You are on page 1of 2

Pangkalahatang Panuto: Huwag sulatan at dumihan ang papel na ito.

Iwasan ang pagbubura ,


gawing malinis ang iyong papel.
I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawa’t katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay mga karunungang napag-aralan sa mga aklat ng karanasang nababasa sa bibig ng
matatanda.
a. Kuwentong-Bayan b. Salawikain c. Karunungang-Bayan d. Sawikain
2. Ano ang ibig sabihin ng “Kahit mataas ang pinag –aralan kung hindi ka gumagawa ng
paraan para magamit ito ay wala ring pakinabang”?
a. Kahit saang gubat ay mayroong ahas c. Daig ng masipag ang matalino
b. Ang mahirap kunin ay masarap kainin d. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain
3. Ito’y karaniwang patalinhaga at may nakatagong kahulugan. Karaniwang nasusulat ng may
sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapay binibigkas.
a. Karunungang-bayan b. Sawikain c. Kasabihan d. Salawikain
4. "Kapag may isinuksok, may madudukot." Ito ay halimbawa ng _________.
a. Kasabihan b. Salawikain c. Sawikain d. Kuwentong-bayan
5. Paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang
makasakit ng loob. Tinatawag din itong kawikaan o pagtatambis.
a. Kuwentong-bayan b. Sawikain c. Salawikain d. Kasabihan
6. Piliin ang tamang gamit ng hudyat ng bunga sa pangyayaring ito. Ang mga tao ay
nagtatapon ng basura sa mga kanal ______ bumabaha tuwing umuulan.
a. kaya b. sapagkat c. ngunit d.palibhasa
7. Pahayag na nagbibigay pangaral tungkol sa kilos, gawi at pah-uugali ng mga tao. Tuwiran at
payak ang pagbibigay kahulugan nito.
a. Sawikain b. Salawikain c. Kasabihan d. Karunungang-bayan
8. "Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?" Ito ay isang halimbawa ng
a. Sawikain b. Kuwentong-bayan c. Salawikain d. Idyoma
9. Ang sawikaing "may bulsa sa balat" ay nangangahulugang ______.
a. may sugat sa balat c. may pitakang nakakabit sa balat
b. masinop sa salapi d. wala sa nabanggit
10.Alin sa mga sumusunod ang HINDI napapabilang sa mga hudyat ng bunga.
a. kaya naman b. kung kaya c. bunga nito d.palibhasa
11.Ito ay inilalahad nang palarawan, gumagamit ng simbolo at may mahika ngunit makikitaan
ng makatotohanan o realistikong pamamaraan ng pagpapahayag.
a. Salawikain b. Kasabihan c. Bugtong d. Sawikain
12.Nang magkaroon ng pandemya ay marami ang nagbibilang ng poste. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang?
a. maraming trabaho c. pagbilang ng poste ang kanyang ginagawa
b. walang trabaho d. may trabaho
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napapabilang sa mga hudyat ng sanhi.
a. sapagkat b. dahil sa c. bunga nito d.palibhasa
14.Piliin ang tamang gamit ng hudyat ng sanhi sa pangyayaring ito. _______sa masipag mag-
aral si Ana kaya nakakuha siya ng mataas na marka.
a. dahil b. sapagkat c. ngunit d.palibhasa
15.Piliin ang tamang gamit ng hudyat ng bunga sa pangyayaring ito. Nagkaroon ________ ng
buwan at bituin sa gabi nang magkahiwalay sina Adlaw at Bulan.
a. dahil b. sapagkat c. ngunit d.palibhasa
II.Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap.
a. walang magandang hinaharap c. nagdaramdam e. grasya
b. magnanakaw d. problema
__ 16. Kung alam ko lang na malikot ang kamay ni Berto ay hindi kof.mapagbigay
na sana siya kinaibigan.
__ 17. Masama ang loob ni Pedro sa nangyari sa kanyang lolo Jose.
__ 18. Marami siyang masamang bisyo kaya’t sigurado akong nakatunganga na iyan bukas.
__ 19. Hindi maiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao.
__ 20. Masaya ang aking kapatid sa natanggap niyang biyaya kanina.
III.Panuto: Isulat ang M kung ang paghahambing ay magkatulad at DM naman kung hindi
magkatulad.
____21. Higit na pinagpapala ang taong bukas ang palad kompara sa taong makasarili.
____22. Parehong masarap ang luto ni nanay at ng aming kasambahay.
____23. Mas marami ang nasirang bahay at kabuhayan ngayon dulot ng masamang panahon
kompara noong mga nagdaang taon.
____24. Singtibay ng puno ng narra ang pagmamahalan ng magkabiyak na Gilbert at Lucy.
____25. Kapwa malakas ang loob ng mga sundalo at pulis na humarap sa mga taong masasama
ang loob.
IV. Panuto: Magbigay ng limang (5) pangungusap na mayroon sanhi at bunga. Bilugan ang sanhi
at salungguhitan ang bunga. Gumamit ng hudyat ng sanhi o bunga sa paggawa ng sariling
pangungusap.
Halimbawa:
Mababa ang nakuha kong marka sa Filipino dahil hindi ako nag-aral nang mabuti.

Inihanda ni:
Bb. Mary Jane G. Canonizado
Guro sa Filipino

You might also like