You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI – Kanlurang Bisayas


SANGAY NG LUNGSOD NG ILOILO
Daang Gen. Luna—Mabini, Lungsod ng Iloilo

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA
PAGTUTURO

Guro: MARY JANE G. CANONIZADO Antas: 8


Petsa: NOBYEMBRE 7-8, 2022 Asignatura: FILIPINO
Markahan: IKALAWANG MARKAHAN Araw:

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
A. Pamantayang Pangnilalaman
akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng
Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan

B. Pamantayan sa Pagganap Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinatalakay


tungkol sap ag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

C. Mga Kasanayan sa F8PB-IIa-b-24

Pagkatuto (Code ng bawat Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang

kasanayan) nakasaad sa binasa

II. NILALAMAN

III. KAGAMITANG
PAGTUTURO

A. Sanggunian Filipino 8 Simplified Lessons 2nd Quarter Booklet 1


1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Karagdagang
Kagamitan mula sa Portal ng
Youtube.com
Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
ICT, aklat, laptop, larawan
Pagtuturo

IV. PAMAMARAAN
Hulaan Mo!
Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga larawang ipapakita
ng guro. Tukuyin kung ano-ano ang mga ito.
A. Balik-aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin

Sagot: MAGASIN

Sagot: INTERNET

Sagot: LIHAM

Gabay na Tanong:
Ano-ano ang pagkakatulad ng tatlong larawang inyong
nakita?

Tukuyin kung sa anong propesyon ginagamit ang mga


B. Paghahabi sa layunin ng sumusunod na salita sa ibaba.
aralin
a. Blackboard b. Engineering Cap c. Stethoscope d. Kalabaw
Lesson Plan Blue Print Injection Pataba sa Lupa
Pambura Ruler Surgical Scissor Araro

1. Engineer
2. Doctor
3. Guro
4. Magsasaka

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin

Basahin ang tulang “ Ang Bayani ng Bukid” at sagutin ang mga tanong sa sagutang
papel

Mga Katanungan:
1. Bakit sinasabing bayani ng bukid ang mga magsasaka? Patunayan ang iyong
sagot.
2. Ano-ano ang mga mahahalagang ambag ng mga magsasaka sa aspektong pang-
ekonomiya ng bansa?
3. ilarawan ang sitwasyon kung walang mga magsasaka sa lipunan?
4. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga programao hakbang na maaaring ilunsad ng
pamahalaan upang malutas ang suliranin ng Pilipinas hinggil sa kakulangan sa
bigas?
5. Sa iyong palagay bakit bihiraang kumukuha ng kursong agrikultura sa ating
bansa?
6. naniniwala ka bang ang tula ay may malaking naiambag sa kamalayang
panlipunan ng mga Pilipino? Bakit?

Teksto

Anumang babasahin na nagtatalakay ng mahahalaga at


tiyak na mga detalye tungkol sa mga tao, bagay, lugar at
D. Pagtalakay sa bagong
pangyayari.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
Pangunahing Kaisipan
-tumutukoy sa diwa ng buong teksto. Ito ang ideyang
sinusunod ng iba pang mga ideyang nais ilagay sa teksto.

Halimbawa:
Sa Unahan
Ang tao ay espesyal na nilikha ng Diyos. Kung ating
ihahambing nga naman sa iba pang nilikha ng Diyos sa
daigdig, walang pag-aalinlangan na ang tao ay nakahihingit
sa lahat. Ito rin ay mababatay sa antas ng pag-iisip ng
utak.

Sa Gitna
Bilang isang estudyante sa kolehiyo, kailangan mong
matutong magsikap mag-isa dahil walang tutulong s aiyo
kundi ang sarili mo. Ang buhay kolehiyo ay sadyang
napakahirap. Kailangan mo rin talagang magsunog ng
kilay para makakuha ng mataas na marka at ugaliing
magbasa sa aralin.

Sa Hulihan
Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang
hanggang sa paglaki. Siya rin ang humuhubog sa ating
pagkatao para tayo ay maging mabuting anak. Ipinaaral
niya tayo para sa ating kinabukasan. Ang ating ina ay
sinasabing ilaw ng tahanan.

Pantulong na Kaisipan
-ito ay mga pangungusap na may layong makapagdagdag
ng impormasyon upang mapalitaw ang pangunahing
kaisipan.

Halimbawa:
Ang panitikan sa panahon ng Amerikano at Kominwelt ay
naging masigla at maunlad. Naging malayo ang mga
manunulat sa alinmang akda na kanilang isusulat.
Marami ang nailimbag na mga aklat pampanitikan at
mga babasahin sa panahong ito.

Ikaw Naman!
Panuto: Tukuyin kung aling pangungusap ang nagtataglay
ng pangunahing kaisipan at ali-alin ang mga pangungusap
na nagbibigay ng pantulong na ideya.
E. Pagtalakay ng bagong PULA- Pangunahing Kaisipan
konsepto at paglahahad BUGHAW-Pantulong na Ideya
ng bagong kasanayan #2
1. Hindi matatawaran ang katapangan ng mga Pilipino sa
paglaban sa mga mananakop na Kastila sa ating bansa. Sa
panahong ito, mahigit sa 200 pag-aalsa ang naganap sa
iba’t ibang bahagi ng ating kapuluan. Bukod sa mga
tampok na bayaning martir, tunay na kagila-gilalas ang
kolektibong pagkilos at paglaban ng mga Pilipino sa
himagsikan.
2. Nagtataglay ng tatlong mahahalagang layunin ang
pagpapatupad ng mga Amerikano ng edukasyon sa
Pilipinas. Una, upang palaganapin ang demokrasya.
Pangalawa, sanayin ang mga Pilipino sa pagkamamayan at
ang panghuli ay ipakalat ang wikang Ingles sa ating bansa.

F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Basahin ang talata, bilugan ang pangunahing paksa at
Assessment) salungguhitan ang pantulong na kaisipan.

(1) Ang edukasyon ay mahalagang instrument para


magtagumpay ang isnag tao. (2) Ito ay nagpapalaya sa tao sa
kamangmangan. (3) Nagkaroon siya ng sapat na tiwala sa
sarili na nakatutulong sa paghahanap sa iba’t ibang
sitwasyon sa buhay. (4) Nagagawa niyang paunlarin ang
sariling kakayahan. (5) Nagkaroon siya ng ganap na
kamalayan sa kaniyang kapaligiran. (6) Natututong lumikha
ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kanya, sa bansa at
sa mundo.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-


araw-araw na buhay
H. Paglalahat ng aralin

I. Pagtataya ng Aralin

Annotations:
Indicator 3: Use effective verbal
and non-verbal classroom
communication strategies to
support learner understanding,
participation, engagement and
achievement

Paggamit ng graphic organizer sa


aralin
J. Karagdagang Gawain
para sa takdang-aralin at Magsaliksik ng iba pang impormasyon hinggil sa
remediation pagkasunog ng fastcraft naMV Mercraft 2 sa Real, Quezon
pagkatapos ay magbigay ng komentaryo ukol dito.
Annotations: Maaaring isulat sa papel o gawin ito sa Microsoft word o
Indicator 6: Maintain learning that PDF at ipasa sa messenger, facebook
nurture and inspire learniners to (Mary Jane Canonizado) o email address ng guro
participate, cooperate and (maryjane.canonizado@gmail.com)
collaboate in continued learning
1. Ang guro ay magpapadala ng gawain sa mga mag-
aaral na hindi nakadalo sa klase sa pamamagitan ng
pagpapadala ng online o offline Activity Sheet na may
kaugnayan sa paksang tinalakay.
2. Kung may mag-aaral na napapabilang sa IP, ang guro
ay magbibigay ng gawain na cooperative learning na
kung saan kasali sila sa mga gawain upang maiwasan ang
V. MGA TALA
anumang diskriminasyon sa loob ng klase at
makapagbahagi sila ng kanilang kaalaman.
3. Para sa mga mag-aaral na may kapansanan, ang guro
ay magbibigay ng kaparehong gawain ngunit dapat
isaalang-alang ang kakayahan ng nasabing mag-aaral sa
pagsagot ng gawain at naaayon sa Multiple Intelligence ni
Howard Garner.
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan aa solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadiuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni :
MARY JANE G. CANONIZADO
Teacher I-Filipino

Ninutahan ni:

LYNETH A. JEREOS, SSHT IV


Puno, Kagawarang Filipino

You might also like