You are on page 1of 3

Learning Area Filipino Grade Level 8

W1
Quarter Ikatlong Markahan Date

I. LESSON TITLE Popular na Babasahin


II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng
(MELCs) pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap

Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia

III. CONTENT/CORE CONTENT Popular na Babasahin


1. Pahayagan
2. Komiks
3. Magasin
4. Dagling katha
https://www.youtube.com/watch?v=ykE91mdRDxE&t=391s

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction A. Pagmasdan ang larawan sa ibaba.
Panimula

1.

Pamilyar ka ba sa mga
larawang nasa itaas?
2. Ano ang mga karaniwang nilalaman ng ganitong uri ng babasahin?

B. Development A. Panoorin at unawain ang bidyo mula sa youtube tungkol sa popular na babasahin.
Pagpapaunlad
https://www.youtube.com/watch?v=ykE91mdRDxE&t=391s

B. Basahin at unawain ang artikulong Tabloid: Isang Pagsusuri ni William Rodriguez II.

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang
katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang
mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa
print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo.
Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga
ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura, o 'di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama
na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao.
Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa
Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang
target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa
sex at karahasan kaya't tinagurian itong sensationalized journalism.
Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng
aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?

1. Mula sa tekstong binasa, bigyang kahulugan ang mga salitang naka- italiko batay sa
pagkakagamit nito sa teksto. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.
a. Print media- __________________________________________
b. Tabloid- ______________________________________________
c. Broadsheet- __________________________________________
d. Target readers- _______________________________________
e. Sensationalized journalism- ____________________________

2. Sagutin ang pamprosesong tanong mula sa binasang akda. Sagutan ito sa sagutang papel.

a. Sa iyong pananaw, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa broadsheet?
_________________________________________________________________
________________________________________________________.
b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya lalo na ang internet, bakit marami pa rin ang
tumatangkilik at nagbabasa ng komiks at
pahayagan?
_________________________________________________________________
_______________________________________________________.
C. Basahin at unawain ang isa pang teksto “Si Ma’am Kasi” mula sa “Wag Lang Di Makaraos ni
Eros Atalia.

Si Ma’am Kasi
ni Eros Atalia

Final exam ng mga graduating. make or break. Terorista ang prof nila sa major subject na ito. Walang
pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak.
Parang barangay tanod ang prof. ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng kahina-hinalang kilos,
lingon o titig ng mga estudyante, sinisita nito.
May nag-vibrate na cellphone na nakapatong sa armchair.
“Turn it off! Or keep it way!”, bulyaw ng prof.
Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na mai-off o itago ang cellphone.
Balik uli ang lahat sa pagsasagot.
Maya-maya, yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at pagkatapos ay sa prof.
Nagduda na ang prof. Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone.
Lumalapit pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak na ang estudyante.
“Give me your phone, you’re cheating.”
Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot na nito ang bag, at saka bumira ng takbo
papalabas ng classroom. iniwan ang test paper.
“Class, you’re all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read kung anong nakalagay sa
message?”
Tumayo ang estudyanteng inutusan binasa ang phone.
“Y di u sagot tawag namin? wala na si dad. d niya na-survive ang operation. d2 kami hospital.”

Sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ang binasang teksto ay isang anyo ng ___.


2. Ano ang paksa ng binasang teksto?
3. Bigyan ng angkop na paghihinuha ang maaaring naging damdamin ng mag-aaral sa
panahon HABANG kumukuha ng pagsusulit at naririnig niya ang pagvibrate ng kanyang cp.
4. Maghinuha sa maaaring maging pananaw at damdamin ng guro sa huling nangyari sa
teksto?
5. Ano ang pinakaangkop na mensahe sa binasang teksto?

D. Engagement A. Paghambingin mo ang tekstong iyong binasa batay sa: paksa, layon, tono, pananaw, paraan
Pakikipagpalihan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap gamit ang
tsart sa ibaba.

Tabloid: Isang Pagsusuri Paghambingin Si Ma’am Kasi


Paksa
layon
tono
Pananaw
paraan ng pagkakasulat
pagbuo ng salita
pagbuo ng talata
pagbuo ng pangungusap gamit

B. Assimilation B. Punan ng angkop na titik ang patlang upang mabuo ang salitang angkop sa diwa ng talata.
Paglalapat
Masasabing nagpatuloy ang tradisyonal na panitikan sa kabila ng modernisasyong dulot ng pag-
unlad ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa
kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng k__m__k__, __ag__s__n at
da__l__ng katha ay inuulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng panitikan.
Kung susuriin, naiiba lamang sa e__til__, p__ma__ar__an at kaalamang te__ni__al ang panitikang
popular.

Ang p__k__a ng pangungusap/teksto ay bahagi kung saan ito ang nagpapakita kung ano ang
tinatalakay ng binasang teksto.
Tumutukoy naman ang __o__o sa damdaming maaaring madama mo sa babasahing iyong binasa,
halimbawa baka ang binasa mo ay tumutuligsa sa nagaganap na korapsyon sa ating lipunan, ito ay
masasabi nating galit o nanunuligsa ang tono. Sa la__o__ naman, dito makikita ang nais na managyari
ng nagsasalita sa teksto. Paraan ng pagkakasulat ay maaaring patalata o pakuwento at sa pagkakabuo
ng mga salita maaaring gumamit ang may – akda ng pormal o di pormal na mga salita.

C. Mula sa mga binasa mo at nalaman mo tungkol sa Panitikang Popular, paano naiiba ito sa
tradisyunal na panitikan? Sumulat ng isang Editoryal biIang pagsusuri dito. Isulat sa iyong
sagutang papel ang iyong sagot.

V. ASSESSMENT A. Sa iyong sagutang papel ay sagutan ang pagtataya sa ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot.
(Learning Activity Sheets for
Enrichment, Remediation or 1. Ang mga akdang popular gaya ng komiks, dagli at iba pang uri nito ay halimbawa ng ___.
Assessment to be given on Weeks A. kontemporaryong panitikan
3 and 6) B. kontemporaryong paksa
C. tradisyunal na panitikan
D. sinaunang kwento
2. Ito ay isang uri ng print media na kailan may hindi mamamatay dahil bahagi na ito ng ating
kultura.
A. Magazine B. Pahayagan C. Komiks D. Dagli

3. Tinaguriang dyaryo ng masa ang tabloid dahil____?


A. Mura at sa tagalog ito nakasulat
B. Target readers class A at B
C. Sa bangketa lang ito nabibili
D. Laman nito ay panay balita

4. Alin ang mga halimbawa ng print media?


A. Facebook at youtube
B. Pahayagan, magasin
C. Radio at telebisyon
D. Dula at nobela

5. Headline: “Pulis may body camera na” saan nababasa ang ganitong pahayag?
A. Dagli
B. Komiks
C. Magasin
D. pahayagan

B.Sa iyong sagutang papel, maghambing ng dalawang tekstong iyong nabasa na, gamit ang pormat sa
ibaba.

Teksto Ihambing Teksto


Pamagat
Paksa
Tono
Layon
Pananaw
Pagkakabuo ng salita
Paraan ng pagkakasulat

VI. REFLECTION Ang mag-aaral ay isusulat sa sagutang papel ang kaniyang natutunan mula sa aralin gamit ang mga
gabay sa ibaba:
Naunawaan ko na ___________________.
Napagtanto ko na ________________________.
Kailangan ko pang malaman ng ___________.

You might also like