You are on page 1of 1

BAHAGI NG PABULA

BAHAGI NG PABULA

 SIMULA
-Sa bahaging ito, ipinapakilala ang mga tauhan maging ang tagpuan.
 TUNGGALIAN
-Sa bahaging ito, ipinapakita ang suliranin o problemang kinasangkutan ng mga tauhan. Ano
ang dahilan at kung paano ba ito nagsimula.
 KASUKDULAN
-Ang bahaging ito ang may pinakamataas na aksyon.
 KAKALASAN
-Sa bahaging ito ipinapakita kung paano nagsimulang bumaba ang masidhing aksyon at kung
paano natapos ang mga tunggalian.
 WAKAS
- Ito ang huling bahagi ng isang kwento. Ipinapakita kung ano ang nangyari sa mga tauhan.

Pangalan_________________________ Petsa____________________________
Pangkat__________________________ Puntos___________________________

PANUTO: Isulat sa kahon ang mga bahagi ng pabula upang mabuo ang banghay nito.

NAGKAMALI NG UTOS
Naganap ang labanan sa parang. Iniutos ng Haring Matsing na pukpukin ang mga
tutubi ngunit dumapo naman ang mga ito sa mga ulo ng mga matsing kaya
nagmistulang matsing laban sa matsing ang naging sagupaan.

Napagtanto ng Pinunong Matsing na nagkamali siya ng utos. Babaguhin niya pa


sana ito ngunit isa sa kanyang mga kawal ang pilit na pinukpok ang tutubing
dumapo sa kanyang ulo.

Sa huli, nakabulagta ang lahat ng mga matsing. Nagawang maipaghiganti ng mga


tutubi ang pang-aaping ginawa sa kanilang Prinsesa.

Hinamon ng Haring Tubino sa isang labanan ang kaharian ng mga matsing dahil sa
pang-aalipustang ginawa ng mga ito kay Prinsesa Tutubi. Naging katawa-tawa para
sa mga matsing ang nasabing hamon.

Ipinakilala sina Prinsesa Tutubi na anak ni Haring Tubino at Reyna Tubina ng kaharian
ng Matutubina. Labis ang pagmamahal ng dalawa sa prinsesa na kaya nila itong
ipaglaban sa kanino mang mananakit sa kanya. Isang araw, lumipad siya palayo
upang makita ang daigdig. Sa kanyang paglalaro ay inabutan siya ng malakas na
ulan kaya minarapat niyang dumapo na lamang sa isang punongkahoy.

PANITIKANG ASYANO 9 Pahina 1

You might also like