You are on page 1of 6

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 8

(Learning Activity Sheets)

Sanayang Papel Blg. 1 Kwarter 4


Pangalan ng Mag- aaral:__________________________________________________
Baitang: ____________ Pangkat/Taon: ____________ Petsa: ________________

L I. LEARNING
I. MGA SKILL
KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

a. Most Essential Learning Competency (MELC)

1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura


batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda.

2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa


pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito;
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda;
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat.

II. INTRODUCTORY
II. CONCEPT
PANIMULANG KONSEPTO

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Isang tulang romansa ang “Florante at Laura.” Binubuo ito ng 399 na saknong;
may lalabindalawahing pantig ang bawat taludtod; may apat na taludtod ang
bawat saknong; at may tugma. Gumamit ito ng mga
piling salita, mga simbolo, tayutay at iba‟t ibang
pahiwatig.

Isinulat ang akda noong huling daantaon nang


pananakop ng mga dayuhang kastila sa Pilipinas.
Ipinalimbag ng may-akda ang “Florante at Laura” nang
makalaya siya sa piitan noong 1863.

Kalagayan ng Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat

Napakahaba ng panahong sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas, mahigit na


tatlong daang taon. Pormal itong nagsimula noong taong 1565 at natapos noong
1898. Sa haba ng panahong iyon, magkasanib ang kapangyarihan ng simbahang
katoliko at ng pamahalaan sa pamamalakad ng Pilipinas.

1
Ginamit ng mga kastila ang krus at espada sa pananakot ng mga katutibo.
Pinairal nila sa bansa ang maling aral ng relihiyon at karahasan. Magkasabwat ang
pamahalaan at ang simbahan. Ang sinumang hindi susunod sa among Kastila, tiyak
na makararanas ng kalupotan at kamatayan. Inangkin ng mga mananakop ang
malalawak na lupain. Pinatawan nila ng malalaking buwis ang mga magsasaka
hanggang sa isuko na ito sa pamahalaang kastila. Ganoon din ang ginawa ng mga
prayle. Tinakot nial ang mga Pilipinong nakaririwasa. Magiging dahilan daw ng
kanilang kapahamakan ang kayamanan. Mapupunta sila sa impyerno. Kinamkam
ng mga prayle ang kayamanan ng sambayanan.

Mga mananakop na walang malasakit, walang ginwa kundi magsamantala


sa kamangmangan ng mga katutubo. Pinagkaitan nila ng malayang edukasyon
ang sambayanan. Ang kakaunting mayayaman ay kinailangan pang mangibang-
bayan upang makapag-aral. Ang ilan ay nagsikap na matuto sa kabila ng
kahirapan ngunit pinagbintangang mga rebelde. Pinagmalupitan at ginawa nilang
alila ang mga mahihirap. Ang kalalakihan ay pinagsaka ng lupa. Ang kababaihan
ay nasa bahay lamang o kaya‟y nagsilbi at inangkin ng simbahan.

Ang sumalungat sa kanilang kagustuhan ay parurusahan ng pamahalaan at


ng simbahan. Pahihirapan sila sa mga kuwartel at itatakwil ng simbahan. Walang
Karapatan. Walang katarungan.

Ganoon ang kinamulatang kalakaran ng ating mga propagandista, ng ating


mga bayani. Ganoon din ang kinamulatang kapaligiran ng dakilang maunulat ng
“Florante at Laura.”

Ang may-akda at ang kanyang Layunin

Mahigit na 200 na taon nang nasakp ng mga kastila ang Pilipinas, nang
isilang si Francisco Baltazar y Dela cruz sa Panginay, Bigaa, Bualcan noong Abril 2,
1788. Panday ang kanyangama at ang ina ay isang mabuting maybahay.

Nagsikap mag-aral si Kiko sa paaralang pamparokya sa kanilang bayan.


Nagpaalila siy sa isang kamag-anak kaya naipagpatuloy niya ang pagtuklas ng
karunungan sa Colegio de San Jose at Colegio de San Juan de letran. Likas na
makata si kiko mula pagkabata.

Nakilala at inibig ni Kiko si Maria Asuncion Rivera, na may palayaw na Celia,


anng nanirahan siya sa Pandacan Maynila. Nagging karibal niya sa dalaga ni
Mariano Capule, isang mayaman at maimpluwensiyang tao nang panahong iyon.
Nagawa niyang ipakulong si Kiko upang mailayo kay Celia. Habang nasa
bilangguan, doon niya kinatha ang “Florante at laura” inialay niya ito sa dalaga.
Halos kahawig ng pangyayari sa kanyang buhay ang isinalaysay niya sa kanyang
obra maestra.

APAT NA HIMAGSIK NI KIKO SA PAGSULAT NG FLORANTE AT LAURA

Himagsik laban sa malupit na pamahalaan

 masamang palakad ng pamahalaan


 pagmamaltrato ng mga Kastila sa mga Pilipino
 hindi pantay na karapatan ng mga Pilipino at Kastila

2
Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya

 dalawa man ang pangalan, iisa sa turing at kapangyarihan


 hiwalay ang estado at simbahan
 pagtanggi ng mga Muslim sa Mindanao at jolo sa relihiyong Katolika

Himagsik laban sa maling kaugalian

 mga kamalian at kasalanang nagkaugat nang malalim


 hindi mabuting mga kaugalian ng lahi
 masagwang pagpapalayaw sa anak
 pagkamainggitin, pagkamapanghamak
 mapaghiganti sa kaaway
 pang-aagaw ng pag-ibig
 masamang kaugalian sa lipunan

Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan

 agwat ng pagtula at pananagalog


 napagitna ng panitikang Tagalog na nakatuon sa pananampalataya
 pinatunayan ni Balagtas na maaaring makasulat ng isang akdang
pampanitikan na maglalahad ng kanyang mga paghihimagsik laban sa
pamamalakad ng mga Kastila

EPEKTO NG AKDA PAGKATAPOS ISULAT

Mulat na mulat si Francisco Balagtas sa nagaganap sa kanyang lipunan.


Malakas ang kanyang kamalayang panlipunan. Hindi siya tuwirang nagmungkahi
ng rebelyon bilang solusyon sa pagmamalabis ng mga Kastila. Subalit napag-alab
niya ang puso ng kanyang mga mambabasa dahilan sa nag-uumapaw niyang
pagpapahayag ng damdamin sa kanyang akda- kapighatian, pagdurusa,
pagkabigo, paghihimagsik, pananalig, pagmamahal, pagmamalasakit, at iba pa.

Masasabing ang “Florante at Laura” ay nakaimpluwensiya sa iba pang


manunulat tulad nina Jose Rizal at Apolinario Mabini. Lagi raw dal ani Rizal ang sipi
nito saanman siya maglakbay. Marahil nakaimpluwensiya ito sa kanya nang isulat
niya ang “Noli Me tangere” at “El Filibusterismo” na may kapareho ring tema at
paksa. Samantala, naisaulo raw ni Mabini ang akda at naisulat ang bersyon nito
batay sa edisyon noong 1878.

Matatayog ang mga kaisipang kanyang ginamit., gayundin ang mga salita,
pahiwatig, at simbolo nito. Tunay na kahanga-hanga ang paraan ng kanyang
paglalahad. Kitang-kitang nagging palabasa siya sa akdang klasiko. Damang-
dama sa kanyang pagsasalaysay ang sidhi ng lahat ng damdaming nais niyang
ipahiwatig. Marami sa mga manunulat noon hanggang sa kasalukuyan ang
naimpluwensiyahan ng kanyang estilo ng pagpapahayag.

Klasiko ang akdang ito ni Balagtas. Panghabang panahon. Isang akda itong
inangkin ng sambayanang Pilipino. Punong-puno ng magagandang kaisipan,
matulaing paglalarawan, at mga aral sa buhay.

Sino nga ba ang hindi pamilyar sa linyang

3
Kung ang isalubong sa iyong pagdating
Ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
Lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,
Siyang isaisip na kakabakahin

Praktikal ang kanyang mga paalala at magagamit na gabay sa pang-araw-araw


na buhay tulad ng kung paano dapat palakihin ng mga magulang ang kanyang
mga anak:

Para ng halamang lumaki sa tubig


Daho’y nalalanta munting di madilig
Ikaluluoy ang sandalling init
Gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

Makatotohanan ang kanyang mga salaysay gaya ng:

O pagsintang labis na makapangyarihan


Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.

Kayamanan ng panitikang Pilipino ang akdang ito. Isang kaban ito na punong-
puno ng mga hiyas na huhubog sa pagkatao ng sinuman-bilang magulang, anak,
mag-aaral, kaibigan, kasintahan, mamamayan, pinuno, mandirigma, guro at iba
pa.

III.MGA
III. ACTIVITIES
GAWAIN

A. PAGSASANAY
A. PRACTICE TASK

Pagsasanay Blg 1

Panuto: Ipaliwanag gamit ang saber and cross graphic organizer kung
paano sinakop ng mga Kastila ang bansa.

SIMBAHAN
PAMAHALAAN

4
PAGSASANAY 2

Panuto: Ibigay ang mahahalagang aspekto ng buhay na pinaksa sa “Florante at


Laura”. Ilahad kung sino-sino ang maaaring makinabang sa akda.

Mahahalagang Aspekto ng Buhay Sektor ng Lipunang Maaaring


na Pinaksa sa Akda Makinabang
1.

2.

3.

4.

Pagsasanay 3

Gawain: Uso ang mga palabas sa telebisyon na tinatawag na teleserye. Karaniwan


din itong pumapaksa sa pag-ibig. Umisip ng isang eksena o tagpo na napanood
mo na magpapatunay na totoo ang kaisipan sa saknong na ito. Isalaysay.

O pagsintang labis na makapangyarihan


Sampung mag-aama‟y iyong sinasaklaw
„Pag ikaw nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang

Pamagat ng Teleserye: _____________________________

Eksena o tagpo: ___________________________________

Maikling salaysay: _________________________________


_________________________________
_________________________________

B. PAGTATAYA
Pagtataya

Gawain: Bakit mahalagang pag-aaralan ang “Florante at Laura”? sumulat ng


tatlong naging impluwensiya nito sa lipunang Pilipino.

a. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
b. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
c. ___________________________________________________________
___________________________________________________________

5
IV. RUBRIC FOR SCORING
IV. Rubric ng Pagmamarka

(Hindi kinakailangang ang rubric sa LAS na ito.)

V. SUGGESTED SUPPLEMENTAL
V. MGA SANGGUNIAN
LEARNING RESOURCE MATERIALS

 https://www.slideshare.net/VBienSarEs/florante-atlaurasaknong
 https://swamazing.com/florante-at-laura/pagbubukas-saknong-
1-to-10-flor

Inihanda ni:

SHEENA MAE C. ORBILLO, T-III


LNHS, Dibisyon ng Lungsod Ligao
Tiniyak ang kalidad ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino

You might also like