You are on page 1of 9

UNANG MARKAHAN

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:__________________________________________ Pangkat:______________
Paaralan:__________________________________________ Iskor:_________________

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itiman ang bilog ng


tamang sagot.
1. Ayon sa mga heologo, ang vegetation cover ng mga lupain ang pinakahayag na
bunga ng klima sa isang lupain. Bunga nito mayroong mga lupaing magubat o
maraming puno, mayroon din namang madamo, at iba pa. Ano ang kaugnayan ng
uri ng vegetation cover ng lupain sa uri ng klima nito?
A. Ang vegetation cover ay umaangkop sa gawi ng mga taong naninirahan
dito.
B. Ang bawat uri ng vegetation cover na tumutubo sa isang lupain ay umaayon
sa uri ng klima nito.
C. Ang pagtubo ng vegetation cover sa isang lupain ay naaayon sa pagkakabahagi
ng temperatura.
D. Iniaayon ng vegetation cover ang kanilang pagiging produktibo sa uri ng
lupain.
2. Isang katangiang pisikal ng Hilagang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na
damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang ugat
na mababaw o shallow rooted short grasses? Kadalasan itong makikita sa
bansang Mongolia.
A. Savanna B. taiga C. prairie . D. steppe
3. Ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay mayayaman sa langis. Alin sa mga
sumusunod na mga gawain ang maaring naglinang sa mga bansa sa rehiyon
bilang mga pangunahing sentro ng pinagkukunan ng langis sa daigdig?
A. agrikultura B. pangingisda C. pagmimina D.pagtotroso
4. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon ayon sa kanyang pisikal, historical at
cultural na aspekto.. Ang mga bansang India, Afghanista at Pakistan ay bahagi ng
anong rehiyon?
A. Silangang Asya B. Timog Asya C. Kanlurang Asya D. Hilagang Asya
5. Anong rehiyon ng Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa,
Asya at Europe?
A. Timog Silangang Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Hilagang Asya
6. Ang ______ ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng
mahabang panahon ay?
A. Monsoon B. typhoon C. klima D. panahon
7. Ang unti- unting pagkatuyo ng lupa ay tinatawag na?
A. Salinization B. siltation C. erosion D. desertification
8. Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami at iba pang katangian ng tao na
magagamit sa paggawa ng produkto at serbisyo?
A. Yamang tao B. yamang mineral C. yamang lupa D. yamang dagat
9. Ang pagkakaiba ng klima sa Asya ay dahil sa kanyang ibat’ibang lokasyon at
topograpiya. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya ay
mahaba ang taglamig. Ano naman ang katangian ng klima sa Timog Silangang
Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at
tag ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, tagtuyot at tag-init ang nararanasan sa rehiyong ito.
D. Sobrang init sa rehiyon at kakaunti lamang ang kayang manirahan dito.
10. Isa sa mga isyung pangkapaligiran sa Asya ay ang pagrami at pagdagdag ng
deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar na nararanasan
ngayon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia. Ano ang tawag sa sa suliraning ito?
A. Desertification B. salinization C. climate change D. siltation
11. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat. Ang pagpapangkat ng mga
tao sa isang bansa na may magkaparehong wika, kultura, at etnisidad ay
tinatawag na?
A. etniko B. nomads C. katutubo D. etnolinguwistiko
12. Ano ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura at kasaysayan ng isang
lahi? Ito rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat.
A. Tradisyon B. wika C. kultura D. kasaysayan
13. Ang Pilipinas , kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Pasipiko ay nakalatag sa
isang malawak na sona . Ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay na
mga bulkan. Ano ang tawag dito?
A. Mariana’s trench C. Indo Gangetic Plain
B. Himalayan Mountain Range D. Pacific Ring of Fire
14. Ang Fuji ng Japan, Pinatubo ng Pilipinas at Krakatoa ng Indonesia ay halimbawa
ng anong anyong lupa?
A. Bulubundukin B. talampas C. bulkan D. tangway
15. Sa kasalukuyan ang Pilipinas na bahagi ng kontinenteng Asya ay dumaranas ng
iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na
nakakaapekto sa kaunlaran ng bansa. . Bilang isang mag-aaral ikaw ay
naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang makapagbigay ng
suhestiyon. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang problema?
A. Dumulog sa UNESCO at WHO upang matugunan ang mga suliranin..
B. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa
kapaligiran.
C. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak..
D. Magsagawa ng mga kampanya upang ipa-unawa ang kahalagahan ng kapaligiran
at tao sa pag-unlad ng isang bansa
16. Ang Asya ay isa sa pitong kontinente sa daigdig. Kontinente ang tawag sa
pinakamalaking dibisyon ng lupain. Ang mga sumusunod ay pamamaraan sa
pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa maliban sa.
A. Vegetation cover B. Latitude C. longitude D. absolute location
17. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig.
A.heograpiya B. sibilisasyon C.sosyolohiya D. araling panlipunan
18. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika
ang kultura ng isang lahi”.
A. Ang bawat lahi ay may wika.
B. Ang wika ang sagot tungo sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa.
C. Ang wika ang tulay upang makamit ng Asya ang pagiging matatag na bansa.
D. Ang pag-aaral ng wika ang susi upang mabatid ang katangian ng kultura ng
isang lahi.
19. Alin sa sumusunod na mga pisikal na salik ang sa palagay mo’y higit na
nakaragdag sa pagkakaroon ng mataas na porsiyento ng kakapalan ng tao sa
isang lupain?
A. Mala- disyertong lupain.
B. Pagkakaroon ng dagat at mga bulkan.
C. Masaganang lupain at likas na yaman.
D. Malamig na lupain at malamig na klima.

20. Ayon sa Asian Development Bank, nangunguna ang Bangladesh,


Indonesia,Pakistan, at Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na antas o
rate ng deforestation. Ilan sa mga dahilan ay ang sumusunod maliban sa.
A. pagkawala ng biodiversity C. pagputol ng puno para maging panggatong
B. pagkasunog ng gubat D. komersiyal na pagtotroso
21. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang
maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makakaapekto
nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga
sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran
upang umunlad ang kanyang kabuhayan?
A. Ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang
kakapusan at kakulangan ng pangangailangan mula sa limitadong
pinagkukunang-yaman
B. Ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at
pagpapalago ng kabuhayan at paggamit ng mga modernong makinarya sa
pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula dito
C. Ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng
pagpapaunlad unlad ng industriya o mga gawaing pangkabuhayan na hindi
isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa
pamamagitan ng mga programa
D. Ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa
pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga industriya, gayundin ang
pagpapalawak ng urbanisasyon
22. Isa sa naging sanhi ng pagkasira ng lupa kung saan ang kapasidad ng damuhan
ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop ay tinatawag na?
A. desertification B. overgrazing C. salinization D. pollution
23. Ang China ay mayroong 56 na pangkat etnolinnguwistiko na may kani- kaniyang
kultura at tradisyon.Sinasabi na ang pangkat na ito ay nagmula sa hilagang
bahagi ng China na mas kilala bilang Jurchen noong ika -7 siglo. Sino sila?
A. Ngalops B. Balinese C. Sharcops D. Manchu
24. Ang kanilang tahanan ay yari sa tabla, bato, putik at luwad. Kilala rin sila sa
pagtatayo ng mga malalaking templo na tinatawag na dzongs. Sila ang bumubuo
sa pinakamalaking bahagdan ng populasyon sa Bhutan.
A. Ngalops B. Balinese C. Sharcops D. Manchu
25. Sa maraming bansa sa Timog- Silangang Asya, itinuturing na pangunahing butil
na pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog Silangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa
pagtatanim.
D.Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito
26. Anong rehiyon ng Asya ang sagana sa yamang mineral na langis at petrolyo. Sila
din ang pinakamalalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig.
A. Silangang Asya C. Timog Asya
B. Hilagang Asya D. Kanlurang Asya
27. Piliin kung alin ang pahayag na hindi totoo ukol sa implikasyon ng likas na
yaman sa pamumuhay ng mga Asyano.
A. Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod ng kasaganaan nito sa likas
na yaman.
B. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas
nito ay nagmula sa ibang bansa.
C. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na
yaman nito.
D. Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan
ng ikabubuhay at tahanan.
28. Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. Ano naman
ang kahulugan ng population growth rate?
A. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na may edad 0-15.
B. Tumutukoy sa inaasahang haba ng buhay ng tao sa isang lugar
C. Tumutukoy sa bahagdan ng tao na lumipat sa ibang lugar sa loob ng isang taon.
D. Tumutukoy sa bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa sa bawat taon.
29. Ang India ang pangalawa sa mga bansa sa daigdig na may pinakamalaking
populasyon na umaabot ng humigit kumulang 1.22 bilyon na tao. Ang mga
sumusunod ang naging dahilan sa pagtaas ng populasyon ng India maliban sa.
A. pagbaba ng mortality rate
B. pagtaas ng fertility rate
C. pagtaas ng bahagdan ng migrasyon
D. pagkakaroon ng mataas na bilang ng nakapag-aral
30. Sa patakarang “One Child Policy” ng China, alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa probisyon?
A. Ang mag-asawang may isang anak ay tumatanggap ng one child certificate.
B. Para sa kaunlaran ng bayan dapat ipagbawal ang maagang pag-aasawa.
C. Kapag ang unang anak ay babae, pinahintulutan sila ng batas na
magkaroon ng pangalawang anak.
D. Ang mag-asawang sumusunod sa patakaran ay nakakatanggap ng
pabuya gaya ng pera at tirahan.
31. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano
mo maipakikita na ikaw ay yaman ng bansa?
A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong
mamamayan.
B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.
C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.
D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling
kapakanan.

Suriin ang talahanayan at sagutin ang mga katanungan ng bawat bilang.


Growth
Populasyon Gulang
Bansa
Rate 0-14 15-65 65+
127,103,38 13.4 61.8 24.8
Japan 8 -0.13
Singapore 5,567,301 1.92 13.6 78.3 8.1
Pakistan 193,238,86 1.55 34 61.7 4.3
8
Philippines 107,668.23 1.81 34 61.6 4.4
1
Uzbekista 28,929,716 0.93 25.3 70 4.7
n
Pinagkunan:CIA-The World Factbook
32. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon,
ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
A. Uzbekistan, Japan, Philippines, Singapore, Pakistan
B. Singapore, Japan, Uzbekistan, Philippines,Pakistan
C. Pakistan , Japan, Philippines, Uzbekistan, Singapore,
D. Pakistan, Singapore, Philippines, Japan, Uzbekistan
33. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng
pagbilis ng paglaki ng populasyon. Bakit mahalaga na malaman ang bahagdan ng
bilis ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
A. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
B. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya
C. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
D. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran
/programa na makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng tao.
34. Gamit ang talahanayan ano ang iyong konklusyon na mabubuo ukol sa
edad/gulang ng mga mamayan sa Asya?
A. May malaking bahagdan ng mga mamamayan sa Asya na bahagi ng labor force.
B. May malaking bahagdan ng mga matatandang mamamayan sa Asya.
C. Pagdating ng taong 2050 ang Asya ay mananatiling may pinakamalaking populasyon.
D. May mataas na bahagdan ng populasyon ang nagmumula sa grupo ng mga
bata.
35. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan upang matugunan ang problema
sa paglaki ng populasyon?
A.Ibawal ang maagang pag-aasawa.
B. Paigtingin ang kampanya para sa edukasyon ng bawat mamamayan.
C. Bigyan ng pabuya ang mag- asawa na walang anak.
D. Pagtuunan ng pansin ang mataas na bilang ng infant mortality rate ng bansa.
36. Ang isang bansa ay itinuturing na overpopulated kapag…
A. Ito ay sagana sa likas na yamang sumusuporta sa lumalaki nitong
populasyon.
B. Kulang ang lakas ng manggagawang kailangan sa mga pagawaan ng
industriya.
C. Ang populasyon ay nakahihigit sa likas na yamang kailangan upang
masuportahan ang mamamayan.
D. Higit na marami ang taong dumarayo kaysa umaalis sa bansa.
37. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa
kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
38. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng
karunungan sa pagbasa at pagsulat sa iyong bansang kinabibilangan?
A. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila.
B. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mga kabataang
hindi nakapag-aral.
C. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sa kanilang pag-
aaral.
D. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mga batang
walang kakayahang makapag-aral.
39. Hindi lingid sa ating kaalaman na lahat ng bagay ay may limitasyon at katapusan.
Bilang mag-aaral papaano ka makatutulong upang mapanatili ang mga likas na
yaman ng iyong lugar para sa susunod pang henerasyon?
A. Sasama ako sa mga illegal loggers na walang habas na pumuputol ng mga
puno sa kagubatan.
B. Makikiisa ako sa aking mga kanayon sa pagsusulong ng mga gawaing
makakabuti sa aming lugar tulad ng pagtatanim ng puno sa mga nakakalbo nang
kabundukan.
C. Ipagwawalang - bahala ko na lamang ang lahat dahil naririyan ang aking mga
kapuwa para sila ang gumawa ng mga hakbang sa paglutas.
D. Mananahimik na lamang ako upang hindi madamay.
40. Ang Maldives ay isang pulong bansa sa Timog Asya na nagtataglay ng
naggagandahang aplaya. Alin sa sumusunod ang patuloy na naglilinang sa bansa
bilang isang tanyag na puntahan ng mga manlalakbay?
A. industriya B. pangingisda C. turismo D. pagmimina
41. Ang India ay isa sa mga bansang malaki ang agwat sa pagitan ng mga
mayayaman at mahihirap. Bilang isang tagapayo ng punong ministro, ano ang
iyong maimumungkahi upang masolusyunan ang nasabing suliranin?
A. Maaaring lakihan ang buwis na ipapataw sa mga mayayaman
B. Gawing sapilitan ang pagpaplano ng pamilya ng mga mahihirap na tao
C. Gawing sapilitan ang pagpaplano ng pamilya ng mga mayayaman
D. Bigyan ng sapat na kalinga ang mga mahihirap
42. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman, at kinikilala ang rehiyon na
nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating
tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?
A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C. Yamang Gubat D.
Yamang Mineral
43. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na
pagtaniman sa Hilagang Asya, ano ang mahihinuha mong maaaring maging
hanapbuhay ng mga naninirahan dito?
A.Pangingisda B.Pagmimina C.Pagsasaka D.
Pagpipinta
44. Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay sagana sa lahat ng uri ng likas na
yaman. Kung totoo iyon, bakit may mga bansa pa rin dito na hindi maunlad?
Pangatuwiranan.
A. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong likas na yaman.
B. Ang mga bansang maunlad ay may masaganang likas na yaman, ang mga
bansang hindi maunlad ay salat sa pinagkukunang yaman.
C. Nasa tao nakasalalay ang pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa wasto at tamang paglinang at
paggamit ng tao sa kanilang likas na yaman.
45. Sa agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang
pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano
ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan
ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan
sa produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang
mapaunlad ang Agrikultura.
D. Nagkukulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao.
46. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga
tao. Higit na napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang
pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano
ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at
makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
A. Gagamitin nang wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa
pangangailangan ng tao.
B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng
Pamahalaan.
C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na
pakinabangan ng mamamayan.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
47. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar.
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsiyento ng kriminalidad.
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman.
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan.
48. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa Timog-Silangang Asya
nanagtataglay ng mayamang likas na yaman. Ano ang pangunahing produkto na
iniluluwas ng bansang Pilipinas?
A. Langis ng niyog at kopra, palay, at trigo B. Natural gas at
liquefied gas
C. Palay at trigo D. Tilapia at bangus
49. Ang Hilagang Asya ay nakakaranas ng nagyeyelong klima. Ano kaya ang
mangyayari sa mga puno at halaman sa rehiyong ito?
A. Hindi masisira ang mga puno at halaman
B. Hindi tutubo ang mga puno at halaman
C. Namumunga ang mga puno at halaman
D. Natabunan ang mga puno at halaman
50. Sinisikap ng Indonesia na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon sa
kanilang programang Quality Family 2015 subalit maraming naging balakid
upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Alin sa sumusunod ang mga naging
balakid sa pagpapatupad ng kanilang programa?
I. Ang pagkakaroon ng mga lokal na tradisyon at kultura.
II. Ang pagiging Islamiko ng karamihang mamamayan.
III. Kakulangan ng panahon upang maipatupad ang programa.
IV. Ang pagtanggap at kaugalian ng mamamayan sa kanilang bansa.
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, IV D. I, III, I
Answer key GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

1. B 22. B
23. D
2. D
24. A
3. C
25. B

4. B 26. D
27. B
5. D
28. D
6. C 29. D

7. D 30. B
31. A
8. A
32. C
9. A 33. B
34. A
10. D
11. D
35. B /D

12. B
36. C

13. D
37. B

14. C
38. B

15. D
39. D

16. A 40. C

17. A 41. D

18. D 42. B

19. C 43. C.

20. A 44. D

21. C 45. A
46. A 49. B
47. D 50. A
48. D

You might also like