You are on page 1of 23

9

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1: Linggo 1

Pagsusuri ng mga Pangyayari at ang Kaugnayan Nito


sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano
EUMAR JANE Y. CABALIDA

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

A Joint Project of the


SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri ng mga Pangyayari at ang Kaugnayan Nito sa
Kasalukuyan sa Lipunang Asyano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eumar Jane Y. Cabalida
Editor: Virginia E. Tagab
Tagasuri: Reila Angela C. Josol, EPS - Filipino
Tagalapat: Rose Marie Crez H. Apilan
Tagapamahala: Virgilio P. Batan -Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto -Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero -Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien -Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag -Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo -Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division


Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph


Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang Ang mag-aaral ay nakabubuo ng
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga masinsinang pagsusuri sa mga
akdang pampanitikan ng Timog- pangyayaring naganap sa
Silangang Asya. nabasa/napakinggang akda at
maiugnay ito sa kasalukuyang
lipunang Asyano.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa maikling


kuwentong sumusuri sa mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano na masusukat batay sa tunguhing:

 Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan


sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda. (F9PN-Ia-b-39 MELC)

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. nakikilala ang maikling kuwento batay sa napakinggang akda;


2. nakapagbabahagi ng saloobin o opinyon hinggil sa mga pangyayaring
nakapaloob sa kuwento; at
3. nakabubuo ng pag-uugnay sa mga pangyayari sa akda sa
kasalukuyang pangyayaring nagaganap sa lipunang Asyano.

1
Subukin

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at iugnay ito sa


kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan. Isulat ang titik lamang ng
inyong sagot sa sagutang papel.

1.Sa tapat ng isang mamahaling restawran na punumpuno ng nakaparadang


sasakyan ay dumating ang isang bagong Cadillac na pulang-pula ang kulay
na naghahanap ng mapaparadahan.
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis

A. Mamahaling sasakyan na nais maiparada sa daan.


B. Mayamang tao na gustong kumain sa isang restawran.
C. Mayamang tao na may magarang sasakyan at gustong makaparada sa
harap ng isang mamahaling restawran.
D. Isang mayamang nagmamay-ari ng mamahaling kotse ang naghahangad
na makaparada sa harapan ng sikat na restawran at upang makakain
din doon.

2. Hindi inalintana ng mga parokyanong nagsisikain sa restawran, at itinuloy


nila ang kainan, inuman, at tawanan. Para sa kanila, pang-araw-araw na
lamang ang ganoong pangyayari. Hahayaan na lamang nila ang mga pulis
para mag-ayos nito.
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis”
A. Isang insidenteng matapos masaksihan ng lahat, walang pagtulong ang
nangyari.
B. Sa isang mayamang lipunan, walang pakialam ang iba sa pangyayaring
nagaganap sa buhay ng ibang tao.
C. Hindi nakikialam ang mga mayayaman kapag mayroong taong mahirap
ang naagrabyado sa insidente.
D. Para sa mayayaman, karaniwan na sa kanila ang ganitong pangyayari
kaya hinahayaan na lang nila ang mga pulis ang mag-ayos sa ganitong
gusot.

2
3. Marso 5 nang magkaroon ng lagnat at panghihina ng katawan si Jojy.
Matapos makumpirma na positibo siya sa COVID-19, mas lumala pa ang
kanyang kalagayan.
“Kaya ko ito, sinasabi ko sa sarili ko. ‘Lord, my family still needs me, I’m going
home.’ Madalas kong sinasabi 'yon, araw-araw sinasabi ko sa sarili iyon na
‘I’m going home, I’m going home,’” ani Jojy.
-https://news.abs-cbn.com/life/04/21/20/panoorin-nakakaantig-na-kuwento-ng-amang-gumaling-sa-covid-19

A. Isang taong nawalan ng pag-asang makauwi sa kanyang pamilya.


B. Taong punong-puno ng pag-asa na gumaling na siya sa kanyang sakit.
C. Taong nagkasakit ng COVID19 na gusto ng umuwi sa kanyang pamilya
D. Taong nagkasakit ng COVID 19 ngunit hindi nawalan ng pag-asa na siya ay
gumaling at makauwi sa kanyang pamilya.

4. Naupo ang mag-asawang Kaslan sa hardin sa harap ng restawran, isang


mesang nakahiwalay sa karamihan. Kung pagmamasdas ang Cadillac,
magara ang damit ni Fatma,ang kanyang gintong step-in,ang buhok na
kaaayos lang sa parlor,makikita ang yaman at luho sa mag-asawa.
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis”
A. Mag-asawang gustong ipakita sa lahat ang lahat ng yaman na mayroon sila.
B. Mag-asawang mapagkunwaring mayaman upang makasabay sa mga
mayayaman.
C. Mayamang mag-asawa na gustong ibandera sa lahat ang kanilang
karangyaan sa buhay.
D. Mayamang mag-asawa na ayaw makihalubilo sa iba at nais na ipakita sa
lahat na sila’y naiiba.
5. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang kanyang ama sa
kagubatan. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag
sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Dahil sa pagnanasang
matuldukan ang paghihirap sa ama, nais niyang mawala ito.
-Halaw mula akdang “Nang Minsang Naligaw si Adrian”

A. Anak na pinili na mapahamak ang magulang.


B. Anak na walang ibang inisip kundi ang sariling kapakanan
lamang.
C. Anak na tinalikuran ang magulang sapagkat di na ito parti ng
kanyang mga pangarap.
D. Isang anak na nakukonsensiya sa ginagawang mali sa kanyang
magulang upang mapagbigyan ang sariling kaligayahan.

3
6. Dahil sa di naiwasang kaganapan, nanginig ang buong katawan ni Pak
Idjo sa galit na galit na boses ni Raden Kaslan at nang makita ang
pagdating ng mga pulis.Sinabi niya, “Pero nagugutom ako, Tuan, at ang
aking asawa at mga anak ay nagugutom, Tuan.Kahapon pa kami hindi
kumakain,Tuan.”
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis”

A. Taong di alam ang gagawin dahil sa pagkakasalang nagawa.


B. Isang mangmang na tao na walang ibang gawin kundi ang kumain.
C. Isang taong nagkukunwari at gustong takasan ang kanyang pagkakasala .
D.Ang pagmamakaawa ng isang taong di sinasadya ang pagkakasala na kung
saan gusto niyang ipaunawa sa kausap ang kanyang tunay na kalagayan
7. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan
ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw."
-Halaw mula akdang “Nang Minsang Naligaw si Adrian”

A. Magulang na nais baliwalain ang pagkakamali ng anak.


B. Magulang na hangad lamang ang ikaliligaya ng kanilang mga anak.
C. Isang magulang na sunod-sunuran lamang sa kagustuhan ng anak.
D. Isang magulang na kahit ikakapahamak niya ang kagustuhan ng anak,
iniisip pa rin ang kapakanan nito.

Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
8. Sino si Raden Kaslan sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta”?
A. Ang mayamang nagmamay-ari ng restawran.
B. Ang mayamang nagmamay-ari ng pulang Cadillac.
C. Ang pulis na dumating sa pinangyarihang banggaan.
D. Ang kaibigan ni Fatma na dumating sa mamahaling restawran.
9. Sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta”, dinakip ng mga pulis si Pak Idjo dahil
sa pagkakasalang ________.
A. sinipa ng kabayo nito ang salamin ng Cadillac ni Raden Kaslan
B. basag na basag ang lahat ng salamin ng Cadillac ni Raden Kaslan
C. binangga ng karwahe nito ang kotse ni Raden na naging dahilang ng
matinding pagkasira
D. nabangga ng kanyang karwahe ang kotse ni Raden Kaslan na naging dahilan
ng pagkagasgas ng pintura at pagkabasag ng salamin nito
10. Ano ang ginampanang papel ni Pak Idjo sa kuwentong “Takipsilim sa
Dyakarta”?
A. Ang kutserong mayaman na nabangga ni Raden Kaslan.
B. Ang nagmamay-ari ng kalesang nakabangga sa Cadillac ni Raden Kaslan.
C. Ang kutserong tumakas pagkatapos mabanggo ang kotse ni Raden Kaslan.
D. Ang nakabangga ng Cadillac ni Raden Kaslan sa lansangan.

4
11. Ito ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
loob ng maikling kuwento.
A. Kawal ng pangyayari B.Tema C.Pananalita D.Suliranin
12. Ano ang tawag sa anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng tao?
A.Nobela B.Dula C.Maikling Kuwento D.Sanaysay
13.Paano nagkatagpo ang landas ng mayamang si Raden Kaslan at mahirap na si
Pak Idjo sa kuwentong “Takipsilm sa Dyakarta”?
A. Nang mabangga ni Raden si Pak Idjo sa restawran
B. Nagalit si Raden kay Pak Idjo sapagkat mahirap lang ito.
C. Nang di sinasadyang nabangga ng karwahe ni Pak Idjo ang Cadillac ni
Raden
D. Nang hindi makahanap ng mapaparadahan ang kotse ni Raden Kaslan
dahil naroon ang karwahe ni Pak Idjo.
14. Sa kuwentong “Nang Minsan Naligaw si Adrian”, bakit gusto ni Adrian na
mawala ang kanyang ama sa kanyang pangangalaga?
A. Para wala na siyang problema.
B. Upang magawa na niya ang matagal na niya sanang ginawa.
C. Makapagpahinga na siya sa kanyang responsibilidad.
D. Makapagpahinga na ang kanyang ama sapagkat naaawa na siya rito.
15.Ang pangyayaring naganap sa kuwentong “Nang Minsan Naligaw si Adrian” ay
maaaring naganap sa tunay na buhay ng __________.
A. mag-asawa C. mag-ama
B. mag-ina D. pamilya

5
Pagsusuri ng mga Pangyayari at ang
Aralin Kaugnayan Nito sa Kasalukuyan sa
1 Lipunang Asyano Batay sa
Napakinggang Akda

Balikan

Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang mga sumusunod:

1.Ano ang maikling kuwento?


Sagot:_______________________________________________________
2.Saan hinango ang maikling kuwento?
Sagot:_______________________________________________________

3.Bakit kinahihiligan ng mga Pilipino ang pagbabasa ng maikling kuwento?


Sagot:_______________________________________________________

4.Paano nabuo ang mga kawal ng pangyayari sa maikling kuwento?


Sagot:_______________________________________________________

5.Ano ang iniiwan ng maikling kuwento sa isipan ng mga mambabasa nito?


Sagot:_______________________________________________________

6
Tuklasin

Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang


papel.

1.Naranasan mo na bang magutom? Ano ang iyong ginawa upang mapawi


ang gutom na iyong nararamdaman?
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang posible mong mararamdaman kung
sakaling sa loob ng dalawang araw ay hindi kayo kumakain ng
pamilya mo sapagkat wala kayong makain?

Suriin

Sa pagkakataong ito, ipabasa sa isang miyembro ng inyong pamilya ang maikling


kuwento na nagmula sa bansang Indonesia. Makinig at unawain ang iyong napakinggan
batay sa mga kaganapang nangyari sa kuwento.

Takipsilim sa Dyakarta
ni Mochtar Lubis
(Isinalin sa Filipino ni Aurora E. Batnag)

Sa harap ng restawran, maraming nakaparadang kotse sa bangketa. Nang


dapithapong iyon, punong-puno ang restawran. Dumating ang isang Cadillac na
pulang-pula ang kulay, naghahanap ng mapaparadahan ngunit okupado ang
mga paradahan sa bangketa, kaya sa wakas, pumarada ito na ang dalawang
gulong sa kaliwa ay nakasampa sa aspaltong gilid ng kalsada.
Si Raden Kaslan ang nagmamaneho, kasama ang asawa, si Fatma. Kung
pagmamasdan ang Cadillac, ang magarang damit ni Fatma, ang kanyang kulay-
gintong step-in, ang buhok na kaaayos lang sa parlor, makikita ang yaman at
luho sa dalawa. Pati na rin ang pagkakangiti ni Fatima kay Raden Kaslan.
Sa maaliwalas na dapithapong iyon, sina Raden Kaslan at Fatma na
kakikitaan ng yaman at rangya ay bumaba sa kanilang magarang kotse na
kumikinang sa sikat ng papalubog na araw at nakaparada na bahagyang
nakaharang sa lansangan.
Naupo sila sa hardin sa harap ng restawran, isang mesang nakahiwalay sa
karamihan, at nang makaupo ay nag-usap tungkol sa mga mamahalin at
maluluhong bagay.

7
Mula sa loud speaker mula sa likod ng restawran, may maririnig na
masiglang musika sa mga mesa, kumakain ang mga tao, umiinom, nag-uusap,
at naghahalakhakan.
Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi tumitingin sa presyong
nakalista sa menu sa tapat ng pangalan ng mga pagkain at inumin; pagkaraan,
binalikan nito ang usapan tungkol sa mamahalin at maluhong ideya, na tinugon
ni Fatma ng maluhong ngiti.
Kaaya-aya ang dapithapong iyon, maaliwalas ang kapaligiran, matatanaw
ang dumudilim nang asul na langit at malalanghap ang sariwang hangin.
Isang lumang kalesa na walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang
dumaan sa harap ng restawran, sakay ang natutulog na kutsero, si Pak Idjo.
Maraming taon nang nasanay ang kabayo sa paghila ng kalesa sa malaking
siyudad, kahit tulog ang kutsero, na madalas mangyari kung mainit ang sikat ng
araw. Sa araw na ito, wala pang pasahero si Pak Idjo buong maghapon, hanggang
sa makatulog na siya sa gutom na patuloy na hinihila ng kabayo ang kalesa kahit
tulog ang kutsero. Kusang humihinto ang kabayo kapag may pumaparang
pasahero, at magigising ang kutsero, sa biglang paghinto. O kaya kapag
pinapatigil ng pulis-trapiko ang mga sasakyan, tigil din ang matandang kabayo,
na nakadikit halos sa busal sa gilig ng katabing kotse o trak.
Sa ganitong paraan hinihila ng kabayo ang kalesang namamasyal sa
lansangan sa maaliwalas na dapithapong iyon. Mula sa bakod ng bahay sa
kabilang kalye na malapit sa restawran, isang malaking asong naghahabol ng
pusa ng biglang tumalon habang malakas na tumatahol. Umalma ang kabayo sa
aso’t pusa kaya bigla itong nadapa. Tumama sa pulang cadillac ang kaliwang
poste ng kalesa at ang dulo ng poste na gawa sa pinaitim na tanso ay sumira sa
chromium at pintura, samantalang ang nakausling bakal sa bubungan ng kalesa
ay tumama sa bintana kaya nabasag ang salamin.
Naalimpungatan ang natutulog na si Pak Idjo. Bumaba siya at tinulungang
tumayo ang matandang kabayo, at pagkaraa’y tumayo na lamang doon,
nakatanga habang hinihimas ang tuhod at ulo ng kabayo.
Nagulat sa ingay ng banggaan ang mga kumakain at nag-iinuman at
nagtatawanan sa restawran. Biglang tumayo si Raden Kaslan at sumugod sa
kalye. Galit na galit siya nang makita ang nasirang chromium at pintura ng
kanyang kotse at ang nabasag na salamin.
“Hoy, Tanga! Wala ka bang mata? Tingnan mo, winasak mo’ng kotse ko,
aaminin mo o hindi? Bayaran mo ito!” sigaw ni Raden Kaslan na galit na galit.
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at nanginginig ang boses ni
Pak Idjo ay walang iniwan sa isang taong inatake ng malaria. Ang totoo’y may
sakit nga talaga siya. Parang nakasabit na lamang ang tagpi-tagpi at maruming
damit sa napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga
pisngi ang kanyang namumula at naguluhang mata.

8
Magsasalita sana siya, pero hindi lumabas sa kanyang nangangatog na
mga labi ang boses niyang nanginginig sa takot at sa pagdurusa. Patuloy lamang
ang mga kamay niya sa paghimas sa ulo ng kabayo.
Galit na galit na pinagmasdan siya ni Raden Kaslan bago ito nagbaling ng
tingin kay Fatma, na mamahalin at marangya ang ayos, saka tumingin uli sa
nawasak na kotse, at lalo pang tumindi ang kanyang galit.
“Ipapupulis kita! Idedemanda kita! Babayaran mong lahat ang nawasak na
ito. Tingnan mo!” at padarag na itinuro ang chromium sa pinto ng kotse “at ito”
sabay turo sa bahaging nabakbak ang pintura “at ito pa” at sinipa ang isang
pirasong basag na salamin. “Babayaran mong lahat ito, di kukulangin sa isa,
dalawang libong rupiah, “inangilan ni Raden Kaslan si Pak Idjo, na halos
himatayin nang marinig ang isa-dalawang libong rupiah, pero saglit lamang at
nagkaboses din ito.Paiyak itong nagsabi ng: ”Alam ko pong ako ang may
kasalanan,Tuan, pero patayin n’yo man ako, ala akong ibabayad. Pobre po ako.
Mabuti pa ngang patayin n’yo na lamang ako!” patuloy ang kamay sa paghimas
sa ulo ng kanyang matandang kabayo.
Dinilaan ng kabayo ang kamay ni Pak Idjo, parang humihingi ng tawad sa
kanyang pagkakasala. Nang marinig ang sinabi ni Pak Idjo, lalong nagalit si
Raden Kaslan. Tumalikod itong walang kibo saka bumalik sa restawran at doon
tumelepono sa pulis-trapiko.
Maraming nag-uusyoso sa kalye; patuloy si Pak Idjo sa paghimas sa ulo ng
kabayo, at nang bumalik si Raden Kaslan at sinabing “Huwag kang
tatakas.Tumawag ako ng pulis.” Siya, kasama ang kabayo ay libong beses na
namatay at humarap na sa lahat ng apoy sa impiyerno, hanggang sa dumating
ang mga pulis sakay ng kanilang umaangil na motorsiklo, tulad ng tunog ng mga
baril na pumapatay.
Nang sandaling iyon, nagbalik sa isip ng matanda ang kanyang nayon. Ang
tunog ng baril at ang lumulusob na mga tulisan na siyang dahilan kung bakit
napilitan silang tumakas at magkanlong sa siyudad.
Samantala, bumalik na sa kani-kanilang mga mesa ang mga parokyano ng
restawran, at itinuloy nila ang kainan, inuman, at tawanan. Pang-araw-araw
lamang na pangyayari ang banggaan. Pagdating ng mga pulis, bahala na ang mga
itong mag-ayos ng gulo.
Sinalubong ni Raden Kaslan ang mga pulis, nagpakilala siya sabay turo sa
kutsero, at nagsabing. “Siya, siya ang may kasalanan. Sa gilid nakaparada ang
kotse ko, at ang kalahati ay nasa bangketa na, pero binangga pa rin niya.”
“Dapat akong bayaran,’’ ulit ni Raden Kaslan.
Nang marinig ito, biglang nagsalita si Pak Idjo, sabay iyak,”Patayin n’yo na
lang ako, Tuan,” sabi nitong nakayuko sa harap ng mga pulis at magkasalikop
ang mga kamay.”Mahirap lang ako, wala akong ibabayad.”
“Inaamin n’yo bang kasalanan n’yo, Bapak?”

9
“Inaamin ko, Tuan, patayin n’yo na lang ako, Tuan. Wala akong ibabayad
.Mahirap lang ako.”
“Bakit mo binangga ang kotse kong nakaparada sa gilid ng kalye?” galit na
galit na sabi ni Raden Kaslan.
“Nakatulog po ako, Tuan,” nanginginig na tugon ng kutsero.
“Nakatulog! Anong klase kang kutsero? Nakatulog!” Nakakainis talaga ang
sagot ni Pak Idjo.
“Kung gusto mong matulog, sa bahay ka matulog, huwag sa kalesa at kung
makaaksidente ka? Bakit ka natulog?” ang kanyang angil.
“Me sakit po ako, Tuan,” tugon ni Pak Idjo na lalo pang nanginig.
“Ha! Pang-uuyam ni Raden Kaslan.”Nakatulog, may sakit. May sakit ka
pala, bakit lumabas ka pa? Sa bahay ka na lang sana! Uminom ka ng gamot!
Maaaksidente ka pa! Pa’no kung makasagasa ka ng munting bata at makapatay,
aber?”
Lalong nanginig si Pak Idjo, sinabi niya,”Pero nagugutom ako, Tuan, at ang
aking asawa at mga anak ay nagugutom rin. Kahapon pa kami hindi kumakain,
Tuan.”
Saglit na nawalan ng kibo si Raden Kaslan, bago sumigaw,”Sinungaling!
Ano’ng sakit mo?”
Umiiyak at nanginginig na binuksan ni Pak Idjo ang kanyang damit at
ipinakita ang kanyang likod.
“Hayan, Tuan, tingnan n’yo.” At itinuro niya ang mga pigsa na sinlaki ng
kamao, mapupula at namamaga; pagkaraan, itinaas niya ang kanyang sarong at
ipinakita ang isang malaking pigsa sa hita.Mapula at namamaga ang buong hita-
nakakakilabot tingnan.
Parang naubos ang lahat ng lakas ng matanda pagkaraan nito. Nanginginig
ang bawat himaymay ng kanyang katawan, nangangatog ang kanyang mga
ngipin, at patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis sa kanya, kay Raden Kaslan, at kay
Fatma, na mukhang napakarangya.
Binalingan ni Raden Kaslan ang pulis, itinaas ang isang kamay at nagsalita
parang mawawalan ng bait.
“Ano’ng gagawin mo sa ganitong kaso, Inspektor? Sinong magbabayad sa
akin? Sino’ng may kasalanan?”
“Sinong may kasalanan?” Ulit niya.
Patuloy na nanginginig at giniginaw si Pak Idjo. Patuloy niyang hinihimas
ang ulo ng kanyang matanda at payat na kabayo at habang hinihintay ang sagot
sa tanong ni Raden Kaslan, parang pahaba nang pahaba ang anino ng kutsero at
ng kanyang kabayo sa papalubog na araw, at ang kutsero at ang kabayo ay
namatay at muling nabuhay nang daan-daang beses.

10
Muling minura ni Raden Kaslan si Pak Idjo hanggang sa maisip niya sa
wakas na imposible talagang mabayaran siya ng matanda at pobreng kutserong
iyon.
“Hayaan n’yo na nga,”sabi ni Raden Kaslan sa pulis.”Tena.” Inakbayan niya
si Fatma pabalik sa restawran. Tuluyan nang nasira ang kasiyahan niya nang
gabing iyon.
“Ang buwisit na ‘yon,” bulong ni Raden Kaslan.”Bagung-bago ang
kotse.Kabibili lang.”

Pagyamanin

Sa pagkakataong ito, susubukin natin ang iyong kakayahan sa pag-unawa


sa napakinggan mong maikling kuwento.

Gawain A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Sino ang mag-asawang Fatma at Raden Kaslan?
2. Sino naman si Pak Idjo? Ano ang kanyang kalagayan sa buhay?
3. Paano nagkatagpo ang landas ni Raden at ang kutserong si Pak Idjo?
4. Kung ikaw si Raden, ano ang gagawin mo sa parehong sitwasyong nabangga
ang kotse mo ng isang taong may sakit at nalaman mong ito’y nagugutom
maging ang kanyang pamilya? Ipaliwanag.
5. Kung sakaling ikaw ang pinuno ng pamahalaan, ano ang maaari mong
gawin upang matulungan ang mga taong walang-wala at nagugutom
ang pamilya?

Gawain B. Suriin ang mga pangyayari sa ibaba batay sa naganap sa akdang


napakinggan. Maglahad ng mga kaugnay na pangyayaring nagaganap pa rin sa
kasalukuyan sa ating lipunan.
1. Sa naganap na pangyayari, nanginig ang buong katawan ni Pak Idjo sa galit
na galit na boses ni Raden Kaslan lalo na sa pagdating ng mga pulis.Tanging
lumabas sa kanyang bibig ang, “Pero nagugutom ako, Tuan, at ang aking
asawa at mga anak ay nagugutom, Tuan.Kahapon pa kami hindi
kumakain,Tuan.”
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa_______________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11
2. Piniling maupo ng mag-asawang Kaslan sa hardin ng restawran, isang mesang
nakahiwalay sa karamihan. Kung titingnan ang Cadillac ni Raden, ang
magarang damit ni Fatma, ang gintong step-in nito at buhok na kaaayos lang
sa parlor, mawawaring mayaman at maluho ang mag-asawa.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa_____________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Sa tapat ng isang mamahaling restawran na punumpuno ng nakaparadang
sasakyan ay dumating ang isang bagong Cadillac na pulang-pula ang kulay
na naghahanap ng mapaparadahan. Nang naiparada na ito, agad na lumabas
ang mag-asawang kakikitaan ng luho at yaman sa katawan.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa_______________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Nang dumating ang mga pulis sa pinangyarihan dahil pinatawag ito ni
Raden Kaslan, naalala ni Pak Idjo ang kanyang nayon, ang tunog ng baril at
ang lumusob na mga tulisan na siyang dahilan kung bakit napilitan silang
tumakas at magtago sa siyudad kung saan dumanas sila ng matinding
kahirapan.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa_______________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Kahit nagkaroon ng kaguluhan, hindi ito inalintana ng mga parokyanong
nagsisikain sa restawran, at itinuloy nila ang kainan, inuman, at tawanan.
Para sa kanila, pang-araw-araw na lamang ang ganoong pangyayari.
Hahayaan na lamang nila ang mga pulis para mag-ayos nito.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa_______________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

12
Isaisip

Sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta” binigyang-diin dito ang


magkataliwas na kalagayan ng napakayamang si Raden Kaslan at ang napakahirap
at nagugutom na si Pak Idjo. Ipinakita sa akda ang agwat ng mayaman sa mahirap
na kahit gaano man kayaman at kaluho ang mag-asawang Fatma at Raden Kaslan,
di pa rin nila nagawang tulungan si Pak Idjo na may sakit at nagugutom maging ang
pamilya nito. Sa halip na patawarin kaagad ni Raden Kaslan sa di dinasadyang
pagkakasala at tulungan si Pak Idjo ng malaman nito ang kinasasadlakang
kahirapan, mas binigyang pansin pa nito ang nasirang pintura at nabasag na
salamin ng kanyang kotse. Hindi man lang inalok ng pagkain ng mag-asawang
Kaslan ang kaawa-awang matanda na nagugutom sa pagkakataong iyon. Ang
kuwentong ito ay sumasalamin hindi lamang sa kalagayan ng Dyakarta kundi
maging sa ibang lipunang Asyano tulad ng ating bansa, sa kabila ng pag-unlad nito
ay napakarami pa ring tao ang patuloy na naghihirap, naaapi at dumanas ng
matinding gutom.

Bilang isang kabataan na pag-asa ng ating bayan, ano ang kaya mong gawin
sa iyong kapwa?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isagawa

Nang Minsang Naligaw si Adrian

(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta. Sa
kaniyang pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga pangyayari ay pawang
mga kathang-isip lamang.)

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba


ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya.
Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging
isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa

13
sa abogasya. Naiwan_siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan
angkaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na
matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,
pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang
pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin
man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang
balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibangbayan upang manatili sa piling ng
ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat
ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw
rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na
operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong
ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad,
naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang
kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng
panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag
kayo’y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad
nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik
na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila'y nakarating sa isang
lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan
papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay
tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama
habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng
anak.
“Bakit ka umiiyak?" tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po, Dad."
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin
ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang
kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at

14
paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito
ni Adrian.
"Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y
nagpapahinga, Dad?” tanong ni Adrian. .
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi. |
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan
ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw."
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,
muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa
lugar kung saan sila nanggaling.
Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw, Hinding-hindi na.

Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa kuwento at iugnay ito sa kasalukuyang


pangyayari sa ating lipunan.

1. Lumaki si Adrian na punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga


magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin ng nakapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan_siyang walang ibang inisip kundi mag-aral
at pangalagaan ang kaniyang mga magulang. Sa ating lipunan, maiuugnay
ang pangyayaring ito sa__________________.
A. paboritong anak ng pamilya na magmamana ng yaman ng
magulang
B. bunsong anak sa pamilya na malapit sa kanyang mga
magulang
C. panganay na anak na nararapat mangalaga sa kanilang mga
magulang
D. bunsong anak sa pamilya na naiwan sa kanya ang
pangangalaga sa kanilang mga magulang

2. Habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon,


nakatanggap Si Adrian ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng
sakit ang kanyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad,
naagapan naman niya ang ama. Sa ating lipunan, maiuugnay ang
pangyayaring ito sa _________.
A. bunsong anak na takot mamatay ang kanyang ama
B. isang anak na nais lamang gawin ang responsibilidad sa ama
C. anak na walang ibang hangad kundi gamotin ang may sakit na
ama
D. anak na gagawin ang lahat upang malunasan ang dinaraing
na karamdaman ng kanyang ama

15
3. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala
ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. Sa ating lipunan,
maiuugnay ang pangyayaring ito sa_________.
A. anak na walang ibang nais kundi ang makamit ang lahat ng
hinahangad sa buhay
B. anak na walang pakialam sa kanyang magulang sapagkat
siya’y matagumpay na sa buhay
C. isang anak na iniisip na pabigat lamang sa kanya ang kanyang
may sakit at matanda ng magulang kaya gusto niya itong
mawala
D. anak na walang ibang hinangad kundi ang sariling kapakanan
kahit mapapabayaan pa niya ang umaasang magulang sa
kanya.
4. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang kanyang ama sa
kagubatan. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag
sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Dahil sa pagnanasang
matuldukan ang paghihirap sa ama, nais niyang mawala ito. Sa ating
lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa_________.
A. anak na pinili na mapahamak ang magulang
B. anak na walang ibang inisip kundi ang sariling kapakanan
lamang
C. anak na tinalikuran ang magulang sapagkat di na ito parti ng
kanyang mga pangarap.
D. isang anak na nakokonsensya sa ginagawang mali sa kanyang
magulang upang mapagbigyan ang sariling kaligayahan.
5.“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan
ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw."
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa _________.
A. isang magulang na nais baliwalain ang pagkakamali ng anak.
B. magulang na hangad lamang ang ikaliligaya ng kanilang mga
anak.
C. isang magulang na sunod-sunuran lamang sa kagustuhan ng
anak.
D. isang magulang na kahit ikakapahamak pa niya ang
kagustuhan ng anak, iniisip pa rin nila ang kapakanan ng
mga ito.

16
Tayahin

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at iugnay ito sa kasalukuyang


kalagayan ng ating lipunan. Isulat ang titik lamang ng iyong sagot sa
sagutang papel.

1.Sa tapat ng isang mamahaling restawran na punumpuno ng nakaparadang


sasakyan ay dumating ang isang bagong Cadillac na pulang-pula ang kulay
na naghahanap ng mapaparadahan.
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis

A. Mamahaling sasakyan na nais maiparada sa daan.


B. Mayamang tao na gustong kumain sa isang restawran.
C. Mayamang tao na may magarang sasakyan at gustong makaparada sa
harap ng isang mamahaling restawran.
D. Isang mayamang nagmamay-ari ng mamahaling kotse ang naghahangad
na makaparada sa harapan ng sikat na restawran at upang makakain
din doon.
2. Hindi inalintana ng mga parokyanong nagsisikain sa restawran, at itinuloy
nila ang kainan, inuman, at tawanan. Para sa kanila, pang-araw-araw na
lamang ang ganoong pangyayari. Hahayaan na lamang nila ang mga pulis
para mag-ayos nito.
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis”
B. Isang insidenteng matapos masaksihan ng lahat, walang pagtulong ang
nangyari.
B. Sa isang mayamang lipunan, walang pakialam ang iba sa pangyayaring
nagaganap sa buhay ng ibang tao.
C. Hindi nakikialam ang mga mayayaman kapag mayroong taong mahirap
ang naagrabyado sa insidente.
D. Para sa mayayaman, karaniwan na sa kanila ang ganitong pangyayari
kaya hinahayaan na lang nila ang mga pulis ang mag-ayos sa ganitong
gusot.
3. Marso 5 nang magkaroon ng lagnat at panghihina ng katawan si Jojy.
Matapos makumpirma na positibo siya sa COVID-19, mas lumala pa ang
kanyang kalagayan.
“Kaya ko ito, sinasabi ko sa sarili ko. ‘Lord, my family still needs me, I’m going
home.’ Madalas kong sinasabi 'yon, araw-araw sinasabi ko sa sarili iyon na
‘I’m going home, I’m going home,’” ani Jojy.
-https://news.abs-cbn.com/life/04/21/20/panoorin-nakakaantig-na-kuwento-ng-amang-gumaling-sa-covid-19

A. Isang taong nawalan ng pag-asang makauwi sa kanyang pamilya.


B. Taong punong-puno ng pag-asa na gumaling na siya sa kanyang sakit.
C. Taong nagkasakit ng COVID19 na gusto ng umuwi sa kanyang pamilya
D. Taong nagkasakit ng COVID 19 ngunit hindi nawalan ng pag-asa na siya ay
gumaling at makauwi sa kanyang pamilya.

17
4. Naupo ang mag-asawang Kaslan sa hardin sa harap ng restawran, isang
mesang nakahiwalay sa karamihan. Kung pagmamasdas ang Cadillac,
magara ang damit ni Fatma, ang kanyang gintong step-in, ang buhok na
kaaayos lang sa parlor, makikita ang yaman at luho sa mag-asawa.
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis”
A. Mag-asawang gustong ipakita sa lahat ang lahat ng yaman na mayroon sila.
B. Mag-asawang mapagkunwaring mayaman upang makasabay sa mga
mayayaman.
C.Mayamang mag-asawa na gustong ibandera sa lahat ang kanilang
karangyaan sa buhay.
D.Mayamang mag-asawa na ayaw makihalubilo sa iba at nais na ipakita sa
lahat na sila’y naiiba.
5. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang kanyang ama sa
kagubatan. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag
sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Dahil sa pagnanasang
matuldukan ang paghihirap sa ama, nais niyang mawala ito.
-Halaw mula akdang “Nang Minsang Naligaw si Adrian”

A. anak na pinili na mapahamak ang magulang


B. anak na walang ibang inisip kundi ang sariling kapakanan
lamang.
C. anak na tinalikuran ang magulang sapagkat di na ito parti ng
kanyang mga pangarap.
D. isang anak na nakukonsensiya sa ginagawang mali sa kanyang
magulang upang mapagbigyan ang sariling kaligayahan.

7. Dahil sa di naiwasang kaganapan, nanginig ang buong katawan ni Pak


Idjo sa galit na galit na boses ni Raden Kaslan at nang makita ang
pagdating ng mga pulis.Sinabi niya, “Pero nagugutom ako, Tuan, at ang
aking asawa at mga anak ay nagugutom, Tuan.Kahapon pa kami hindi
kumakain,Tuan.”
-Halaw mula sa : “Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis”

A. Taong di alam ang gagawin dahil sa pagkakasalang nagawa.


B. Isang mangmang na tao na walang ibang gawin kundi ang kumain.
C. Isang taong nagkukunwari at gustong takasan ang kanyang pagkakasala.
D.Ang pagmamakaawa ng isang taong di sinasadya ang pagkakasala na kung
saan gusto niyang ipaunawa sa kausap ang kanyang tunay na kalagayan

18
7.“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan
ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw."
-Halaw mula akdang “Nang Minsang Naligaw si Adrian”

A.Magulang na nais baliwalain ang pagkakamali ng anak.


B.Magulang na hangad lamang ang ikaliligaya ng kanilang mga anak.
C.Isang magulang na sunod-sunuran lamang sa kagustuhan ng anak.
D.Isang magulang na kahit ikakapahamak niya ang kagustuhan ng anak, iniisip
pa rin ang kapakanan nito.

Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
8.Sino si Raden Kaslan sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta”?
A. Ang mayamang nagmamay-ari ng restawran.
B. Ang mayamang nagmamay-ari ng pulang Cadillac.
C. Ang pulis na dumating sa pinangyarihang banggaan.
D. Ang kaibigan ni Fatma na dumating sa mamahaling restawran.
9.Sa kuwentong “Takipsilim sa Dyakarta”, dinakip ng mga pulis si Pak Idjo dahil
sa pagkakasalang ________.
A. sinipa ng kabayo nito ang salamin ng Cadillac ni Raden Kaslan
B. basag na basag ang lahat ng salamin ng Cadillac ni Raden Kaslan
C.binangga ng karwahe nito ang kotse ni Raden na naging dahilang ng
matinding pagkasira
D. nabangga ng kanyang karwahe ang kotse ni Raden Kaslan na naging dahilan
ng pagkagasgas ng pintura at pagkabasag ng salamin nito
10. Ano ang ginampanang papel ni Pak Idjo sa kuwentong “Takipsilim sa
Dyakarta”?
A. Ang kutserong mayaman na nabangga ni Raden Kaslan.
B. Ang nagmamay-ari ng kalesang nakabangga sa Cadillac ni Raden Kaslan.
C. Ang kutserong tumakas pagkatapos mabanggo ang kotse ni Raden Kaslan.
D. Ang nakabangga ng Cadillac ni Raden Kaslan sa lansangan.
11. Ito ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
loob ng maikling kuwento.
A.kawal ng pangyayari B.Tema C.Pananalita D.Suliranin
12. Ano ang tawag sa anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng tao?
A.Nobela B.Dula C.Maikling Kuwento D.Sanaysay
13.Paano nagkatagpo ang landas ng mayamang si Raden Kaslan at mahirap na si
Pak Idjo sa kuwentong “Takipsilm sa Dyakarta”?
A. Nang mabangga ni Raden si Pak Idjo sa restawran
B. Nagalit si Raden kay Pak Idjo sapagkat mahirap lang ito.
C. Nang di sinasadyang nabangga ng karwahe ni Pak Idjo ang Cadillac ni Raden
D. Nang hindi makahanap ng mapaparadahan ang kotse ni Raden Kaslan dahil naroon
ang karwahe ni Pak Idjo.

19
14. Sa kuwentong “Nang Minsan Naligaw si Adrian”, bakit gusto ni Adrian na
mawala ang kanyang ama sa kanyang pangangalaga?
A. Para wala na siyang problema.
B. Upang magawa na niya ang matagal niya na sanang ginawa.
C. Makapagpahinga na siya sa kanyang responsibilidad.
D. Makapagpahinga na ang kanyang ama sapagkat naaawa na siya rito.
15.Ang pangyayaring naganap sa kuwentong “Nang Minsan Naligaw si Adrian” ay
maaaring naganap sa tunay na buhay ng __________.
A. mag-asawa C. mag-ama
B. mag-ina D. pamilya

Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap ng isang maikling kuwento na maaari mong suriin ang mga
pangyayari at iugnay ito sa kasalukuyang lipunang Asyano o sa ating
lipunan.Sipiin mismo mula sa mga pangyayari sa kuwento ang talata at
iugnay ito sa kasalukuyang lipunang Asyano. (10 pts)

RUBRIC SA PAGSUSURI NG PANGYAYARI SA KUWENTO

Pamantayan Katangi-Tangi Mahusay Kailangan pa ng


Pagsasanay
5 3 1
1.Naiuugnay ang Maayos na Hindi gaanong Hindi naiugnay
mga pangyayari naiuugnay ang naiugnay ang ang napiling talata
sa kuwento sa napiling talata napiling talata sa sa kuwento sa
kasalukuyang sa kuwento sa kuwento sa kasalukuyang
lipunang Asyano kasalukuyang kasalukuyang lipunang Asyano.
lipunang lipunang Asyano.
Asyano.
2.Wasto ang Mali ang isa sa Mali ang Walang tamang
napiling talata mga napiling dalawang napiling talata sa
mula sa talata para sa napiling talata ginawang
kuwento para sa pagsusuri. para sa pagsusuri.
pagsusuri pagsusuri.

20
21
amang-gumaling-sa-covid-19
https://news.abs-cbn.com/life/04/21/20/panoorin-nakakaantig-na-kuwento-ng-
Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 9-13,
Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario,
Panitikang Asyano Learning Module pp.14-15
Sanggunian
TAYAHIN PAGYAMANIN: SUBUKIN
1. D Gawain A 1. D
2. D 2. D
3. D 1. Ang mayamang 3. D
4. C nagmamay-ari ng 4. C
5. D pulang Cadillac na 5. D
6. D kumain sa sikat at 6. D
7. D mamahaling restawran. 7. D
8. B 2. Siya ang matandang 8. B
9. D kutsero na nagmamay- 9. D
10. B ari ng kalesang 10. B
11. A aksidenteng 11. A
12. C nakabangga sa kotseng 12. C
13. C pagmamay-ari ni Raden 13. C
14. B Kaslan. 14. B
15. C 3. Nang mabangga ng 15. C
kalesa ni Pak Idjo ang
kotse ni Raden Kaslan,
4-5.Iba-iba ang kasagutan
ng mga mag-aaral. Ang guro
na ang siyang BALIKAN
magpapasya. 1.Isang anyo ng panitikan na may
ISAGAWA
layuning magsalaysay ng mga
1.D pangyayari sa buhay ng tao.
2.D
2.Maaaring likhang-isip o batay sa
3.C Gawain B
sariling karanasan.
4.D
1-5. Iba-iba ang kasagutan
5.D 3. Sapagkat kapupulutan ito ng
ng mga mag- aaral kaya ang
mensahe’t aral ng mga
guro na ang magpapasya.
mambabasa.Natatapos din agad sa
isang upuan lamang.
4.Maingat na inihanay batay sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
5.kakintalan o mensahe at aral
Susi sa Pagwawasto

You might also like