You are on page 1of 2

MODAL

Ang MODAL ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ang mga ito na pantulong sa pandiwang na
nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng
pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang
aspekto.
Mga Halimbawa: ibig, nais, gusto, kailangan
GAMIT NG MODAL:

1. Bilang malapandiwa
Gusto niyang makaahon sa hukay.
Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.
(Ang gusto at ibig ay ginamit bilang malapandiwa subalit di tulad ng ganap na
pandiwa wala itong aspekto.)
2.Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa
Gusto niyang maglakbay muli.
(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbayna isang pandiwang nasa
anyong pawatas. )
Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre.
(Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa salitan makita na isang pawatas.)
NARITO ANG MGA URI:
1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto
Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas.
Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
2. Sapilitang pagpapatupad
Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
3. Hinihinging mangyari
Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.
4. Nagsasaad ng posibilidad
Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya?
Puwede kang umasenso sa buhay.

You might also like