You are on page 1of 4

FILDIS POINTERS TO REVIEW

YUNIT I
● Introduksyon ng Wikang Filipino
● 4 na facets ng Paglinang ng Wika
● Kahulugan ng Wika
● Proklamasyon ng Wikang Filipino – Disyembre 30, 1987
● KWF- KOMISYON NG WIKANG FILIPINO
YUNIT II - III
● HUMANIDADES

● REGISTERS
● MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG HUMANIDADES

● MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan


Ang mga disiplina sa larangang ito ay ang mga sumusunod:
1. Sosyolohiya - pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng
emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.
2. Sikolohiya - pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirikal
na obserbasyon.
3. Lingguwistika - pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo,
estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya,
morpolohiya, sintaks at gramatika at gumagamit ng lapit na deskriptibo o
pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o
pinagdaanang pagbabago ng wika.
4. Antropolohiya - pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong ng pag-iral upang
maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participantobservation o
ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.
5. Kasaysayan - pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo,
komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan,
ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito.
6. Heograpiya - pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang
masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama
na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa
mga pananaliksik dito.
7. Agham Pampolitika - pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran,
proseso at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon,
gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral.
8. Ekonomiks - pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon,
distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa.
Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa ay may epekto
sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, relihiyon, kaguluhan at mga institusyong
panlipunan, empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral dito.
9. Area Studies - interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at
heyograpikong lugar, kuwalitatibo, kuwalitatibo, at empirikal na obserbasyon at
imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito.
10. Arkeolohiya - pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng
nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.
11. Relihiyon - pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang
kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan
(uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan.
● Mga Disiplina sa Larangan ng Agham
o Biyolohiya
o Kemistri
o Pisika
o Earth Science/Heolohiya
o Astronomiya
o Matematika
o
● MGA DISPLINA SA LARANGA NG TEKNOLOHIYA
o Information Technology (IT)
o Inhinyeriya
● METODONG IMRAD
● Bilang pakikiisa sa pagtataguyod ng wikang Filipino, nagbigay din ilang salitang medikal ang
Philippine Council for Health Research and Development at salin nito sa Filipino.
● Haynayan (biology) - isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga
nabubuhay na organismo
● Mikhaynayan (microbiology) - isang natural na agham ukol pag-aaral sa miktataghay o
microorganism
● Mulatling Haynayan (molecular biology) - pag-aaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o
moleculesa mga nabubuhay na organismo
● Palapuso (cardiologist) - isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology
● Palabaga (pulmonologist)- isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology
● Paladiglap (radiologist) - isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology
● Sihay (cell) - ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo
● 8. Muntilipay (platelet) - mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpagaling ng mga
sugat na dumadaan sa daluyan ng dugo
● 9. Kaphay (plasma) - isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon
ng mga ensyma, nutrisyon, at hormona
● 10. Iti, daragis, balaod (tuberculosis) - impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o
bacteria,ang Myobacterium tuberculosis
● 11. Sukduldiin, altapresyon (hypertension) - isang medikal na kondisyon kung saan ang presyon
ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas
● 12. Mangansumpong (arthritis) - ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng
kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito
● 13. Piyo (gout) - isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolismo
ng uric acid.
● 14 .Balinguyngoy (nosebleed)- pagdurugo ng ilong

You might also like