YUNIT 3: PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN
ARALIN 1: PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES
ARALIN 2: PAGSULAT SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN: PAGKIKRITIK
ARALIN 3: PAGSULAT SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA: PAGBUO NG
PANANALIKSIK O KRITIKAL NA EDITORYAL
PANGALAN NG TAGAPAG-ULAT: Bb. RUTH OCUMEN, Bb. JANE AQUINO, Bb. CRIZELLE
OCUMEN, G. CRISTIAN JAY GALANG, G. JUNE ROE RAMOS, G. EL CRIS SALVADOR, G. JAN
MARIUS LEONCIO
ASIGNATURA: FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK
PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES
“Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito.”
– J. Irwin Miller.
“ Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa
pagpapaunlad ng ating mga kaisipan at ng lipunan sa kalahatan, at hindi lamang para magkaron ng
karera sa hinaharap” – Newton Lee
Humanidades
• “Humanities”
• Hango sa salitang HUMANUS na ang ibig sabihin ay “tumulong sa tao”
• Pagpapakatao
• Kaisipan, kalagayan at kultura ng tao.
Francesco Petrarch
• Ama ng Humanismo
• Siya ay ipinanganak noong Hulyo 20, 1304 sa Tuscan City ng Arezzo. Mas kilala siya bilang
Italyanong makata. Isang scholar ng klasiko noong unang panahon, siya ang nagtatag ng
humanismo. Si petrarch ay tinawag na unang modernong tao. Pati na rin ang pagkahilig sa
panitikan, si Petrarch noong kanyang kabataan ay may malalim na paniniwala at
pananampalataya sa relihiyon, pag-ibig sa kabutihan, at isang hindi pangkaraniwang malalim
na pang-unawa sa pansamantalang kalikasan ng mga gawain ng tao. Isa sa mga
pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ay ang "Songbook" isang koleksyon ng mga sonata
ng pagibig para sa pinakamamahal niyang si Laura. Namatay siya noong july 18 1374.
Desiderius Erasmus
• Prinsipe ng Humanismo
• Si Deisderius Erasmus o mas kilala sa tawag na Erasmus ay ipinanganak noong ika-27 ng
Oktubre taong 1466. Isa siyang Olandes na naging tanyag bilang isang paring
katoliko,renasimyentong humanista, guro, teologo, at panlipunang kritiko.
• Siya ang kinilalang pinakamagaling na iskolar sa kanyang panahon. Dahil sa kanyang mga
akdang naging patok sa mga tao, siya ay nakilala sa buong mundo sa panahon ng
renaissance.
Reaksiyon sa Iskolastisismo
Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng
Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging,
- doktor
- abogado
- sa kursong praktikal
- propesyonal
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 1
- siyentipiko
Disiplina sa larangan ng Humanidades
1. PANITIKAN- pag-aaral ng imahinatibo o malikhaingpag-sulat, lalo na taong may artistikong
halaga.
-wika at teatro
2. PILOSOPIYA- pag-aaral sa mga paniniwala kaugnay ng kalikasan, dahilan, at layunin ng uniberso
bilang nilikha ng isang makapangyarihang nilalang na itinuturing na Diyos.
- Relihiyon
3. SINING- pag-aaral ng ekspresyon o aplikasyon ng malikhaing kasanayan at imahinasyon sabiswal
na anyo upang mapahalagahan ang kagandahan at emosyonal na epekto nito.
- Biswal
- pelikula
- teatro
- sayaw
4. Applied
- graphics
5. Industriya
- fashion
- interior
Pagsulat sa Humanidades
1. Impormasyonal
- pagbibigay ng katotohanan sa impormasyon bilang background gaya ng talambuhay sa may akda.
• Paglalarawan
• Paktawal
• Proseso
• Paktwal - Mga impormasyong totoo at awtentikado batay sa mapagkakatiwalaang
sanggunian. (Hal: Artikulo, Pananaliksik, Disertasyon, Aklat, Diksyunaryo at iba pa.)
• Paglalarawan - Nagbibigay ito ng mga imahe na idinidetalye sa sa isipan ng mambabasa.
• - Isinasagawa sa mga akda gaya ng nobela, epiko, tula, maikling kwento at iba pa.
• Proseso –Binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at nagging resulta.
2. Imahinatibo
• - binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kwento at iba pa.)
• - Mga kwentong pinapagana ang malikot sa haraya o imahinasyon ng mambabasa.
3. Pangungumbinsi
-Pagganyak ito upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood.
- Subhetibo ito kaya’t mahalagang ang opinion ay may kaakibat na ebidensiya at katwiran o
argumento.
Estrahiya/Metodolohiya
1. Deskripsyon o paglalarawan
Halimbawa:
Kahit maaga pa’y napakarami na ang taong paroo’t parito. Nangingibabaw ang kasiglahan ng mga
tindera sa pagsalubong sa isa na namang bagong araw.
2. Paglilista
Halimbawa:
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 2
Sa daloy ng laro, lumalakas (“level up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng 1) pagpatay (“kill”) sa
mga kalabang hero, 2) Pagbasag ng mga tore (“tower”) ng kalabang koponan.sa pagsalubong sa
isa na namang bagong araw.
3. Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Halimbawa:
Naipakilala ang telegraph noong dekada 40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang pagsulong ng Morse
Code noong 1844.
4. Sanhi at Bunga
Halimbawa:
Nakakabahala para sa mga magulang kung jejemon ang isang anak dahil nakikita nilang
nakasasama ito para sa kanilang anak.
5. Pagkokompara
Halimbawa:
Kapuna-puna ang kaibahan sa Kubismong Pranses ng mga likha ni Manansala, na kung kaniyang
tawagi’y Tahimbuhay.
6. Epekto
Halimbawa:
Kailangang alam natin ang sapat na pag- aaruga sa kapwa o ng pag-aalaala sa madla.
Ang larangan ng Humanidades ay nagbibigay ng kasanayan sa masining na paggamit ng wika, ng
karanasan sa pagtatasa ng opinyon ng ibang tao, ng kakayahang suriin hindi lamang ang mensahe
ng akda kundi ang nakapailalim nitong kahulugan, at hindi lamang kung ano ang sinasabi kundi bakit
ito sinasabi.
ARALIN 2:
Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan
Agham panlipunan
Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao, kaliksan, mga
gawain at pamumuhay nito kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang
miyembro ng lipunan. Kaiba ito sa larangan ng Humanides na tumatalakay sa mga sinaunang
kaugalian. At sa katangian ng tao bilang nilalang at indibidwal .
Ang Agham panlipunan ay itinuturing na siyensya o agham. Kung ispekulatibo, analitikal, kritikal,
at diskriptibo sa pag-aaral ng Humanides, sa Agham Panlipunan naman ay lapit-siyentipiko ang
gamit bagamat iba-iba ito depende sa disiplina. Gayunman, sa kalahatan, kuwantitatibo,
kuwalitatibo, at istatistikal ang paraan ng pagkuha ng datos dito. Gumagamit din dito ng serbey,
obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondaryo. Dayakroniko (history) at
sinkroniko deskriptibo rin ang pagsusuri o metodolihiya rito.
Maikling kasaysayan ng Agham Panlipunan
Nagsimula sa kanluraning pilosopiya ang Agham Panlipunan noonng ika-18 hanggang ika-19 na
siglo. Ito ang itinituring na moral na pilisopiya ng panahon.malaki ang naging impluwensiya ng
Rebolusyong Pranses (1789)-(1799) at Rebolusyong Indrustriyal (1760)-(1840) sa pagkabuo ng
larangan ng Agham Panlipunan
Mga disiplina sa larangan ng Agham Panlipunan
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 3
Sikolohiya- Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao.Gumagamit din ito ng emperikal na
obserbasyon.
Sosyolohiya- Pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pag-
unlad, at pagkabuo ng mga samahan ng institusyong panlipunan upang makabuo ng mga
kaalaman tungkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan. Gumagamit ito ng emperikal na
obserbasyon, kuwalitatibo, at kuwantitatibong metodo
Lingguwistika- pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estraktura, at
baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya,sintaks at gramatika
Antropolohiya- pag-aaral ng mga tao sa ibat ibang panahon ng pag-iral upang maunawaan ang
kompleksidad ng mga kultura. Ginagamit dito ang participant observation o ekspiryensiyal na
imersyon sa pananaliksik
Kasaysayan- pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng isang grupo, komunidad,
lipunan, at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan. Ginagamit ang lapit-naratibo
upang mailahad ang mga pangyayaring ito.
Heograpiya- pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na
mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago nito kasama na ang epekto nito sa
tao. Mga metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo rin ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.
Agham Pampolitika- pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran, proseso, at
sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon. Gumagamit din ito ng
analisis at empirikal na pag-aaral.
Ekenomiks- pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, at paggamit ng
mga serbisyo at produkto sa ekonomiya sa isang bansa. Pinapaliwanag ang mga kalagayang
pang-ekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, relihiyon,
kaguluhan, at mga institusyong panlipunan. Emperikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral
dito.
Area Studies- Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heograpikong
lugar. Ilan sa halimbawa nito ang Japanese Studies, Korean Studies, Philippine Studies,
American Studies, Russian Studies at iba pa Kuwalitibo, kuwantitatibo, at empirikal na
obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pnanaliksik dito.
Arkelohiya- pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monumento kaugnay ng nakaraang
pamumuhay at gawain ng tao.
Relihiyon- pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga
pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan(uniberso) bilang nilikha ng
isang superyor at superhuman na kaayusan.
PAGSULAT SA AGHAM PANLIPUNAN
Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta, tiyak
ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat, at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin dito.
Madalas ay mahaba ito dahil sa presentasyon ng mga ebidensiya ngunit sapat upang
mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis.
Mga anyo sa sulatin
Report
Sanaysay
Papel ng pananaliksik
Abstrak
Artikulo
Rebyu ng libro o artikulo
Biyograpiya
Balita
Editoryal
Talumpati
Adbertisment
Proposal sa pananaliksik
Komersiyal sa telebisyon
Testimonyal
PROSESO
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 4
A. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa mga anyo ng sulatin.
B. Pagtukoy at tiyak sa paksa.
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap.
D. Pagtiyak sa paraang pagkuha ng datos
E. Pagkalap ng datos bilang ebidensiya at suporta sa tesis.
F. Analisis ng ebidensiya gamitang lapit sa pagsusuring kuwantitatibo, kuwalitatibo, argumentatibo,
deskriptibo, at etnograpiko.
G. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna, at wakas) angkop,
sapat, at wastong paraan ng pagsulat.
H. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may akda.
MGA HALIMBAWA NG SULATIN SA AGHAM PANLIPUNAN
Ang pagsama-sama ng mga bahagi na dalawa o higit pang mga salita na bumubuo ng
isangsalitang may bagong kahulugan tulad ng tapsilog na nangangahulugang tapa, sinangag at
itlog. Ito ay tinatawag na blending.
ProsperoCovar, ed.MgaBabasahin sa Agham
Panlipunan,1999, p.4
Ayon kay Bronislaw Malinowski (1944), may ibat-ibang uri ng kalipunan na tumutugon sa iba't
ibang pangangailangan. Ito ay ang mga institusyon sa pagpapanatili ng populasyon napara sa
pamilya, para naman sa karapatan ayang sandatahang lakas at ang mga negosyo naman ay
para sa pagpapalitan ng produkto.
ProsperoCovar, “Pilipinolohiya,Larangan, at Kalinangan ngPagkataong Pilipino,”
Daluyan,2004
Ang dinosaur, na may habang 85 ft, na ang mga kalansay ay nadiskubre sa argentina noong
2005, ngunit inabot ng 2 taon bago mahukay at mapag-aralan, ang isa sa pinakamalalaking
hayop na tumira sa lupa hanggang sa kasalukuyan.
(salin,topics.mytime.com,
Downloaded 30 Agosto 2014)
ARALIN 3:
PAGSULAT SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA PAGBUO NG PANANALIKSIK
O KRITIKAL NA EDITORYAL
LAYUNIN
Nabibigyang - linaw ang katangian ng Pag - aaral at pananaliksik sa Larangan ng
Siyensiya at Teknolohiya;
Naiisa – isa ang mga disiplina sa larangan ng siyensiya at teknolohiya;
Nakatutukoy ng mga halimbawang sulatin at Gawain sa siyensiya at teknolohiya;
Nakabubuo ng pananaliksik o kritikal na editoryal kaugnay ng isang isyu at problemang
pansensiya at teknolohiya.
SIYENSIYANG “ INTERMEDYA”
Ito lamang ang kailangan ng isang di maunlad na bansa upang tumakbo ang kabuhayan ng bansa.
Sa ganitong palagay maraming bagay ang naapektuhan gaya ng laki ng pondong inilalaan para sa
mga gawaing pang-agham , pag tingin sa mataas na uring lakas-tao (manpower) , uri ng kagamitang
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 5
bnibigay , antas ng edukasyong pang- agham sa mga paaralan at unibersidad , at pasahod sa mga
bihasang siyentista.
Sa kabilang dako , ang mga di maunlad na bansa ay kailangan umisip ng higit na “natural” na
pamamaraan na magagamit lamang ng mababang puhunan at kailangan rin ay mataas na uri na
siyensiya ang gagamitin ng magiisip para mas maging kapaki pakinabang ang pamamaraan na
lilikhain.
Sa kalahatan , hind maari ang mga “ de kahong” solusyon batay sa laganap na pamamaran bilang
solusyon siyentipiko o teknolohiko sa mga aktuwal na suliranin ng mga di maunlad na bansa.
Dahil sa mahabang pang kabuhayan at malimit na mababa rin ang antas ng mga gawaing industriyal
na batay sa paggamit na teknolohiya ng mga impormasyong siyentipiko at nasa kakayahang mag
palipat- lipat sa mga ideya at pang yayari sa pamamagitan ng pag tatag ng matibay na ugnayan ng
mga ito.
Sa ngayon, hinde dapat makahadlang sa uri ng kakayahang siyentipiko ang mahabang antas ng
gawaing industriyal.
SIYENSIYA
Ang salitang siyensiya o science ( agham ang tawag dito ng mga Pilipino ) ay galing sa salitang
Latin na Scientia , ibig sabihi’y karunungan.
Ang layunin ng siyensiya at maparami at mapalawak ang datos upang makapag buo ng teorya.
LIKAS NA SIYENSIYA
Ang larangang nagtutuon sa pag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo sistematikong
identipikasyon,obserbasyon, deskripsiyon,klasipikasyon, eksperimintasyon, imbestigasyon, at
teoretikal na paliwanag sa mga penomenong ito na may layuning mabatid at magkaroon ng
kaalaman tungkol dito.
SIYENSIYANG PANLIPUNAN
• Ang larangang tumutuon sa lipunan ng mga tao .Umiiral ang mga penomenong panlipunan dulot o
resulta ng interbisyon at interaksyon ng mga tao sa lipunan. Bagamat mag kahiwalay, may
mahalagang elementong sangkot sa dalawang larangan-ang tao
• Tao ang nakikinabang , gumaganap , at nabubuhay sa mga elemento ng kalikasan, at tao rin ang
bumubuo sa lipunan.
TEKNOLOHIYA
Pinagsamang salita ito ang Griyego na techne ( sining , kakayahan, craft o paraan kung paano
ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag
Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya .
Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang
pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan, at lipunan.
SINING
Ang siya mismong obheto o layunin nito – isang paglikha upang muling makabuo ng isang ideya
o interpretasyon mula sa babasa, titingin, o makikinig dito.
Emosyon ang nililikha ng sining.
Tao pa rin ang mahalaga sa mga larangang ito.
LIKAS NA SIYENSIYA , TEKNOLOHIYA VS. SIYENSIYANG PANLIPUNAN AT SINING
Ang Sining, Siyensiya at Teknolohiya, noon pa mang simula ng sibilisasyon hanggang sa modernong
panahon, ay nagpabago sa naysaying, at kamalayan ng sangkatauhan
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA
SIYENSIYA
BIYOLOHIYA – Nakatuon sa mga bagay na buhay- ang ekstraktura, pinagmulan, ebolusyon,
gamit, distribusyon, at paglawak ng mga ito
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 6
KEMISTRI- Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties, at mga reaksiyon at
interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito.
PISIKA- Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon , espasyo, enerhiya, at matter.
Mula ito sa Griyego o Phusike o kaalaman sa kalikasan.
EARTH SCIENCE/HEOLOHIYA- Sistema ng planetang daigdig sa kalawakan –klima ,
karagatan ,planeta ,bato , at iba pang pisikal na element kaugnay ng pagbuo, estruktura, at mga
penomena nito. Kung minsa’y tinatawag din itong heolohiya.
ASTRONOMIYA- Pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal-mga kometa, planeta, galaxy , bituin,
at penomenang pangkalawakan.
MATEMATIKA- Siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero,
pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura,na ipinahahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.
TEKNOLOHIYA
INPORMASYONG TEKNOLOHIYA(IT)- Pag-aaral at gamitin ng teknolohiya kaugnay ng
pagbibigay at paglilipat ng impormasyon , datos, at pag poproseso . Ito rin ang pagunawa,
pagpaplano, pagdidisensyo, pagbuo, distribusyon,pag poprograma, suporta, solusyon, at
operasyon ng mga software at kompyuter.
INHINYERIYA – Nakatuon sa aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipikong at matematiko upang
bumuo ng disenyo, mapatakbo, at mapagana ang mga estruktura, makina, proseso, at sistema.
AERONAUTICS – Teorya at praktis ng pagdidisenyo, pagtatayo, matematika, at mekaniks ng
nabigasyon sa kalawakan.
PAGSULAT AT METODO NG PANANALIKSIK
SA SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA
Pahayag ng Problema Pag kolekta ng impormasyon Pagbuo ng Hipotesis
Pagsubok ng Hipotesis Kongklusyon:Resulta Sumusuporta sa Hipotesis, Kongklusyon:
Resulta Di- smusuporta sa o Hipotesis
PANANALIKSIK NG TEKNOLOHIYA
Pag – iisip ng disensyo o solusyon na problema.
Susundan ito ng hipotesis o pag papahayag ng solusyon o disenyo bilang pinakamabuting gawin.
Paglalahad ng ibidensiya
Pag papahayag ng mga argumento sa pamamagitan ng halaga , sukat, gamit, teorya, at
obserbasyon.
KONGKLUSYON- pag papahayag na isa itong kontribusyon bago o makabago , at ground –
breaking na produkto , proseso , solusyon.
PAGSULAT AT METODO NG PANANALIKSIK SA SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA
Ang isang mabuti at magaling na teknolohiya at dumaraan naman sa sumusunod na
proseso:
Disenyo/ Solusyon sa Problema Mga Tanong Ano? Bakit? Paano? Mga Ebidensiya
Mga Argumento Kongklusyon Produkto/ Proseso/ Solusyon
METODONG IMRAD SA SIYENSIYA AT TEKNOLOHIYA
I- Introduksiyon- Problema , motibo, Layunin , background , at pangkalahatang pahayag ; Ano
ang
pinatunayan ng Hipotesis?
M- Metodo – mga modelo at panukat na gagamitin , ano, kalian, saan, paano, gagamitin ang
materyal.
R- Resulta – na ginawang empirikal na pag-aaral .
A- Analisis- ng isinasagawang pag - aaral batay sa resulta.
D- Diskusyon- at konklusyon ito ng isinasagawang pag-aaral.
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 7
ILANG KUMBENSYON NG PAG SUSULAT
1. Gumagamit ng atin, kami, tayo ay sulating siyentipiko at teknikal , hindi personal (
halimbawa: ako, ikaw , at iba pa)
2. Hindi pasibo kundi aktibo
3. Nasa pang kasalukuyan ( halimbawa: matematika)
4. Maraming drowing ( halimbawa: kemistri)
ILANG HALIMBAWA NG MGA SULATIN
Ilan sa mga sulating akademiko sa siyensiya at teknolohiya ang mga sumusunod:
Teknikal na Report
Artikulo ng Pananaliksik
Instruksiyonal na polyeto o handout
Report Panlabolatoryo
Plano sa Pananaliksik
Katalogo
Teknikal na Talumpati o papel na
Babasahin sa Komperensiya
Report ng Isinagawang Gawain (
Performance Report)
YUNIT 1 (AKTIBIDAD)
YUNIT 1 (MAIKLING PAGSUSULIT)
SANGGUNIAN
YUNIT 3 – PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN| 8