You are on page 1of 6

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 9 IKAPITONG LINGGO


KWARTER 1
Sa Tulong ni Gng. Mildred Cunanan
(Dulang Melodrama)

Mga Kasanayang Pampagkatuto


F9PS-Ig-h-45 - Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa
totoo, tunay at iba pa)
F9PD-Ig-h-43 - Napahahalagahan ang nabasang dula sa pamamagitan ng ng pagpili
at pagpapaliwanag ng bahaging naibigan F9PD-Ig-h-43

Layunin
Pagkatapos pag-aralan ng mag-aaral ang modyul na ito sa loob ng isang
linggo, inaasahan na natuto siya ng mga kompetensi na dapat linangin at magamit
ito nang wasto sa pakikipagtalastasan.

Balikan Natin

Naaalala mo pa kaya ang mga naging talakayan sa huling modyul? Subukan


natin. Layon ng pagsusulit na ito na masukat ang dati mong kaalaman tungkol sa
nakaraang paksa.

Panuto: Suriin kung ang mga pangyayari ay makatotohan o di


makatotohanan. Gumuhit ng masayang mukha (☺) kung ang pangyayari ay
makatotohanan at malungkot na mukha naman kung () kung di
makatotohanan.

Makatotohanan Di Makatotohanan

_______1. Hindi pinapapasok ni Aling Erly ang anak na si Ram sapagkat wala
itong pambaon sa eskwelahan.
_______2. Pagbukas ni Dina ng kaniyang alkansya ay nagulat siya nang may
makitang dalawang dwendeng nagtatawanan sa loob nito.
_______3. Walang nakaing hapunan ang mag-anak ni Mang Emil kinagabihan
dahil naubos ni Aling Erly ang binigay niyang pera sa sugal.

1
_______4. Paglabas ng mag-anak ay nakita nilang bumabagsak ang ayuda mula
sa langit.
_______5. Nakulong sa bilangguan si Aling Erly nang mahuli siya at ibang
kasama sa sugalan, naging dahilan upang pagsisihan ang
kapabayaan niya sa kaniyang pamilya.

Unawain Natin
Ang buhay ng tao tulad ng melodrama ay maaari ring mapuno ng mga kasawian
at kalungkutan ngunit ang lahat ay mauuwi rin sa kagalakan at kaunlaran. Basahin
natin kung paanong napagtagumpayan ng tauhan ang mga pagsubok na
naranasan niya sa buhay.

Panuto: Basahin at unawain ang maikling dula sa ibaba.

Sa Tulong ni Gng. Mildred Cunanan


Mga Tauhan:
Gng. Mildred Cunanan – dating guro ni G. Jose na ngayon ay katrabaho na niya
G. Marlon Jose – bagong guro ng PNHS na dating estudyante ni Gng. Cunanan
Oras: Ika-6 ng umaga
Tagpo: Sa koridor. Makikita ang silid-aralan ni G. Jose. Nakatayo si G. Jose sa
tapat ng kaniyang mesa habang nag-aayos ng ilang gamit. Sa likuran ay makikita
ang pisarang may nakapaskil nang kartolina. Papasok sa silid si Gng. Cunanan
na may bitbit na ilang libro.
Gng. Cunanan: Aba, totoo nga. Ikaw nga ang bagong guro sa aming
departmento. Kamusta ka na, G. Marlon Jose?
G. Jose: (kukunin ang mga dala ni Gng. Cunanan at ipapatong sa mesa) Opo,
mam. Kahapon lang po ako natanggap sa trabaho. Ito, guro na po ako ngayon
tulad mo.
Gng. Cunanan: Nakakatuwa naman at isa ka nang propesyunal ngayon. Akala
ko noon ay hindi ka na makakapag-kolehiyo.
G. Jose: Ay, siyang tunay po! Mahirap po talaga ang buhay namin noon kaya
ayoko na sanang magpatuloy sa pag-aaral. Pero dahil sa inyo, lumakas ang loob
ko.
Gng. Cunanan: Ha? Paanong dahil sa akin? Binobola mo na naman ako, Marlon.
(marahang ihahampas ang pamaymay sa dating estudyante)
G. Jose: Hindi po, mam. Totoong totoo, ikaw po talaga ang dahilan kung bakit
ako nagpursigi sa pag-aaral. Noong nalaman mong naglalakad ako hanggang
Palanyag, binigyan mo ako ng pamasahe ng isang linggo. Pagkatapos tuwing
tanghalian ay hinahatian mo ako noon sa baon mo. At noong malapit na akong
magtapos sa sekondarya ay pinayuhan mo ako tungkol sa mga murang
eskwelahang pwede kong pasukan sa kolehiyo.
Gng. Cunanan: At dahil doon ay nagsumikap kang makapagtapos?
G. Jose: Opo, mam. Ikaw ang tunay kong inspirasyon. (niyakap ang matandang
guro)

2
Gng. Cunanan: (tinapik ang likod ni G. Jose) Talaga palang iba ang kayang
gawin ng isang guro.

Ilapat Natin

Nagustuhan mo ba ang akdang iyong binasa? Sa gawaing ito, makikita ang iyong
pagpapahalaga sa dula sa pamamagitan ng pagpili ng bahaging iyong naibigan.
Madali lamang ito.
Panuto: Isulat sa ibaba ang bahagi ng akdang iyong naibigan at ipaliwanag
kung bakit ito ang napili mo.

Suriin Natin

Talaga namang kapupulutan ng aral ang akdang ating binasa. Ito ay nagpapakita
ng mga totoong pangyayari. Basahin at suriin natin ang dayalogo nang lubos natin
itong maunawaan. Napapansin mo ba ang mga nakasalunggguhit na salita sa
dayalogo? Ano kaya ang mga ito? Ang mga salita o katagang ito ay mga
ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan. Alamin natin.

Aba, totoo nga! Ikaw nga ang bagong guro sa aming


departamento.

Opo, guro na rin po ako. Mahirap po talaga ang


pinagdaanan ko pero nagsikap po ako dahil sa inyo.

Totoo ba? Naku, Marlon. Binobola mo na naman ako.

Totoong totoo po. Kayo po ang tunay kong inspirasyon sa


buhay.

Talaga ngang iba ang nagagawa ng isang guro.

3
Alam mo ba?

Ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan


ay nagpapakita na ang nagsasalita ay mapanuri at mapagmasid sa
mga nagaganap o nangyayari sa kaniyang paligid. Ipinakikita nito ang
kaniyang kakayahang maglahad o maghayag ng katotohanan tungkol
sa isang bagay o paksa. Ang mga halimbawa ay totoo, totoong totoo,
tunay, tunay ng tunay, talaga, talagang talaga
1. Talagang malaki ang naging epekto ng COVID sa buong mundo.
2. Sa totoo lang, maraming magulang ang ayaw papasukin ang
kanilang mga anak dahil sa takot sa pagkalat ng sakit.

Tayain Natin

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang comic strip sa ibaba. Tukuyin ang mga ekspresyon
sa pagpapahayag ng katotohanan na ginamit sa mga pahayag.

Isang araw nagkasalubong ang magkaibigang Victor at Ben.


Oo, Ben! Haha. Totoong
1
Oh Victor ! Ikaw na ba nagbago na ako ngayon.
yan? Kumusta ka na? Balita Sa tulong na rin ng
ko, ibang-iba ka na raw Panginoon.
ngayon eh!

2 Tunay ngang napakabuti ng 3 Sa totoo lang, asawa


kong si Cathy ang
Diyos! Labis akong natutuwa
nagpakilala sa akin ng
sa pagbabagong buhay mo
Bibiliya. Kahit naging
ngayon. Magkuwento ka
mainitin ang ulo ko,
naman.
tinulungan niya papa rin
akong manalig.

4 Malaki talaga ang 5 Sabi sa 2 Corinto 7:1 .


nagagawa ng pagbabasa ng Linisin natin ang ating
Bibliya at sarili mula sa bawat
pananampalataya sa buhay karungisan. Kaya tunay
ng tao. na iwinaksi ko ang bisyo.
ko.

4
1
Ano ang mga
nakita mong 3
ekspresyon sa
pagpapahayag ng 4
katotohanan sa
binasang komik? 5

Pagsasanay 2
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Punan ang patlang ng angkop na ekspresyon sa

pagpapahayag ng katotohanan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang COVID-19 ay _______________ na isang pandemyang kinakaharap, hindi

lamang ng ating bansa kundi maging sa buong mundo.

A . tunay B. sa aking palagay C. totoo ngang

2. Ngayon na nahaharap tayo sa banta ng pandemya ay _______________, maraming

Pilipino na salat sa yaman ang naaapektuhan nito lalo na’t walang panustos sa pang-

araw araw na pangangailangan.

A. hindi sang-ayon B. tunay na tunay C. totoo ngang

3. Sa sitwasyon natin ngayon ay ______________ hindi na sariling kalagayan lamang

natin ang ating iniisip kundi maging ang kalagayan ng ating kapwa.

A. ayon sa B. talagang C. sa tingin ko

4. _______________ na sa oras ng kagipitan masusubok ang tibay at tatag ng bawat

Pilipino.

A. Tunay B. Sa aking pananaw C. talaga

5. ______________ na hindi hadlang ang pagiging isang kabataan lang para

makapagbigay ng tulong sa mga kababayang salat sa panahon ng pandemya.

A. Tunay na tunay B. Batay sa C. Sa aking palag

5
Likhain Natin
Binabati kita! Ikaw ay nasa huling bahagi na ng modyul na ito. Alam kong maraming kang
natutunan sa mga naging talakayan at pagsasanay. Sa gawaing ito, mailalapat mo sa
pamamagitang ng paglikha ang lahat ng iyong natutuhan.

Panuto: Sumulat ng dula tungkol sa pagtutulungan ngayong panahon ng


pandemya. Sundan ang sumusunod na pamantayan sa pagbuo ng dula: (maaaring
gumamit ng karagdagang papel)

RUBRIK SA PAGSULAT NG DULA

Kategorya 2 puntos 1 puntos

Kaugnayan sa Lahat ng elemento o Ang ilang elemento o

bahagi ng dula ay bahagi ng dula ay walang


Paksa
may kinalaman sa paksa. kinalaman sa paksa.

Organisasyon Maayos at mahusay Hindi gaanong maayos

ang pagkakalahad ng ang pagkakalahad ng

ideya. mga ideya. KABUUANG

Orihinalidad Ang dula ay nagpapa- Ang dula ay may kaun- PUNTOS:


kita ng mga bago at ori- ting pagkakahawig sa
10 puntos
hinal na ideya. ibang akda.

Mensahe Mahusay na naipahayag Hindi gaanong naipaha-

ang mensahe ng akda. yag ang mensahe

ng akda.

Gamit ng Ekspresyong Nakagamit ng apat at Nakagamit ng isa hang-

higit pang ekspresyon sa gang tatlong ekspresyon


Nagpapahayag ng
pagpapahayag ng ka- sa pagpapahayag ng
Katotohanan
totohanan. katotohanan.

You might also like