You are on page 1of 12

KARAGDAGANG KAGAMITANG

PAMPAGKATUTO

PAGSASANIB NG GRAMATIKA
AT RETORIKA

(F9WG2-IIIf-55)

Unang Markahan
Ikalawang Linggo

FILIPINO 9
MANUNULAT:

ROSE ELEONOR L. SAGANG


Guro I
Cateel Vocational High School

CRICELYN P. MACA
Guro I
Cateel Vocational High School

RUTH V. CERVANTES
Guro I
Cateel Vocational High School

OSMAN N. TOMAS
Guro I
Cateel Vocational High School

MARICEL S. BACOR
Guro I
Cateel Vocational High School

IGINUHIT NI:

RHAMCES T. PASTOR
G10 - Magalang

KONSULTANT:

GNG. GLORIA C. SABANAL


Dalub-Guro 1
Mataas na Paaralang Bokasyunal ng Cateel

Karapatang-ari at Pagtatatuwa

Ang materyal na ito ay hindi maaaring ipagbili. Ito ay pwedeng gamitin o sipiin
sa anumang anyo o pamamaraan para sa pagtuturo ngunit lagyan ng kaakibat
na pagkilala.

Ito rin ay maaaring magkaroon ng pagkakamali. Tinatanggap ng may-akda o


ng Sangay ng Davao Oriental sa kabuuan ang anumang uri ng puna o
rekomendasyon na ibibigay ng mambabasa para sa mas ikabubuti ng materyal.

Karapatang-ari © 2016 Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Davao Oriental

FILIPINO 9
MODYUL 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA

PAKSA:
 Pang-abay na Pamanahon

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
■Nagagamit nang wasto ang pang-abay na pamanahon sa alamat.
(F9WG-IIIf-55)

LAYUNIN:
■Natutukoy ang mga pang-abay na pamanahon na ginamit sa alamat.
■Natutukoy ang mga uri ng pang-abay na pamanahon.
■Nakasusulat ng isang alamat na gamit ang wastong pang-abay na
pamanahon.

MAGSIMULA TAYO:

Matapos nating talakayin ang kasaysayan at


katangian ng alamat, tayo ay magpatuloy sa
paglalakbay sa pagkatuto. Ngunit bago tayo
mag-umpisa sa ating aralin, narito muna ang
isang gawaing susubok sa inyong kakayahan
sa araling ito.

FILIPINO 9
PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang akda.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa
ibaba. Isulat ang sagot sa patlang matapos
ang katanungan.

Ang Alamat ng Pan-on


ni Gng. Cricelyn T. Maca

Noong unang panahon, may


isang babaeng nagngangalang Aida na
may anak na ubod ng tamad. Siya si
Panon. Si Panon ay kilala sa kanilang
nayon sa pagiging batugan. Habang
araw-araw na pumupunta si Aling Aida sa
bukid upang magtanim ng gulay at iba
pang halaman na maaari nilang makain at
mapagkakitaan, si Panon naman ay di
man lang magawang magsaing ng
panghapunan.Isang araw, umuwi galing sa
bukid si Aling Aida na pagod na
pagod.Inutusan niya si Panon na magsaing
ngunit tumanggi ito. Muli siyang inutusan ni
Aling Aida ngunit ganoon pa rin ang
naging tugon nito.

Dahil dito hindi na nakapagtimpi si Aling Aida sa kanyang sarili, sinigawan


at isinumpa niya si Panon na sanay maging isang halaman ito na habambuhay
na nakatanim, nakabaon sa lupa.
Pagkasabi niyon, biglang kumulog at kumidlat nang napakalakas sabay
ang paglaho ni Panon. Labis ang pagsisisi ni Aling Aida sa nangyari. Gabi -gabi,
siya ay umiiyak sa pangungulila sa anak.
Hanggang isang umaga may napansin si Aling Aida na kakaibang
halaman na tumubo sa kanyang bakuran. Isa itong halamang mala-espada ang
dahon at ang bunga ay nakadikit sa lupa. Bigla niyang naalala ang kanyang
anak na si Panon. Naalala niya ang mga huling sinabi niya rito bago ito naglaho
na parang bula.
Dahil doon, naniniwala si Aling Aida na ang halamang iyon ay ang
kaniyang anak na si Panon, kaya pinangalananan niya itong Panon. Ngayon,
ang halamang Panon ay kilala na sa tawag na Pan-on.

FILIPINO 9
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
`

2. Saan naganap ang kuwento?

3. Tungkol saan ang akda?

4. Anong uri ng akda ang iyong nabasa?

5. Magbigay ng isang aral na iyong mapupulot mula sa akda?

6. Paano nasasalamin ng alamat ang kulturang Pilipino?

PANUTO: Mula sa binasang akda, tukuyin at itala ang


mga salitang nagpapahayag ng panahon.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

6.

FILIPINO 9
Matapos nating talakayin ang kasaysayan at
katangian ng alamat, tayo ay magpatuloy sa
paglalakbay sa pagkatuto. Ngunit bago tayo
mag-umpisa sa ating aralin, narito muna ang
isang gawaing susubok sa inyong kakayahan
sa araling ito.

Ang pang-abay na pamanahon ay mga salitang


nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o
gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaari itong may
pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

URI NG PANG-ABAY NA PAMANAHON

1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)

Mga halimbawa:
a. Nooong unang panahon, may isang binatang nagngangalang Sawug.
b. Isang araw, si Sawug ay nagmamadaling nagtungo sa batis upang manghuli ng
isda, ngunit pagdating niya roon, ay may nakita siyang isang napakaganda at
kumikinang na isda na umaawit sa tabi ng batis.

2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)

Mga halimbawa:
a. Bukas, pupunta muli ako sa batis at hihingin ko sa diwata na gawin niya akong
isang isda.
b. Kinabukasan ay nagtungo nga sa batis si Sawug at hiniling ang kanyang nais at
tinupad naman ng diwata ang kanyang kahilingan.

FILIPINO 9
3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)

Mga halimbawa:
a. Si Sawug ay araw-araw nanghuhuli ng isda sa batis malapit sa kanilang
tahanan.
b. Gabi-gabi, lagi niyang napapanaginipan at naiisip ang napakagandang
tinig nito.

Natukoy mo na rin ang gamit at kahalagahan


ng mga pang-abay na pamanahon sa
pagsasalaysay ng alamat. Ngayon ay
kailangan nating matiyak ang lawak ng iyong
natutuhan.

PANUTO: Mula sa Gawain 2, isulat muli ang wastong


pang-abay na pamanahon mula sa
binasang akda sa unang hanay at tukuyin
kung anong mga uri nito sa ikalawang
hanay.

Gawain 3:

PANG-ABAY NA PAMANAHON URI NG PANG-ABAY NA


PAMANAHON
1

FILIPINO 9
PANUTO: Mula 1 -5, tasahin ang iyong sarili batay sa
iyong antas ng kaalaman o pagkatuto.

5 alam na alam na at kayang ipaliwanag sa


iba;

4 nagagawa nang ipaliwanag mag-isa;

3 kailangan pa ng tulong sa
pagpapaliwanag;

2 kailangan pang magpraktis, at

1 nagsisimula pa lamang matuto.

Naipaliliwanag ang pang-abay na pamanahon.

Natatalakay ang mga uri ng pang-abay na pamanahon.

Nakapagbibigay ng wastong halimbawa ng pang-abay na pamanahon


ayon sa uri nito.

Nakasusulat ng alamat gamit ang wastong pang-abay na pamanahon.

FILIPINO 9
Pagtataya
PANUTO: Mula sa pagpipiliang mga pamagat, pumili ng isa
at sumulat ng sariling gawang alamat gamit ang
wastong pang-abay ng pamanahon.
Salungguhitan ang mga ito.

Alamat ng Gumamela Alamat ng Espada


Alamat ng Rosas Alamat ng Saging
Alamat ng Kuwentas Alamat ng Aklat

*Kung wala kang naibigan sa mga pagpipiliang paksa, ikaw ay malayang


gumawa ng sarili mong pamagat.

Pamagat

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman 15
Mekaniks 15
Bantas
Maliit at malaking titik
Wastong gamit ng mga salita
Paggamit ng Pang-abay na Pamanahon 10
Kalinisan 10
Orihinalidad 10
KABUUAN 60

FILIPINO 9
MENSAHE PARA SA MGA GURO:

Kung sakaling kinakitaan ng kahirapan sa


pagsulat ng alamat ang mga mag-aaral,
narito ang alternatibong gawain sa
pagtataya.

PANUTO: Bumuo ng isang maikling talata tungkol sa pang-


araw-araw na pangyayari sa loob ng inyong
bahay o kaya sa paaralan gamit ang pang-abay
na pamanahon.

Pamagat

FILIPINO 9
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman 15
Mekaniks 15
Bantas
Maliit at malaking titik
Wastong gamit ng mga salita
Paggamit ng Pang-abay na Pamanahon 10
Kalinisan 10
Orihinalidad 10
KABUUAN 60

Kasunduan
PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
pang - abay pamanahon na makikita sa loob ng
biluhaba.

kahapon sandali

gabi-gabi mula kanina

buwan-buwan hanggang ngayon

1. _____________________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________________
6. _____________________________________________________________________________

FILIPINO 9
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman 15
Mekaniks 15
Bantas
Maliit at malaking titik
Wastong gamit ng mga salita
Paggamit ng Pang-abay na Pamanahon 10
Kalinisan 10
Orihinalidad 10
KABUUAN 60

SUSI SA PAGWAWASTO:

Gawain 1:
1. Ang inang si Aida, at ang anak na si Panon
2. Sa bukid
3. Sa pagsuway sa utos o payo ng magulang
4. Alamat
5. Dapat sumunod sa utos na magulang. Igalang ang magulang.
6. Ipinakita ang paniniwala ng sinaunang panahon na ang epekto ng pagsumpa
ng magulang sa anak ay magkatotoo.
Gawain 2:
1.Noong unang panahon 6. ngayon
2.araw-araw
3.Isang araw
4.Gabi-gabi
5.hanggang isang umaga

Gawain 3:

1.Noong unang panahon-may pananda 6. ngayon-walang pananda


2.araw-araw-nagsasaad ng dalas
3.Isang araw-may pananda
4.Gabi-gabi-nagsasaad ng dalas
5.hanggang isang umaga-may pananda

FILIPINO 9

You might also like