You are on page 1of 60

8

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 2
Magtanong Ka; May Katwiran Ka!
Filipino – Baitang 8
Kwarter 2 – Modyull 2: Magtanong Ka; May Katwiran Ka!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Christine B. Nevarez, Joann Z. Viñas


Mailene B. Banel, Agnes L. Bernal
Arnie B. Barcelona, Rachell Mae A. Suruiz
Editor: Zita Bognalbal , Roger Bañal
Tagasuri: Emilia B. Boboyo

Tagaguhit: Jefferson B. Besmonte ,Eduardo G. Padua,


Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Melodie C. Bueno; Brian Navarro
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng
modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang mas maging kapaki-pakinabang ang modyul na ito , bibigyan ng
pansin ang pagbibigay impormasyon sa mga mag-aaral at miyembro ng
pamilya tungkol sa paano gagamitin at iingatan nang mabuti ang modyul na
ito. Nang sa gayon ito ay mas kagigiliwan gamitin at pag-aralan ng mga mag-
aaral.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Ang mga
gawaing nakapaloob rito at kailangan mong saguting mag-
isa. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak
kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan at iwasang masira ang modyul na ito.
Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga
pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin

ii
Aralin 1: Magtanong Ka!
Panimula

Kumusta ang iyong araw?


Nakatutuwa naman at sa muli ay magkakasama na
naman tayo para sa bagong araling matututunan!
Halika! Sabay nating tuklasin ang kasanayang ating lilinangin sa modyul na ito!
Ngunit bago iyan ay alamin mo muna ang magiging layunin natin sa pagkatuto.
Sa gawaing ito, mararanasan mong bumuo ng mga makabuluhang tanong batay sa
napakinggang palitan ng katwiran.
O ano, handa kana ba? Tara!

Sa modyul na ito, inaasahan na nakabubuo ka


ng mga makabuluhang tanong batay sa
napakinggang palitan ng katuwiran.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na
makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang
inyong mapakikinggang akda sa araw na ito.

Talasalitaan

Basahin natin.
PANUTO: Punan ang crossword puzzle sa ibaba. Gamitin ang mga kahulugan maging ang
mga clue bilang gabay sa pagbuo ng mga salita.

PAHALANG:
1. Pag-aalinlangan o pagdadalawang-isip
3. Pagsasama-sama o pagtitipon-tipon

PABABA:
2. Pagdedesisyon o pagpaplano ng mga bagay na dapat gawin
4. Pagsulong o pagbabago mula sa hamak na kalagayan patungo sa
pinakamataas na estado ng buhay
5. Isang kalaban o katalo

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukan mo nga?

Panimulang Gawain
PANUTO:
Ipagpalagay na ikaw ay dadalo sa isang online class. Nakita mo isa-isa ang
iyong mga magiging kamag-aral ngunit nais mo pa silang makilala.
Gamit ang chatbox, ano-ano ang puwede mong maitanong sa kanila nang sa
gayon ay makilala mo sila nang lubusan?


2



3


Magaling! Nasubukan mo nang bumuo ng sariling mga


tanong. Saang antas ka nabibilang?
3 nabuong tanong – NAPAKAHUSAY

2 nabuong tanong – MAGALING
1 nabuong tanong – PAGBUBUTIHAN PA
0 nabuong tanong – KAYA MO YAN!

3
Alam mo ba?
PAGTATANONG – ito ay isang sining sapagkat naipapakikita dito ng guro ang kanyang
istratehiya kung paano niya magaganyak ang kanyang mga mag-aaral na lumahok o
makibahagi sa isang talakayan. Katulad ng isang pagsusulit, ito ay isang mabisang
pagtataya sa mga kaalaman at kasanayang dapat matamo ng mga mag-aaral.

Iba’t Ibang Uri ng Pagtatanong


1. TANONG NA ANG SAGOT AY “OO” o ”HINDI”
Ito ang pinakamalimit gamitin sa pagtatanong. Ang sagot dito ay mabilis na naipupukol sa
dahilang hindi ito nangangailangan ng pagbubuo ng mga pangungusap. Tinatawag itong “One-
Finger Question” sa Ingles.
Halimbawa: Sang-ayon ka ba….?
2. TANONG NA ANG SAGOT AY MAY DALAWANG PAGPIPILIAN
Ang kasagutan sa katanungang ito ay malimit na magkasalungat. Ang mga mag-aaral ay
mag-iisip ng malalim at makatuwiran upang maipaliwanag o maidepensa ang kani-kanilang panig.
Halimbawa: Ano ang mas mahalaga, sipag o talino?
3. TANONG TUNGKOL SA MGA TAO, BAGAY, LUNAN o PANGYAYARI
Ang mga tanong ay nagsisimula sa Sino, Ano, Alin, Saan o Kailan. Sa mga katanungang
ito ay mahahasa o magagamit ng mga mag-aaral ang kasanayang umunawa ng paksang
tinalakay.
Halimbawa: Sino ang nagustuhan mong tauhan sa kuwento?
4. TANONG NA BAKIT
Sa pagtatanong na ito, ang mga mag-aaral ay nagagamit ang kasanayang magpaliwanag.
Sa pagpapaliwanag, nagagamit ng mga mag-aaral ang kani-kanilang wasto at malalim na
pagkukuro o pagpapaliwanag batay sa kanilang naunawaan sa paksang tinalakay ng isang guro.

Halimbawa: Bakit ganoon na lamang ang naging pagpapasya ng pangunahing karakter


sa kuwento?
5. TANONG NA PAGTITIMBANG
Sa katanungang ito ay nagangailangan ng pagkukuro’t pag-iisa-isa sa mga bagay na
magpapaliwanag kung ano ang magiging kapasyahan. Sinasanay dito ang mag-aaral na
mangatwiran ayon sa mga impormasyong alam niya at batay na rin sa pansarili niyang kaalaman.

Halimbawa: Nakabubuti ba o hindi ang paggamit ng papel bilang alternatibong solusyon


sa problema sa basura?
6. TANONG NA HUMIHINGI NG PALAGAY
Ito’y nasasagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng kuro-kuro batay sa nakita, nabasa o
naranasan ng sumasagot. Dito mahihinuha kung malinaw o hindi ang pagkakatalakay ng aralin.

Halimbawa: Sa iyong palagay, magtatagumpay kaya ang pangunahing tauhan sa


pagwawakas ng kuwento?

4
At upang masubukan natin ang iyong kakayahang bumuo
ng makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng
katwiran, tunghayan mo ang isang balagtasang inihanda
para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Dagdag Kaalaman!
Ang pagpapalitan ng katwiran ay makikita sa mga panitikan kagaya ng balagtasan.
Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa
isang paksa.
Sa isang balagtasan, walang ganap na panalo. Ang huling hatol ay nakabatay pa rin
sa mga manonood. Bahagi ng paghahatol ng manonood ang pagsusuri sa
pangangatwiran ng magkabilang panig. Lubos na makatutulong sa pagsusuri ang
paghahanda ng mga makabuluhang tanong batay sa naging laman ng balagtasan.

PANUTO: Panoorin at pakinggang Mabuti ang halimbawa ng balagtasan sa link na


ito: https://youtube.com/watch?v=ESdZM0UrFHw
Kung hindi kayang maaccess ang link, basahin at unawain na lamang ang sipi ng
balagtasan sa baba.

SIPAG O TALINO

LAKANDIWA:
Matapos maipahayag ang panig ng magtatalo,
Ngayo’y aming ihahanda, tayog ng inyong talino
Bawat isa’y papalaot sa napapanahong isyu
Kaya’t inyong timbangin upang inyong mapagsino.

SIPAG:
Sa tuwing may magaganap na halalan sa’ting bayan,
Sinusuring kandidata, may nagawang kabutihan,
Kung anong kursong natapos ay hindi na inaalam.
Kakayahan n’ya at sipag, tanging pinag-uusapan,
Aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit,
Mga tao’y umaasa, lalo’t sila’y nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait.
Kawawa lang itong bansa, mga luha ang kapalit.

5
TALINO:
Nalimutan ng katalo, mga bayaning namatay,
Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan.
Kung di dahil sa talino, taglay nila nung araw,
Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan.
Mga naging presidente o senador at kongresman.
Lahat sila ang talino ay di natin matawaran.
Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan,
pinuhunan ay talino , kaya’t sila’y naging gabay.

Ipagpatuloy mo.

Batay sa napakinggan, nabasa o napanood na


katwiran sa balagtasan, ano-anong makabuluhang
tanong ang maaari mong buoin? Magbigay ng
tatlo.
________________________________________
________________________________________
________________________________________

Yehey! Nakabuo kana ng mga makabuluhang tanong batay sa


napakingang palitan ng katuwiran!

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

6
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.
Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.
_______________________________

Pagsasanay 1
Panuto: Bumuo ng isang makabuluhang tanong
batay sa paksang inilahad.

PAKSA:
Pagmamahal sa sarili o pagmamahal sa iba.
TANONG:______________________________________

PAKSA:
Paggamit ng libro o paggamit ng internet.

TANONG:______________________________________

PAKSA:
Paggamit ng wikang Filipino o wikang banyaga.

TANONG:______________________________________

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 13.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli
at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

7
Dahil madali mo lang
nasagutan ang unang
Pagsasanay 2
pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng
iyong kaalaman.
Panuto: Basahin at unawain ang isang sipi ng balagtasan. Subukang bumuo
ng makabuluhang tanong gamit ang iba’t ibang uri ng pagtatanong.

Ofelia: Limang daang papaurong, alamin mo Mang Pablito,


Nang dumami’ng kasangkapan, kung tawagin ay modern.
Iyang bomba, atomika, ang tangke at eroplano,
Ay isang kisap-mata, pinupuksa’y milyong tao.
Ma-sibilyan man o hindi, pati bahay na konkreto,
Tiyakin ding masisira’t mawawasak na totoo.
Mabuti pa noong una, tanungin ang kahit sino,
Magkubli lang sa sagingan, ligtas ka na sa piligro.

Pablo: Halimbawa ay sa puso, iyong karamdaman,


Ay agad ding magagamot sa maraming pagamutan.
Pati buwan ay narrating nang sumulong itong agham,
May tulay na nayayaring patawid sa karagatan
Radyo, TV, mga bapor na tanda ng kaunlaran,
Ang sasakya’y ubod dami, araw-araw ay naglisaw.
Ngayo’y napakadaling maglakbay sa ibang bayan,
Mag-almusal sa Maynila, sa Cebu ang tanghalian.

Ofelia: Sa Cebu ang tanghalian, kung hindi ka mapahamak,


Dahilan sa eroplano’y dumami ang sawimpalad.
At si Pangulong Magsaysay, ang saksi kong maliwanag,
Sa pagsulong ng agham mo, pati buhay nawakawak.

Pablo: Nawawakawak ang bansa, ‘pag ang agham ay umurong,


Bayan tayong aping-api at malayo sa pagsulong.
At sa lakas nitong agham, pati mina’y natutunton,
Iyang ginto’t mga langis, sa pagdami ay patuloy.

Mula sa Balagtasan ni Pablo Reyna Libiran


Agham at Teknolohiya ang tugon sa pag-unlad ng
bansa

8
MGA MAKABULUHANG TANONG:
1. Tanong na ang sagot ay “OO” o
”HINDI”
2. Tanong na ang sagot ay may
DALAWANG PAGPIPILIAN
3. Tanong tungkol sa mga TAO,
BAGAY, LUNAN o PANGYAYARI
4. Tanong na BAKIT
5. Tanong na PAGTITIMBANG
6. Tanong na HUMIHINGI NG
PALAGAY

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan


mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong
Panapos na Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang balagtasan sa baba. Bumuo ng dalawang


makabuluhang tanong sa bawat panig batay sa kanilang pangangatwiran.
Alin ang Higit na Mahalagang Taglayin:
ang Dunong, ang Yaman, ang Sipag, o ang Ganda?
Balagtasan nina F.D. Abalos at B. del Valle
sa inyong katwira’y bigyan ng
INA: (LAKAMBINI) liwanag.
Kung kayo’y mayroong ibig ipahayag,
YAMAN:
ang tatlong nauna’y aking tinatawag;
Ang anumang dunong ay di-
ang Dunong at Yaman, gayundin ang
matatamo
Sipag,

9
pag hindi ginamit ang Kayamanan ko; ang kamangmangan mo, sa iyo’y
ang Ganda’y hindi rin gaganda, pag papatay.
ito,
Ang hindi marunong gumamit ng
sa pilak at ginto’y inilayo ninyo.
Ganda
ay asahan ninyong lalong papangit
pa;
saka ang karikta’y malimit magdala
sa pagkariwara ng puri’t kalul’wa.
Ang Sipag, gayundin, di-
magtatagumpay
pag walang salapi at hungkag ang SIPAG:
tiyan; Lalong hindi tumpak ang iyong
matuwid,
kung wala kang bigas, palayok at
ang katotohana’y iyong tinumbalik;
kalan,
ang Yama’y sa Sipag kaya
ang pagsasaing mo’y di-
nakakamit,
magagampanan.
ang tamad na tao’y siyang laging
Sa panahong ito’y buhay ang salapi, said.
kailangang bilhin pati ang lunggati;
Kahit ka marunong kung ikaw ay
ang damit, pagkain at kubo mang
tamad,
munti,
ikaw’y mamamatay na ang mata’y
kapag may pilak ka’y madaling-
dilat;
madali.
nalalaman mo man kung saan lilipad,
DUNONG: pag di ka kumilos, ikaw ay babagsak.
Ang kanyang matuwid ay di-
Kung gagawin nama’y laging
matutumpak,
magpaganda
ang katotohana’y kanyang binaligtad;
at masasawi ng pati kaluluwa;
ang pilak at ginto kaya lang lumabas,
sapagka’t sa takot na marumihan ka,
ay dahil sa Dunong na siyang
pati ng paggawa ay tatanggihan na.
tumuklas!
GANDA:
Ang Sipag at Ganda’y walang
Itong tatlong ito’y pawang nasisinsay
katuturan
sa kani-kanilang katwira’t palagay;
kapag sa Dunong ko’y
kayo ba’y mayro’n nang nakitang
mapapahiwalay;
kariktan
kahit masipag ka, kung ikaw ay
na saan mang dako’y hindi
mangmang
kinalugdan.

10
Wala ka mang dunong, pag ikaw’y At kung sa sipag lang kayo
maganda, mamahalin,
ang kagandahan mo’y nagbibigay- alila’t utusan ang inyong daratnin;
sigla; subali’t pag kayo’y may kariktang
kung ikaw ay pangit kahit mayaman angkin,
ka
ay dahil sa yaman, pag ikaw’y sininta.

Dunong Yaman Sipag Ganda


1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.

Pamantayan sa Pagmamarka:
*Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa pangangatwiran - 10
*Nakagagamit ng iba’t ibang uri ng pagtatanong -10
KABUOANG PUNTOS: 20

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang


iyong mga sagot sa pahina 13.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

11
Karagdagang Gawain

Basahin ang palitan ng katwiran sa mga larawan sa baba. Mula sa mga naging
katwiran ay subukang gumawa ng tig-tatlong makabuluhang tanong para sa
magkabilang panig.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasany at gawain.

Mahusay! Binabati kita!

12
13
Talasalitaan
Pahalang
1. Urong-sulong
3. Nabubulid
Pababa
2.Pagpapasya
4. Pag-unlad
5. Katunggali
Panimulang Pagsubok- Karagdagang Gawain
(Nasa guro na ang pagpapasiya.)
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN:
WEBSITES
https://www.facebook.com/watch/?ref=search&v=589197051754928&external_log_id
=7bd83ae8-8b8e-4dc8-838c-
630b65076604&q=aura%20vs%20buknoy%20trending%20ngayon

https://gabay.ph/sipag-o-talino/
https://truyen4u.net/tula-balagtasan-yaman-vs-talino-409445423.html
https://www.scribd.com/document/427199403/Balagtasan
https://www.slideshare.net/melanierazor/balagtasan-58718076
https://www.slideshare.net/cli4d-mga-uri-ng-pagtatanong
https://www.kapitbisig.com/philippines/balagtasan-noon-at-ngayon-alin-ang-
higit-na-mahalagang-taglayin-ang-dunong-ang-yaman-ang-sipag-o-ang-
ganda-balagtasan-nina-f-d_1134.html/page/0/2

14
Aralin 2: Opinyon at Katuwiran

Panimula

Magandang Araw.
Kumusta ka?
Umupo at maghanda sa gawain na
magbibigay sa’yo ng kaligayahan at
bagong kaalaman na nakapaloob sa
modyul na ito.
Tara, umpisahan na natin.
Sa araw-araw na pakikibaka mo sa buhay
may mga pagkakataon na kailangan mong
magbigay ng opinyon at katwiran Sa
gawaing ito hahasain ang iyong isipan na
magbigay ng katwiran at opinyon
sa.nbalagtasan at makakapagbigay ng
katuwiran at opinion sa paksa ng
Balagtasan Halina’t sabayan ako!

Layunin
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito,
inaasahan na nakapagbigay ka ng opinyon at katuwiran tungkol sa
paksa ng balagtasan.

Ano ba ang alam


mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

15
A. Basahin
Bago mo simulan ang aralin at mga gawain sa araw na ito
kailangang matutunan mo muna ang mga bagong salita na
matatagpuan sa mga gawain.

Panuto: Bumuo ng salita na may kaugnayan sa larawan, kailangan


tugma ito sa mga kahon na nasa ibaba.

Talasalitaan
1.Uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.

1. Pagpapalitan ng ideya at kuro-kuro.

16
2. Walang kakayahan makipagsabayan sa magarbong buhay

3. Nagpapahayag ng kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin sa


paraan ng sining.

MAHUSAY!!
__________________________________________________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 13 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAHUSAY/MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

17
Mga Gawain sa Pagkatuto

Alam mo ba?

- Sa bawat pakikibaka ng tao, sa bawat pakikisalamuha niya sa iba, inilalahad


niya ang anumang saloobin sa pamamagitan ng pagbibigay sa pansarling
opinyon, paniniwala, katwiran at paninindigan. Ngunit kung minsan ay
nagkakasalungatan ang bawat isipan ng tao. Nagkokomento tayo kapag meron
tayong naririnig at hindi ito naaayon sa ating paniniwala, sa mga nakikita na
taliwas sa ating pinaniniwalaang katanggap-tanggap. Kaya marahil angkop
lamang na ipinahayag natin ang atig paninindigan sa pamamagitan ng
pangangatwiran.
-Ang Pangangatwiran ay maaring tawaging pagmamatuwid o
argumentasyon. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag ng kaisipan na
naglalayong makahikayat o mapaniwala ang nakikinig o bumabasa. Ginagamit
ditto ang sistematiko at pabaitang na katwiran upang patunayan ang isang
bagay. Isinaayos nang mabigyang gabay ang mga mambabasa sa pagsuri.May
sapat na batayan sa mga bagay na ipinaglalaban, nakahanda sa pagtanggap
ng katotohanan maging magalang at mapagpahalaga sa kuro-kuro ng iba. May
sapat na kaalaman sa paksa at may kaisahan ang ideyang ipinupukol.
Dahilan ng Pangangatwiran
1. Upang mabigyang- linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa
kaniya.
3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kaniyang sariling saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa.
Opinyon- Isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero
maaaring pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa
impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimentasyon.
Mga gamit na salita sa pagbibigay ng opinyon:
Sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, sa ganang akin.
Sa pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung may sapat na kaalaman sa
paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga
bagay at maging katanggap-tanggap ang ating mga opinyon. Ito ay isang
paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari, saloobin at
damdamin ng tao, at hindi maaring mapatunayan kung tama o hindi.

18
Simulan mo na ang iba’t ibang pagsasanay.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang ilang bahagi ng balagtasan at sagutin ang


mga tanong
Tandaan:Bahagi lamang ito ng isang balagtasan.

Lakandiwa:

Ang paksa pong nakalaan sa patulang pagtatalo


Dapat nga bang tanggapin ang asignaturang Filipino….?
Si Rhea ay nagsasabing asignaturang Filipino nararapat na ipagtanggol
Samantalang si Gerald ay malaon ng nagpahayag at siya ay di sang-ayon
Kaya hala,mauuna na ang panig ng tumututol.
Sige Rhea simulant mo, katwiran mo ay ipukol.

Mambabalagtas 1:

Pilipino ako, Pilipino ka?


Baka nakakalimot ka,
Sa Korte Suprema’y ika’y papanig pa ba?
Kung sariling wika may tinatanggal at binabalewala nila
Pag-unlad daw ng bansa ang dahilan nila,paano?
Sa paggamit ng Ingles at paglimot sa Filipino tsk..tsk….tsk….
Hindi ko maintindihan Pilipino ka pa ba?
Paano na ang mga maralita na di nakakaintindi ng wikang banyaga ?
Sa tingin mo ba’y makakasabay sila sa pagbabago ng wika …
Pilipino ka nga,pinaglalaban mo nama’y mga wikang banyaga?

Mambabalagtas 2:

Oo aaminin ko Pilipino ako at pinapahalagahan ko ang wikang Filipino.


Kung lagi na lang wikang Filipino ang minamahal dito sa mundo
Paano na tayo makikipagtalastasan sa mga banyaga na kung magsalita ay pinung-pino
Kaya pala napapansin ko ngayon High School na nga hindi pa marunong magsalita at
bumuo.
Gamit ang wikang banyaga at ang malala pa mali pa ang gramatika
Kaya nararapat lamang na alisin na ang asignaturang Filipino sa kolehiyo
At idagdag ang mga praktikal na pag-aaral sa Ingles
Naiintindihan mo!!

19
Mambabalagtas 1:

Tama ba? Tama bang alisin ang ating wika?


Wikang ating kinalakihan simula ng ating pagkabata
Tapos ngayon itong wika ay binabalewala
At papalitan ng wikang hindi naman atin kundi sa mga banyaga
Paano na ang mga kabataan na may galing sa ibat ibang larangan sa panitikan
Mapatula ,sanaysay, maikling kuwento, tigsikan , rawitdawit at talumpatian
Paano na ang katulad mo?
Ni ultimong pasalindila,pasalintroniko at pasalinsulat kung ang tatlong ito ay wala kang
kamalay-malay Paano pa malalaman ang pinagmulan
Kung kahit kuwentong-bayan ay di alam
At ang namamayani ay K-Pop at Korean Novela na walang kinalaman sa bayan.

Mambabalagtas 2:

Wika natin hindi ko naman inaalis


Huwag mong i-under-estimate wikang dayuhan
Wikang banyaga isa ring sandata
Ito’y pahalagahan sa bansa’y magagamit sa pakikipagtalastasan
Wikang Filipino pinag-aaralan naman sa elementarya,sekondarya sa senior high bakit hindi
nila kayang paunlarin ang mga sanaysay at iba pang akdang pampanitikan?
At isa pa wala naming masamang pag-aralan ang kultura ng iba
Tayo’y makikilala ng mga banyaga kapag alam natin ang kultura nila
Kung titingnan sa pampolitika,pang-ekonomiya,pang-agham,sport
Ay tumatakbo sa Ingles, Kaya walang dahilan na hindi natin pag-aralan ang Ingles.

Mambabalagtas 1:

Aba mukhang nakakalimot ka ?


Tanda mo pa ba ang isang kasabihan na pinagaral ni : “Gat Jose Rizal noo’y
nagwika ….” (aawit )
Huwag mong sabihin mas malansa at masahol ka pa sa isang isda na hindi
marunong magsalita. Nakakawalang gana at nakakalugmok isipin pagkat wikang
banyaga ang iyong ibinabandila.

ni: Mailene B. Banel


Gawain: 1
Panuto: Bilang panimula, magkaroon muna tayo ng isang pampatalas at pampasiglang
gawain para pukawin ang ating natutulog na katawang lupa. Sagutin ang mga katanungan
na may kinalaman sa binasa.
1. Ano ang paksa ng balagtasan?
2. Nasiyahan ka bas sa mga argumento? Patunayan
3. Paano inilahad ng magkabilang panig bawat patunay na sila ay tama?
4. Sino sa dalawang mambabalagtas ang lubos mong hinangaan sa gamit ang opinyon
at katwiran. Bakit?

20
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 25 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Pagsasanay 1

PANUTO:Ang Bawat saknong ay kinuha sa isang piyesa ng balagtasan. Tuklasin


mo ang pagkakaiba ng opinyon sa katwiran upang magkaroon ka ng ideya sa
pagbuo ng nito.
Isulat ang Fact kung ang ang pagpapaliwanag ay pangangatwiran at Bluff
kung ito ay opinyon, ipaliwanag ang sagot.

1. Mambabalagtas 2:
Kaya pala ang bansang Japan
Walang maayos na pakikipagkomunikasyon sa Amerika
Dahil wika lang nila ang pinahahalagahan noon at ngayon
Ibahin mo ang mga hapon sapagkat dati na silang maunlad
Di tulad sa atin kailangan pa nang tulong ng ibang bansa
At ang natatanging sagot ay ang maayos na pakikipagkomunikasyon
At paano ka makikipagkomunikasyon kung Filipino lang ang alam mo.

2. Mambabalagtas 2:
Oo aaminin ko Pilipino ako at pinapahalagahan ko ang wikang Filipino.Pero sa Tingin
ko Kung lagi na lang wikang Filipino ang minamahal dito sa mundo Paano na tayo
makikipagtalastasan sa mga banyaga na kung magsalita ay pinung-pino.

3. Mambabalagtas 1:
Ako nga’y hindi nagkakamali
Sa aking palagay isip ng mga Pilipino lason na at patay!
Pilipino ka hindi ba?
Ikaw ba’y may malay na ang wikang pambansa malapit ng mamamatay.

4. Mambabalagtas 2:
Nabasa ko sa isang aklat na patungkol sa panitikan
Na ang kasalukuyan ay magiging nakaraan
At ang nakaraan ay maaaring sumasalamin sa kinabukasan
Ngunit paano? Kung ang kasalukuyan ay sumalungat sa nakaraan
Nakaraan kung saan wikang Filipino’y pinaglalaban.

21
5. Mambabalagtas 1:
Iyan ba ang pinagmamalaki mo
Mga teknolohiya at siyensiya
Makinig ka sa aking sasabihin
Baka dila mo’y umurong
At baka nais mong sumama na lang rin
Calendar - kalendaryo
Window – durungawan
Kung nais mong pang-agham
Ang chemistry ay kapnayan
Oh! Kita mo!
Bawat salitang banyaga may panlaban ang wikang Filipino.

Yehey! Natapos mo ng buong husay kinagagalak kong batiin


kita dahil sa iyong pagpupursige!

Pagsasanay 2

Panuto: Tingnan Mabuti ang mga larawan at bumuo ng opinyon at katuwiran kung
sakali ito ang magiging paksa ng balagtasan.
Opinyon Mo Ihayag Mo!

1.
Ibigay ang iyong opinyon , Paksa : Covid-19 patuloy na lumalaganap o unti-unti
ng nasusugpo ng gobyerno?
2.

- Ibigay ang katuwiran sa isang paksa ng balagtasan: Balik Probinsiya Programa ni:
Senator Bong Go, GO ka ba dito ?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:


Lubos na naunawaan---
Naunawaan…………….
Naguluhan………………
22
Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 23.
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang lahat ng pagsasanay..
Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng aralin.


Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.

Pagsasanay 3

Panuto: Ang Pera at Pag-ibig ay mahalaga sa bawat tao, ngunit hindi nangangahulugan na
ang dalawang ito ay magkapantay , kailangan ay may higit na natatangi sa mga ito. Gamit
ang opinyon at katuwiran, ibigay ang hinihinging kasagutan na nakapaloob sa bawat kahon.

Pag-ibig o Pera

Panig sa pag-ibig Panig sa pera


(opinyon at katuwiran ay (opinyon at katuwiran ay
ipukol) ipukol)

Bakit kailangan matutunan natin ang dalawang uri ng pagpapahayag ng saloobin,


ang opinyon at katuwiran?

23
O di ba kayang-kaya mo!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 23.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Panapos na Gawain

Panuto: Pumili ng isang paksa na ilalatag at gumawa ng iskrip upang ibigay ang katwiran at
opinyon tungkol sa paksang pinili. Kailangan tatlong karakter lakandiwa, at dalawang
mambabalagtas.
Mga paksa :
1. Ang pagbubukas ng mga paaralan sa buwan ng Agosto.payag ka o hindi?
2. Pagpapatupad ng Anti -Terrorism Act 2020, makakatulong o pang-aabuso?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gamiting gabay ang pamantayan:


Nilalaman 5%
Pagkamalikhain 5%
Kaayusan at kalinawan ng paglalahad 5%
KABUUANG PUUNTOS 15%

Binabati kta! dahil hindi ka pinaghinaan ng loob sa


paggawa ng lahat ng Gawain.
Subalit bago tayo maghiwalay , narito ang pinakahuling
gawain na iyong gagawin .

Karagdagang Gawain:

Bilang karagdagang gawain , ibigay mo ang iyong opinyon at katwiran sa paksang


ito ng balagtasan , Alin Ang iyong pipiliin Face to Face o On line na Pag-aaral?

24
Gamiting gabay ang pamantayan:
Nilalaman 5%
Pagkamalikhain 5%
Kaayusan at kalinawan ng paglalahad 5%
KABUUANG PUUNTOS 15%

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

25
26
TALASALITAAN
1. Balagtasan
2. Wikang Banyaga
3. Talastasan
4. Maralita
5. Panitikan
Pagsubok 1
1.Tungkol sa wikang filipino
2. Oo, dahil malaman at may pinagbabatayan ang bawat paliwanag.
3. Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga datos at importanteng impormasyon.
4. Parehas dahil hindi sila nagpatalo sa bawat isa.
5. Bilang Pilipino di ko hahayaan na mawala ang sariling wika na kung saan ito ang
maituturing na atin mismo.
-Pagsasanay 1
1. Fact- gumamit ng mga patunay
2. Bluff- gumamit ng katagang opinyon
3. Bluff- gumamit ng katagang opinyon
4. Fact-nagsaliksik at pinag-aralan
5. Fact- gumamit ng patunay at hindi haka-haka
nagpaturo siya sa kanyang kaklase.
-Pagsasanay 2 (Maaaring sagot)
1. Sa aking palagay hindi pa nasusugpo ng pamahalaan ang pagpigil sa pagkalat ng
virus sa ating bansa dahil mas tumataas ang bilang na nagiging positibo sa buwan ngayon. Isa
sa mga patunay ay ang eksaktong bilang na compirmadong positibo sa sakit naitala ngayon
hulyo 15, 2020 may bilang na 57,545 na katao, samantalang ang gumaling sa sakit 20,459 at
mga namatay sa sakit ay may bilang na 1,599 ayon sa tala ng Wikipedia.
2. Ang balik Probinsiya ni senator Bong Go ay marahil nakatulong ngunit sa iba naman
ay naging kapahamakan dahil sa madaming nakauwi ng probinsiya ang nag-positibo sa virus
sila ay tinatawag na asymptomatic, isang patunay sa mga patunay ay ang paglaganap sa
mga probinsiya ng covid-19. Kabilang ang Bicol Region, tumaas ang bilang ng kaso ng
covid-19. Ayon sa DZGB News ang lahat ay may travel history mula sa Maynila.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
-Guinoo, J. (2017). Dalawang uri ng pangangaywiran.
Nakuha noong Hulyo 7, 2020, mula sa slideshare
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/pangangatwiran-grade-9

-Bumacas, D. (2015). Pagkilala sa opinyon, nakuha noong Hulyo 7, 2020 ,

mula sa slideshare
https://www.slideshare.net/divinabumacas98/pagkilala-sa-mga-opinyon-o-katotohanan

-24 Oras News TV.. GMA.,;

-https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/08/17/1944134/editoryal-restroom-
para-sa-lgbt

https://www.google.com/search?q=pagbibogay+ng+opinyon+at+katwiran+sa+palagtasan&sxsrf=ALe
Kk02oXGEKGaadXPWsQ7v2PV_O

27
Aralin 3:May Katwiran Ka!

Panimula

Kumusta ka sa araw na ito?

Nakapanood ka na ba ng episode ng Ipaglaban Mo? Opo,


maganda ang episode na ito dahil bukod sa makatotohanan ang mga
ipinapalabas ay natututo pa ang mga manonood kung ano ang nararapat gawin o kaya
katuwiran kaugnay ng isang sitwasyon o suliranin. Ito rin ang pag-aaralan mo ngayon.
Malilinang ang iyong kakayahan sa pangangatwiran, kumbaga parang abogado ka sa araw
na ito.
Huwag kang mag-alala, alam kong kayang-kaya mo ito!

Sa modyul na ito, inaasahang naiipapahayag mo


ang pangangatwiran sa napiling alternatibong
solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa
tekstong binasa. Layunin

28
Halika alamin mo ang mga bagong salita na makikilala mo sa
araling ito.

Talasalitaan

1. Pangangatwiran - isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay


magpatunay ng katotohanan
2. Proposisyon - ito’y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng
pagsang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento.
3. Alternatibo – pamalit o pansamantalang panlapat
4. Solusyon – kalutasan ng isang suliranin

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo


nga?

Panimulang Gawain

Basahin ang bawat sitwasyon at ang suliraning nakapaloob dito. Hanapin sa loob ng
kahon ang dahilan kung bakit patuloy itong nangyayari at kung ano ang alternatibong
solusyon o proposisyon kung paano malulutas ang nabanggit na suliranin . Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A. Umagang-umaga , kunsumido si Aling Rita sa nagkalat na basura sa labas ng
kanilang tarangkahan. Araw-araw, pagkagising niya ay magwawalis agad siya sa
labas dahil nga sa mga basurang basta na lang itinatapon ng mga nagsisidaang tao
sa tapat ng kanilang bahay. Malinaw na ang suliranin sa sitwasyong ito ay ang
kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura ng mga mamamayan
1.________________________ (Dahilan kung bakit patuloy itong nangyayari )
2. _______________________ ( alternatibong solusyon )

29
B. Laging nag-aaway ang magkapatid na Domeng at Lumeng dahil inaangkin ni Domeng
ang lupa ni Lumeng na minana pa nila sa kanilang yumaong magulang.
1. ______________________ (dahilan kung bakit ito nangyayari)
2._______________________ ( alternatibong solusyon)
C. Kilala si G. Santos bilang isang negosyante na hindi nagpapasahod nang
maayos sa kanyang mga empleyado. Isa sa mga apektado nito ay ang mga
manggagawa ng bag na sina Aling Lena at Aling Lea.
1. ___________________ (dahilan kung bakit ito nangyayari)
2. ___________________ (alternatibong solusyon)

A. Isa sa dahilan kung bakit patuloy ito nangyayari dahil sa kawalan ng


pagpapahalaga sa kalikasan ng mga mamamayan
B. Hindi nila dala ang kanilang basurahan kaya itinatapon na lang sa daan.
C. May ilang negosyante na sarili lang nila ang iniisip at hindi ang
kapakanan ng kanyang mga empleyado.
D. Totoong may mga taong mapaghangad na kahit hindi nila pag-aari ay
nais pang angkinin.

E. Nararapat lang na sumangguni o makipag-ugnayan sa ahensya ng


Kagawaran ng Paggawa at Empleo ng Pilipinas upang mabigyang
pansin ang kanilang hinaing o reklamo.
F. Magandang magpatupad ng ordinansa ang barangay tungkol sa tamang
pagtapon ng basura.
G. Sumangguni sa isang abogado ng nararapat gawin upang maiwasan
ang away tungkol sa lupa.
H. Tama lamang na ipadakip at ikulong agad ang nagtatapon ng basura
sa daan o kalsada.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 41 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

30
O ,di ba kayang-kaya mong magpahayag ng
pangangatwiran at alternatibong solusyon kaugnay ng
suliraning inilahad sa teksto.
Sige , ipagpatuloy mo pa ang pagbasa at pagsagot sa
mga susunod na gawain para lalo kang matuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin mo.

Basahing mabuti ang akdang Walang Sugat. Ang akdang ito’y kinapapalooban ng mga
pangyayaring nagpapahiwatig ng mga suliranin na bibigyan natin ng alternatibong solusyon
at pangangatwiran. Unawaing mabuti ito at sagutin ang Gawain pagkatapos mong basahin.

Walang Sugat
Severino Reyes(1898)
buod batay sa Pineda (1979)

Unang Yugto
1 Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Ten︢yong.Magkakayayaang
magpapakasal ang dalawa.
2 Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam ang
binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang ina nitong si Juana.
3 Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura. Tinatawag
silang Filibustero at mason. May hindi na makakain sa dinanas na hirap. May
namatay na.
4 Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Tenyong, na ibig makita ang asawang
Kapitan Inggong bugbog na sa palo.
5 Darating si Tenyong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng ina.
Sinabi ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat
hagkan.”
6 Isusumpa ni Tenyong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap.Inggo.
Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya si Tenyong ng mga kasama na
magsikuha ng baril at gulok. Makikiusap si Julia na huwag ituloy ni Tenyong ang
balak dahil nag-iisa na ang ina ng binata. Sasalakayin pa rin nina Tenyong ang mga
kura.

31
Ikalawang Yugto
7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak.
8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng
dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Tenyong.Magpapadala ang
dalaga ng liham kay Tenyong sa tulong ni Lucas.
9 Si Tenyong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Tenyong. Ibibigay ang sulat ng dalaga.
Isinasaad doon ang araw ng kasal nil ani Miguel.
10 Sasagutin sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Maghahandang lumaban ang mga Katipunero.
Ikatlong Yugto
11 Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Tenyong ang kanyang li-
ham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
12 Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Tenyong pa rin ang nasa isip ng dalaga.
Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.
13 Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanligaw naman kay Juana.
14 Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lucas
na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan
na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o
magpatiwakal.
15 Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si
Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang dalaga
dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
16 Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na
sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero
ang pari para makapangumpisal si Tenyong.
17 Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Tenyong. May huling kahilingan ang binata-
na sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag
ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandali na lamang at puwede na uling ikasal si
Julia at ang kaniyang anak. Gayundin si Miguel.
18 Ikinasal sina Julia at Tenyong. Babangon si Tenyong mula sa pagkakahiga
at…”Walang sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw ng lahat. Gawa-
gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang buong eksena.
Panitikang Pilipino.Filipino 8. Modyul
para sa Mag-aaral
Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

32
Mula sa binasang akda, suriin ang ilang mahahalagang pahayag na
itinuturing na suliranin ng mga Pilipino. Maglahad ng iyong katwiran, pananaw o opinyon kung
bakit nangyayari ito sa ating bansa. Ipahayag rin ang mga alternatibong solusyon o
proposisyon kung paano malulutas ang mga nabanggit na suliranin.
Mga Suliraning Mga Dahilan Kung Bakit Mga Alternatibong Solusyon
Masasalamin sa Akda Patuloy Iyong Nangyayari o Proposisyon
(Walang Sugat)
1, Mga Pilipinong A.___________________ B.__________________
nakararanas ng mga ___________________ __________________
paglabag sa karapatang ___________________ __________________
pantao mula sa kamay ng ___________________ __________________
mga makapangyarihan tulad _________________ __________________
ng nangyari kay Kapitan _________________ __________________
Inggo
2.Paghahari ng mga A. _________________ B._____________________
dayuhan sa bansa upang _________________ _____________________
mapakinabangan ang ating _________________ _____________________
mga likas na yaman _________________ _____________________
3.Pakikialam ng magulang A._________________ B._____________________
sa buhay pag-ibig o maging _________________ _____________________
sa pag-aasawa ng anak _________________ ____________________

Ipagpatuloy mo.

Opo, talaga pong napaisip ako nang


Naipahayag mo ba ang
pangangatwiran sa ibinigay mong angkop na katwiran sa mga napili kong
alternatibong solusyon sa solusyon sa suliraning masasalamin sa
suliraning inilahad sa akdang Walang
Sugat? binasang akda.

Mabuti naman, yan ang


nararapat nating gawin, oras na
may kinakaharap tayong
suliranin, kailangang mag-isip
tayo ng alternatibong solusyon
at ipahayag ang
pangangatwiran kaugnay nito.

Tama ka po, alam ko na ngayon kung ano ang gagawin sakaling maharap
ako sa isang suliranin.

33
Oh,di ba ang galing mo! Nakapagpapahayag ka na ngayon ng pangangatwiran sa
isang alternatibong solusyon sa suliraning inilahad sa akda. Maaari mo nang gawin ang
sumusunod na mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.


Panuto: Basahin ang bawat aytem. Ilahad ang iyong pangangatwiran
sa napiling solusyon batay sa sumusunod na suliranin na hango sa
Pagsasanay 1
mga akda .
1.Mayroon pa ring mga pangkat sa kasalukuyan na lumalaban sa pamahalaan ng
ating bansa.(hango sa Walang Sugat)
Alternatibong Solusyon: Pagbibigay ng tamang hustisya sa mahihirap na
mamamayan
Pangangatwiran: _________________________________________________
A. Hindi nakapag-aral ang karamihan sa mahihirap
B. Talagang nangingibabaw ang galit kapag may mga taong mahihirap na inaapi o
minamaltrato ng maykapangyarihan
C. Paglabag sa batas ng mga mahihirap kaya nangyayari ang paglaban sa
pamahalaan.
D. Nararapat na taasan na ang suweldo ng mga manggagawa.

2. Pagkakaroon ng kutsabahan ng dalawa o tatlong tao para maisagawa ang isang


masamang balak.
Alternatibong solusyon: Huwag bigyang pagkakataon o oportunidad na
maisagawa ang masamang balak. Laging maging mapanuri at alerto sa
lahat ng oras.
Pangangatwiran:________________________________________________

34
A. Marami ang manloloko at sinasamantala ang kahinaan ng isang indibidwal.
B. Natatakot ang ilang indibidwal na harapin ang katotohanan
C. Walang nalalaman sa mga nagaganap sa kapaligiran ang isang tao
D. Natatakot sa sasabihin ng iba ang karamihan sa atin.
3.Lumabas sa isang balita sa radyo na may mga tindera sa bakery ang hindi
gumagamit ng facemask.
Alternatibong solusyon: Pagkakaroon ng ordinansa sa bayan/barangay na
patawan ng multa ang sinumang di magsuot ng facemask
Pangangatwiran: ____________________________________________
A. Walang pambili ng facemask ang mga tindera
B. Kahit mayroon silang facemask , inaalis nila dahil naiinitan .
C. Isang pangangailangan ang pagsuot ng facemask para maiwasan ang mahawaan
o makahawa ng sakit. Na COVID-19.
D. Maiiwasang makaamoy ng mabaho kapag naka-facemask.
4.Ayon sa balita ngayong araw Hulyo 11,2020 , umabot na sa 53,000 ang positibo sa
COVID 19 sa buong bansa.
Alternatibong solusyon: Matuklasan na ang bakuna para sa COVID 19.
Pangangatwiran:________________________________________________
A. Malaking tulong ang bakuna sa mga tao.
B. Oras na matuklasan ang bakuna sa COVID 19, maaaring makabalik na sa normal
na pamumuhay ang mga tao at maaari na ring mabakunahan.ang mga tao para
hindi magkasakit.
C. Masaya na ang mga tao dahil sa natuklasang bakuna
D. Mababawasan na ang magkakaroon ng sakit.
5. Marami ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemic dahil sa pagsasara ng mga
pagawaan, restawran at iba pang tanggapan.
Alternatibong solusyon: Pagbibigay suporta ng pamahalaan at ng pribadong
indibidwal/sektor sa mga naapektuhang
manggagawa
Pangangatwiran: _____________________________________

A. Wala ng malalapitan ang mga nawalan ng trabaho


B. Tuon ng pamahalaan ang pagtulong sa mga nagpositibo sa COVID
C. Marami ang matutulungang manggagawa kung magkatuwang ang
pamahalaan at pribadong indibidwal/sector ng lipunan sa pagsuporta
D. Nararapat na mag-ambag din ang mga pribadong sector ng lipunan
upang matutlungan ang mga nawalan ng trabaho

35
A.Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
B. Tingnan ang sagot sa pahina 41.
C. Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
D. Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
E. Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
F.Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli
at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay,


heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng
iyong kaalaman.
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang teksto.
Bigyan ng alternatibong solusyon at
pangangatwiran ang inilahad na suliranin
mula sa teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
A. “Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga’y nagpatalo noong mga
nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok.
Ngunit, ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema”
Francisco” Soc” Rodrigo.Sa Pula, Sa
Puti. Pluma 8,2017

Suliranin: Pagkalulong sa sabong ng ilang kalalakihan


1.Alternatibong Solusyon: _______________________________________________
2. Pangangatwiran: ____________________________________________________
A. Napilitan siyang lumapit sa ama upang mangutang ng labinlimang libong piso para
mabawi ang kanyang makina.”Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka
sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo naming maghanap
ng puhunan sa sarili mong pagsisikap.”Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya
ang paggalang.Dumabog sa harap ng ng ama. “Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo
natitiis ang inyong anak?Kasiyahan ba ninyong makitang nahihirapan ako?”
Efren R. Abueg. Saranggola.Pluma
8,2017

36
Suliranin: Pagkakaroon ng anak na walang respeto sa mga magulang
3. Alternatibong Solusyon :________________________________________
4. Pangangatwiran: _____________________________________________

B. Masama, Juana.Talaga yata itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap.


Noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sueldo, dahil sa kami ay alipin
ng mga Frayle. Ngayon nga kung sabagay kami na ang namamahala, wala naman
kaming kinikita.
Suliranin: Sadlak pa rin sa hirap ang karamihan sa mga mamamayang Pilipino
5. Alternatibong solusyon: ________________________________________
6. Pangngatwiran: _____________________________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga


gawain upang masagutan ang sumusunod na
Pagsasanay 3
pagsasanay.
Panuto: Basahin ang sumusunod na
bahagi ng teksto. Tukuyin ang suliraning nakapaloob sa
teksto at isulat ang alternatibong solusyon nito. Ipahayag rin ang pangangatwiran sa inilahad
na alternatibong solusyon.

A. “Ay Kapitan Tenyong, isip ko po’y hindi ko na kayo makikita. Matagal na po akong
naglalakad ay wala pong makapagturo sa akin. Katakot-takot po ang hirap na
dinaanan ko bago ko nakasapit sa iyo. Nagkalamog-lamog po ang katawan ko.
Kaaway po’t hindi kaaway ay bumugbog sa akin.”

1. Suliranin:____________________________________________________
2. Alternatibong Solusyon: ________________________________________
3. Pangangatwiran: _____________________________________________

37
B. Oh , Diyos kong maawain
Tulungan mo ako
Ang hirap ko’y lunasan mo
Di ako papayag Kaylan man
Mahal ko’y mapaibang kandungan
Mabuti pang ako’y tuluyang mamatay.
4. Suliranin : __________________________________________________
5. Alternatibong Solusyon: _______________________________________
6. Pangangatwiran:_____________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 41.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa


mga natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil
alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Basahin ang teksto. Bigyan ng alternatibong solusyon at pangangatwiran ang


inilahad na suliranin mula sa teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
A. Natapos na. Wala na
Matutupad na ang kahilingan ni Inang.
Matutupad din naman ang pagkakamit ko nang dakilang sala…
Ako’y magiging asawa nang di ko ibig…
Katawan ko’y kanya sa habang panahon,

38
Datapwat ang puso ko’y kay Tenyong
Magpakailan pa man.
Tayo na po, Inang…

Suliranin: Pagpapakasal sa isang lalaking hindi naman mahal ng babae dahil sa


kagustuhan ng mga magulang.
1. Alternatibong Solusyon:___________________________________________
2. Pangangatwiran: ________________________________________________

B. “Ayoko nang mag-aral, Inay,”sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa
dormitoryo. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako
ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”
Efren R. Abueg. Saranggola.Pluma 8,2017

Suliranin: May mga kabataan ngayon na walang tiyaga sa pag-aaral. Madaling sumuko sa
mga hamon ng buhay.
3. Alternatibong Solusyon:___________________________________________
4. Pangangatwiran : _______________________________________________
C. Sa kanyang paglalakbay ay nagkaroon siya ng matinding sakit at inabot siya ng
kamatayan sa pintuan ng kaharian ng Lupaing nasa pagitan ng dalawang Dagat.Ang
hari rito at ang kapatid niyang Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si
Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo.
Bantugan,Pluma 8,2017
Suliranin: Lalong dumadami ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas at ibang
bansa.
Alternatibong Solusyon: Huwag lumabas ng bahay kung wala namang mahalagang
dahilan
5. Pangangatwiran :________________________________________________

Mahusay! Malapit mo nang matapos ang araling ito.


Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 41.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin
sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

39
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga


gawain at pagsasanay. Talagang napaisip ako sa mga
pagsasanay.Pakiramdam ko parang
abogado nga ako! Kaya parang
gusto ko pa ng karagdagang
Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain
Panuto: Magbigay ng isang suliraning
panlipunan na iyong namamasdan sa iyong lugar at ipahayag ang iyong pangangatwiran sa
posibleng alternatibong solusyon nito.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.
Ang husay mo !

40
41
Panapos na Pagsubok (Mga Posibleng Sagot)
1. Masinsinang pakikipag-usap sa mga magulang
2. Anumang problema’y mabibigyang solusyon kung ito’y pinag-uusapan.
3. Pagbibigay ng counselling sa kabataan tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral.
4. Mauunawaan ng mag-aaral ang kahalagahan ng pagtitiyaga sa pag-aaral.
5. Maiiwasan ang pagkalat ng sakit at hawaan kung iiwasan ang paglalakbay at paglabas-
labas ng bahay.
Pagsasanay 3 (Mga Posibleng Sagot)
1. Pagpapahirap sa mga taong walang kasalanan
2. Huwag pupunta sa mga lugar na mapanganib.
3. Maiiwasan ang kapahamakan kung laging nag-iingat.
4. Pagkakaroon ng kaagaw sa minamahal sa buhay
5. Maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
6. Kaakibat ng pagiging matatag ang pagkakaroon ng tamang desisyon sa buhay.
Pagsasanay 2 (Mga Posibleng Sagot)
1. Pagdidisiplina sa sarili
2. Walang maaaksayang pera kung may disiplina sa sarili
3. Pagpapaliwanag ng mga magulang sa mga anak tungkol sa pagkakaroon ng magandang
kinabukasan
4. Magkakaroon ng positibong pananaw ang mga anak sa anumang sasabihin ng magulang
5. Pagsuporta ng pamahalaan sa mga mahihirap
6. Malaking tulong sa mahihirap ang anumang suporta ng pamahalaan
Pagsasanay 1
1. B 2. A 3. C 4. B 5. C
2. Gawain sa Pagkatuto (Mga Posibleng Sagot)
3. A. Pagiging matigas ng ulo ng ilang mamamayan
B. Makipag-ugnayan sa Commission on Human Rights
4. A. Mataas na pagtingin ng ilang Pilipino sa mga dayuhan
B. Ipaalam sa mamamayan ang kahalagahan ng likas na yaman
5. Maaaring magtaguyod ng isang seminar kaugnay nito
6. A. Nais ng mga magulang na mayaman ang mapangasawa ng kanilang anak
B. Magkaroon ng seminar/parental counselling para sa mga magulang
Panimulang Gawain
1. A
2. F
B) 1. D
2. G
C) 1. C
2. E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Enrijo,Wilita A. et al. Panitikang Pilipino. Ikawalong Baitang Filipino - Modyul para sa Mag-
aaral. Kagawaran ng Edukasyon, 2013.

Julian, Ailene B. et al. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.,2017.

42
Panimula
Kumusta ka?
Simulan mo nang may ngiti sa labi ang araw na ito!
Umupo at maghanda sa gawain na magbibigay sa iyo ng kaligayahan at bagong
kaalaman na nakapaloob sa modyul na ito.
Tara, umpisahan na natin.
Maraming pangyayari ang nagaganap sa buhay natin ngayon na puno ng iba’t
ibang damdamin na nakaaapekto sa ating isipan at pananaw sa buhay.
Ngayon sa araling ito, ikaw mismo ang magpapaliwanag sa nilalaman ng
iyong binasang akda.
Handa ka na ba?

Layunin:
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito,
inaasahan na naipaliliwanag mo nang
maayos ang pansariling kaisipan,
pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng
akdang tinalakay.

Ano ba ang alam mo na


sa ating aralin, subukin
mo nga?

43
Talasalitaan Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng
salita sa Hanay A. Isulat ang sagot sa patlang
bago ag bilang.

Hanay A Hanay B
______1. hamon A. iba’t iba
______2. samu’t sari B. bahagi
______3. tugatog C. rurok
______4. ambag D. pagsubok
______5. pundasyon E. pagkakatayo

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga mahihirap na salita. Isulat ang sagot sa
loob ng kahon upang mabuo ito.

1. estilo - __ A __ __ M __ __ R __ __ N
2. mithiin - H __ __ G __ R __ N
3. sumiklab - __ U __ __ T__ W
4. wasto - __ A M __
5. pananaw - K __ B __ T __ R __ N

Panimulang Gawain

Panuto: Narito ang limang kaisipang hindi tapos. Dugtungan ng


sagot upang mabuo ang mga ito.
1. Lalo akong nasisiyahan kung ako ay kabilang sa pangkat ng mga taong
_________________________________________________________
2. Hindi ako magiging maligaya kung
______________________________________________________________
3. Sa hirap ng kalagayan natin ngayon, kailangan nating
_________________________________________________________
4. Mamahalin ka lamang ng taong mahal mo kung ikaw ay
_________________________________________________________
5. Nakamit ko sa buhay ang tugatog ng tagumpay sapagkat
_________________________________________________________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

44
O, di ba kayang-kaya mong ipaliwanag ang pansariling
kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin sa binasa?

Halika, may inihanda pa akong gawain para saiyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Alam mo ba?
Ang sanaysay ay isang akdang
pampanitikan na naglalahad ng matatalinong
pagkukuro.

Ito ay makatwirang paghahanay ng mga


kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa
kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka.

Nasasalamin din dito kung malalim o mababaw


ang pananaw ng makata gayundin ang kanyang
damdamin.

GAWAIN:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay na nasa


loob ng kahon. Sagutin ang ilang katanungang inihanda para sa
iyo. Isulat ang sagot sa patlang.

Edukasyon, Isang Hamon sa Kasalukuyang Panahon

Tunay nga na ang edukasyon ay pamana ng ating magulang na kailanma’y hindi


mananakaw ng iba. Kaya gaano man kahirap ng sitwasyong nararanasan natin sa
kasalukuyan ay patuloy pa rin tayong lumalaban sa anomang hamon ng buhay.

Sumiklab ang isang bagong virus na hindi natin akalain na wawasak sa ating lahat.
Binago nito ang takbo ng ating lipunan at pamumuhay. Marami ang binawian ng buhay
dahil walang makain bunga ng kawalan ng trabaho. Maging ang pagbubukas ng klase
noong Hunyo ay hindi naisakatuparan. Samu’t saring balita ang napapanood at naririnig
natin tungkol sa sakit na COVID-19, ngunit hindi natinag ang Kagawaran ng Edukasyon
na hindi isulong ang pagbubukas ng klase ngayong taon. Gumawa ng iba’t ibang paraan
ang ahensya ng pamahalan maging ang mga guro ay tumulong kung paano ang
prosesong gagawin sa mga mag-aaral upang mabigyan ng sapat na kaalaman sa kabila
ng problemang kinahaharap.

45
Ang nagaganap ay hamon na susubok sa katatagan, determinasyon,
pananampalataya sa Panginoon at diskarte ng mga kabataan. Ang kailangan lang gawin
ng kabataan ay buong pusong tanggapin ang pagbabagong ito sa pamamagitan ng pag-
aaral nang mabuti. Sa pamamagitan nito, magiging matatag ang kanyang pundasyon sa
pagharap ng mga pagsubok at suliranin ng buhay. Isa ring malaking hamon para sa mga
magulang kung paano nila tuturuan nang maayos ang kanilang mga anak sa mga
gawaing ibibigay ng guro maging ito ay mapa-online learning, distance learning o sa
paraang modular. Sila muna ang magsisilbing guro sa kanilang mga anak.

Sabay-sabay nating labanan ang pagsubok na ito. Kung pahahalagahan ng


kabataan ang pag-aaral, malaki ang magiging ambag niya sa muling pagbangon at pag-
unlad ng bansa.

Gabay na tanong:

1. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang sanaysay?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano-ano ang kahalagahan ng edukasyon?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa muling pagbangon ng ating bansa sa


kabila ng suliraning kinakaharap natin ngayon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka

• Malinaw na nailahad ang kaisipan - 3 puntos


• Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya- 2 puntos
Kabuoan 5 puntos

Mahusay! Naipaliwanag mo na ang mahahalagang kaisipan sa iyong binasa. May mga


inihanda pa akong pagsasanay upang mas lalo mo pang maunawaan ang ating aralin.

Simulan mo na ang iba’t ibang pagsasanay.

46
Pagsasanay 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa iyong sariling pananaw,


opinyon, at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay.

Edukasyon ang nagsisilbing pinakasusi ng sibilisasyon sapagkat ito ay


natatanging daan patungo sa kaunlaran ng ating lipunan. Isa sa pinakamalaking
tungkuling dapat nating gampanan sa ating kasalukuyan ang de-amerikanisasyon ng
isang Pilipino. Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na tumalamak na sa katawan ng
ating lipunan bunga nito ang maraming kapansanan ng bayan. Laganap na ang
kasamaan at kahirapan dahil sa iilan lamang sa atin ang nakatatamasa ng magandang
edukasyon. Ang ugat ng dahilan nito ay nasa uri ng edukasyon ng isang tao. Ayon kay
Rochelle Dominique T. Casador isang mag-aaral, “mas nabibigyang pribilehiyo ang
mga taong may mataas na pinag-aralan pagka’t ang malawak na oportunidad ay
nakaabang lamang sa kanila. Sila na mahusay sa wikang Ingles, magaling sa
kompyuter, at modernong manamit ay mas napagkakalooban ng labis na prayoridad
sa lipunan. Palibhasa, tingin sa kanila’y mga edukado na nakaranas ng isang istandard
at dekalidad na sistema ng pagtuturo na nakabase sa internasyonal na pamamaraan.”
Malaki ang naging impluwensiya ng Amerikano sa paghubog ng isipan, salita at gawa
ng isang Pilipino dahil sa kanila nagmula ang pagtuturo ng wikang Ingles. Samantalang
may ilang mahihirap na hindi sapat ang kalidad ng edukasyon tuloy mabagal ag
pagusad ng kanilang pag-unlad.

Marahil ay ‘di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo
man naman ay may kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng
kalayaang pampulitika, tayo nama’y pinanatiling nakagapos sa kaalipinang
ekonomiko at edukasyonal. Patuloy pa rin tayong nagpapaalipin. Ang tanong,
kailan ba tayo makakawala sa pagkakagapos sa kanila?

Ang wika at edukasyon ay habangbuhay na magkaugnay. Kaya nilikha ng


Pangulo ang isang Komisyon na tutulong upang pag-aralan ang sitwasyon ng
edukasyon sa ating bayan. Ang Wikang Filipino ay handa upang gamitin sa de-
amerikanisasyon ng isang amerikanisadong mamamayang Pilipino. Gawin lamang
nating daan ang edukasyon upang mas mapatunayan, mapanatili’t mapayabong pa ito
at nang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan ang isang batang
Pilipino.

Halaw sa: Amerikanisasyon ng Isang Pilipino


Ponciano B.P. Pineda

47
Gabay na tanong:
1. Bihira nang gamitin ang salitang Amerikanisasyon sa ating lipunan. Sa iyong palagay,
masasabi mo bang ito’y patuloy pa ring laganap sa bayan natin sa kasalukuyan?
Patunayan.

2. Bakit sinasabing ang wikang Filipino ang susi upang maisagawa ang
deAmerikanisasyon sa bansa?

3. Ano-anong mga salik ang sa tingin mo ang nagbunsod upang yakapin ng mga Pilipino
ang sistemang Amerikanisasyon? Ipaliwanag ang mga ito.

4. Anong halimbawa ng o ilustrasyon ang ginamit ng may-akda upang ipakita na


talagang laganap na ang Amerikanisasyon at pagkakaroon ng kaisipang kolonyal
ng mga Pilipino?

Pamantayan sa Pagmamarka

• Malinaw na nailahad ang kaisipan - 3 puntos


• Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya- 2 puntos
Kabuoan 5 puntos

Dahil madali mong nasagutan ang unang pagsasanay,


narito ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman.

48
Pagsasanay 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata. Sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

Matuto Tayong Humawak ng Pera


Mula sa Hinagap ni KaUre.blogspot.com
Ang kaalaman sa paghawak ng pera ay isa sa mga batayang kasanayan upang
maayos na makapamuhay sa makabagong panahon. Ang paksang personal na pananalapi
ay nakabuo na ng mga batayang kaalaman na dapat ituro sa mga magaaral na nais mag-
aral nito. Bagamat puwede kang matuto ng personal na pananalapi sa pamamagitan ng
pananaliksik sa Internet, dapat nating siguruhin na lahat ng Pilipinong mag-aaral ay
nabibiyayaan ng ganitong kaalaman. Kaya naman nais kong ipanukala na isama ang tamang
paghawak ng pera sa ating pangkalahatang kurikulum ng edukasyon.

Tayo ay naghahangad ng masaganang pamumuhay para sa ating mga


pamilyang Pilipino. Upang matupad ang ganitong adhikain, kinakailangan ang masusing
paghawak sa pananalapi ng pamilya. May mga prinsipyo at pamamaraan na puwedeng
magamit upang makatiyak na ang ating mga pamilya ay hindi malalagay sa alanganin sa
larangan ng pananalapi. Maiiwasan ang pangungutang at kung ano-ano pang panandaliang
remedyo kung ang paggamit ng pamilya ng pera ay pinaplano. Ang kaalaman tungkol sa
personal na pananalapi ay lubhang makatutulong kung paano mapabubuti ng ating mga
pamilya ang paghawak ng pera.

Gabay na tanong:

1. Ano ang nilalaman ng talatang binasa?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga paraan ng wastong paghawak ng pera?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Ikaw, bilang mag-aaral paano mo matutunan ang wastong paghawak ng perang
ibinibigay sa iyo ng iyong magulang partikular ang iyong baon sa araw-araw na pagpasok
mo sa paaralan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay ang pagtitipid ba ng iyong baon ay makatutulong sa iyo sa tamang
paghawak ng pera sa hinaharap? Paano?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

49
Pamantayan Puntos

1. Kalinawan sa pagkakalahad ng paksa 3


2. Kaayusan sa pagkakasunod-sunod ng ideya 2
Kabuoang Puntos 5

Pagsasanay 3

Panuto: Basahin ang talata at ipaliwanag ang tema at mahalagang kaisipang nakapaloob
dito. Isulat ang iyong paliwanag sa mga linya.

Malaki ang naitutulong ng paggamit ng cellphone sa pag-unlad ng buhay at kabuhayan


ng mga Pilipino at ng buong bansa. Nagbibigay din ito ng kasiyahan, at mas napapadali
ang pakikipagkomunikasyon ng lahat. Ang labis na paggamit nito ay nagdudulot din sa
tao ng masamang epekto kaya marami tayong nababalitaang mga naaksidente,
nananakawan, naloloko at nasisira ang kalusugan. Ano kaya ang dapat gawin upang
mangibabaw ang wastong paggamit ng cellphone?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Narito ang pamantayan sa ibinigay mong kasagutan.


Organisado ang pagkakalahad- 3 puntos
Hindi masyadong makinis ang pagkakalahad- 2 puntos

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

o ☺o o
50
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob
ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Bigyan ng iba pang kaisipan at halimbawa ang mga pahayag
sa ibaba buhat sa iyong karanasan o nabasa.

1. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa kinabukasan.

2. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang karunungan kailanman ay hindi


kumukupas.

3. Habang buhay, may pag-asa.

Wow! Napakahusay mo na. Halina’t markahan natin ang iyong sagot.

• Nilalaman 2 puntos
• Kaugnayan sa paksa 2 puntos
• Paggamit ng salita 1 puntos

Karagdagang Gawain
Panuto:
Sa isang malinis na papel sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa larawan
na nasa ibaba.Pumili lamang ng isa na maiuugnay sa sariling karanasan at bigyan
ito ng magandang pamagat. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat ng
sanaysay.

51
https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=social+distancing&oq=social+&aqs=mobile-
gwslite.1.0l5#imgrc=YWfD97npxvrcgM

https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=news+picture+of+the+week&oq=latest+news+picture+of+t&aqs
=mobile-gws-lite.2.0l3#imgrc=pcR_Qvcssy6fhM

https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=news+picture+of+the+week&oq=latest+news+picture+of+t&aqs
=mobile-gws-lite.2.0l3#imgrc=I20NB6iD59NgOM

RUBRIKS:
Pamantayan 1 2 3 4 5
1. Kalinisan ng pagsulat at orihinalidad
2. Kaangkupan ng paksa sa larawang ipinakita
3. Kahusayan sa pagsusulat at pagsasaalang-alang sa
elemento nito

Kabuoang Puntos

Sa wakas ay narating
mo ang dulo ng aralin.
11-15: Napakahusay Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo
6-10: Mahusay
ang mga pagsasanay at
1-5: Nangangailangan pa ng gawain.
Ang husay mo kid!
52
53
Talasalitaan:
1. D 1. PAMAMARAAN
2. A 2. HANGARIN
3. C 3. LUMITAW
4. B 4. TAMA
5. E 5. KABATIRAN
Panimulang Gawain
1. Lalo akong nasisiyahan kung ako ay kabilang sa pangkat ng mga taong may
mabubuting kalooban, positibo ang pananaw sa buhay at higit sa lahat may
Email Address: region5@deped.gov.ph
takot sa Diyos.
2. Hindi ako magiging maligaya kung patuloy pa ring naghihirap ang ating bansa
Mobile Phone: 0917 178 1288
dahil sa sakit na nararanasan natin ngayon.
3. Sa hirap ng kalagayan natin ngayon, kailangan nating magbanat ng buto,
Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500
magtiwala sa sarili at matutong dumiskarte sa buhay.
4. Mamahalin ka lamang ng taong mahal mo kung ikaw ay magbabagong
Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V
buhay.
5. Nakamit ko sa buhay ang tugatog ng tagumpay sapagkat ako ay nagsikap
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:
mag-aral sa kabila ng kahirapan ng aming pamilya.
Gawain
1. Ang pangunahing kaisipan sa binasang sanaysay ay pagpapahalaga sa
edukasyon.
2. Ang edukasyon ang magiging daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan
ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang
magdadala sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
3. Bilang kabataan, tutulong ako sa mga gawaing bahay, magtatanim ako ng
mga gulay at pahahalagahan ko lalo ang edukasyon dahil ito lamang ang
makatutulong sa akin, sa aking pamilya at sa ating bayan.
Susi sa Pagwawasto
54
Pagsasanay 1
1. Ang tema ng sanaysay ay pagsugpo sa Amerikanisasyon o pagtangkilik sa
sariling
kultura.
2. Upang mas maunawaan ng mambabasa ang punto ng manunulat.
3. Mga salik:
-Pagnanais na makasabay sa uso.
-Mataas na pagtingin sa wikang Ingles at sa mga nagsasalita nito.
-Labis na panggagaya sa mga taong hinahangaan o iniidolo.
4. Ang gamit ng wika ay nakabatay sa katayuan sa buhay ng isang tao.
Ang estado ng pamumuhay ay makikita sa ginagamit na wika.
Ang paggamit ng wikang Ingles bilang panturo.
Ang kinamulatang wika na ginagamit sa tahanan ng mga magulang.
Pagsasanay 2
1. Tungkol sa wastong paghawak ng pera.
2. Ang taong may hawak ng pera ay kailangang may kaalaman sa wastong
paghawak nito. Kinakaiangan ng masusing pagpaplano sa lahat ng
paggagamitan nito. Siguraduhin din na ang perang gagamitin ay sa tamang
paraan at sa ikabubuti ng pamilya.
3. Matututunan ko ito sa pamamagitan ng pagtitipid kung kinakailangan at pag-
iimpok ng pera sa alkansiya kung may sobra.
4. Opo, makatutulong ito sapagkat kung kapos ang aking magulang sa pang-
araw-araw na gastos ay maibabahagi ko ang kaunting naipon ko sa kanila.
Matututo at magiging responsible rin ako sa wastong paghawak ng pera.
Pagsasanay 3
Maraming magagandang naidudulot ang paggamit ng cellphone sa buhay nating
lahat. Bagama’t may mga masamang dulot ito kaya kinakailangang gamitin natin
ito sa tamang paraan na hindi makasisira sa kapakanan ng ibang tao. Ituring
natin na ang paggamit ng cellphone ay parte na ng ating buhay. Mas
makatutulong tayo kung nagbibigay tayo ng inspirasyon sa ibang tao, nababago
natin ang kanilang mga maling pananaw at nahihikayat natin silang gumawa rin
ng kabutihan sa kanilang kapwa.
55
Panapos na Pagsubok.
1. Ang kahirapan ay hindi hadlang sa kinabukasan.
Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon na ipinanganak ako ng
mahirap dahil ito ang naging sandata ko upang harapin ang lahat ng
pagsubok sa buhay makamit ko lamang ang aking pangarap. Hindi
hadlang ang kahirapan, kung buo ang pangarap mo sa buhay kahit
madapa ka man nang paulit-ulit, babangon at babangon ka para abutin
ito. Walang ibang makatutulong sa iyo kundi ang iyong sarili. Sipag at
tiyaga lang ang kailangan, tiwala sa sarili at higit sa lahat pananalig sa
Poong Maykapal. Walang imposible kung gagawin mo talaga lahat.
2. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang
karunungan kailanman ay hindi kumukupas.
Ang karunungan ay biyaya sa atin ng Panginoon na dapat ay lubos
nating ipagpasalamat. Lahat ay maaaring lumipas ngunit ang taglay na
talino ay panghabang buhay na nakakabit sa atin. Ito ang magiging
armas natin upang harapin ang mga bagay na kaakibat ng ating
kinabukasan. Kaya nitong baguhin ang buhay ng isang tao kaya naman
lahat ng ating natutunan sa buhay ay kailangan nating baonin at
gamitin sa tama.
3. Habang buhay, may pag-asa.
Marami ng magaganda at mapapait na karanasan ang nangyari sa
aking buhay. Isa lang ang aking naging sandalan iyon ang Panginoon.
Mahirap man ang buhay pero hindi pa rin tayo susuko na harapin ang
lahat ng hamon. Sabi nga sa isang awitin “ang umaayaw ay hindi
nagwawagi, ang nagwawagi ay hindi umaayaw” kaya habang may
buhay may pag-asa pa tayong magwagi. Manalangin tayo sa Diyos
dahil siya lamang ang nakakaalam kung ano ang buhay natin sa
hinaharap tayo lamang ang gagawa ng sarili nating mga desisyon at
kilos.
Mga Sanggunian:

Gintong Pamana (Wika at Paitikan)-Filipino 8, Lolita Nakpil


Sigay III (Wika at Panitikan), Doleres R. Taylan, Ph.D. et.al.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipartmax.com%2Fmiddle%2
Fm2i8i8i8m2Z5d3A0_big-image-female-
employee%20clipart%2F&psig=AOvVaw1YaU1ke2j3xV3wVovSwkrg&ust=15958933583870
00&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi6iYqXjOzqAhVoE6YKHTx7Am4Qr4kDegQIAR
Bu
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F863
354191045276732%2F&psig=AOvVaw3CKfHizn4mJj9ipxxR0eYU&ust=1595893636356000
&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwiu_M-
bjezqAhUMbJQKHWPfDaAQr4kDegUIARCeAg

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.pinclipart.com%2Fpicdir%2
Fmiddle%2F29-295053_clipart-library-stock-child-thinking-clipart-student-
reading.png&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.pinclipart.com%2Fpindetail%2FiiRRbJ_clipa
rt-library-stock-child-thinking-clipart-student-
reading%2F&tbnid=jKID3Xh0FA_iBM&vet=12ahUKEwjF_bvltOXqAhUlHKYKHaGXA78QMy
gMegUIARDhAQ..i&docid=LPXGPTuPdQClRM&w=880&h=741&q=THINKING%20CLIPART
&ved=2ahUKEwjF_bvltOXqAhUlHKYKHaGXA78QMygMegUIARDhAQ

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSMU39bG8ZgKTAPVsin30sgKW-
T6BssPXVi1fgSApFiwlO2U0o&s
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSVrMl-
ljPUVX22lSic6E923jILQ0r9P2cLkYaJWa4PJ93Px2g&s
https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=kid+writing+clipart+b
lack+and+white&oq=writing+clipart+black&aqs=mobile-gws-lite.2.0l5#imgrc=VwUqlzBWV-
0bKM
https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=social+distancing&o
q=social+&aqs=mobile-gws-lite.1.0l5#imgrc=YWfD97npxvrcgM
https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=news+picture+of+th
e+week&oq=latest+news+picture+of+t&aqs=mobile-gws-lite.2.0l3#imgrc=pcR_Qvcssy6fhM
https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=news+picture+of+th
e+week&oq=latest+news+picture+of+t&aqs=mobile-gws-lite.2.0l3#imgrc=I20NB6iD59NgOM
https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/
https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=writing+clipart&oq=
writing+clip&aqs=mobile-gws-lite.0.015#imgrc=VMjYAUFHIZYM
https://www.google.com/search?biw=360&bih=511&tbm=isch&sa=1&q=writing+clipart&oq=
writing+clip&aqs=mobile-gws-lite.0.015#imgrc=NOSfPaduIhMvpM
https://gclipart.com/writing-clipart_1053/

56
.

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

57

You might also like