa anak
D. Pera, mahabang maternity leave at maayos na tirahan
52. Ano ang implikasyon ng mabilis na pagdami ng populasyon sa kalunsuran ng isang bansa?
A. Pagkakaroon ng kakulangan sa pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan
B. Pagkakaroon ng magandang hanap-buhay
C. Pagtatayo ng matataas na gusali
D. Pagtira sa mga pabahay ng pamahalaan
53. Ayon sa ABC News humugit kumulang 33 bata ang isinisilang sa India kada minuto 2,000 bata
kada oras at umaabot sa 48,000 kada araw. Ano mahihinuha sa mga datos na ito?
A. Ang India ay may mataas na employment rate
B. Ang India ay may mataas na fertility rate
C. Ang India ay may mataas na mortality rate
D. Mas marami ang mga babae sa India
54. Aling pangungusap ang nagpapahayag ng tuwirang ugnayan ng edukasyon at kaunlaran?
A. Ang edukasyon ay mahalagang salik sa pag-unlad ng isang indibidwal
at kaniyang bansa.
B.. Ang Japan at South Korea ay mga bansang nagtataglay ng mataas na
literacy rate
C. Ang literacy rate ay tinatawag ding antas ng kamuwangan
D. Malaki ang pagpapahalaga ng mga bansang Asyano sa edukasyon ng kanilang
mamamayan

Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na
mga tanong kaugnay nito.

Bansa Populasyon Bilis ng Edad


Paglaki ng 0-14 15-64 65+
Populasyon
Sri Lanka 20,237,730 0.86 24.9 67 8.1

Laos 6,320,429 2.29 36.1 60.1 3.7

Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6 6.4


Japan 127,156,225 -0.24 13.5 62.6 23.9

India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6

55. Kung susuriin ang talahanayan sa itaas, anong bansa pinakamabilis ang paglaki ng
populasyon?
A. India C. Laos
B. Japan D. Sri Lanka
56. Ayon sa mga datos na makikita sa talahanayan anong bansa ang may pinakamataas na life
expectancy?
A. India C. Laos
B. Japan D. Sri Lanka
57. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang
tamang pagkakasunod-sunod nito?
A. India, Indonesia, Japan,Sri Lanka at Laos
B. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
C. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
D. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
58. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng
paglaki ng populasyon , sumunod ang Sri Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang
paglaki nito sa India at Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng
populasyon ng isang bansa?
A. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
B. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
C. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran
na makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng tao.
D. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
59. Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti nang lumiliit. Makikita
rin sa talahanayan na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa
sa Asya gaya ng Japan at Sri Lanka. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan
kaya ipinagpapaliban ang pagkakaroon ng anak.
B. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataaas na antas ng pamumuhay.
C. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
D. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
60. Dahil sa pagdami ng tao, mas marami ang naghahati-hati sa pinagkukunang yaman. Alin sa
mga sumusunod ang maaaring maidulot nito?
A. Kaguluhan sa mga bansa
B. Kakapusan sa pagkain, damit, tirahan at gamot.
C. Migrasyon ng mga tao sa ibang lugar
D. Pagdami ng lakas paggawa
Mga Sagot:
1. C 16. B
2. C 17. C
3. D 18. B
4. D 19. A
5. D 20. B
6. A 21. A
7. C 22. A
8. C 23. B
9. A 24. C
10. A 25. C
11. D 26. A
12. A 27. D
13. C 28. A
14. A 29. A
15. B 30. A

31. B 46. C
32. B 47. A
33. C 48. C
34. A 49. A
35. A 50. C
36. D 51. D
37. B 52. A
38. B 53. B
39. C 54. B
40. B 55. C
41. D 56. B
42. D 57. A
43. C 58. C
44. C 59. B
45. A 60. B
ARALIN 1
EASY 1, 2, 3, 4,13,14,15,16
AVERAGE 17, 18, 19, 20, 21
DIFFICULT 27, 28

ARALIN 2
EASY 5,6,7,8,9,10,11,12
AVERAGE 22, 23, 24, 25, 26
DIFFICULT 29, 30

ARALIN 3
EASY 33,35,36,38,40,41,43,45
AVERAGE 31,32,34,42,44
DIFFICULT 37,39

ARALIN 4
EASY 48,49,51,52,55,56,57,60
AVERAGE 46,47,50,53,
DIFFICULT 54, 58,59

You might also like