You are on page 1of 22

9

y
p ert
o
Pr E
AL
t
en
ve
rn m
R S
Go
FO
NOT

T
NO
11

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

ii
Filipino- Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Quarter 4, Wk.1- Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang patawan ng bayad royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


pangalan ng produkto, tatak, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Humiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


Manunulat: Leanvic P. Durano
Tagapagsuri/Editor: Marivic A. Pizarras,Jayffer R.Regis
Tagapagdisenyo/Ilustrador: Alissa U Dimasindil
Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD,CESO V
Schools Division Superintendent
Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, MSPh.,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mga Miyembro Henry B. Abueva OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

iii
9
Filipino
Ikaapat na Markahan- Modyul 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere

Ang kagamitang sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga mula sa mga publikong at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o
unibersidad. Hinihikayat naming mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iv
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… v

Nilalaman ng Modyul ……………………………… v

Alamin ……………………………… v

Pangkalahatang Panuto ……………………………… vi

Mga Icon na Ginamit ……………………………… vi

Subukin ……………………………… vii

Aralin 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere …… 1
Balikan ……………………………… 1
Tuklasin ……………………………… 2
Suriin ……………………………… 5
Pagyamanin ……………………………… 7
Isaisip ……………………………… 8
Isagawa ……………………………… 9

Buod …………………………….. 10
Tayahin ……………………………… 10
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 12
Sanggunian ……………………………… 14

v
Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli MeTangere

Pangkalahatang Ideya

Ang Noli Me Tangere ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay ng mga


makatotohanang pangyayaring nagpamulat sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino mula
sa kabuktutan ng kolonyal na pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang akdang ito ang
nagsilbing piping saksi sa lahat ng naganap sa bawat Pilipino.
Nakatutulong ang nobelang ito sa pagharap sa mga suliraning panlipunan sa
kasalukuyang panahon. Inaasahan na ang nobelang ito ay makatutulong sa lahat ng guro at
mag-aaral na lingunin ang nakaraan para maintidihan ang kinabukasan.

Nilalaman ng Modyul
Nakapaloob sa modyul na ito ang Kaligirang Pangkasaysayan ng “Noli Me Tangere”
bilang pagpupugay sa kadakilaang pinamalas ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal. Ang akdang ito ay bahagi na ng ating makulay
na kahapon na nagpatingkad ng ating kasaysayan.
Bahagi rin ng modyul na ito ang layunin ng may-akda sa pagsulat, at ang mga
kondisyong panlipunan noon at ang epekto sa kasalukuyan na may kaugnayan sa lipunang
Pilipino.

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang:

1. Napakinggan at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


(F9PN-Iva-b-56 )

– pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito


– pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
– pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
lipunang Pilipino

vi
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.


 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

vii
Subukin

Panimulang Pagtataya (Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere)

A. Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa nakalaang patlang
ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:


a.pampulitika b. panrelihiyon c. panlipunan d. pampamilya
_____2. Ang sumusunod ay mga layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli, maliban sa isa:
a. Ipamulat ang lipunan sa pagmamalupit na ginawa ng mga Kastila
b. Isiwalat ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino
c. Ipaunawa ang mga kabuktutan na pinaranas ng mga Kastila sa mga Pilipino
d. Ipakita ang pagmamahal ng mga Kastila sa mga Pilipino.
_____3. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a.HIV b. Kanser c. Corona Virus d. Tuberculosis
_____4. Ang salitang panlibak ng mga Kastila sa mga Pilipino ay:
a.mangmang b. tamad c. erehe d. Indiyo
_____5. Sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga pangyayari sa lipunan na may
kaugnayan sa nobelang Noli Me Tangere, maliban sa isa:
a. Korapsiyon b. Pagmamalupit c. Pagpatay d. Pamamasyal

B. Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang diwa ng pahayag, M kung ito ay mali sa
patlang na nakalaan bawat bilang.

________1. Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa bayan.


________2. Si Dr. Maximos Viola ang nagpahiram ng salapi para maipalimbag ni Rizal ang
kanyang obra.
________3. Layunin ng kanyang nobela na ipamulat ang pagmamalupit ng mga Kastila sa
mga Pilipino.
________4. Sinimulan niya ang pagsulat ng nobela sa Madrid at tinapos sa London.
________5. Ang nobelang Noli Me Tangere ang naging daan ng pagkamit ng kalayaan.

C. Pagsasa-ayos. Ayusin sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga impormasyon. Isulat


ang bilang 1- 5 sa kahon.

Marso 29, 1887 Dr. Maximo Viola


Unang nalimbag ang 2000 sipi Nagpahiram ng pera sa
ng nobelang Noli Me Tangere pagpapalimbag niya ng nobela

Disyembre 30, 1896


Uncle Tom’s Cabin
Resulta ng pagkalimbag ng Binarilsa
Noli Me Bagumbayan sa
Tangere
Naging inspirasyon ni Rizal sa
Maraming bumatikos at salang
pumuri sa sedisyon at rebelyon.
akda
pagsusulat ng akda

viii
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Aralin Noli Me Tangere
1
Balikan

Tayo na’t Unawain. (Maaaring gawin ang isa sa mga opsiyong ito.)

Opsiyon 1. Basahin at unawaing mabuti ang tula ni Jose Rizal na pinamagatang


“Ang Awit ni Maria Clara”.

Opsiyon 2. Mula sa https://www.youtube.com/watch?v=xEEvDZKM6x0. Pakinggan ang


kantang “Ang Awit ni Maria Clara”.

Ang Awit ni Maria Clara

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,


Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta’y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti’t puspos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana’t walang nagmamahal.

A. Pag-unawa sa Ang Awit ni Maria Clara. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng “Awit ni Maria Clara”?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Sa anong saknong, ipinakita ang pagmamahal sa Inang Bayan? Sa anong paraan
nadama ng sumulat ang pagmamahal na ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
B. Batay sa napakinggan mula sa pasalin-salin na pagkukuwento sa nobelang Noli Me
Tangere, magbigay ng sariling pananaw sa mga sumusunod.

3. Sa inyong palagay, bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Paano nakaimpluwensiya ang nobelang Noli Me Tangere sa isipan at paniniwala ng mga
Pilipino sa panahong ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

C. Character Profile. Kilalanin si Rizal.

Pangalan
Kapanganakan
Mga Magulang:
Ama
Ina
Parusang Pinataw
Kamatayan

Tuklasin

Tara at Tayo’y Mag-isip.

Sa pamamagitan ng Venn Diagram, paghambingin si Dr. Jose Rizal sa iba pang


kilalang bayani ng Pilipinas tulad nina Bonifacio, Mabini at iba pa.

RIZAL BONIFACIO
BAYANI

NOLI ME
TANGERE
Gabay na Tanong:

Gaano kahalaga kay Jose Rizal ang Noli Me Tangere? Karapat-dapat bang ginamit
niya ang kanyang panulat sa kapakanan ng bansa?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Bakit naging inspirasyon ni Rizal ang mga inaping kapwa niya Pilipino sa kanyang
mga akda? Naisakatuparan kaya niya ito?

___________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere


May-akda

Ang buong pangalan ni Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o
mas kilala sa taguring na “Pepe”. Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19,
1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado at Teodora
Morales Alonso Realonda. Bata pa lamang si Rizal ay kakikitaan na siya ng katalinuhan. Sa
edad na tatlo ay nagsimula na siyang mag-aral ng Abakada sa pagtuturo ng kaniyang
butihing ina. Sa edad na walo naisulat niya ang kanyang kauna-unahang tula na
pinamagtang “Sa Aking mga Kababata”. Sa edad na siyam ay pinadala siya sa Biñan,
Laguna para mag-aral ngunit makalipas ang ilang buwan ay pinalipat siya sa Maynila. Sa
kolehiyo, Pinarangalang “sobresaliente” o may pinakamataas na karangalan sa kanyang
pagtatapos sa kursong Batsilyer sa Artes. Nag-aral siya ng medisina at pilosopiya sa Madrid
at pinag-aralan ang iba’t ibang mga wika kaya tinawag siyang “polyglot” o maraming alam sa
wika o dalubwika. Pinatawan si Rizal ng pagkakasalang rebelyon at sedisyon dahil sa
kanyang mga panulat na ayon sa mga Kastila ay naglalaman ng pagtuligsa sa kanilang
pamamahala. Noong Disyembere 30, 1896 ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay
tinatawag na Luneta ng mga guwardiya sibil na mga Pilipino.

Uri ng Panitikan

Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,


pananampalataya, karanasan at iba’t ibang damdamin tulad ng pag-ibig, pag-asa,
pagkapuot, pagkasuklam, paghihiganti, pangamba at iba pa. Ang panitikan ay katulad ng
walang katapusang daloy ng tubig sa batisan. Nagtatapos lamang ito kung wala ng
kakayahan ang mga tao na sumulat at magbasa o napag-iwanan na ng kabihasnan.
Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na nagtataglay ng 64 na kabanata at may
maraming tagpo at tauhan. Ang nobela ay hindi natatapos at nababasa sa isang upuan lang.
Nangangailangan ito ng ibayong paghahanda at pag-unawa para matukoy ang layunin ng
sumulat.Pangunahing layunin ng nobela ang manlibang at magbigay ng aral.

Inspirasyon sa Pagsulat

Magdadalawampu’t apat na taong gulang pa lamang si Dr. Jose Rizal ng isulat niya
ang kanyang kauna-unahang nobelang “Noli Me Tangere” sa wikang Latin o “Huwag Mo
Akong Salingin” sa wikang Filipino na hango sa mga aklat na The Wandering Jew, Uncle
Tom’s Cabin at Bible. Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay
Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad
sa buong mundo nang walang tigil. Ang Uncle Tom’s Cabin ay tungkol sa pagmamalupit ng mga
puting Amerikano sa mga Negro. Inihahambing niya ito sa kalupitang sinapit ng mga Pilipino sa
mga Kastila. Ang huling aklat na pinagbabatayan ay ang Bible, kung saan inilalarawan ang isang
may ketong na nilulubayan ng mga tao.

Layunin ng Pagsulat

Pangunahing layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere ay


upang maisatuparan ang mithiin sa pagkamit ng kalayaan at kaunlaran para sa Pilipinas lalo
na ang paggamit ng edukasyon.
Isinulat ni Rizal ang nobelang ito para gisingin ang natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at ipakita ang kabuktutan at pagmamalupit ng mga Kastila.
Ang nobelang Noli Me Tangere ang nagpamulat sa mga Pilipino sa kanser ng
lipunan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa mahabang panahon. Malinaw na nais
ilarawan ni Rizal ang kalagayan ng bayan nang buong katapatan.
Ang Noli Me Tangere ang “Nobelang Walang Kamatayan”

Kasaysayan

Naging tulay ang akdang ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang
pagkakakilanlan. Sinimulan niyang isulat ito taong 1884 sa Madrid, Espanya at natapos
noong Pebrero 21, 1887 sa Berlin, Alemanya.
Sa simula, ninais ni Rizal na ipasulat sa ilan niyang kababayang Pilipino na
nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at pagsama-samahin niya upang makabuo ng
nobela,ngunit hindi ito naisakatuparan kaya sinarili na lamang niya ang pagsulat.
Nakipagkita siya sa kanyang matalik na kaibigan na si Dr. Ferdinand Blumenritt at
ipinaliwanag kung bakit kailangan niyang isulat ang Noli Me Tangere.
Para makatipid, si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng kanyang akda.
Ipinakita sa pabalat ang simbolismong nakapaloob dito.
Naging malaking dagok kay Rizal ang kakulangan ng sapat na salapi para tuluyang
maipalimbag ang kanyang nobelang. Humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan na si Dr.
Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salapi para makapaglimbag siya ng 2,000 sipi.
Pebrero 3, 1888 umalis si Rizal at nagpunta sa iba’t ibang bansa tulad ng Hong
Kong, Hapon, San Francisco, Amerika at London. Habang siya ay nasa ibang bansa patuloy
siya sa pagsusulat lalo na tungkol sa mga pagtuligsa sa bansa at ang kanyang mga tugon
sa pagbabatikos sa kanyang akda at pagkatao.

Epekto ng Akda

Ninais ni Rizal na hubugin ang interes ng mga mag-aaral upang maging


makabuluhan, mapanuri at mapaghanda sa lahat ng pagsubok at realidad sa totoong
buhay.
Mapatunayan ang halaga ng kabutihang asal at mapatunayan na ang Kabataan ang
pag-asa nila sa bayan.
Mabigyan ang mga Pilipino ng karapatan na maipaglaban ang Inang Bayan mula sa
mananakop na nagbigay ng sakit sa puso at isipan ng mga Pilipino mula sa dinanas na
pang-aapi, pagmamaltrato, pagmamalupit at kawalan ng pagmamahal.
Suriin

Tayo na’t Magpatalas ng Isipan.

A. Unawaing mabuti ang Storyboard na nagpapakita ng Kaligirang Pangkasaysayan ng


Noli Me Tangere. Tukuyin sa bawat larawan ang pangyayaring nakapaloob dito, bigyan ng
pokus ang kondisyon panlipunan noon at ngayon at ang layunin sa pagsulat nito.

11 2

3 4

5 6

7 8
Pag-unawa sa Binasa

1. Batay sa binasang kaligirang pangkasaysayan at storyboard, gamit ang Star Chart


Organizer magbigay o tukuyin ang layunin ng may-akda sa pagsulat nito.

2 3

layunin ng may-akda sa
pagsulat

4 5

2. Suriin ang masasalamin mula sa kaligirang pangkasaysayan at storyboard ang mga


kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito?

Kondisyon ng lipunan
sa panahong isinulat
3. Bigyan ng patunay ang mga kondisyong nabuo na umiiral pa sa kasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino?

Patunay

Pagyamanin

Tayo na’t Magpayaman.

A. Paglinang ng Talasalitaan. Bilugan sa loob ng word puzzle ang sampung (10) mga
salitang may kaugnayan sa buhay ni Dr. Jose Rizal at Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli
Me Tengere . Maaaring nakalimbag ito ng pahalang,pababa,pahilis at pabaligtad. Gamitin
ang nahanap sa salita sa pagbuo ng isang pangungusap na may kaugnayan sa aralin na
tinalakay.
Halimbawa:
- KAIBIGAN (Dinalaw ni Dr. Jose Rizal ng kanyang KAIBIGAN na si Dr. Maximo Viola para
manghiram ng pera sa pagpapalimbag ng kanyang obra.)

K X C V R N B M P M
A A X D E T X K A T
I Q S F A Y E A G O
B A T T L H D B M U
I S P G I I U A A K
G D O M D L K T M L
A F L B A H A A A B
N G K V D K S A H O
X H I C D N Y N A N
R J U X R G O G L I
E K Y S T B N H T P
S L T Z Y F X B R I
N M I T H I I N E L
A T F A U C X N W I
K N A A Y A L A K P
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

B. Pagpapahalaga. Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan.

1. Anu-ano ang mga pagsubok na naranasan ni Dr. Jose Rizal bago isulat at habang
sinusulat ang nobelang Noli Me Tangere? Sa iyong palagay, paano nakatulong ang mga
pagsubok na ito sa buhay ng may-akda?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Sa iyong pananaw, ano ang iyong naramdaman kay Rizal matapos mong malaman ang
pagtitiis na kanyang ginawa mabuo lamang ang Noli Me Tangere para sa mga Pilipino.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isaisip

Tayo na’t Magnilay.

Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Patunayan ang Kasabihang “Kakambal ng paghihirap at pagtitiis ang tagumpay.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Bakit maituturing na pinakamaimpluwensiyang akda ang Noli Me Tangere sa kasaysayan
ng Pilipinas?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4.Bilang mga mag-aaral, paano mo ipagpapatuloy sa sarili mong pamamaraan ang mga
ipinaglaban ni Rizal para sa bayan na sinisimbolo ng mga sitwasyon sa Noli Me Tangere.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

Tayo na’t Magpahalaga.

Bigyang-diin ang kahalagahan ng akdang binasa sa pamamagitan ng pagtiyak ng


bisa nito sa damdamin at isip ng mga mag-aaral.

1. Sumulat ng isang talata na naglalaman ng PANGAKO mo bilang kabataan o mag-aaral


na nagsasaad ng iyong damdamin na ipagtanggol ang bayan mula sa kaapihan ng mga
Kastila.

Halimbawa: (Isang pangungusap lang ito)


Buong puso kong ipagtatanggol ang Pilipinas sa abot ng aking kakayahan bilang isang
kabataan. Nangangako akong …

(Dito mo simulan ang iyong Pangako.)

___________________________________________________________________
_____
2. Bilang isang mamamayan sa Pilipinas, paano mo mapapatunayan sa iyong sarili na ikaw
ay may pagmamalasakit sa bansa at sa iyong kapwa. Bumuo ng isang Islogan.

Buod

Nakapaloob sa modyul na ito ang kahalagahan ng nobelang Noli Me Tangere


bilang salamin sa nakaraan ng mga Pilipino na nagpamulat sa katotohanan.
Natunghayan ang mga pagpapahirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila tulad ng pagmamalupit ng mga prayle, paglapastangan sa mga mahihirap na
walang imik na pasan-pasan ang bawat hirap at hapdi na nararamdamam.

Hindi naging hadlang kay Dr. Jose Rizal ang kawalan ng salapi para maipalimbag
ang kanyang nobela bagkus pinatutunayan lamang na may mga kaibigan na handang
tumulong sa oras ng kagipitan.

Natukoy ang layunin ni Rizal sa kanyang pagsulat ng akda at naipalitaw ang mga
kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat at pagkatapos maisulat ang nobela.

Tayahin

Pangwakas na Pagtataya

A. Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
kasagutan sa patlang na nakalaan bawat bilang.

_____1. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:


a. pampulitika b. panrelihiyon c. panlipunan d. pampamilya
_____2. Ang sumusunod ay mga layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli, maliban sa isa:
a.Ipamulat ang lipunan sa pagmamalupit na ginawa ng mga Kastila
b.Isiwalat ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino
c. Ipaunawa ang mga kabuktutan na pinaranas ng mga Kastila sa mga Pilipino
d.Ipakita ang pagmamahal ng mga Kastila sa mga Pilipino.
_____3. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV b. Kanser c. Corona Virus d. Tuberculosis
_____4. Ang salitang panlibak ng mga Kastila sa mga Pilipino ay:
a. mangmang b. tamad c. erehe d. Indiyo
_____5. Sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga pangyayari sa lipunan na may
kaugnayan sa nobelang Noli Me Tangere, maliban sa isa:
b. Korapsiyon b. Pagmamalupit c. Pagpatay d. Pamamasyal
c.
B. Tama o Mali. Isulat ang Tumpak kung tama ang diwa ng pahayag, Malas kung ito ay
mali sa patlang na nakalaan bawat bilang.

________1. Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa bayan.

________2. Si Dr. Maximos Viola ang nagpahiram ng salapi para maipalimbag ni Rizal ang
kanyang obra.

________3. Layunin ng kanyang nobela na ipamulat ang pagmamalupit ng mga Kastila sa


mga Pilipino.

________4. Sinimulan niya ang pagsulat ng nobela sa Madrid at tinapos sa London.

________5. Ang nobelang Noli Me Tangere ang naging daan ng pagkamit ng kalayaan.

C. Pagsasa-ayos. Ayusin sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga impormasyon. Isulat


ang bilang 1- 5 sa kahon.

Marso 29, 1887 Dr. Maximo Viola


Unang nalimbag ang 2000 sipi Nagpahiram ng pera sa
ng nobelang Noli Me Tangere pagpapalimbag niya ng nobela

Uncle Tom’s Cabin Disyembre 30, 1896


Resulta ng pagkalimbag
Naging inspirasyon ni Rizal sa ng Noli Me Tangere
Binarilsa Bagumbayan sa
Maraming
pagsusulat ng akda bumatikos at pumuri sa akda
salang sedisyon at rebelyon.
Susi sa Pagwawasto

 Subukin (Panimulang Pagtataya)


A. B. C
1. C 1. T 1. 3
2. D 2. M 2. 2
3. B 3. T 3. 1
4. A 4. M 4. 5
5. D 5. T 5. 4

 Balikan

A.1.Layunin na ipakita ang masasayang alaala at karanasan ni Rizal.


2.Ang pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino kaya walang takot si Rizal na
mamatay sa sariling bayan.
B.3-4 Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan

C.Character Profile. Kilalanin si Rizal.

Pangalan Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda


Kapanganakan HUnyo 19, 1861
Mga Magulang:
Ama Francisco Mercado
Ina Teodora Alonso
Parusang Pinataw Rebelyon at sedisyon
Kamatayan Disyembre 30, 1896

 Suriin (Pag-unawa sa Binasa)


A. Storyboard- Nakadepende ang sagot sa mag-aaral

B.Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan

 Pagyamanin (Paglinang ng Talasalitaan)

1. Kastila 6. Edukasyon
2. Pilipino 7. Mithiin
3. Pagmamalupit 8. Kanser
4. Salapi 9. Kabataan
5. Kalayaan 10.Realidad
* Ang pagbuo ng pangungusap ay nakabatay sa nabasa, napakinggan at naunawaan sa
kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.

B.Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan


 Isaisip (Pagnilayan)
1-4 - Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan

 Isagawa (Pagpapahalaga)
A. Pangako
- Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan
B. Islogan

 Tayahin

A. B. C
1. C 1. Tumpak 1. 3
2. D 2. Malas 2. 2
3. B 3. Tumpak 3. 1
4. A 4. Malas 4. 5
5. D 5. Tumpak 5. 4
Mga Sanggunian

Aklat

Filipino 9 Gabay ng Guro sa Filipino. Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.


2015.

Hanguang Elektroniko

https://www.youtube.com/watch?v=xEEvDZKM6x0

http://mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan

Tagaguhit

Dimasindil, Alissa U. Storyboard. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.


2020.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Division of Iligan City


Office Address : General Aguinaldo St. Iligan City
Telefax: (063 ) 221-6069
E-mail Address: iligan city@deped.gov.ph

For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

You might also like