You are on page 1of 8

MASUSING Paaralan Alawihao NHS Baitang 8

BANGHAY- Guro Queen Irish A. Rogacion Asignatura FILIPINO


ARALIN Petsa at Enero 4, 2024 Markahan Ika-apat
Oras

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang
Pangnilalaman akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang
kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio
broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon
ni Balagtas at sa kasalukuyan
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto pamamagitan ng:
-pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito
-pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
-pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat
F8PB-IVa-b-33

II. NILALAMAN
● Pagtiyak sa kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat
III. KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang- Mag-aaral

3. Mga Pahina sa Obra Maestra Batayang Akdang Pampanitikan


Teksbuk Florante at Laura pp.1-23
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang https://tl.wikipedia.org/wiki/FranciscoBalagtas
Panturo
https://tl.wikipedia.org/wiki/FloranteatLaura

https://prezi.com/m/4eejcs8wkyc/mga-tauhan-sa-florante-at-
laura/

https://prezi.com/m/m5loragfcqul/ang-apat-na-himagsik-ni-
francisco-baltazar/
TV, speaker, laptop

IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Ang buhay raw ay isang aklat na iyong isinusulat sa araw-
pagsisimula ng bagong aralin araw, may simula at mayroon ding wakas. Hindi mahalaga
kung hindi man naging maganda ang simula nito, subalit ang
higit na mahalaga ay kung paano mo hinarap ang hamon ng
buhay.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Alam kong mahilig kayong manood ng telebisyon at


gumamit ng social media. Mapauunlad ninyo ang iyong
kakayahan sa pag-uugnay sa tema ng napapanood ninyong
programang pantelebisyon sa mga akdang tinatalakay natin.
Sa araw na ito, kailangan nating maisakatuparan ang mga
sumusunod na layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng mga larawan at mga
salitang nakalimbag sa kahon upang makuha ang
nakatagong salita.
2. Napahahalagahan ang mga taong nagtagumpay sa
kanilang larangan dahil sa pagsisikap.
3. Naiuugnay ang tema ng napanood na programang
pantelebisyon sa akdang tinalakay.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa May Facebook account ka ba? Nanonood ka ba sa
sa bagong Aralin Facebook watch o mga video sa Youtube? Bilang mag-aaral,
alam kong marami na kayong akdang nabasa na o pinabasa
na ng inyong mga guro.
Sa aralin natin ngayon, masasagot ang mga sumusunod
na gabay na tanong:
1. Sino-sino ang mga taong nagtagumpay sa kanilang
piniling larangan dahil sa pagsisikap?
2. Dapat bang tularan ang mga taong ito upang
magtagumpay?
3. Paano mo maiuugnay ang tema ng napapanood mong
programa sa telebisyon sa mga akdang tinatalakay?
Integrasyon: Pagpapahalaga sa Pagsisikap upang
magtagumpay - EsP
D. Pagtatalakay ng bagong Bago natin talakayin ang isang akda, bigyan muna ng
konsepto at paglalahad ng kahulugan ang mga larawan at salitang nakalimbag sa loob
bagong kasanayan #1 ng kahon upang makuha ang nakatagong salita. Magsisilbing

SEA +
gabay ang mga salin na nasa ibaba ng kahon.
Sagot: __________
Salin:(famous, well-known)

Salin: ( rich, abundant)

Salin: (effort, perseverance)

Salin:
(measure,
basis)

Salin: (full, filled up)

Madali na ninyong mauunawaan ang akda dahil


nabigyan na ng kahulugan ang mga larawan at salita na
matatagpuan sa akda.

Tingnan
ang mga taong nasa larawan. Sila ang ilan sa mga taong
nagsikap upang makamit ang tagumpay sa buhay. Nag-viral at
naging laman ng balita, kilala n’yo ba sila? Isalaysay ang
kanilang ginawa upang magtagumpay.

Kahanga-hanga sila at maaaring tularan.


Basahin natin ang akdang ANG SUKATAN NG
TAGUMPAY ni Gemiliano Pineda (Sanggunian Ani, Teresita
Cristobal Cruz, p.323-325).
Mga tanong:
1. Tungkol saan ang akdang binasa?
2. Ano ang sukatan ng tagumpay ng nagsasalita sa
akda?
3. Nararapat ba siyang tularan? Bakit?
E. Pagtatalakay ng bagong Batay sa binasang akda, mag-uugnay tayo ng
konsepto at paglalahad ng napapanood natin. Panonoorin natin ang video tungkol sa
bagong kasanayan #2 isang binatilyong nakatira sa garahe kasama ang kaniyang
pamilya. Posible kaya na makapag-aral ang isang tao na
walang maayos na tirahan at salat sa kayamanan?

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?
v=4XopQBUtU5k)

Sagutin Natin:
1. Ano ang tema ng napanood na palabas?
2. Ano ang pagkakapareho nito sa akdang iyong binasa?
Gamitin ang talahanayan
3. Ano ang ginawa ni Charles Bryan upang makamit niya ang
Ang Sukatan ng Tagumpay Charles Bryan Katipunan

tagumpay? Punan ang fishbone.


Tagum
Mga Ginawa ni Charles pay

4. Bakit
kaya
ganoon ang pagsisikap ng binatilyo sa pinanood na
video?
5. Ngayong siya isa ng Finance Officer ng Jollibee
Corporation, magkano na kaya ang kanyang kinikita?
Ihambing ito sa kinikita niya noong siya ay mag-aaral
pa lang.

Sa bahaging ito makikita ang Indicator 2 na kung


saan pinaghambing ang kinikita ni Bryan noong mag-
aaral palang siya at ngayong isa na siyang finance
officer, kukuwentahin ito ng mga mag-aaral upang
higit nilang makita na kapag nagsisikap, maganda
ang hinaharap.

Integrasyon: Pagpapahalaga sa Pagsisikap upang


magtagumpay – EsP
Dagdagan Pa Natin!

Bigyang pansin natin ang mga kababayan natin sa bahagi


ng Mindanao. Sila ang grupo ng mga Badjao, nais din nilang
makapag-aral. (Pag-uusapan ang nararapat na pagtrato sa
kanila dahil maraming Badjao ngayon ditto sa Daet.)
Panoorin natin ang isa pang video ukol sa Ang Badjao na
Mag-aaral na may kaugnayan sa binasa nating akda.
https://www.youtube.com/watch?v=NHz9zZP0eu0

Mula sa pinanood;
1. Sino ang batang Badjao?
2. Ano ang kalagayan niya sa buhay na nahahawig sa
kalagayan ng binasa nating akda?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng batang Badjao, ano
ang maaari mong gawin upang mapaunlad mo ang
iyong sarili?
4. Paano natin ipakikita ang paggalang sa mga taong
kabilang sa Indigenous People?

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo Bago naman natin basahin ang isa pang akda,
sa Formative Assessment) kilalanin ang nasa larawan. Magbigay ng impormasyon
tungkol sa kanya.

Pagbasa ng akdang WOWOWIN O WOWSCAM ni


Joel B. Boter.
Mga Tanong:
1. Ano ang tema ng binasa na siya ring tema ng
pinapanood ng nakararami sa telebisyon?
2. Ipaliwanag ang pagkakaugnay ng dalawa. Isulat sa
dayagram ang inyong sagot.

G. Paglalapat ng aralin sa Magbigay ng isang taong kilala mo na nagtagumpay


pang- araw-araw na buhay sa kabila ng mga pinagdaanang hirap at pagsubok. Sa
iyong palagay, dapat ba siyang tularan? Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin Paano nakatutulong ang panonood natin ng mga
programang pantelebisyon sa ating araw-araw na buhay?
I. Pagtataya Pangkatang Gawain:
Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng pag-uugnay at iuulat
sa klase. Pagkatapos na pag-uulat, magkakaroon tayo ng
pagbibigay feedback gamit ang pamantayan. 50% na marka ay
manggagaling sa bawat pangkat at 50% manggagaling sa
akin.
Panonood ng Trailer ng Encantadia 2024
(https://www.youtube.com/watch?v=4eQ3vuSkRO8) at tukuyin
ang pagkakaugnay nito sa akdang Ang Lihim ni Binibining
Marikit ni Joel B. Boter.

Alamin ang tema ng napanood sa tema ng akdang binasa.


Bumuo ng mga pahayag na nagpapakita ng pagkakaugnay ng
dalawa. Punan ang dayagram.

Pamantayan:
MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS
Kalinawan ng pahayag 8

Ipinakita sa bahaging ito ang Indicator 8, gumamit ng


video ukol sa Indigenous People upang higit na
mapahalagahan at igalang ang kanilang pangkat.
Orihinalidad 5
Gamit ng salita sa 7
pagsulat
May Kaayusan ang mga 5
pahayag ukol sa tema
KABUOAN 25
Sikaping makapag-ulat sa inilaang oras.
Integrasyon: Project WATCH.

J. Takdang-aralin/ Karagdagang Sikapin pang manood ng mga programang


Gawain pantelebisyon na maiuugnay sa ating mga binasang akda.
Ano ang maikling kuwento? Alamin ang banghay nito.

Inihanda ni:
ELENITA A. CUARTE
Guro sa Filipino

Sinuri ni:

LUNINGNING D. GAZA
Dalubguro I, Filipino

Pinagtibay:

ALITA Y. BABAGAY
Officer-in-Charge, Office of the Principal

You might also like