You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 7

Ikalawang Markahan
Pagsusulit na Sumatibo
Week 3/ Module 3

Name: ____________________________________________ Grade/Section: _________________

Part I. Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang lamang ang titik bago ang bilang.

1. Ano ang tawag sa matabang lupa na hugis arko na kung saan ditto nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa
Asya? A. Dalampasigan B. Kapatagan C. Lambak-ilog D. Kabundukan
2. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasna
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong
sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
3. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila
magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng
pag -ulan
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi
pumasok sa kanilang pamayanan.
4. Alin sa sumusunod ang nalinang na sistema ng pagsulat ng kabihasnang Sumer?
A. Pictogram B. Calligraphy C. Cuneiform D. Oracle Bones
5. Bakit ang cuneiform,pictogram,at calligraphy ang pinakamahalagang ambag ng bawat kabihasnanang sumibol sa
Asya?
A. Dahil dito nakasulat ang mga wika na ginamit ng mga tao
B. Dahil ito ay nagpapakita na maulad ang isang lugar
C. Dahil dito nagkakaiisa ang mga tao para lalong mapaunlad ang kanilang lugar
D. Dahil naging pasyalan ito ng iba’t ibang tao sa mundo
6. Ano ang tawag sa butong orakulo na ginagamit sa paghuhula ng mga Tsino?
A. Cuneiform B. Oracle Bones C. Calligrapy D. Potter’s wheel
7. Alin sa sumusunod ang pamumuhay ng kabihasnang Indus?
A. Pag-aalaga ng hayop at pangangaso
B. Pagtatanim at pangangaso
C. Pag-aalaga ng hayop at pagtatanim
D. Agrikultura at sedentary
8. Ang kabihasnang Sumer, Indus, at Shang ay pinamunuan ng _______.
A. Reyna B. Haring Pari C. Maharlika D. Iskriba
9. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na ang ibabaw bunga ng marami nitong
kontribusyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
D. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
10. Ano ang pikamataas na katayuan sa pag-uuri ng tao sa lipunan sa sinaunang kabihasnan sa Asya?
A. Mangangalakal B. Mga Artisano C. Mga Haring Pari D. Mga Magsasaka

You might also like