You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A CALABARZON


Sangay ng Quezon
Pambansang Mataas na Paaralan ng Hinguiwin
Padre Burgos, Quezon

Paaralan Pambansang Mataas na Paaralan ng Hinguiwin Baitang Baitang 9


TALA SA Guro Marvin D. Marasigan Antas Filipino
PAGTUTURO Petsa August 24-September 03, 2020 Markahan Unang Markahan
Oras 7:00-8:00 a.m Bilang ng Araw 8 araw

PIVOT IDEA Lesson Exemplar Format Alignment with the Module


Sa araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: Paksa, Mga tauhan, Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari,
I. LAYUNIN estilo sa pagsulat ng awtor, iba pa
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay.
 Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Maikling Kuwentong Makabanghay sa tulong
A. Pamantayang Pangnilalaman
ng teknolohiya at iba pang transitional devices upang makapasalaysay ng sariling karanasan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasalaysay nang masining ng mga mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit ang graphic organizer
• Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
napakinggang akda
• Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan
• Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa
- Mga tauhan - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari estilo sa pagsulat ng awtor, iba pa
C. Kasanayan sa Pagkatuto • Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan
• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay
• Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
• Napapahalagahan ang paglalarawan sa isang tauhan at ang kanyang mga dayalogong magpapahiwatig sa
kanyang paninindigan
• Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
napakinggang akda
• Nabibigyang- kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan
D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
• Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa- Mga tauhan - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
(MELC)
estilo sa pagsulat ng awtor, iba pa
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang
• Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
kasanayan sa pagkatuto o MELC)
• kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan
• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay
• Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda

 Napag-iisa-isa ang mga kaugalian, tradisyon pati na ang kasalukuyang kaganapan na maaaring gamiting
batayan sa paghahambing
 Napapahalagahan ang paglalarawan sa isang tauhan at ang kanyang mga dayalogong magpapahiwatig sa
E. Pagpapaganang Kasanayan
kanyang paninindigan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
 Napapahalagahan ang kaibahan sa paggamit ng salitang denotatibo at konotatibo
kasanayan.)
 Napapahalagahan ang kabuluhan ng bawat elemento ng maikling kuwento sa pagpapaabot ng mensahe ng
akda
 Napahahalagahan ang paggamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
 Pagsagot sa tanong tungkol sa mga pangyayaring nakapaloob sa nilalaman ng Maikling Kuwento
II. NILALAMAN
 Wastong paggamit ng transitional devices sa isang mabisang pahayag
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
MELC Filipino G9 Q1, PIVOT 4A BOW, K-12 Batayang Pangkurikulum (dd. 112) PEAC Learning Module(DD. 15-
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
60), Aklat ng Gabay sa Pagtuturo sa Filipino(DD.14-17)
Filipino(Modyul ng mga Mag-aaral) dd.18-34,
Aklat nina Peralta, Romulo N, Lajarca Donabel C. et. al.
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk


d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Link: https://www.youtube.com/watch?v=ynSdkDZw2FQ
Learning Resource Link: https://edu.glogster.com/
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga larawan, Grapikong pantulong, aklat at iba pa.
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula ALAMIN
 Ipababatid ng guro sa mga mag-aaral kasanayang dapat nilang matamo sa nilalaman ng aralín.
 Ipasasagot ang paunang pagtataya sa pahina 8-16 mula aklat ng Panitikang Asyano 9: Kagamitan ng mga mag-
aaral.
SURIIN
 Ipapanood ng guro sa mga mag-aaral ang isang Inspirational Video mula sa link:
A=1 H=8 O=15 V=22
https://www.youtube.com/watch?v=ynSdkDZw2FQ na pinamagatang “I didn’t like my Father.”Pagkatapos
B=2 I=9 nito, sasagutin ng mga mag-aaral
P=16 W=23ang mga sumusunod:
C=3 J=10 Mga
Q=17 iba pang pamamaraan:X=24
D=4 K=11 R=18a) Buod Y=25
E=5 L=12 S=19b) Comic Strip Z=26
F=6 M=13 GAWAIN
T=20 1: PAGSUSURI NG VIDEO
G=7 N=14 U=21 1. Ano ang trabaho ng kaniyang ng ama?
2. Bakit inilihim ng anak sa kaniyang ama ang kaniyang tunay na estado ng hanapbuhay?
3. Ano ang nagpapahirap sa kalagayan ng anak?
4. Ano-ano ang mga paraan na ginagawa ng ama upang paghandaan ang kinabukasan ng anak?
5. Ano ang sanhi ng pag-alis ng kaniyang anak?
6. Makatuwiran bang magtampo ang anak sa kaniyang ama? Ipaliwanag.
7. Paano ipinadama ng ama na wagas ang pagmamahal niya sa kaniyang anak?
8. Aling bahagi ng video ang nakaantig sa iyong puso? Bakit ka naantig sa bahaging ito?
9. Anong aral ang iyong napulot sa video?
GAWAIN 2: PAGBASA NG TEXT LIHAM
 Ipapabasa ng guro sa mga mag-aaral ang kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian na nasa
pahina 19-21.
B. Pagpapaunlad
SUBUKIN
Pasasagutan ng guro sa mga mag-aaral ang gawaing pampagsasanay upang malinang ang kanilang kaalaman sa
talasalitaan bago ang pagbasa ng aralin.
GAWAIN 3: PAGLINANG NG TALASALITAAN

Halimbawa: Ang kasingkahulugan ng panibugho ay selos o inggit.


PANIBUGHO = 19 + 5 + 12 + 15 + 19
SELOS
1. panaghoy 6. pagkamuhi
16+1+7+8+9+8+9+18+1+16 = 16+1+7+11+1+19+21+11+12+1+13 =

Sagot: Sagot:
2. bulalas 7. nasisante
14+1+19+1+2+9 = 14+1+20+1+14+7+7+1+12 =

Sagot: Sagot:
3. kabalakyutan 8. piging
11+1+2+1+12+9+11+20+1+18+1+14 19+1+12+15+19+1+12+15 =

Sagot: Sagot:
4. pamumugto 9. aluin
16+1+13+1+13+1+7+1 = 19+21+25+21+9+14 =

Sagot: Sagot:
5. nagugulumihanan 10. nagdadalamhati
14+1+7+21+12+21+8+1+14 = 14+1+12+21+12+21+14+7+11+15+20 =

Sagot: Sagot:
TUKLASIN
 Ipapabasa ng guro ang maikling kuwentong makabanghay na “Ang Ama” na salin sa Filipino ni Mauro R.
Avena.” Mula rito, susuriin at sasagutin ng mga mag-aaral ang nilalaman ng aralin gamit ang mga gabay na
tanong:

1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?


2. Sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa.

Ama

Ina

Mga Anak
Mui Mui

3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa kuwento ang
nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?
Katangian ng ama Pangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na
katangian

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay.


5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?
6. Paano nagwakas ang kuwento?
7. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking
bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang ‘di
nila mararanasang muli.” Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling pangungusap na ito? Bakit ganito ang
saloobin ng mga bata? Patunayan.
8. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwentong ito?
9. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay? Sa ibang
bansa sa Asya?
10. Bakit may uring makabanghay ang kuwento?
GAWAIN 4: BALANGKAS NG KUWENTO
A. Ipalalahad ng guro sa mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod ng kuwento gamit ang balangkas ng kuwento.

SAGLIT NA KASUKDULAN KAKALASAN


KASIGLAHAN
SIMULA WAKAS

B. Ipatutukoy ng guro sa mga mag-aaral gamit ang mga indikeytor kung anong uri ng tahanan mayroon ang mag-
anak sa kuwento sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa loob ng kahon.

larawan ng kapayapaan
nangingibabaw ang takot ng mga anak
nakaririwasa sa buhay
magulo
Malulumbay
may pagdadamayan ang bawat isa
kapos sa pagmamahal C. Punan ang hinihinging impormasyon ng
ligtas sa anumang panganib bawat kahon. Patunay
Komplikado UNANG PANGYAYARI Damdamin ng
kakikitaan ng pagmamalasakit ang bawat miyembro mga bata
Patunay
larawan ng kawalang kasiguruhan
masayahing mag-anak IKALAWANG PANGYAYARI Damdamin ng
mga batang
Damdamin
Patunay
IKATLONG PANGYAYARI mga bata
IKAAPAT NA PANGYAYARI Damdamin ng Patunay
mga bata
PAGYAMANIN
 Ipababasa naman ng guro ang isang pang halimbawang maikling kuwentong makabanghay na pinamagatang
“Anim na Sabado ng Beyblade” ni Ferdinand Pisigan-Jarin at ipasasagot ang timeline at ang gabay na mga
tanong.
GAWAIN 5: TIMELINE
Ipalalahad ng guro sa mga mag-aaral ang mga nangyari gamit ang isang grapikong presentasyon, ang timeline.

TIMELINE

SABADO SABADO SABADO SABADO SABADO SABADO


1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang beyblade ang bahagi ng kuwentong iyong binasa?6
1 2 3 4 5
2. Paano nagwakas ang kuwento?
3. Kung ikaw ang may-akda, ganito rin ba ang iyong gagawing wakas? Bakit?
4. Sumulat ng sariling wakas ng kuwento na may uring makabanghay. Ilahad mo ito sa pamamagitan ng isang
grapikong presentasyon.
5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng teksto?
C. Pakikipagpalihan ISAGAWA
GAWAIN 6: PAGGAWA NG STORY COLLAGE GAMIT ANG GLOGSTER
OPSYON A
Gamit ang site na www.glogster.com, ipapagawa ng guro sa mga mag-aaral ang paghahanap ng iba’t ibang mukha ng
pagmamahal, sakripisyo’t pagpapakasakit na ipinamamalas ng ating mga ama. Puntahan lamang nila ang site ng
glogster at doo’y magagawa nila ang hinihiling ng gawaing ito. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Opsyon B: Collage gamit ang iba’t ibang larawan
Opsyon C: Family Tree
Sagutin mo ang mga tanong.
1. Nahirapan ka ba sa paghahanap ng mga larawang nagpapakita ng pagmamahal,
sakripisyo’t pagpapakasakit na ipinamamalas ng ating mga ama? Bakit oo/hindi?
2. Hindi ba pagmamalabis o hindi makatotohanan ang iyong mga nakuhang larawan?
Patunayan.
3. Alin sa mga larawang isinama mo ang iyo/inyo ring naranasan mismo sa’yong sariling
ama?
4. Ano ang epekto sa’yo ng gawaing ito? Bakit mo ito nasabi?
5. Sa iyong simpleng paraan, paano mo masusuklihan ang samo’t saring pagpapakasakit
at pagmamahal ng iyong sariling ama?

GAWAIN 7: PAGGAWA NG LIHAM-PASASALAMAT


 Ipalalahad ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang saloobin sa kanilang ama sa pamamamgitan ng Liham-
pasasalamat.

LINANGIN
 Ipakikilala ng guro sa mga mag-aaral ang paggamit ng pangatnig at transitional devices.
GAWAIN 8: PAGBUO NG PANGUNGUSAP
 Pasusulatin ng guro ang mga mag-aaral na 2 halimbawang pangungusap gamit ang pangatnig at transitional
devices batay sa kanilang ginawa sa loob ng isang linggo.
PANUTO: Gamitin ang mga sumusunod na pangatnig at transitional devices sa pagbuo pangungusap na nakabatay
sa kanilang ginawa sa loob ng isang linggo.
 Subalit
 Datapwat
 Samantala
 Saka
 Kaya
 Dahil sa
 Sa wakas
 Sa lahat ng ito
 Kung gayon
GAWAIN 9. PAG-ALAM SA NATUTUHAN
 Susukatin ng guro ang kasanayang sa wika ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng maikling pagsasanay.
PANUTO: Salungguhitan ang angkop na pangatnig o transitional devices na angkop sa pangungusap.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos
maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang
lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang mga
darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang maghanap
na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.
KARAGDAGANG GAWAIN
GAWAIN 10: MALALIMANG PAG-UNAWA SA TRANSITIONAL DEVICES
 Ipapupunan ng guro sa mga mag-aaral ang angkop na pangatnig at transitional devices na nararapat na ilagay
sa patlang upang mabuo ang kaisipan ng isang kuwento.

KRUS
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout bilang
paghahanda sa SEA Games. _________ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya.
_________ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo.
Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya __________ matalik na kaibigan ng kaniyang ama
ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral _________ pursigido siyang
dapat mapanalunan ang kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa covered
court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
__________, habang siya’y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung talampakan, dahan-dahan
niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, __________ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon.
_________ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging
tumatanglaw sa kaniya. __________ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus
sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang springboard at umusal.
“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin N’yo po ako. Taos-
puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin N’yo po sana ako.”
Patuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang
biglang umilaw ang paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya dapat
tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po, Panginoon.”
Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na ‘yun.
GAWAIN 11: KUWENTO MO, ISALAYSAY MO!
 Magpapagawa ang guro ng isang kuwento gamit ang graphic organizer sa pamamagitan ng masining na paraan.

Isa kang illustrator at layout artist. Kinausap ka ng isang manunulat na gawan ng grapikong
presentasyon (graphical presentation) na ilalagay sa unang pahina ng kaniyang kuwentong isinulat. Ito
ang paraan niya upang mahikayat ang mga mambabasa na bilhin at basahin ang kaniyang kuwento. Ayon
sa manunulat, ito ang gusto niyang makita sa ipinagagawa niyang grapikong presentasyon.
A. Hikayat…………………...……… 40 puntos
B. Kumpleto ang mga elemento. 30 puntos
(tagpuan, tauhan, banghay)
C. Pagkamasining………………… 30 puntos
Kabuuan………………………….. 100 puntos

ISAISIP
 Pasasagutan ng guro sa mag-aaral ang katanungan sa tulong ng mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit mahalaga ang matibay na pagsasama ng isang pamilya sa loob ng isang tahanan?Pangatwiranan.
2. Kung ikaw ang isa sa mga anak ng pangunahing tauhan, handa ka bang patawarin ang iyong ama sa kabila
D. Paglalapat ng mga nangyari?Bakit oo?Bakit hindi?
3. Paano nakatutulong ang transitional devices sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
TAYAHIN
 Ipasasagot ng guro sa mga mag-aaral ang maikling pagsusulit.

 Magsusulat ang guro sa mga bata sa kanilang kuwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt.
V. PAGNINILAY
Naunawaan ko na ______________________.
Nabatid ko na __________________________.

You might also like