You are on page 1of 18

9

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 2
Damdamin Mo, Ibahagi Mo!
Filipino – Baitang 9
Kwarter 2 – Modyul 2: Damdamin Mo, Ibahagi Mo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul


Manunulat: Aila S. Fabricante
Alenne R. Mera
Ana Marie L. Zaldivar
Kevin C. Jalata
Editors: Maricris B. Elep
Aimee B. Gerona
Lovely C. Ariola
Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza
Gumuhit ng Larawan: Shiena J. Barrameda
Nagsaayos ng pahina: Oliver D. Merciales / Brian Navarro / Jonas B. Baliwas
Nagrebisa: Armi P. Breva
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul
na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most
Essential Learning Competencies (MELCs) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng
edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at
kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa
loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay.
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinumang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang


bawat mag -aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutan ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa Mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at
sagutang mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang
mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
MODYUL 2: DAMDAMIN MO, IBAHAGI MO!

Aralin 1: Damdamin ng Tauhan

Panimula

“Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mo: Sana ako pa rin, ako na
lang. Ako na lang ulit. ”
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang…
You chose to break my heart.”

Natatandaan mo pa ba ang sikat na mga linyang ito ng pelikulang “One More


Chance” noong taong 2007? Nahulaan mo ba kung ano ang damdaming nangingibabaw
sa mga diyalogong ito nang mapakinggan mo?
Sa araling ito, matutukoy mo kaya ang iba-ibang damdamin ng mga tauhan sa
pamamagitan ng kanilang mga diyalogo?
Handa ka na ba? Maaari mo nang simulan!

Layunin:
Sa araling ito, inaasahan na nahihinuha mo ang damdamin ng mga tauhan
batay sa diyalogong napakinggan/nabasa. ( F9PN-IIc-46 )

Salita Kahulugan
Diyalogo Isang usapan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao bilang
tampok sa isang libro o pelikula.
Ito ay tinatawag na inferencing sa Ingles. Ito ay maaaring batay
Paghihinuha samga ebidensiya o mga implikasyong ipinakikita sa isang
kuwento, akda o pangyayari.

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

PAALALA: Maaaring pakinggan ang mga diyalogo sa “10 Hugot Lines From Pinoy Movies
sa internet. Sundin lamang ang mga link na ibinigay sa sanggunian. Kung wala
namang internet ay maaari itong ipabasa sa magulang o mga kasama sa bahay.

1
Panuto: Narito ang ilang halimbawa ng Hugot Lines. Bigkasin ang bawat diyalogo sa
ibaba at tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako


kaya mahal mo ako?
Claudine Barretto, Milan (2004)

2. “Oh yes, kaibigan mo ako.


Kaibigan mo lang ako. And I’m so stupid to make the biggest
mistake of falling inlove with my best friend.”

Jolina Magdangal, Labs Kita… Okey Ka Lang? (1998)

3. “Sinyota mo ako, eh. Sinyota mo ang best friend mo?


Kim Chiu, Paano na Kaya? (2010)

TANDAAN:
Mahihinuha mo ang nangingibabaw na damdamin ng tauhan batay sa
diyalogo. Nauunawaan ng mambabasa ang kuwento at higit itong nagiging kawili-wili
dahil sa mga diyalogo o sinasabi ng tauhan ayon sa kaniyang emosyon o damdaming
taglay.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga diyalogo sa bawat bilang. Tukuyin ang damdaming
nangingibabaw sa bawat diyalogo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. “Paumanhin po Ma’am, hindi ko po alam ang sagot.”
2. “Dapat hindi na lang ako sumama. Hindi sana nangyari ito sa akin.”
3. “Hatinggabi na at wala pa ang mga anak ko. Sana huwag silang mapahamak.”
4. “Yehey! Nakapasa ako sa pagsusulit.”
5. “Hindi na lang ako pupunta. Ayaw n’yo naman talaga akong isama.”

Pagsasanay 2

Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang damdamin ng tauhan sa bawat diyalogo. Kopyahin


ang pormat sa sagutang papel para sa iyong sagot.
1. “Paano mo ako maiintindihan? Nawalan ka na ba ng anak? Nawalan ka na ba
ng asawa? Ngayon mo sabihing naiintindihan mo ako!”
2. “Pagkatapos ng nangyari wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Sabihin
mo sa akin, ano pang mukha ang ihaharap ko? Ano pa?”
3. “Yes! Yes! Yes! Nakapasa ako sa pagsusulit.”

2
Bilang ng Diyalogo Damdaming Nangingibabaw Paliwanag

2
3

Panapos na Pagsubok

Panuto: Piliin sa kahon ang damdaming nangingibabaw sa bawat diyalogo sa


ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagpipilian:

Pagkalungkot pagkagalit pagkatuwa pagsisisi pagkasuya

1. “Kahit anong mangyari hindi ako susuko. Hindi kita bibigyan ng pagkakataong
maging masaya dahil nalugmok na ako.”
2. “Mama, hindi na ba tayo mahal ni Papa? Bakit hindi na po siya umuuwi? Miss
na miss ko na siya.”
3. “Humanda kayo! Babalikan ko kayo!”
4. “Pinagsisisihan ko na nagtiwala ako sa iyo. Hindi mo na ako muling maloloko.
Hindi na!”
5. “Kung hindi ako umalis buhay pa sana siya, hindi sana nangyari ito.”

Aralin 2: Pagkiklino o Pag-aantas ng Salita

Panimula

Narinig mo na ba ang salitang klino? Paano mo masasabi na ang tao ay masaya,


medyo masaya o masayang-masaya? Batay ba kaya ito sa kaniyang emosyon o kilos?
O kaya naman ay batay sa mga salitang lumalabas o namumutawi sa kaniyang mga
labi?

Layunin

Sa araling ito, inaasahan na naiaantas mo ang mga salita (clining) batay sa


tindi ng emosyon o damdamin (F9PT-IIc-46)

3
Talasalitaan
Mga Salita Kahulugan

Klino Ang pagkakasunod-sunod o kaayusan ng mga salita batay sa


tindi ng emosyong ipinahihiwatig ng bawat salita.
Sinonimo Ang mga salitang magkakasingkahulugan o mga salitang
magkakatulad ang kahulugan o ibig sabihin.
Antas Tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng isang tao o
bagay.

Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang mga kataga/salitang sinonimo. Iantas ang mga salita
batay sa tindi ng emosyon o damdamin sa tulong ng pagpipilian sa ibaba. Letrang A
ang may pinakamababang emosyon at F naman ang pinakamatindi. Isulat ang sagot
sa loob ng kahon katapat ng inilalarawang damdamin. Kopyahin ang pormat sa ibaba
para sa iyong sagot.

Inis Galit Suklam Poot Pikon Tampo

F. Matinding galit na gusto nang manakit.

E. Matinding galit sa dibdib na matagal bago.


mawala.
D. Tumatagal na inis.
C. Tumatagal na tampo.
B. Munting galit na madaling mawala.
A. Damdaming negatibo na sanhi ng maliit na bagay lamang.

Gabion, Rosemarie. “Iba’t ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan”

Mga Gawain sa Pagkatuto

TANDAAN: PAGKIKLINO O PAG-AANTAS NG MGA SALITA

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin o


emosyon sa paraang pagpapataas ng antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-
iiba-iba ng mga salitang may kaugnayang sinonimo.
4
Halimbawa:

4. Poot 4.Pagmamahal 4. Ganid

3. Galit 3. Pagliyag 3. Gahaman

2. Asar 2. Pagsinta 2. Sakim

1. Inis 1. Paghanga 1. Damot

- Peralta Romulo N. et.al, Panitikang Asyano 9. Pahina

Itinuturo ng klino ang tamang paraan ng pagsusunod-sunod ng mga salita batay sa


antas nito. Maging ang tamang pagsasama-sama ng mga salitang may
magkakaparehong kahulugan.

Pagsasanay 1
Panuto: Kopyahin ang talahanayan sa ibaba sa iyong sagutang papel. Lagyan mo ng
bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na mga salita batay sa tindi/sidhi ng kahulugan
nito. Ang bilang 3 ay para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi at 1 sa di-masidhi.

Antas nito, tukuyin mo!

A. B. C. D. E.
__ Poot __ Sigaw __ Mahina __ Malaki __ Iyak
__ Ngitngit __ Hiyaw __ Malambot __ Malawak __ Hagulgol
__ Galit __ Bulong __ Marupok __Di-maliparang uwak __ Hikbi

Balikan ang mga natutuhan sa naunang gawain upang masagutan ang


sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 2
Pagsasanay 2
Panuto: Gamit ang matalinong pagsusuri iantas ang mga salita batay sa tindi ng
emosyon o damdamin ayon sa pagkakagamit sa kanila sa pangungusap. Isulat ang 5
bilang pinakamasidhi at 1 bilang di masidhi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Tindi nito, iantas mo!


_______ Si Maria ay magandang dalaga.
_______ Mainam na lumayo na lamang siya upang walang gulo.
_______ Ang bulaklak na ito’y lubhang kaakit-akit sa mga bubuyog.
_______ Labis na nakabibighani ang kaniyang mga mata na tila baga bituin sa
kalangitan.
_______ Namamangha sila sa marikit na tanawin mula sa itaas ng burol.

5
Panapos na Pagsubok

Panuto: Upang mabuo ang pangungusap, isulat sa sagutang papel ang angkop na
salita batay sa tindi ng damdamin o emosyon. Sa tapat ng sagot ay isulat ang 1 para
sa masidhing damdamin at 2 naman sa higit na masidhi.
1. ( tumawa _______ , ngumiti _________ )
 _______________ siya nang pino.
 _______________ siya nang malakas.
2. ( malaki ________, malawak _________)
 Napakayaman ng pamilya Mondragon dahil sa
_______________ ang kanilang lupain.
 _______________ ang ipinagbago niya matapos mag-ehersisyo
araw-araw.
3. ( paghanga _______, pagsinta ________)
 _______________ ang kanyang unang nadama nang
masilayan niya si Lita.
 Wagas ang kanyang ___________ sa inang nasa ibayong
dagat.
4. ( nasisiyahan __________, masaya _______ )
 ___________ siya sa kanyang nakita.
 ___________ siya sa kanyang pagbabalik-probinsya.

5. ( maramot __________, gahaman __________ )


 ___________ sa papel si Trisha sa oras ng may eksam.
 ___________ ang tawag sa taong labis kung kumamkan ng
limpak-limpak na salapi.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng ikalawang aralin at napagtagumpayan ang mga


pagsasanay at gawain. Ipagpatuloy mo na ang mga susunod na aralin.

Aralin 3: Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin

Panimula
Sa bawat araw na dumadaan sa buhay ng tao ay tiyak na iba’t ibang ekspresyon
ang nagagamit nito dahil sa pagbibigay ng kaniyang impresyon sa kung ano ang
nakikita, nababasa o naririnig.
Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong galing sa paggamit ng iba’t ibang
ekpresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

Layunin
Sa araling ito ay inaasahan na nagagamit mo ang iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag ng damdamin (F9WG-IIc-48)

6
Panimulang Pagsubok
Panuto: Gamitin ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin batay sa
ibinigay na sitwasyon sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: Nawala mo ang ibinigay na baon ng iyong ina.


Ekspresyon: Naku po! Diyos ko! Nawala ko ang aking baon. Lagot ako sa nanay ko.

1. Nalulunod ang bata.


Ekspresyon: ___________________________________________.
2. Sumasang-ayon ka sa sinabi ng iyong kamag-aral tungkol sa naibigay na gawain.
Ekspresyon: ___________________________________________.
3. Tumanggi ka nang nagyaya ang iyong kaibigan na kayo’y maglakuwatsa.
Ekspresyon: ___________________________________________.
4. Hindi ka naniniwala sa sinabi ng kapitbahay na nahulog ang iyong kapatid.
Ekspresyon: ___________________________________________.
5. Nasusunog ang gusali malapit sa inyong bahay.
Ekspresyon: ___________________________________________.

Napakadali lamang ng gawain at alam kong ikaw ay nasisiyahan sa pagsagot.


Galingan pa sa susunod na pagsasanay.

Pagsasanay 1
Panuto: Gamitin ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin sa pagbuo
ng pangungusap batay sa binigay na sitwasyon.
1. Nakasakay kayo ng kaibigan sa motorsiklo. Pinara kayo ng pulis dahil wala
kayong suot na helmet.
Pahayag: _______________________________________________________.
2. Binigyan ka ng regalo sa iyong kaarawan ng isang taong labis mong
hinahangaan.
Pahayag: _______________________________________________________.
3. Nawala ang kuwintas na binigay sa iyo ng lola.
Pahayag: _______________________________________________________.
4. Nakamit ng iyong matalik na kaibigan ang unang karangalan sa paligsahan.
Pahayag: _______________________________________________________.
5. Hindi ka sinuportahan ng iyong mga magulang sa kursong nais mo.
Pahayag: _______________________________________________________.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang gawain upang masagutan ang iyong
huling pagsubok sa araling ito.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin sa
bawat bilang. Gamitin ito sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap. Kopyahin ang
pormat para sa iyong sagot.

7
1. Paghanga = ______________
Pangungusap: __________________________________________.
2. Pagkatuwa = _____________
Pangungusap: __________________________________________.
3. Pagtanggi = ______________
Pangungusap: __________________________________________.
4. Pag-aalinlangan = ______________
Pangungusap: __________________________________________.
5. Pgkatakot = ______________
Pangungsap: ___________________________________________.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Puntos

Nagamit nang wasto ang iba’t ibang ekspresyon


sa pagpapahayag ng damdamin 10
Nakabuo ng isang makabuluhang pangungusap 5

Wasto ang gamit ng bantas at gramatika 5

Kabuoan 20

Aralin 4: Damdamin at Pag-unawa

Panimula
May kaibigan ka bang mahilig magpahayag ng kaniyang nararamdaman?
Nailalahad ba niya ang nararamdaman sa pamamagitan ng social media tulad ng
facebook, twitter, instagram at iba pa?
Sa aralin ngayon, hindi ka lang magbibigay-reaksyon sa sinasabi o opinyon ng
iba kundi mararamdaman mo rin kung ano ang pinaghuhugutan o pinagmumulan ng
mga damdaming lumulutang sa akda.

Layunin

Sa araling ito ay inaasahan na naipahahayag mo ang damdamin at pag-


unawa sa napakinggang orihinal na akda. (F9PN-IIi-j-49)

8
Talasalitaan
Basahin at unawain.

Ang pagsasabi ng isang tao ng kaniyang saloobin,


Pagpapahayag paniniwala at nalalaman.
Pinagkunan: Yenbehold, “Ang Pagpapahayag”

Pagbibigay-kahulugan o interpretasyon habang


Pag-unawa nagaganap ang interaksyon sa teksto.
Pinagkunan: Makati Science High School,
“Ang Pag-unawa/Komprehensyon”

Elehiya Ito ay tulang liriko para sa yumaong mga


kamag-anak o mahal sa buhay.

Panimulang Pagsubok
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng elehiya.

Elehiya Para Kay Ram


ni Pat V. Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa pasilyo.

Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo


Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nananatili kang mapagkumbaba at tanggaping ika’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.

9
Panuto: Ipahayag ang damdamin at pag-unawa sa akda sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang akda?
2. Bakit sinasabing ang pangunahing tauhan ay siyang bagong ama ng lima niyang
nakababatang kapatid?
3. Anong damdamin ang nangingibabaw sa akda?
4. Ilahad ang nararamdaman sa naging karanasan ng pangunahing tauhan.
5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan, paano mo haharapin
ang iyong suliranin?

Tandaan: Sinusulat ang elehiya para sa mga yumaong mahal sa buhay upang
pahalagahan ang kaniyang mga nagawa noong siya’y nabubuhay pa at gawing gabay
ang mga aral na ikinintal niya sa ating puso’t isipan.
At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng damdamin sa akda ay napatutunayan
na lubos mong nauunawaan ang nais nitong iparating sa mga mamababasa o
tagapakinig.

Pagsasanay 1
Basahin at unawaain ang teksto.

TAGUMPAY
ni: Kevin C. Jalata

Si Bentoy ay isang simpleng mag-aaral ngunit hasang-hasa sa mga aralin sa


kaniyang klase. Marami siyang kaibigan. Siya ay laki sa hirap ngunit puno ng pangarap
at may ginintuang puso kaya naman marami ang tumutulong sa kaniya. Ang kaniyang
ina ay isang tindera ng isda at karpintero naman ang kanyang ama. Siya ay bunso sa
apat na magkakapatid. Hikahos man sa buhay ngunit hindi siya nagpapadaig sa
kalagayan nilang ito bagkus ginawa niya itong inspirasyon upang makapagtapos.
Maraming naging balakid sa kaniyang pag-aaral upang ngunit gumagawa siya ng
paraan upang maipatuloy ito.
Sa paglipas ng panahon, nakapagtapos siya sa sekundarya, tumuntong sa
kolehiyo at nagpursiging makapag-aral. Dahil sa kaniyang pagsusunog ng kilay, siya ay
nakapagtapos at naging isang guro. At ngayon, unti-unti na niyang iniaahon sa hirap
ang kaniyang mga magulang dahil mayroon na siyang maayos na trabaho.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang maipahayag ang iyong damdamin at
pag-unawa sa akda.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng akda?


2. Naaayon ba ang akda sa kabataan sa kasalukuyan? Bakit?
3. Matapos mong basahin ang akda, ano ang iyong naramdaman? Bakit?
4. Dapat bang gawing inspirasyon ang kahirapan at mga magulang
upang makapagtapos ng pag-aaral?
5. Ano ang naging buhay ni Bentoy nang siya’y makapagtapos ng pag-aaral?
10
Panapos na Pagsubok
Basahin at unawain ang dagli.

Puting Kahon
ni Aila Fabricante

“Anong ginawa ko? Anong ginawa ko


para mangyari ang lahat ng ito?
Sabihin mo sa akin. Saan ako
nagkulang? Yumuyugyog ang balikat
at humahagulgol na bigkas ng ina.
Tumutulo ang luha habang nakatingin
si Mario sa puting kahon na nasa
kaniyang harapan na nakasulat ang
katagang “In Loving Memory”.

Panuto: Batay sa binasang dagli, isulat ang naging damdamin at pag-unawa ukol dito.
Kopyahin ang pormat para sa iyong sagot.

Ano ang iyong naramdaman sa binasa? Ano naman ang iyong naunawaan?

11
SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 1
Paunang Pagtataya
1. Pagrereklamo 2. Pagsisisi 3. Pagkagalit
Pagsasanay 1
1. Pagkapahiya 2. Pagsisisi 3. Pag-aalala 4. Pagkatuwa 5. Pagtatampo
Pagsasanay 2
Bilang ng Damdaming Paliwanag
Diyalogo Nangingibabaw
1 Pagrereklamo Hindi siya naiintindihan ng kausap kaya
siya’y nagrereklamo. Hindi naman naranasan
ng kausap ang nangyari sa kanya.
2 Pagkapahiya Wala nang mukhang maihaharap ang
nagsasalita.
3 Pagkatuwa Natutuwa dahil nakapasa siya sa pagsusulit.

Panapos na Pagsubok
1. Pagkagalit 2. Pagkalungkot 3. Pagkagalit 4. Pagsisisi 5. Pagsisisi

Aralin 2

Panimulang Pagsubok
A. Pikon B. Tampo C. Inis D. Suklam E. Poot

Pagsasanay 1
A. 3, 1, 2 B. 2, 3, 1 C. 2, 1, 3 D. 1, 2, 3 E. 2, 3, 1
Pagsasanay 2
(2) Maganda (1) Mainam (4) Kaakit-akit (5) Nakabibighani (3) Marikit
Panapos na Pagsubok

1.Tumawa (2) 2. malawak (2) 3. Paghanga (1) 4. Nasisiyahan (1) 5. Maramot (1)
Ngumiti (1) Malaki (1) pagsinta (2) Masaya (2) Gahaman (2)

12
Aralin 3
Panimulang Pagsubok (Mga posibleng sagot)
1. Diyos ko! Tulong! Sagipin natin ang batang nalulunod.
2. Tama! Dapat ngang magkaisa tayo upang maging maayos ang kalalabasan
ng ating gawain.
3. Ayoko nga! Pasensya ka na pero di ako sasama sa inyo sa paglalakwatsa.
4. Talaga po? Baka nagkamali lamang po kayo sa inyong sinasabi.
5. Naku po! Tulong! Nasusunog ang gusali! Tumawag kayo ng bumbero.
Pagsasanay 1
1. Naku po! Sir, baka po maaari pa natin itong pag-usapan.
2. Wow! Totoo ba ito? Sana hindi ito panaginip.
3. Naku po! Lagot ako kay Lola. Hindo ko iniingatan ang kaniyang alaala.
4. Ang galing mo naman! Talagang napakahusay mo, kaibigan.
5. Ganoon po ba? Tila hindi po ninyo naiibigan.

Panapos na Pagsubok

Pamantayan Puntos

Nagamit nang wasto ang iba’t ibang ekspresyon


sa pagpapahayag ng damdamin 10
Nakabuo ng isang makabuluhang pangungusap 5

Wasto ang gamit ng bantas at gramatika 5

Kabuoan 20

Aralin 4

Panimulang Pagsubok
1. Ang akda ay tungkol sa kahirapang naranasan ni Ram noong siya’y
nabubuhay pa at kung paano niya hinarap ang mga suliraning ito.
2. Silang magkakapatid ay ulila na at siya ang panganay.
3. Kalungkutan ang nangingibabaw na damdamin sa tula.
4. Nakalulungkot ang naging karanasan ni Ram at kaniyang mga kapatid. Kung
may tumulong lamang sa kanila at kumupkop sana’y nakapag-aral sila at
naging masaya.
5. Kung ako si Ram, maaaring ako’y magsisikap, magpapakatatag at patuloy na
magdarasal dahil ang taong naniniwala sa Diyos ay laging pinagpapala.

13

Pagsasanay 1
1. Ang pinahihiwatig ng akda ay pagpupunyagi sa kabila ng mga balakid upang
makamit ang ninanais na tagumpay.
Pagsasanay 1
1. Opo, ito ay naaayon sa kabataan ngayon dahil karamihan sa kanila ay
hindi na nagpapatuloy sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Ito’y magbibigay-
inspirasyon sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
2. Matapos basahin ang akda, naramdaman ko ang kasiyahan at pagiging
positibo pa rin sa kabila ng balakid.
3. Nararapat lamang na gawing inspirasyon ang magulang dahil sila ang
pinaghuhugutan natin ng lakas ng loob. Sisikapin nating di mararanasan
ang hirap at sa halip ay mabigyan ng magandang buhay ang ating mga
magulang.
4. Nakamit niya ang pangarap at naging matagumpay.

Panapos na Pagsubok
Ano ang damdaming nangingibabaw sa Ano ang iyong naunawaan?
akda?
Ang damdaming nangingibabaw sa Naunawaan ko sa akda na namatay ang
akda ay pagdadalamhati sa pagkawala ina at naaalala ni Mario sa harap ng
ng mahal sa buhay. puntod ng ina ang mga sinabi ng ina.
Ang pagtulo ng luha ni Mario ay tanda
ng pagsisisi ng isang anak.

14
Sanggunian:
Aralin 1
Internet:
• Unknown, “10 Hugot Lines From Pinoy Movies,” February 20,2015,
https://www.spot.ph/entertainment/movies-music-tv/58622/10-hugotlines-
from-pinoy-movies
Aralin 2
Aklat:
• Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc, 2014.
Internet:
• Gabion, Rosemarie. “ Iba’t ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan”
https://images.app.goo.gl./BDoCWVMGEwXRXLme9
• Pitargue Aizelle Mynina. “Mga Salita Ayon Sa Tindi Ng Ipinahahayag”.
August 2017. https://www.scribd.com/document/357510955/MgaSalita-Ayon-
Sa-Tindi-Ng-Ipinahahayag
Aralin 3
Aklat:
• Sanchez Louie Jon, et.al., Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan. Batayan
Sanayang Aklat sa Filipino 9. Rex Bookstore
• Sevilla Kristine I. et.al., Tuklas Aklat sa Wika at Panitikan 9.

Aralin 4
Aklat :
• Peralta, Romulo N. et al, Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa FILIPINO
9, Pilipinas: Sunshine Interlinks, Inc. 2014.
Internet:
• Yenbehold, “Ang Pagpapahayag,” August 14, 14, 2015,
siningngfilipino.blogspot.com,
• http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-pagpapahayag.html
• Makati Science High School “Ang Pag-unawa/Komprehensyon,” slideshare.net,
https://www.slideshare.net/luvy15/pag-unawa-atkomprehensyon

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

15

You might also like