You are on page 1of 9

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Florante at Laura

Pag -aari ng Pamahalaan


HINDI IPINAGBIBILI
Paunang Salita
Kilala ang Pilipinas sa mayaman nitong kultura. Kahit nga ibang bansa ay humahanga rito.
Sa sining man o sa panitikan, hindi kailanman nahuli ang bansang Pilipinas.
Upang hindi makalimutan ang ating panitikan, ating balikang muli ang pagyakap at
pakikipagsabayan sa agos at daloy ng ating panitikan. Magpalit man ng anyo ang ating
panitikan at magbago man ito sa paglipas ng panahon, hinding-hindi natin maipagkakaila na
ang Panitikang Pilipino ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan.
Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid ’19, naisipan ng Kagawaran ng
Edukasyon na bumuo ng mga kagamitang pampagkatuto para sa mga mag-aaral upang
mapalawak ang kanilang kaalaman at muli nilang makilala ang sariling panitikan gamit ang
modyul na ito ng Asignaturang Filipino.
Pinag-igihan ang pagbuo ng modyul na ito upang ang mga mag-aaral ay patuloy na matuto
sa kabila ng banta ng pandemyang kinakaharap. Lubos ang paniniwala ng Kagawaran ng
Edukasyon na ang dekalidad na edukasyon ay kayang makamtan ng mga mag-aaral sa
paraang ito. Malaki ang paniniwala ng Kagawaran na ang pagkatuto ay hindi lamang
makakamit sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

Alamin

Sa Modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na kasanayang
pampagkatuto:

A. Nabibigyang -kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa binasa F8PT-Iva-b-33


B. Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng may-akda sa paggamit ng mga salita at pagkakahulugan
sa akda F8PUIva-b-35
C. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda, gamit ang wika ng kabataan F8WG-Iva-b-35

Aralin 2 Kay Selya at sa Babasa Nito

Alamin

Para sa Mag-aaral

Tungkol saan ang Araling ito?

Gusto mo bang malaman kung bakit nabigo sa pag-ibig si Kiko? Sino kaya ang naging
inspirasyon niya sa pagsulat nga “Florante at Laura?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga leksiyon tungkol sa inspirasyon at kabiguan ni
Francisco Baltazar.Nagpapakita rin ito ng mga katotohanangpangyayari at higit sa lahat, ito’y
nagtuturo sa mga mambabasa nga kalagayan nga mga Pilipino sa panahon ng Kastila.
Mapapaunlad at malilinang din ang inyong kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng mga
gawaing nilikha ng may akda na hahamon sa inyong kakayahan at karanasan

Tuklasin

Naranasan mo bang mabigo sa pag-ibig? Alamin natin ang mga sakripisyong inialay para sa
minamahal.

Gawain 2.1: Tula ko, para sa ‘yo!

Panuto 1: Basahin ang tula sa ibaba..

Para Sa Mahal Ko

Pag-ibig ko sa ‘yo ay totoo


Hindi ito kailanman magbabago
Kahit laitin man nila ako
Ikaw aking mahal ay sinisinta ko

Sa akin ka lang habambuhay


At kung ako ay mararatay
Kahit ako man ay maging bangkay
Ikaw pa rin sa aking buhay

Panuto 2. Sagutin ang mga tanong at isulat sa patlang ang sagot.

1. Sa unang saknong, paano ipinaglaban ng may-akda ang kanyang pagmamahal?


_________________________________________________________

2. Sa ikalawang saknong, ano ang hahantungan sa kanilangpag-iibigan?


_________________________________________________________

Gawain 2.2 : Kahulugan ko,hanapin mo!


Panuto: Hanapin sa Hanay A ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa
Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng napiling sagot .

Hanay A Hanay B

1. pagsaulan A. dusa

2. hilahil B. mawawala

3. pagdaralita C balikan

4. lumawig D. paghihirap

5.mapaparam E. tumagal
F. paghamak

Suriin

Tapos mo ng sagutin ang mga Gawain. Magaling! Ngayon, handa ka na bang alamin kung
kanino inialay ni Kiko ang awit na Florante at Laura? Tara na at tunghayan.

Gawain 3: Halina’t Magbasa!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga saknong sa ibaba.

Kay Selya 8 15
Di mamakailang mupo ang panimdim Bakit baga noong kami’y maghiwalay
1 sa puno ng manggang naraanan natin; ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung pagsaulan kong basahin sa isip sa nagbiting bungang ibig mong pitasin, kung gunitain ka’y aking kamatayan,
ang nangakaraang araw ng pag-ibig ang ulilang sinta’y aking inaaliw. sa puso ko Selya’y di ka mapaparam.
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib 9 16
Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik Itong di matiis na pagdaralita
2 sa buntunghininga nang ikaw’y may nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
Yaong Selyang laging pinanganganiban, sakit, ang siyang umakay na ako’y tumula,
baka makalimot sa pag-iibigan; himutok ko noo’y inaaring langit, awitin ang buhay ng isang naaba.
ang ikinalubog niring kapalaran paraiso naman ang may-tulong silid.
sa lubhang malalim na karalitaan. 17
10 Selya’y talastas ko’t malabis na umid
3 Nililigaw ko ang iyong larawan mangmang ang musa ko’t malumbay ang
Makaligtaan ko kayang di basahin, sa Makatang Ilog na kinalagian; tinig;
nagdaang panahon ng suyuan namin? binabakas ko rin sa masayang do’ngan, di kinabahagya kung hindi malait,
kaniyang pagsintang ginugol sa akin yapak ng paa mo sa batong tuntungan. palaring dinggin mo ang tainga’t isip.
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
11 18
4 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap Ito’y unang bukal ng bait kong kutad
Lumipas ang araw na lubhang matamis dito ang panahong masayang lumipas: na inihahandog sa mahal mong yapak;
at walang matira kundi ang pag-ibig, na kung maliligo’y sa tubig aagap, tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
hanggang sa libingan bangkay ko’y
maidlip. 12 19
Parang naririnig ang lagi mong wika Kung kasadlakan man ng pula’t pag-
5 “Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,” ayop
Ngayong namamanglaw sa at sinasagot ko ng sabing may tuwa tubo ko’y dakila sa puhunang pagod;
pangungulila, “Sa isa katao’y marami ang handa.” kung binabasa mo’y isa mang himutok
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, ay alalahanin yaring naghahandog.
nagdaang panaho’y inaalaala, 13
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa. Anupa nga’t walang di nasisiyasat 20
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
6 sa kagugunita, luha’y lalagaslas, Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel, sabay ang taghoy kong “O, nasawing kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
kusang inilimbag sa puso’t panimdim palad!” ng lubhang mapanglaw na Musa kong
nag-iisang sanlang naiwan sa akin, imbi.
at di mananakaw magpahanggang libing. 14
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib? 21
7 ang suyuan nami’y bakit di lumawig? Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw nahan ang panahong isa niyang titig tonohan ng lira yaring abang awit
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan; ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit? na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw, tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
22 Selyang sagisag mo’y ang M. A. R. sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
Ikaw na bulaklak niring dilidili, ang tapat mong lingkod na si F. B.

Pwede ring panoorin sa youtube ang saknong na ito.


https://www.youtube.com/watch?v=l_-OfGITk3M&ab_channel=GinoongLaya

Pagbibigay ng Puna
Ang pagkabigo ni balagtas kay Ma. Asuncion Reyes ay nagsilbing inspirasyon upang mabuo ang isang
dakilang awit na ‘Florante at Laura.” Inialay it okay Ma. Asuncion Rivera na tinagurian niyang Selya na
hango sa santong Sta. Cecilia, na santo patrona ng mga taong may hilig sa musika. Sa tunay na buhay,
mahusay tumugtog ng lira si Ma. Asuncion Rivera kaya inihalintulad ni Balagtas ang pangalang Selya rito.
Ipinadama sa atin ni balagtas ang masaklap na karanasan niya sa pag-ibig, ang matinding panibugho na
dulot ng pagpapakasal ni Selya kay Nanong Kapule at ang kawagasan ng pag-ibig niya kay Selya.
Binanggit sa tula ang mga pook ng Pandacan at Makati bilang paggunita sa masasayang araw at
malulungkot na pangyayari sa buhay ni Balagtas at ni Selya.

Magaling! Natapos mong basahin ang tungkol kay Selya, ipagpatuloy ang tungkol sa Babasa nito.

Sa Babasa nito 4 Kung sa pagbasa mo’y may


tulang malabo, bago mo hatulang
1 Salamat sa iyo, O nanasang katkatin at liko, pasuriin muna
irog, kung halagahan mo itong aking ang luwasa’t hulo at makikilalang
pagod; ang tula ma’y bukal ng bait na malinaw at wasto.
kapos, pakikinabangan ng ibig tumarok.
5 Ang may tandang letra
2 Kung sa biglang tingi’y bubot at alinmang talat di mo mawatasa’t
masaklap palibhasa’y hilaw at mura ang malalim na wika,ang mata’y itingin
balat ngunit kung namnamin ang sa sa dakong ibaba, buong
lamang lasap masasarapan din ang nahuluga’y mapaguunawa.
babasang pantas
6 Hanggang ditto ako, O
3 Di ko hinihinging pakamahalin nanasang pantas sa gayong
mo, tawana’t dustain ang abang tula ko; katamis Wikang masasarap, ay sa
kabango ng tula’y umalat.
gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo.
Ay huwag mo lamang baguhin ang
berso.

Pagbibigay ng Puna
Nagbibigay ng paalala si Balagtas sa mga mambabasa na huwag pakialaman ang awit na sinulat niya,
panatilihin ang anyo at ang nilalaman ng kanyang tula. Hindi nagkamali si Balagtas sa pagbibigay niya ng
babala sapagkat umani ng papuri at kinilala rin ng ibang bansa ang akda niyang Florante at Laura.
Napakataas ng uri ng akda niyang ito na ginagamitan niya ng mga matalihagang pananalita, gumamit din
siya ng iba’t ibang sagisag na lalong ikinaganda ng awit. Nag papakita rin ito ng mga makatotohanang
pangyayari at higit sa lahat, Ito’y nagtuturo sa mga mambabasa ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon
ng Kastila. Sa kasalukuyan, ang Florante at Laura ay itinuring na epiko ng mga Tagalog.
Binabati kita! Nabasa at naintindihan mo ang mga saknong ng tula? Upang masukat ko ang iyong
naunawaan, sagutin at ipaliwanag ang aking ibibigay na katanungan.

Pagyamanin
Gawain 4.1 : Tanong ko, sagutin mo!

Panuto: Sagutin ang mga katanungan..Isulat sa patlang ang iyong sagot.


1. Kung ikaw ay mabigo sa pag-ibig,ano ang iyong gagawin? Magbigay ng dalawang payo o solusyon
para hindi masira o mapahamak ang buhay ng taong nasawi sa pag-ibig.
______________________________________________________________________

2. Sang-ayon ka ba sa manaagng pakikipagsapalaran ng mga kabataan ngayon sa pag-ibig?


Pangatwiranan.___________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3.Magbigay ng mungkahi kung paano mapanatiling maganda ang samahan ng


pamilya.__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 4.2: Pahayag ko, suriin mo!

Panuto: Suriin ang bawat pahayag.Sang-ayon ka ba o hindi sa mga pahayag? Pangatwiranan ang iyong
sagot sa bawat patlang.

1. Naglalahad ng katotohanan at madamdamin ang mga akda ni Francisco Balagtas.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________ 2. Masyadong
malalim ang mga salita ng Florante at Laura. Ayoko nang basahin
ito._______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________ 3. Tingnan mo,
ang ganda ng aklat na ito. Ang gaganda ng mga pati na ang papel na
ginamit.__________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Isaisip
Gawain 5.1: Tanong ko, ipaliwanag mo!

Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol kay Francisco Baltazar,
ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat bilang.
Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol kay Selya, ipaliwanag ang iyong
sagot sa bawat bilang.

1. Anong uring pag-ibig ang iniukol ni Balagtas kay Selya?


______________________________________________________

2. Magbigay ng isang reaksyon sa epekto ng pag-ibig ni Balagtas kay Selya.

3. May kinakatakutan si Balagtas na mangyari.Ano ito? Ibig sabihin, wala ba siyang tiwala kay
Selya? Ilahad ang iyong sagot.

___________________________________________________________________

Magaling! nasagutan mo na ang mga katanungan sa itaas. Ngayon, ipagpatuloy mo ang


kaalaman nasimulan naIpaliwanag ang kasabihan sa ibaba.

Gawain 5.2: Kasabihan ko, ipaliwanag mo!

Panuto: Isulat ang iyong naintindihan na ibig ipakahulugan sa kasabihan. Isulat ang iyong
paliwanag sa espasyong nakalaan.

“ Bago mo punahin ang uling sa mukha ng iba,


alisin mo muna ang sa iyo.”

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Isagawa
Magaling! Talagang alam mo ang kasabihan.Tama ang iyong paliwanag. Ngayon,
gawin ang Gawain 6.

Gawain 6: Wika ko, gamitin mo!

Wika ng kabataan- mga wikang kalimitan ginamit ng mga kabataan ngayon.


 Balbal/slang-Antas ng wika na itinuturing na pinakamababa ang antas.Maaring tawagin
nag salitang kalye o lansangan. Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat
panahon ay may nabubuong mga salita.
 Halimbawa: yosi-sigarilyo, praning-baliw, parak-pulis, juding-bakla, eskapo takas sa
bilangoan, istokwa-naglayas, tiboli-tomboy, erpat-papa, ermat-mama, syota-kasintahan.
 Salitang binaliktad - salitang ginamit na pabaliktad
 Halimbawa: pulis-lispu, power-werpa, malupit-petmalu, idol-lodi, gutom-tomgu

Panuto A: Ilahad ang saloobin o damdamin sa mga sitwasyong ibinigay sa pamamagitan ng pagpili ng
limang wika ng kabtaan sa loob ng kahon at gamitin ito sa sa pangungusap. Dalawa o tatlong
pangungusap sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang.

1. Inagaw sa’yo ng iyong matalik na kaibigan ang iyong kasintahan sapagkat sila ang palaging
magkasama dahil kaunti lang ang iyong panahon para sa kanya dahil sa iyong trabaho.
a._____________________________________________________________________
b._____________________________________________________________________
c._____________________________________________________________________
2. Malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad sa ating sarili, sa pag-ibig natin sa kapwa,lalo na sa
pagmamahal ng mga magulang sa atin.Kailangan iwasan ang masamang impluwensya ng barkada.
a.______________________________________________________________________
b.______________________________________________________________________
c.______________________________________________________________________
9

You might also like