You are on page 1of 7

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Online Distance Learning Modality

Paaralan Baitang 8
LESSON Guro Asignatura Filipino
EXEMPLAR Petsa Markahan Ikatlo
Oras Bilang ng Araw 3
I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Nakauunawa ng binasa/isinulat na teksto ayon sa
damdamin,layunin,paksa,pananaw,paraan ng pagkakasulat,pagbuo ng
salita,pagbuo ng talata at pagbuo ng pangungusap
2.Nakapaghahambing ng mga babasahing popular batay sa pagkakabuo nito
3.Nakapagbibigay at nakabubuo ng sariling reaksyon sa mga sumusunod na
kaisipan.
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanyaa tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia(social awareness campaign)
C.Pinakamahalagang Kasanayan 1.Naipaliliwanag ang pagkakabuo ng tekstong popular batay sa
sa Pagkatuto (MELC) (Kung paksa,tono,layon,pananaw,paraan ng pagkakasulat,pagbuo ng salita,pagbuo ng
mayroon,isulat ang pinakamahalagang talata,pagbuo ng pangungusap 2.Naihahambing
kasanayan sa pagkatuto o MELC
ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay
sa:paksa,layon,tono,pananaw,paraan ng pagkakasulat,pagbuo ng salita ,pagbuo
ng talata at pagbuo ng pangungusap
D. Pagpapaganang Kasanayan Nalilinang ang mga kasanayang 21st Century sa mga gawaing pagsasanay at
(Kung mayroon,isulat ang kabihasaan
pagpapaganang kasanayan.)

II.NILALAMAN Mga Popular na Babasahin


III.KAGAMITAN PANTURO

A.Mga Sanggunian

a.Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC/BOW,PLUMA 8 (ph352-356)

b.Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
c.Mga Pahina sa Teksbuk

d.Karagdagang Kagamitan mula sa


Portal ng Learning Resource
B.Listahan ng mga Kagamitang Panturo 1.Access para sa virtual na pagtuturo gamit ang Google Meet o maaring gamitin
para sa mga Gawain sa ang Google Classroom
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan 2.Mga larawan ng iba’tibang popular na babasahin,tape recorder ,cp/laptop
3.Google:https://www.slidesshare.net
https://www.philstar.com

IV.PAMAMARAAN

A. Panimula Mga Paalaala sa mga Mag-aaral para sa Online Learning


1. Kung gagamit ng Google Meet siguraduhin na nakabukas ang video ng guro
upang nakikita ng mga mag-aaral.
2. Tanging ang mikropono lamang ng guro ang nakabukas, manatiling nakasara
ang mikropono ng mga mag-aaral maliban lamang kung may katanungan o
pahihintulutan ng guro.
3. Ang mga activity sheets o worksheets at iba pang kagamitan para sa
paglinang ng kasanayan ay ipapadala ng guro sa pamamagitan ng sulatriniko o
mga aplikasyon sa social media.

Mga Paalaala sa mga Mag-aaral para sa Modular Learning


1. Natatanging mga magulang o nakatatandang kamag-anak o otorisadong tao
ang maaring kumuha ng mga modyul na gagamitin ng mga mag-aaral
2. Kailangan ang gabay ng nakatatanda na nakadalo sa oryentasyon sa paggamit
ng modyul, para sa pagsagot ng mga gawain na nakatala dito.
3. Sundin ang mga panuto na nakasaad sa modyul.
4. Isumite sa guro o otorisadong kawani ng paaralan ang mga modyul na
nasagutan para sa pagwawasto ayon sa itinakdang araw.

Unang Araw
Panimulang Gawain
1. Simulan sa isang panalangin. Isama sa panalangin ang kasalukuyang
kaganapan o kalagayan ng buong mundo (covid 19)
2. Magkaroon ng maikling kumustahan at usapan upang maiset ang kahandaan
ng mga mag-aaral sa isasagawang pag-aaral.

(21st Century Skills na Nililinang: Oral and Written Communication)

Paunang Pagtataya
Pagpapakita ng mga halimbawa ng mga popular na babasahin katulad ng mga
sumusunod:
(Google: https://www.slidesshare.net)
1. Pahayagan (broadsheets, tabloid)
2. Komiks (wakasan,tuluyan)
3. Magasin (candy, liwayway, cosmopolitan, entrepreneur, FHM, good
housekeeping, men’s health, metro, t3, yes)
4. Kontemporaryong dagli o anekdota

Gamit ang Teoryang Iskema o Prior Knowledge:


Bigyang-kahulugan o sabihin kung anong uri ng babasahin at ano ang nilalaman
nito.

Pagsasanay 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Bakit sinasabing patuloy na nananatili ang tradisyunal na panitikan sa kabila
ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya?
2. Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular?
3. Sa iyong palagay, bakit patuloy na tinatangkilik ng maraming Pilipino sa
kasalukuyan ang pahayagan?
4. Sa iyong palagay, alin sa mga nabanggit na popular na babasahin ang higit na
nakaiimpluwensya sa buhay, pag-uugali, at pag-iisip ng mga Pilipino? Bakit?
5. Paano ka makatutulong upang mahikayat ang iyong kapwa kabataan na
tangkilikin ang mga babasahing popular?

(21st Century Skills na Nililinang: Critical Thinking)


Ikalawang Araw
Pagsasanay 2
(I-share ang audio o maari din namang tape recorder)
Pagbasa/Pagpaparinig ng isang akdang mula sa mga popular na babasahin.
Sikaping mailarawan ang teksto batay sa:
A. Tono E. Paraan ng pagkakasulat
B. Layon F. Pagbuo ng salita
C. Paksa G. Pagbuo ng talata
D. Pananaw H. Pagbuo g pangungusap

Paghahabi sa Layunin
(21st Century Skills na Nalilinang: Communication, Social Skills)
(I-share ang screen/audio)

Pagpaparinig/Pagpapanood ng isang napapanahong balita


(maaring mula sa pahayagan, telebisyon, youtube)
(Enrollment Extended Hanggang Hulyo 15-DepEd:https://www.philstar.com )
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano o tungkol saan ang balitang iyong napakinggan o napanood?
2. Ibigay ang layon ng balita?
3. Ilahad ang iyong naging damdamin habang binabasa o naririnig ang balita?
4. Paano mo maihahambing ang balitang iyong napakinggan sa akdang iyong
narinig nang nagdaang araw, kung ang pag-uusapan naman ay paraan ng
pagkakasulat, pagbuo ng mga salita, pagbuo ng talata at pagbuo ng
pangungusap?

Ikalawang Araw
B. Pagpapaunlad
(21st century Skills na Nililinang: Communication, Initiative and Leadership
Skills)

Gawain 1
(I-share ang audio)
Bubuo ng dalawang pangkat (pangkat ng mga lalaki at pangkat ng mga babae)
pumili ng tig-isang lider.
Sa kanilang mga tahanan, humanap ng mga babasahing pasok sa mga tinalakay
na uri ng babasahin. Ang unang grupo na makapagparinig ng isang teksto o akda
ang siyang magwawagi. Kailangang masuri nila ito ayon sa paksa, layon, tono,
pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, at pagbuo
ng pangungusap.

Gawain 2
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Kung kayo ay pamimiliin, alin ang mas madaling pagkuhanan ng mga datos o
impormasyon lalo na sa panahon natin ngayon? Ang makabagong teknolohiya o
ang mga popular na babasahin pa rin? Ipaliwanag.

Gawain 3
(21st Century Skills na Nililinang: Leadership, Creativity and Imagination)

Pagpapakita ng isang halimbawa ng Komiks(I-share ang screen)

Pagkatapos ay maghanda ng mga kagamitang pangguhit. Lumikha ng sariling


komiks na tumatalakay sa mga pangyayaring pangkasalukuyan.
(Pangkatan: Pangkat A: babae, Pangkat B: lalaki) isend sa messenger.
Ilahad ng lider ang kanilang kasagutan batay sa paraan ng pagkakabuo ng teksto
ayon sa araling tinalakay
Ikatlong Araw
C. Pakikipagpalihan
(21st Century Skills na Nililinang:Information Literacy)

Paglinang ng Kabihasaan Blg.1

Magpaparinig ang guro ng isang tekstong napapanahon. Pagkatapos ay sikaping


masuri ito sa pamamagitan ng kanyang: damdamin, habang nakikinig sa guro,
pag-alam sa paksa o tungkol saan ang binasa, ano ang kanilang saloobin o
pananaw, paraan kung paano isinulat kakaiba ba ito o hindi, paraan ng pagbuo
ng salita, talata at pangungusap.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Bakit mahalaga sa isang kabataan o mag-aaral ang pag-unawa sa kanyang
binabasa?
2. Bakit kailangan pa rin ng mga mag-aaral ang mga babasahin sa pagkuha ng
kaalaman o impormasyon?
3. Gaano kahalaga ang pagbabasa lalo na sa panahon ngayon?
4. Bakit nagkakaroon ng transpormasyon ang tradisyunal na panitikang Pilipino
tungo sa panitikang popular?
5. Paano nakaaapekto ang pagbabasa ng mga babasahing popular lalo sa
kabataan?

(21st Century Skills na Nililinang: Critical Thinking)

Paglinang ng Kabihasaan Blg.2

Sinasabing magkaiba ang tono, paggamit ng wika at paraan ng pagpapahayag


ng panitikang popular sa panitikang tradisyunal. Ibigay ang iyong paliwanag
/reaksyon sa sumusunod na kaisipan at magbigay ng sariling pananaw.
Magbigay rin ng patunay o halimbawa.
KAISIPAN OPINYON
HALIMBAWA
1. Maraming babasahin sa kasalukuyan Pormatibong Pagtataya
D.Paglalapat
ang gumagamit ng (I-share ang screen sa mga mag-aaral). Maaring ipasa sa pamamagitan ng
mababang antas ng wika messenger ang mga kasagutan.
2. Ang babasahing tradisyunal ay Mula sa panitikang popular na natalakay na, ihambing ang tekstong “Ang
higit na malalim o matalinhaga
Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya” batay sa katangiang nasa
ang nilalaman
Graphic Organizer.
3. Madalas na kolokyal at pam-
bansang wika ang ginagamit sa
kasalukuyang babasahin gaya Ang Wikang Filipino sa
Panitikang Popular na
ng pahayagan, komiks at magasin Edukasyong
Binasa
4. Karaniwang tungkol sa Panteknolohiya
usaping nangangailangan ng
patnubay ng mga nakatatanda Batay sa paksa
5. Ang mga lumang uri o sina-
unang uri ng babasahin ay hindi
na binabasa sa kasalukuyan
Batay sa layon

Batay sa Tono

Batay sa pananaw

Batay sa Pagkaka-
sulat

Batay sa Pagbuo
ng salita

Batay sa Pagbuo
ng talata

Batay sa Pagbuo
ng pangungusap

Paglalahat ng Aralin
Pasasagutan ng guro sa mga mag-aaral ang tatlong katanungan tungkol sa pinag-
aralan:
1. Ano-ano ang inyong natutunan mula sa aralin?
2. Ano pa ang hindi malinaw o hindi gaanong nauwaan ukol sa paksa?
3. Ano pa ang nais ninyong malaman o may iba pa bang katanungan tungkol sa
araling tinalakay?

Karagdagang-Gawain:
Bumasa ng isang teksto mula sa isang popular na babasahin.
Isulat sa kuwaderno ang buod nito. Basahin sa klase ng aktwal o maaring gamit
ang isang recorder. Iparinig ito sa klase. Pagkatapos ay suriin kaugnay ng
paksang natalakay na.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal o portfolio ng kanilang


naramdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt

Nauunawaan ko na___________________________________________

Nabatid ko na_________________________________________________

Repleksiyon ng Guro
Bilang ng mga mag-aaral na may mataas na antas ng
pagsasanay_______sa________
Bilang ng mga mag-aaral na may average na antas ng
pagsasanay______sa________
Bilang ng mga mag-aaral na mababa sa average na antas ng
pagsasanay______sa________
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remedial
teaching_________sa________

Manunulat:

TERESITA M. MACABALES
Guro III

Nagpatunay sa kaangkupan ng nilalaman: Sumuri ng Paggamit sa Wika:

___________________________________________ JOEHAIRA MAE T. TRINOS


Guro I

Sumuri ng Katiyakan ng Kalidad:

JACKIELOU A. ALMIRA, PhD JONATHAN F. BERNABE, EdD


Pansangay na Tagamasid sa LRMS Pansangay na Tagamasid sa Filipino
(Teknikal) (Nilalaman at mga Kompetensi)

Pinagtibay: Inirekomenda:

EDNA F. HEMEDEZ, EdD NEIL G. ANGELES, EdD


Hepe, CID Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

Sinang-ayunan:
Inaprubahan:

JOB B. ZAPE, JR
Hepe, CLMD HEREBERTO JOSE D. MIRANDA, CESO VI
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

Sinuri:

EDNA F. HEMEDEZ, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division
Binigyang pansin:

HEREBERTO JOSE D. MIRANDA, CESO VI


Schools Division Superintendent

Binalideyt:

_________________________________
EPS/PSDS SDO Cavite City

Tinanggap at pinagtibay:

JOB S. ZAPE
Chief, Curriculum Learning Management Division
PUNA:
 Ipadadala
 COVID-19
 Maitakda
 rin

You might also like