You are on page 1of 22

ARALIN 13: PAGLALAHAD NG

RESULTA NG PANANALIKSIK HUFANA & ARRIZA


ARALIN 13: PAGLALAHAD NG RESULTA
NG PANANALIKSIK
Ayon kina Catherine Marshall at Gretchen
Rossman (1990) sa aklat na "Designing
Qualitative Research", ang pagsusuri ng datos
ay binubuo ng pagsasaayos, kategorisasyo, at
pagsisiyasat ng mga ebidensiya upang
mapatunayan o mapasubalian ang inisyal na
mga proposisyon ng pag-aaral.
PRESENTASYON NG DATOS
Pangunahing hakbang dito ang paglikom at pagbilang ng mga
bumalik na datos mula sa ipinamahaging talatanungan,
transkripsyon na naganap na pakikipanayam, o pag-aayos ng
mga tala mula sa obserbasyon.
Sa mga tala at transkripsiyon, maaari nang alisin ang mga
tugon na walang kabuluhan sa magiging pagsusuri.
Pagkatapos nito ay ginagawa ang pinal na talahanayan, chart
o anomang uri ng presentasyon ng datos.
Ang kuwantitatibong pananaliksik na may
dalawang pangunahing paraan ng presentasyon ay
sa pamamagitan ng graph, talahanayan, o chart.
Ang talahanayan ay ang pinakasimpleng paraan
ng pagbubuod ng mga obserbasyon. Ito ay
naglalaman ng tiyak na datos gaya ng mga
numero, bahagdan, at iba pa na maaaring
pagmulan ng kalakalan o paghahambing
TALAHANAYAN 1. ANTAS NG INTEGRASYON NG MGA
PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK NA COMMUNITY-
BASED
Estratehiya Guro (n=21) Mag-aaral (n=407) Kabuuan (n=428)

WM I R WM I R WM I R

1.Naglulunsad ng mga exposure trips

Upang mabigyan ng ideya ng mga 1.48 WI 6 2.59 LI 6 2.54 LI 6

Mag-aaral sa mga tunay na naga-

ganap sa komunidad at gumawa

ng pananaliksik hinggil ditto.

2.Nagpapagawa ng pakikipanayam 2.67 LI 2.5 2.84 LI 3 2.83 LI 3

hinggil sa mga napapanahong isyu at

usaping panlipunan.
usaping panlipunan.

3.Nagpapagawa ng mga survey at iba

pang porma ng pag-alam hinggil sa 2.71 LI 1 3.11 LI 1 3.09 LI 1

mga konkretong suliranin na dinadanas

ng kinabibilangang komunidad ng mag-

aaral.

4.Nagpapagawa ng mga proyektong

direktang makatutulong sa komunidad 2.48 BI 4 2.88 LI 2 2.86 LI 2

na kinabibilangan ng mag-aaral.

5.Nagpapasulat ng repleksiyong papel

upang alamin ang antas ng pagkatuto 2.67 LI 2.5 2.58 LI 4 2.81 LI 4

ng mga mag-aaral sa mga aktibidad

na isinasagawa sa komunidad.
6.Nakikiisa ang guro kung mag organisa-
dong gawain sa komunidad ang mag- 2.24 BI 5 2.71 LI 5 2.99 LI
9
aaral.

Overall Weighted Mean 2.38 BI 2.83 LI 2.89 LI

LLI – Lubos na Lubos ang


integrasyon
LI – lubos ang integrasyon
BI – Bahagi ng integrasyon
WI- Walang integrasyon
Ang mga graph at chart naman ay biswal na
presentasyon ng mga numero at bahagdan na
maaaring magpakita ng kabuuang padron,
ugnayan, o kalakaran batay sa uri nito.Ang bar
graph ay kadalasang nagpapakita ng mga datos
na nasa iba't ibang kategorya o kaya ay
paghahambing.
DAYAGRAM 1. POPULASYON SA BAGUIO MULA
2000 HANGGANG 2007
Ang bar graph sa itaas ay kinuha sa mula sa mga
datos ng isang demograpikong pag-aaral sa
paglaki ng populasyon ng Lungsod ng Baguio.
Bulod sa ipinapakita nito, ang kabuuang
populasyon ay napaghahambing batay sa panahon
(2000 at 2007) at kasarian (babae o lalaki). Kung
mas magiging tiyak ang layunin na ipakikita ng
kalakaran ng kaparehong datos sa itaas, sa
paglipas ng panahon, ay mas angkop gamitin ang
line graph.
DAYAGRAM 2. KABUUANG POPULASYON SA
BAGUIO MULA 2000 HANGGANG 2007
Ang pie chart naman ay nagpapakita ng
bahagdan o pagkakahati-hati ng bawat bahagi.
Sa isang sarbey na isinagawa na Departamento ng
Filipino sa Saint Louis University, Lungsod ng Baguio,
tinanong ang isanh libong mag-aaral na kumukuha
ng asignaturang Panitikan ng Pilipinas (Literature of
the Philippines), na orihinal na itinuturo sa wikang
Ingles, kung sa tingin nila ay sa anong mediyum ang
mas magiging ang pagtuturo at pagkatuto ng
panitikan.Narito ang kinalabasan ng survey:
1%

15%

29%

83%

Figure 1: Wikang nais gamitin ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Panitikang Wika


Sa mga kuwalitatibong pananaliksik, mas madalas
gamitin ang hindi nakabalangkas na paraan ng
presentasyon. Kadalasang umaasa ang mananaliksik
sa husay ng paglalahad ng mga natuklasan.Upang
mas sistematiko angbpaglalahad ng resulta,
inoorganisa ang pagtalakay sa pamamagitan ng
paulit-ulit na mga tema o paksang lumalabas mula sa
datos.
Maaaring gumamit ng checklist o anomang
balangkas sa obserbasyon.
Maaari ding bumuo ng iba't ibang kategorya ng
datos ang mananaliksik.
Ang mga talahanayan at graph ang pinagmumulan
ng pagtalakay at pagsusuri. Ang mahahalagang
talahanayan na mas makapaglilinaw sa nais sabihin ng
pananaliksik ay dapat maging bahagi ng diskursyon.
Ang mga talahanayan naman na hindi gaanong
mahalaga ngunit mkatutulong sa lalong pag-unawa ng
pananaliksik ay nilalagay sa apendiks. Kailangang
isaisip ng mananaliksik na walang istandard o
istriktong pamamaraan sa presentasyon ng datos.
PAGSUSURI AT PRESENTASYON NG
DATOS
Ayon kina Graham Hitchcock at David Hughes
(1995) sa aklat na "Research and the Teacher: A
Qualitative Introduction to School-Based Research",
ang interpretasyon ay isang paraan kung saan ang
mananaliksik ay umuusad mula sa deskripsiyon ng
kung ano ang kaso tungo sa pagpapaliwanag kung
bakit naging kaso ito.
Sa bahaging ito, kailangang isaalang-alang ang
kabuluhan ng mga impormasyong natuklasan-
potensiya na mga dahilan na nagbunsod sa
impormasyon, bumubuo ng mga ugnayan at
paghahambing at tinutukoy ang mga sanhi at
posibleng kahihinatnan.
Kailangang ipaliwanag ang sinasabi ng datos at
hindi basta na lamang uulitin ang nakalagay sa
talahanayan.
Kailanagan din na idagdag ang mga dahilan at
epekto at kung kinukumpirma nito o hindi ang hypotesis
ng pag-aaral.
Ginagamit sa bahaging ito ang teoretikal na gabay at
mahahalagang kaisipan mula sa konseptuwal na
balangkas upang gabayan sa pagsusuri ang mananaliksik.
Mahalaga ring iugnay ito ng mananaliksik sa iba pang
naisagawang pag-aaral at ang kinalabasan nito upang
suportahan o kaya ay pasubalian ang kinalabasan ng
pananaliksik.
Iwasan ang mapanlahat na pahayag o sweeping
statements.Ito ay ang mga pahayag na walang
basehan.Mahalaga ang cross-referencing o pag-uugnay
ng mga resulta mula sa iba't ibang bahagi ng pagtalakay.
SA HALIMBAWANG INTERPRETASYON NG
TALAHANAYAN, SINURI NG MANANALIKSIK
ANG MGA DATOS SA TALAHANAYAN SA
PAMAMAGITAN NG:
1.Pagtukoy sa mahahalagang datos sa talahanayan .
Hindi kailangang basahin ang lahat ng value o numero na
makikita sa talahanayan.Ilagay lang ang pokus ng
mambabasa sa mahahalagang resulta.Halimbawa, ano ang
pinakamataas o pinakamababang ranggo sa mga aytem o
kayabay mahahalagang punto ng paghahambing sa
dalawang grupo ng kalahahok.Mula sa mahahalagang
value na ito, nagsisimula ang pagsusuri.
2.Pagpapaliwanag ng mga posibleng dahilan mula sa lokal na
konteksto ng mga kinalabasan sa talahanayan.
Sinagot ng mananaliksik kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit
mababa o mataas ang antas ng integrasyon sa mga tiyak na bahagibng
pagtuturo ng pananaliksik.Gayundin, ipinaliwanag kung bakit magkaiba
ang naging resulta sa dalawang grupobng kalahok.Inilarawan ang
institusyonal na konteksto na nagbunsod sa kawalan ng integrasyon ng
isang tiyak na paraan ng pagtuturo at tinukoy ang mga impormasyong
nakalap mula sa mga impormal na pakikipanayam upang ipaliwanag ang
datos.
3.Pagsunog o pagsusubali sa hypotesis batay sa kinalabasan ng pag-
aaral.
Ipaliwanag ng mananaliksik na hindi nag-iiba ang datos na nakuha mula
sa mga naunang pagpapalagay ng pananaliksik
4.Pag-uugnay ng mga impormasyon sa iba pang bahagi ng
resulta at pagtalakay o cross-referencing.
Inuugnay ng mananaliksik ang pagsusuri sa mga impormasyong
nakalap sa ibang bahagi ng pagtalakay ng resulta na lalong
nagpatibay sa interpretasyon.

5.Pag-uugnay ng kinalabasan sa iba pang pag-aaral o literatura.


Kaugnay ng datos, tinalakay ng mananaliksik ang mahahalagang
konsepto ng ibang pag-aaral o literatura upang maging gabay kung
paanong tatasahin ang kasapatan at maging kritikal sa umiiral na
praktika.Sa pamamagitan din ng kaugnay na literatura,
nakapagbibigay ng angkop na rekomendasyon ang mananaliksik.
THANK YOU!! HUFANA & ARRIZA

You might also like