You are on page 1of 2

Filipino - 7 Summative Test -1

Quarter III
Module 1 & 2
Pangalan _____________________________________ Baitang at Seksiyon : ___________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot.
Itiman ang bilog na katapat ng letrang napiling sagot.

A B C D
0 0 0 0 1. Nakaikot lamang kina Matandang Kuba, Lifu-o at ibang mga katutubong Igorot ang
kwento.
a. Banghay b. Tauhan c. Tagpuan d. May-akda
0 0 0 0 2. Mula sa kalayuan narinig nila ang bahaw na tinig na nagsasabing “huhukayin ninyo
mula ngayon ang ginto.”Doon naisip nila ang matandang kuba na papilay-pilay na
dumating sa kanilang caӣao sa hindi inaasahang pagkakataon na nakaupo sa isang
lusong.
a. Resolusyon c. Panimulang Pangyayari
b. Kasukdulan d. Pababang Pangyayari
0 0 0 0 3. Walang nakakilala sa isang matandang kubang papilay-pilay na naupo sa isang
lusong sa kanilang pook. Napansin lamang siya ni Lifu-o nang madagil ng mga
katutubong nagkatuwaan sa paghahabol ng isang baboy na iaalay nila sa idaraos
na caӣao, isang piging na mag-alay sa kanilang pinakadakilang bathala.
a. Panimulang Pangyayari c. Kasukdulan
b. Pababang Pangyayari d. Resolusyon
0 0 0 0 4. Sa bahaging ito nalulutas ang suliranin at natatamo ng pangunahing tauhan
ang layunin.
a. Pababang Pangyayari c. Panimulang Pangyayari
b. Papataas na Pangyayari d. Pangwakas na Pangyayari
0 0 0 0 5. Tiningala at hinangaan ng maraming manunulat na Pilipino si Simplicio P. Bisa
dahil sa kanyang obrang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Caӣao.”
a. Tauhan c. Tunggalian
b. Tagpuan d. May-akda
0 0 0 0 6. Isang uri ng babala na kalimita’y makikita sa sasakyan, layunin nito’y mapabatid
ang mensahe sa mga pasahero.
a.Bugtong c. Tugmang de-Gulong
b. Palaisipan d. Tula/Awiting Panudyo
0 0 0 0 7. Ito’y kadalasang naging libangan ng mga kabataan at ang paksa nito’y nanunukso
o nang-uuya
a. Palaisipan c. Tula/Awiting Panudyo
b. Bugtong d. Tugmang de-Gulong
0 0 0 0 8. Ipinakilala mo ang iyong kaklase sa iyong nakatatandang kapatid na babae. Alin
dito ang tamang hinto/antala?
a. Ate/Ayeth ang aking kaklase. c. Ate Ayeth/ang aking kaklase.
b. Ate/Ayeth/ang aking kaklase. d. Ate Ayeth ang aking kaklase.
0 0 0 0 9. Pasaherong masaya tiyak na may pera. Ito ay isang. .
a. Palaisipan c. Tugmang de Gulong
b. Bugtong d. Tula/Awiting Panudyo
0 0 0 0 10. Ako’y bumuli ng 3 prutas, ang pangalan ng 3 prutas ay nagsisimula sa letrang O.
Anong mga prutas ang binili ko? Ito ay halimbawa ng
a. Tula/Awiting Panudyo c. Bugtong
b. Tugmang de Gulong d. Palaisipan
Bilang 11-15 TAMA/MALI
Isulat ang iyong apilyedo kung ang pahayag ay Tama at kung Mali naman ang
pahayag isulat ang iyong pangalan. Isulat sa patlang bago ang bilang ang iyong sagot.

______________11. Ang kwentong-bayan, mito, at alamat ay may kaugnayan sa isa’t isa.

______________12. Ang matatandang panitikang ito ay bahagi ng pasalin-dila o lipat-dila.

______________13. Ang denotasyon ay literal na kahulugan ng salita na makikita sa isang


diksyunaryo.
______________14. Pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat ang konotasyon.

______________15. Mahahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang kwentong-bayan, mito at alamat.

II. Performance Task

Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon/opinyon mula sa gintong -aral na nakukuha sa


Akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Caӣao” at kung paano ito maiuugnay
o makatutulong ngayon sa panahon ng pandemya .

Gawing batayan ang rubrik sa pagkuha ng puntos.(15 puntos)

Rubrik:
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Naglalaman ng kahalagahan , kabigatan at 5
pagkamalikhain ng mga ideya.

Gramatika Gumagamit ng mga angkop na salita o ekspresyon sa 5


paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw, pag-iisa
at pagpapatunay.
Mensahe sa
Mabisa ang mensaheng naipararating sa mga 5
mambabasa mambabasa

Kabuuan 15
5 - Napakahusay 4 – Mahusay 3 - Katamtaman

2 - Hindi gaanong mahusay 1 – Hindi mahusay


Inihanda ni:
FLORITA G. BARO
T-III

You might also like