You are on page 1of 3

Salawikain:

Bahagi na ito ng panitikang Pilipino. Binubuo ng mga idyoma at ang bawat kasabihan ay may nakatagong
kahulugan. Nag-iiwan ng aral at pilosopya sa bawat magbabasa.

Ito ay isang maikling pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbugay patnubay sa pang
araw-araw na pamumuhay.

1. Ngipin sa ngipin, mata sa mata : Hustisya, kapag gumawa ka ng masama, ang kaparusahan ay
naangkop sa iyong krimen.
2. Ang batang palalo at di napapalo, pag lumaki ang kahalibilo, sa mundi ng magugulo: Kapag hindi
marunong mag-disiplina ang magulang sa kanilang anak, lalaki itong barumbado.
3. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo: Kalikasan
4. Ang tumkbo ng matulin, pag masusugat ay malalim: Matutong pagisipan at intindihin ang
kalalabasan ng iyong desisyon.
5. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay : huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga
kaaway.
6. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape: walang batang siga sa nanay na may pamalo.
7. Daig ng taong maagap ang taong masipag: ang mga taong gumagwa ng aksyon ang palaging
nagtatagumpay.
8. Pera na, nagging bato pa
9. Mahirap gisingin ang nagtutlog-tulugan
10. Pag may tiyaga, may nilaga
11. Bagong hari, bagong ugali : leadership
12. Kapag may itinanim, may aanihin
13. Mahirap mamatay ang masamang damo
14. Ang kita sa bula, sa bula rin mawawala.
15. Walang mataas at malayo, sa mga taong mayroong prinsipyo : kapag ang tao ang may
paniniwala, lahat ng bagay kayang maabot
16. Aral ay gawing tulay tungo sa magandang buhay : ang mga batang nagaaral ay magkakaroon ng
magandang kinabukasan
17. Kapag ang pagibig ang namayani, ang lahat ay magbubunyi : importanteng magmahalan ang
mga tao.
18. Ang oras ay ginto : huwag magsayang ng oras dahil hindi ito maibabalik
19. Sa mata ng diyos tayo ay panta-pantay
20. Namula sa alikabok, matatapos din sa pagiging alikabok : lahat ng tao ay pinapanganak at
namamatay din

Sawikain:

1. Abot-tanaw : naabot ng tingin


2. Agaw-dilim : malapit ng gumabi
3. Amoy pinipig : mabango, nagdadalaga
4. Amoy tsiko : lasing
5. Asal hayop: masama ang ugali
6. Balitang kutsero: maling balita
7. Bantay salakay : hindi mapagkakatiwalaan
8. Bilang na ang araw : malapit ng mamatay
9. Bukang liwayway : malapit nang mag-umaga
10. Bukas ang isip : tumatanggap ng opinion ng iba.
11. Bukas na kaban : mapagkawanggawa
12. Bungang tulog : panaginip
13. Busilak ang puso : malinis ang kalooban
14. Butas ang bulsa : walang pera
15. Di makabasag pinggan : mahinhin
16. Guhit ng tadhana : itinakdang kapalaran
17. Halang ang kaluluwa : masamang tao
18. Hawak sa leeg : sunod-sunuran
19. Ibong mandaragit : mananakop
20. Isang kahig, isang tuka : nabubuhay sa hirap
21. Itaga sa bato : tandaan
22. Kakaning-itik : walang halaga
23. Kape at gatas : maitim at puti
24. Kapit tuko : mahigpit ang hawak
25. Kumukulo ang sikmura : nagugtom
26. Luha ng buwaya : pakitang tao
27. Lumaki ang ulo : mayabang
28. Maitim ang budhi : masama ang ugali
29. Makapal ang bulsa : mayaman
30. Makapal ang palad : masipag
31. Makitid ang isip: mahina umunawa
32. Nagsusunog ng kilay : masipag
33. Pagputi ng uwak : walang maasahan
34. Panakip butas : panghalili, pamalit
35. Patabaing baboy: tamad
36. Pusong bakal : hindi marunong magpatawad
37. Putok sa buho : anak sa labas
38. Sira ang tuktok : loko-loko, gago
39. Tengang kawali : nagbibingi-bingihan
40. Utak biya : walang nalalaman
Bugtong
1. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim : bibig
2. Dalawang batong maitim, malayo ang dinarating : mata
3. Dalawang balon, hindi malingon : tainga
4. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan : Bangka
5. Dalawa kong kahon, buksan walang ugong : mata
6. Limang puno ng niyog, isa’y matayog : daliri
7. Maikling lnadasin, di maubos lakarin : anino
8. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore : langgam
9. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona : bayabas
10. Heto na si ingkong nakaupo sa lusong : kasoy
11. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao : atis
12. Hinila ang baging nag-iingay ang matsing : kampana (bell)
13. Mataas kung nakayuko, mababa kung nakatayo : asi
14.

You might also like