You are on page 1of 2

Agham Panlipunan

Antropolohiya - sistematikong pag-aaral ng pinagmulan, ebolusyon at kultura ng tao.


Nagiging batayan din ng pag-aaral ang mga maeryal at di-materyal na bagay tulad ng
kasuotan, tirahan, paniniwala at pagpapahalaga.

Agham Pampulitika - sistematikong pag-aaral ng buhay pulitikal. Ang ekonomiks ay


tumutugon sa pagkontrol ng lahat ng pinagkukunang-yaman, kabilang ang produkto at
serbisyo na nakaaapekto sa kapangyarihang pampulitika sa loob at iba pang bansa.

Sosyolohiya - ang pag-aaral ng tao, pangkat at institusyon na bumubuo sa lipunan. Sa


pamamagitan ng mga datos na ibinibigay ng mga sosyologo, naipaliliwanag ang dahilan ng
krimen, kahirapan, lumalaking populasyon, paglaganap ng iskwater at iba pang
panlipunang suliranin.

Pilosopiya - ang pag-aaral na nagnanais maunawaan ang hiwaga ng buhay at realidad.


Bawat institusyon sa lipunan ay nababatay sa pilosopiyang kaisipan, ang institusyon mang
iyan ay batas, pamahalaan, relihiyon, pamilya, kasal, industriya, negosyo o edukasyon.

Sikolohiya - siyentipikong pag-aaral ng mga prosesong pangkaisipan (mental processes)


at gawi. Ang pananaliksik na ginagawa ng mga sikologo ay magbibigay ng malawak na pang-
unawa kung paano ang mga manggagawa ay maging produktibo sa kanilang hanapbuhay.

Heograpiya - ang pag-aaral ng lokasyon at pamamahagi ng mga nabubuhay na bagay sa


daigdig at ang ugnayan sa iba pang bagay sa daigdig. Ang pag-aaral ng klima ay magbibigay
datos sa mga ekonomista kung bakit ang isang lugar ay maraming tao, may iba't ibang
hanapbuhay, angkop na produkto at industriya na dapat bigyang-pansin.

Kasaysayan - ang pag-aaral ng nakaraan. Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nakatutulong


upang makakuha ng mga kaisipan sa nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon
at patakaran na makaaapekto sa kabuhayan ng bansa.

Archeology - ang pag-aaral sa nakaraan sa pamamagitan ng pagkilala at interpretasyon ng


mga materyal na labi (remains) ng kultura ng tao. Ang mga nahukay na labi ng mga
nakaraang sibilisasyon ay nagbibigay-linaw sa mga pangkabuhayang kultura ng tao sa iba't
ibang panahon.

Criminology - ang maka-agham na pag-aaral tungkol sa krimen, kriminal, gawain ng


kriminal at ang criminal justice system. Ang criminology at ekonomiks ay nagkakaugany sa
pamamagitan ng pagsusuri kung paano makaaapekto sa ekonomiya ang paglaganap ng
krimen at iba pang uri nito.

Demography - ang pag-aaral ng distribusyon, komposisyo at pagbabago ng populasyon


ng tao. Nagkakaroon ng pagsusuri sa epekto ng populasyon sa ekonomiya ng bansa, ang
komposisyonng populasyon na bumubuo sa lakas-paggawa, gayundin ang epekto ng
malaking populasyon sa antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang dapat makamit upang
maging produktibong mamamayan.

You might also like