You are on page 1of 8

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan Col. Lauro D. Dizon MIHS Baitang Baitang 10


Tala sa Guro Asignatura FILIPINO 10
Pagtuturo Petsa Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng Araw 2

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :


Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga
ideya sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang
anyo ng media

Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita


ng mga isyung pandaigdig
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa
mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang
pampanitikan ng Mediterranean.
C. Pinakamahalagang Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga
Kasanayan sa Pagkatuto ideya sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang
(MELC) (Kung mayroon, isulat
ang pinakamahalagang anyo ng media
kasanayan sa pagkatuto o
MELC Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita
ng mga isyung pandaigdig

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
E. Pagpapayamang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapayamang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Ang Alegorya ng Yungib ni Plato
Sanaysay mula sa Greece
(Isinalin sa Filipino ni Wilita A. Enrijo)

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino G10 Q1, PIVOT BOW R4QUBE, K to 12
Guro Filipino Curriculum Guide: p.____
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Panitikang Pandaigdig Filipino 10
Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015 nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 28 – 42
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Videoclips mula sa youtube,
Panturo para sa mga Gawain https://www.youtube.com/watch?v=bV_5HNF-qsY&feature=youtu.be
sa Pagpapaunlad at https://www.youtube.com/watch?v=VnxNiihEC04
Pakikipagpalihan google meet access, larawan, activity sheets,
worksheets
IV. PAMAMARAAN
Alamin
Pahapyaw na magtatalakay ang guro sa nakaraang aralin
bilang pagbabalik-aral (mito)
Pagpapakilala, paglalahad ng layunin at mga nakatakdang
gawain

Suriin
Ipakikita ng guro ang mga larawan at ipasusuri kung anong
uri ng suliranin ang makikita sa larawan. Ipatatala ang mga
kasagutan sa notbuk.
PANIMULA
(Introduction)

Pinagkunan:
https://4.bp.blogspot.com/_OdDX91QPk2o/TNjl8AGxNmI/AAAAAAAABUg/fnsN28KZrBM/s1600/Kahirapan.jpg

PInagkunan:
https://mgaipinagbabawalnagamot.files.wordpress.com/2017/12/l_bigstock-drug-syringe-and-cooked-heroin-
76081889-1.jpg?w=1100
PInagkunan: https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2017/news/01/24/012417-labor.jpg

Pinagkunan: https://manilatoday.net/wp-content/uploads/2017/06/DSC_2808.jpg

Subukin
Tatalakayin at iwawasto ang naging kasagutan ng mga
mga-aaral upang malaman ang sakop ng kanilang
kaalaman at nalalaman tungkol sa paksa/aralin.
1. kahirapan
2. droga/illegal na gamot
3. child labor
4. karapatang pantao

Tuklasin
Ipanonood ng guro ang isang videoclip na naglalaman o
nagpapakita ng mga isyung pandaigdig.
PAGPAPAUNLAD https://www.youtube.com/watch?v=bV_5HNF-qsY&feature=youtu.be
(Development)

Bago ito ipanood, ibibigay ng guro ang mga gabay na


tanong.
1. Tukuyin ang paksa ng napanood na video.
2. Ano ang suliraning kinakaharap ng lipunan ayon sa
video?
3. Sa sariling pananaw, ano ang nararapat gawin upang
maiwasan ang suliraning ito? Ipaliwanag.
Pagkatapos mapanood, ipatalakay sa mga mag-aaral
ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga
isyung pandaigdig at ang mga kasagutan sa gabay na
tanong.

Pagyamanin
Magbibigay ng input ang guro sa pamamagitan ng
pagtalakay sa kahulugan ng pangunahing paksa/ideya at
pansuportang ideya/detalye.

Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya,


pangungusap, at detalye. Ito ay binubuo ng
pangunahing ideya at mga pansuportang ideya
o detalye. Nagagawang malinaw ang isang
masalimuot na paksa sa pamamagitan ng mga
pangungusap na tiyakang sumusuporta sa
pangunahing ideya.

Ang pangunahing ideya ay paksang


pangungusap na batayan ng mga detalyeng
inilahad sa teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa
introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng
teksto. May mga pagkakataon naman na ang
pangunahing ideya ay hindi tuwira ng binangggit sa
teksto.

Samantala, ang pansuportang ideya ay


mga detalyeng may kaugnayan sa paksang
pangungusap upang lubusang maunawaan ang
kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga
pansuportang detalye ay malaking tulong upang
matukoy ang paksa at pangunahing ideya ng
teksto.

Halimbawang Teksto:

Ang karapatang pantao ay karapatang


nagbibigay kaganapan sa ating pagkatao. Ang
karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan
ng tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang
pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang
karapatan ng tao. May karapatan din siyang
maging mahalaga at tratuhin bilang isang
indibidwal na may dignidad. Karapatan din ng tao
ang maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng tao
na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa
mabilis na pag-unlad tungo sa kaginhawaan.
Pangunahing Ideya:

Ang karapatang pantao

Mga Pansuportang Ideya:

- Karapatang mabuhay
- Karapatang maging mahalaga
- Karapatang maging maunlad

Isagawa
Iparirinig ng guro ang isang balita at magkakaroon ng
talakayan hinggil sa napakinggan.
Layunin ng gawaing ito na naiugnay ang mga
mahahalagang kaisipang natalakay sa unahang bahagi
gayundin maipaliwanag ang pangunahing paksa at
pantulong na mga ideya sa napakinggang impormasyon.

https://www.youtube.com/watch?v=VnxNiihEC04
PAKIKIPAGPALIHAN
(Engagement)

Linangin
Tatalakayin ang napakinggang balita at bibigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagpaliwanag
tungkol sa pangunahing ideya at pantulong na mga ideya
tungkol sa napakinggan.
Pagpapalitan ng sariling opinyon o kaalaman para sa mas
lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral.
(Sikaping makapagbahagi o makapagpaliwanag ang mga
mag-aaral upang makamit ang layunin)

Isaisip
Ipagawa/ipaayos ang mga ginulong salita upang makabuo
ng isang ideya batay sa tinalakay.
JUMBLED WORDS
Pagsama-samahin ang mga ginulong salita upang
makabuo ng isang ideya batay sa tinalakay.

pantulong na mabigyang mahalaga sa


ideya linaw pagsulat

isang masalimuot pangunahing


PAGLALAPAT pananaw na paksa paksa
(Assimilation)

SAGOT:
Ang pangunahing paksa at mga pantulong na ideya ay
mahalaga sa pagsulat ng isang pananaw upang mabigyang
linaw ang isang masalimuot na paksa.

Tayahin
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagtataya tungkol sa
tinalakay.
Sasagutan ang gawaing TALA-KAALAMAN
(kalakip sa ibaba)
Pagwawasto at pagtalakay sa isinagawang pagtataya.

Naunawaan ko na ____________________________________
___________________________________________________________
V. PAGNINILAY ___________________________________________________________
Nabatid ko na ____________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
PAGTATAYA
GAWAIN 1: TALA-KAALAMAN: Basahin ang bahagi ng sanaysay at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Yakap, Sandigan ng Pagkakaisa at Pagmamahalan

Napakagandang kaugalian ito ng lahat ng bansa. Tunay na ipinadarama nila ang


kanilang emosyon... malungkot o hindi sa mahigpit na yakap.
Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong salita.
Para sa mga sanggol at matanda ang yakap ay pahiwatig ng pagmamahal subalit sa
magkalaguyo ay hindi pagmamahal kundi nakaw na pag-ibig.

Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng nagmamahalang mga puso ay


nadarama ang higpit ng yakap.
Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso. Naroon ang
matinding yakap na nakaaalis ng sugat ng puso. Ang yakap ay nangangahulugan ng
pagpapatawad. Iyong dibdib sa dibdib na yakap ay nakaaalis ng sama ng loob, ng galit, ng
inggit,ng hinanakit at marami pang iba.

Sa isang ama na nawala nang maraming taon at naroon sa hapag-kainan makikita ang
amang puno ng luha. Naroon ang kanyang mag-ina na hindi umaasa na darating ang isang
araw na makapiling nila ang kanilang ama. Sa isang ina na nagbalik pagkatapos iwan ang
kanyang mag-aama nang mahabang panahon ay mainit na yakap ang naghihintay hudyat ang
matinding pagkagiliw sa kanyang mga mahal sa buhay.

Ang yakap ay simbulo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay, pagpapatawad at


pagsisisi. Ito ay pahatid ng Poong Maykapal sa mga pusong nagmamahalan.

A. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang paksa ng teksto ay ______________.


A. init B. pagkakaisa C. pagmamahal D. yakap

2. Ang mainit na yakap ng nawalay na ina ay hudyat ng matinding pagkagiliw sa kanyang mahal
sa buhay.
Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng _______.
A. kalungkutan B. pagkaawa C. kaligayahan D. kasawian

3. Ang pangunahing kaisipan ng tekstong binasa ay matatagpuan sa _____ talata.


A. una B. huli C. ikatlo D. ikaapat

4. Ang luha sa mata ng ama na matagal na nawalay sa mahal sa buhay ay nagpapahayag ng


___________.
A. kaligayahan B. kalungkutan C. kasawian D. katapatan

5. Nais ipabatid ng teksto sa mambabasa na ang yakap ay nangangahulugan ng ______.


A. pakikiramay B. pagmamahal C. pagpapatawad D. lahat ng mga ito
B. Piliin ang letra ng mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng teksto.
(bilang 6-9)

A. Sa mga paalam at salubungan ang mahigpit na yakap ay talo ang isang libong salita.

B. Mahalagang mayakap palagi ang mga mahal sa buhay.

C. Ang mahigpit na yakap sa kaaway aynagpapahayag ng pakikipagkasundo.

D. Sa matagal na pagkakalayo at pangungulila ng mga nagmamahalang puso ay nadarama ang


higpit ng yakap.

E. Sa pakikiramay, ang yakap ay nagbibigay ng kasiyahan sa puso.

F. Ang luha sa mata ay nagpapahayag nang matagal na pagkawalay sa mahal sa buhay.

G. Ang yakap ay nangangahulugan ng pagpapatawad.

10. Ang pangunahing kaisipan sa akda ay __________________________________________.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. D 6 – 10
2. C A D E G
3. B
4. B
5. D

10. Ang yakap ay simbulo ng pagmamahal, pagkakaisa, pakikiramay, pagpapatawad at


pagsisisi.

You might also like