Lapit siyantipiko ang gamit bagamat iba-iba ito depende sa disiplina. Ang agham panlipunan ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondaryo. Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay dayakroniko (historikal) at sinkronoko (diskriptibo). Itinuturing na isang uri ng siyensiya o agham. Lapit siyantipiko ang gamit bagamat iba-iba ito depende sa disiplina. Ang Agham Panlipunan ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondaryo. Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay Dayakroniko (historikal) at Sinkroniko (deskriptibo).Malaki ang nagging impluwensya ng Rebolusyong Pranses (1789- 1799) at Rebolusyong Industriyal (1760-1840) sa pagkabuo ng larangan sa Agham Panlipunan. Kilikilala sa larangan ng Agham Panlipunan sina Diderot, Rousseau, Francis Bacon, Rene Descartes, John Locke, David Hume, Isaac Newton, Benjamin Franklin, Thomas Jefferson, gayundin sina Karl Marx, Max Weber, Emilie Durkheim, at marami pang iba. Arkeolohiya • Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monument jaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao. Relihiyon • Pag-aaral ng organisading koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng isang superior at superhuman na kaayusan Kinikilala sa larangan ng Agham Panlipunan sina Diderot, Rousseau, Francis Bacon, Rene Descartes, John Locked, David Hume, Isaac Newton, Benjamin Franklin, Thomas Jefferson, gayundin sina Karl Marx, Max Weber, Emilie Durkheim, at marami pang iba. Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Sosyolohiya
Pag- aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang
mga pinagmulan, pag-unlad at pagkabuo ng mga samahan at institusyong panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman tunkol sa kaayusan at pagbabago sa lipunan. Gumagamit ito ng imperikal na obserbasyon, kuwalitatibo, at kuwalitatibong metodo. Sikolohiya
Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao. Gumagamit din
ito ng emperikal na obserbasyon. Lingguwestika
Pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay ng kalikasan,
anyo, estruktura, at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sistaks, at gramatika. Deskriptibo o pagpapaliwanag sa katangian ng wika ang ginagamit na lapit sa pag-aaral nyo, gayundin ang historical na lapit o pinagdadaanang pagbabago ng wika. Antropolohiya
Pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong pag-iral
upang maunawaan ang komplesidad ng mga kultura. Ginagamit ditto ang participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik. Kasaysayan
Pag-aaral ng nakaraao pinagdadaanang pag-iral ng mga
grupo, komunidad, lipunan, at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan. Ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad and mga pangyayaring ito. Heograpiya
Pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang
maunawaan ang masalimuot na mga bagay ksugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao. Mga metodong kuwantitatiboat kuwalitatiborin ang ginagamit sa mga pananaliksik dito. Agham Pampolitika
Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran,
proseso, at Sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos- political ng mga institusyon. Gumagamit din ito ng analisis at emperikal na pag-aaral. Ekonomiks
Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng
produksyon, distribusyon, at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pangekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, relihiyon, kaguluhan, at mga institusyong panlipunan. Emperikal ng imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral dito. Area Studies
Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa,
rehiyon, at heograpikong lugar. Ilan sa mga halimbawa nito and Japanese Studies, Korean Studies, Philippine Studies, American Studies, Russian Studies, at iba pa. kuwalitatibo, kuwantitatibo at emperikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik ditto. Arkeolohiya
Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monument
kaugnay ng nkaraang pamumuhay at Gawain ng tao. Relihiyon
Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala,
sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng isang superior at superhuman na kaayusan. Pagsulat sa Agham Panlipunan
Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa Agham
Panlipunan ay simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat, at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin ditto. Madalas ay mahaba ito dahil sa presentasyon ng mga ebidensiya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis. Mga Anyo ng Sulatin
Karaniwang mga anyo ng sulatin sa agham panlipunan ang
report, sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo, rebuy ng libro o artikulo, niyograpiya, balita, editorial, talumpati, adbertisment, proposal sa pananaliksik. Komersyal sa telebisyon, testimonial, at iba pa. mahalagang maunawaan muna ang iba’t ibang katangian ng bawat anyo, pormat, layunin, wika, nilalaman, at inaasahang mambabasa. Kung gayon, mahalaga ang pananaliksik sa datos sa bawat anyo, anomang paraan ito. Proseso Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat ng agham panlipunan. Hindi naman ito gaanong naiiba sa ibang larangan.
a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapagtatalakay nito? Kung mayroon na, ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba? c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay ito ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit nalilinaw sa takbo ng pagtalakay. d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media, internet, social media, at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion, obserbasyon, at iba pa. e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis. f. Analisis ng ebidensiya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantitatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko. g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna, at wakas), angkop, sapat, at wastong paraan ng pagsulat. h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng humanidades at agham panlipunan?
Magkatulad man bilang mga disiplinang
akademiko, magkaiba naman sa pinag- aaralan. Pinag-aaralan sa agham panlipunan ang mga aspeto ng tao at ng sangkatauhan sa mundo. Pinagtutuunan ng pansin sa pag-aaral na ito ang ginagawa ng tao para sa pangkalahatan. Pinag-aaralan naman sa humanidades ang tungkol sa tao at ang pagiging tao. Pinagtutuunan ng pansin sa pag-aaral ng ito ang ginagawa at sinasabi ng tao na naayon sa kanyang kagustuhan. Ang humanidades ay isang pag- aaral na pinagsamang likas na agham (life sciences) at agham panlipunan (social sciences).