You are on page 1of 3

Buenavista National High School

Buenavista, Looc, Romblon

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7


S.Y. 2018-2019

Pangalan: Iskor:
Pangkat:

I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng iyong sagot bago ang
numero.

1. Nauukol sa pag-aaral ng mundo at mga taong naninirahan dito na sumasakop din sapag-aaral sa katangiang
pisikal nito, ibat’ ibang anyonglupa, at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang pook.
A. Demograpiya B. Heograpiya C. Pilosopiya D. Topograpiya
2. Malawak na masa ng lupa na napapaligiran ng mga karagatan.
A. Lambak B. Pulo C. Kontinente D. Talampas
3. Zero – degree latitude na humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere.
A. Equator B. Latitude C. Longitude D. Prime meridian
4. Lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
A. Prairie B. Savanna C. Steppe D. Tundra
5. Uri o dami ng mga halaman sa isang lugar; uri ng kapaligiran batay sa tumutubong halamanan.
A. Prairie B. Rain Forest C. Taiga D. Vegetation
6. Uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses.
A. Prairie B. Savanna C. Steppe D. Tundra
7. Lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan.
A. Prairie B. Savanna C. Steppe D. Tundra
8. Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
A. Desertification B. Habitat C. Hinterlands D. Red Tide
9. Pagiging maalat ng tubig
A. Habitat B. Hinterlands   C. Salinization D. Siltation
10. Tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon.
A. Altitud B. Klima C. Monsoon D. Panahon
11. Sa sumusunod na usapin, alin ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
D. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang particular na rehiyon.
12. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa humigit – kumulang na haba ng panahon na inaasahang itatagal
nabuhay ng isang tao?
A. Population growth rate C. Migrasyon
B. Life expectancy D. Unemployment rate
13. Bahagdan ng pofpulasyon ng mga taong walang trabaho o hanapbuhay.
A. Population growth rate C. Migrasyon
B. Life expectancy D. Unemployment rate
14. Pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan
A. Population growth rate C. Migrasyon
B. Life expectancy D. Unemployment rate
15. Kelan itinatag ang One Child Policy ng China?
A. 1977 B. 1978 C. 1979 D. 1976
16. Anong bansa sa Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon?
A. Afghanistan B. China C. Japan D. Pilipinas
17. Ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
A. Asya B. America C. Europe D.South America

18-20: Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na mga
tanong kaugnay nito.

BILIS NG PAGLAKI UNEMPLOYMENT BAHAGDAN NG


BANSA POPULASYON
NG POPULASYON RATE IMIGRASYON
Sri Lanka 20,237,730 0.86 4.2 -2.2
Laos 6,320,429 2.29 2.5 -1.2
Indonesia 229,964,723 1.10 6.56 -1.2
Japan 127,156,225 -0. 24 4.5 0
India 1,198,003,272 1.38 3.8 -0.1

18. Kung iaayos mo ang bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang pagkasunud –
sunod?
A. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia, at Japan
B. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka, at Laos
C. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
D. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
19. Anong bansa ang may pinakamalaking bahagdan ng unemployment rate?
A. Japan B. India C. Indonesia D.Sri Lanka

20. Bansang may pinakamataas na bahagdan ng bilis na paglaki ng populasyon.


A. Indonesia B. Japan C. Laos D.Sri Lanka

21. Saang rehiyon sa Asya nakapaloob ang bansang China?


A. HIlaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog

22. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na”Sinasalamin ng wika ang kultura ng
isang lahi”.

A. Ang wika ay may iba-ibang layunin.


B. Iba-iba ang wika ng iba-ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika nababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.

23. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil
pananim ang palay?

A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley.


B. Pala yang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya .
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.

24. Saang rehiyon sa Asya nakapaloob ang bansang China?


A. HIlaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog

25. Kapatagan sa itaas ng bundok.

A. Bundok B.Lambak C. Talampas D. Tangway


26. Nakararanas ng tag-init, tag-ulan, taglamig, at tag- araw ang bansang nasa Timog-Silangang Asya. Ano ang uri
ng kanilang klima?

A. Biodiversity B. Coniferous C. Monsoon D. Tropikal

27. Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakmalaking hamon sa
rehiyon ang ________?

A. ideolohiyang political C. modernisasyon


B. pagkakakilanlan D. pagkakaisa

28.Anong bansa ang may pinakamalaking deposito ng ginto?


A. Afghanistan B. Kyrgyzstan C. Kazakhstan D. Tajikistan

29. Pangalawa sa pinakamaalat na na anyong tubig sa buong daigdig.


A. Caspian Sea B. Lake Baikal C. Aral Sea D. Dead Sea

30. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo lalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente
ng Asya?

A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.


B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hanganan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
31. Samahang pang –irigasyon na ang pangunahing tungkulin ay pagandahin, pagyamanin, at isaayos ang mga
gawaing pang-agrikultural ng pamayanan.
A. Banjar B. Dzongs C. Subak D. Bhutan

32. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng ibaibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya
ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman
ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?

A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan.


B. May mainit na panahon sa ilang bahag at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init, at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng
isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang tirahan ng tao.

33. Lugar sa disyerto na may tubig at halaman.


A. Prairie B. Oasis C. Alluvial Soil D. Soybean

34. Tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon.


A. Altitud B. Klima C. Monsoon D. Panahon

35. Tumutukoy sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura, wika at etnisidad.
A. Etnisidad B. Etnolingguwistiko C. Etniko D. Katutubo

II. Panuto: Alamin kung anong uri ng likas na yaman ang nasa bawat bilang. YT kung ito ay yamang tubig, YL
kung yamang lupa, YM kung yamang mineral at YTA kung yamang tao.

36. natural gas 41. trigo

37. hipon 42. tabako

38. talaba 43. guro

39. inhinyero 44. phospate

40. magnesium 45. tahong

You might also like