You are on page 1of 4

SANGGUNIAN

Ito yung mga dapat isaalang-alang kapag bumubuo ka ng Bibliography

 Awtor o mga awtor


 Pamagat
 Lugar ng publikasyon
 Pablisher o Tagalimbag
 Petsa o Taon ng Pagkalimbag
 Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)
MGA TAGUBILIN
Si Burgess (1995) ay nagtala ng mga tagubilin sa paggawa ng listahan ng sanggunian sa akda
niyang A Guide for Research Paper.
Ito ay kapag isa lamang yung AWTOR,
A. AKLAT NA MAY ISANG AWTOR
1. Simulan sa apelyido ng awtor, sundan ng kuwit at inisyal ng awtor (o buong
pangalan kung abeylabol ang datos na iyon), at tuldukan.
2. Isunod ang taon ng publikasyon. Tuldukan.
3. Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang unang salita ang nagsisimula sa
malaking titik at ang mga pangngalang pantangi at subtitle na karaniwang
sumusunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng pamagat.
4. Isunod ang lugar ng publikasyon at ng pablisher. Paghiwalayin ang dalawa ng
tutuldok. Tapusin ang entri sa isang tuldok.
Halimbawa:

 Aguino, B. 1990. The taming of the millionare. New York: Random House.
 Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa. San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House, Inc.

B. AKLAT NA MAY DALAWA O HIGIT PANG AWTOR


1. Simulan sa may apelyido ng unang awtor, kuwit at inisyal o pangalan (kung abeylabol).
Huwag babaguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga awtor na nakatala sa aklat.
2. Isunod ang apelyido ng (mga) ko-awtor. Tularan ang pormat ng unang awtor.
Paghiwalayin ang mga pangalan ng awtor ng kuwit, maliban kung dalawa lamang
ang awtor at bago ang huling awtor na ginagamitan ng ampersand (&).
3. Sundin ang tuntunin a.2, a.3 at a.4
Halimbawa:
 Davis K. & Newstorm J. 1989. Human behavior in organization. New York: Mc Graw-
Hill.
 Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A. 2000.
Sining ng pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya Publihing House
Inc.

C. INEDIT NA BOLYUM NG ISANG AKLAT


1. Simulan sa apelyido ng editor ng bolyum. Bantasan katulad ng sa awtor o mga awtor ng
isang aklat. Kung dalawa o higit pa ang editor, gumamit ng ampersand sa pagitan ng
dalawang editor at huling editor kung tatlo o higit pa.
2. Isunod ang Ed. (nag-iisang editor) o Eds. (dalawa o higit pa) na nakapaloob sa
parentesis. Tuldukan.
3. Sundin ang tuntunin a.2, a.3 ay a.4.
Halimbawa:

 Almario, Virgilio S. (Ed.). 1996. Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining ng


pagtulang Tagalog. Lungsod ng Quezon: UP Diliman.
 Darling, C.W., Shields, J. & Villa V.B. (Eds.). 1998. Chronological looping in political
novels. Hartford: Capitol Press.

D. MGA HANGUANG WALANG AWTOR O EDITOR


1. Simulan sa pamagat ng akda at tuldukan.
2. Sundin ang tuntunin a.2 at a.4
Halimbawa:

 Webster’s new colligiate dictionary. 1961.Springfield, MA: G and G Merriam


 The personal promise pocketbook. 1987. Makati: Alliance Publishers, Inc.

E. MULTI-BOLYUM, INEDIT NA AKDA


1. Sundin ang tuntunin c.1 at c.2
2. Sundin ang tuntunin a.3
3. Isunod ang bilang ng bolyum na nakapaloob sa
parentesis.Tuldukan.
4. Sundin ang tuntunin a.4.
Halimbawa:

 Nadeau, B. M. (Ed.). 1994. Studies in the history of cutlery. (Vol 4). Lincoln: University of
Nebraska Press.

F. DI-NALATHALANG DISTERASYON, TISIS, O PAMANAHONG PAPEL


1. Sundin ang a.1 at a.2.
2. Sundin ang tuntunin a.3 at salungguhitan.
3. Isunod ang salitang di nalathalang- disertasyon/tisis/pamanahong-papel (o anumang
anyo ng papel pampananaliksik o akademikong papel), sundan ng kuwit, ng pangalan ng
kolehiyo o unibersidad at tuldukan.
Halimbawa:

 De Jesus, Armado F. 2000. Institutional research capability and performance at the


University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private HEIs. Di-
nalathalang disertasyon, UST.
 Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tiniosa
pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman.

G. MGA ARTIKULO MULA SA JOURNAL, MAGASIN, DYARYO NEWSLETTER


1. Sundin ang tuntunin a.1 kung nag-iisa ang awtor; b.1 at b.2 kung dalawa o higit pa.
2. Isunod ang taon, buwan(kung abeylabol ang petsa, idagdag din ito) na pinaghihiwalay
ng kuwit.Tuldukan matapos.
3. Isunod ang pamagat ng artikulo, tulad ng sa a.2. Tuldukan.
4. Isunod ang pangalan ng journal, magasin, dyaryo o newsletter, sundan ng kuwit, ng
bilang ng pahina (huwag gagamit ng p. o pp.).
Halimbawa:

 Dauz, Florentino. 2003, Agosto 10. Ang bayan ng Gapan, Kabayan, 4.


 Maddux, K. 1997, March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-98.

H. PELIKULA, KASET, CD OR DVD


1. Sundin ang tuntunin a.1. Palitan lamang ang awtor ng direktor kung pelikula at
artist/speaker/lecturer kung kaset,vcd o cd.
2. Sundin ang tuntunin a.2.
3. Kung di-given ang mga pangalan sa h.1, magsimula na agad sa h.4, tuldukan, isunod ang
taon ng unang distribusyon at tuldok muli.
4. Sundin ang tuntunin a.3 ngunit bago tuldukan, isingit ang
5. salitang “Pelikula,Kaset,VCD o CD” sa loob ng braket
6. Isunod ang lugar kung saan prinodyus (kung given) sundan ng tutuldok, isunod ang
prodyuser at tuldukan. Kung di- given ang lugar, isunod agad ang prodyuser at tuldukan.
Halimbawa:

 Leonardo: The inventor [VCD]. 1994. Future Vision Multimedia Inc.

I. MGA DOKUMENTO MULA SA TANGGAPAN NG GOBYERNO


1. Simulan sa pangalan ng ahensyang pinagmulan ng dokumento at tuldukan.
2. Isunod ang taon ng publikasyon at tuldukan.
3. Isunod ang pamagat ng dokumento, ang bilang ng publikasyon (kung mayroon) sa loob
ng parentesis at tuldukan.
4. Isunod ang lugar ng publikasyon, tutuldok at pablisher.
Halimbawa:

 National Institute of Mental Health. 1982. Television and behavior: Ten years of
scientific progress (DHHS Publication No. A82-1195). Washington, DC: US Government
Printing Office.
J. MGA HANGUANG ELEKTRONIKO
1. Kung nakapost sa internet ang pangalan ng awtor o kontribyutor, taon at pamagat,
sundin ang tuntunin a.1, a.2 at a.3 at isunod ang sinalungguhitangwebsite o path.
Tapusin sa tuldok.
2. Kung pamagat lamang ang abeylabol, simulan sa pamagat, tuldukan at isunod
ang website o path na sinalungguhitan.
3. Kung hindi abeylabol ang datos sa j.1 at j.2, ilagay na lang ang sinalungguhitang website.

You might also like