You are on page 1of 2

LAPINIGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

LAPINIGAN, SAN FRANCISCO AGUSAN DEL SUR

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8

I. Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

1. Siya ang may akda ng tekstong “okey sa’yo si Eric, Tay?


a. Pat Villafuerte b. A. Fernandez c. Corazon de Jesus d. E. Rodriquez
2. Siya ang may akda ng tekstong “ Ang itinakwil”?
a. A. Fernandez b. Corazon de Jesus c. Pat Villafuerte d. Genoveva E. Matute
3. Ito ay salita o katagang ginangamit upang pag-ugnayin ang isang salita sa kapwa salita.
a. Pang-angkop b. pangatnig c. pang-uri d. panghalip
4. Ito ay uri ng pangatnig na nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan.
a. Paglalahad ng sanhi/dahilan c. pagbibigay-eksepsyon
b. Pandagdag/adisyon d. paglalahad ng bunga/resulta
5. Ito ay uri ng pangatnig na ngsasaad ng impormasyon.
a. Paglalahad ng sanhi/dahilan c. pagbibigay-eksepsyon
b. Pandagdag/adisyon d. paglalahad ng bunga/resulta
6. Ito ay uri ng pangatnig na nagsasaad ng kalabisan o kinahinatnan.
a. Paglalahad ng sanhi/dahilan c. pagbibigay-eksepsyon
c. Pandagdag/adisyon d. paglalahad ng bunga/resulta
7. Ito ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang
makasakit ng loob.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. alamat
8. Ito ay hindi gumagamit ng mga talinghaga. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga
kasabihan.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. alamat
9. Isang akdang pampanitikan na ngsaad kung saan nagmula ang isang bagay o pangyayari.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. alamat
10. Ano ang ipinapakahulugan sa salawikaing “Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag
nag-iisa?
a. Pakikisama b. pagkakaisa c. pagtitiis d. pakikipagkapwa
11. Ang pagbabasa ng mga iba’t ibang aklat sa Filipino ay isang mabisang paraan upang lalong malinang ang
kaalaman ng mag-aaral tungkol sa wika. Ano ang ibig sabihin ng nakasalungguhit na salita.
a. Mapalawak b. maparami c. masubukan d. matutunan
12. Ang pagbabasa ng pabula ay isang paraan ng paglilibang ng mga kabataang Pilipino noon. Ang salitang
nakasalungguhit ay nangangahulugang?
a. Pagsusugal b. kasiyahan c. katuwaan d. pagbubukod
13. Ang pakikipaglaban para sa bayan ang dahilan ng pagiging dakila ni Gat Jose Rizal. Ang salitang
nakasalungguhit ay nangangahulugang?
a. Bantog b. Kilala c. batikan d. Pormal
14. Nailathala sa pahayagan ng kanilang paaralan ang kanyang pagkapanalo sa “Inter School Quiz Bee” na
ginanap sa UP manila. Ang salitang nakasalungguhit ay nangangahulugang?
a. Naiukit b. naisulat c. naibalita d. naikalat
15. Si kasyapa ay isang tanyag na manunulat ng sinaunang pabula na mula sa india. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang?
a. Katutubo b. Lipas c. Luma d. Una

II. Talasalitaan: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita o parirala na nasa hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
A B
_____1. Pinitpit na luya a. alaala
_____2. Namamalik-mata b. masarap
_____3. Sugo c. inipon
_____4. Bathala d. tumalab sa buong katawan
_____5. Anito e. nagdaramdam
_____6. Hinipang loob f.hindi pagtingin sa likod o paglingon
_____7. Nagsunog ng kilay g. hindi makapagsalita
_____8. May utak h. isiniwalat
_____9. May gintong kutsara i. milagro
_____10. Butas ng karayom j. lungkot
_____11. Aksidente k. sakuna
_____12. Lumbay l. mayaman
_____13. Himala m. labis na pagsubok ang hinarap
_____14. Ibinubunyag n. matalino
_____15. Walang lingon-likod o. nag-aaral ng mabuti
_____16. Nagdurugong-puso p. mataba
_____17. Pusong mammon q. santo o diyos ng sinaunang tao
_____18. Matamis ang bunga r. Diyos
_____19. Gunita s. hindi makapaniwala
_____20. Inimbak t.may tungkuling iparating ang ipinag –uutos

III. Enumerasyon
a. Dalawang Uri ng Paghahambing
b. Apat na gamit ng Pangatnig
IV. Ipaliwanag (5pts)
a. Ano ang kabutihan ng pagtatapat ng mga problema sa magulang?
b. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari sa taong hindi sumusunod sa payo ng magulang?

You might also like