You are on page 1of 5

Presentasyon ng mga Datos

- tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa o pagsasaayos ng datos sa pamamagitan ng


talahanayan/tabular, graphs at charts upang magkaroon ng lohikal at statistical na
konklusyon.
- Makikita sa bahaging ito ang kinalabasan ng pag-aaral, pagsusuri at ang interpretasyon
sa bawat datos na nakalap.

Bago ang Presentasyon ng Datos


1. Bilangin ang mga bumalik na datos mula sa mula sa sarbey
2. Alisin ang mga talatanungan na hindi maayos o may kulang na sagot.
3. Alisin ang transkripsyon kung walang kabuluhan ang sagot batay sa iyong pagsusuri.
4. Pagkatapos, pwede na simulan ang tallying sa isang papel bago ilagay sa pinal na chart o
anumang uri ng presentasyon ng datos.

Tatlong Paraan ng Presentasyon ng Datos (Quantitative Research)


 Textual
 Tabular
 Graphical

1. Textual –
- Ang mga datos na nakalap ay inaayos sa isang TALATA (pangungusap).
- Ang datos ay isusulat sa isang lohikal at sistematikong pamamaraan.
- Ito ay kombinasyon ng mga salita at figyur.

Example:
Of the 150 samples interviewed, the following complaints were noted: 27 for lack of
books in the library, 25 for a dirty playground, 20 for lack of laboratory equipment,
17 for not well-maintained university buildings.

2. Tabular
- Ginagamit ang tabular na presentasyon sa isang istatistikal(statistical) na talahanayan na
kinakailangan ng maraming numerical data.
- Ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos sa sistematiko paraan.

Example:
Talahanayan 2. Conduciveness ng Tahanan sa Larangan ng Learning Environment 
Indicators  Weighted Interpretasyon 
Mean 
Mayroon akong kaaya-ayang lugar para mag-aral.  4.05  Madalas 
Maraming bagay ang nakaaabala sa akin.  4.11  Madalas 
Mayroon akong malalapitan kung nangangailangan 3.47  Madalas 
ako ng tulong sa pang-akademikong bagay. 
Madali para sa akin ang humingi ng tulong sa iba 3.34  Minsan 
tungkol sa pang-akademikong bagay. 
Madali para sa akin ang pakikipagsalamuha sa iba 3.53  Madalas 
tungkol sa pang-akademikong bagay. 

Kabuoan:  3.7  Minsan 


Note: 1.00 – 1.80 = Hindi kailanman, 1.81 – 2.60 = Bihira, 2.61 – 3.40 = Minsan, 3.41 – 4.20 = Madalas, 4.21 – 5.00 = Palagi 
Respondente = 38 

3. Graphical
- Isang biswal na na presentasyon na kumakatawan sa kwantitatibong baryasyon
(pagbabago ng mga variable, kwatiteytib na komparison ng pagbabago ng isang
variable o variable na anyong palarawan).
- Ginagamit ang graph/chart upang mas komprehensibong maunawaan ang mga
nakalap na datos ng mga mananaliksik.

a. Bar Graph
- Ginagamit ang bar graph upang ipakita ang sukat, halaga o dami ng isa o higit
pang variable sa pamamagitan ng haba ng bar.
- Example:

-
b. Line Graph –
- Ginagamit ito upang ipakita ang pagbabago ng variable.
- Epektibo ito kung nais ng mananaliksik na ipakita ang trend o pagtaas, pagdami o
pagsulong at pagbaba ng isang tiyak na variable
- Example:
c. Pie Chart
- Ginagamit ito upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o division,
proporsyon, alokasyon, bahagi o praksyon ng isang kabuoan.

- Example:
-
d. Pictograph
- Gumagamit ang pictograph ng mga larawan bilang simbolo ng variable.
Example:

Presentasyon ng Datos sa Qualitative Research


1. Madalas, hindi nakabalangkas ang paraan ng presentasyon ng mga datos.
2. Umaasa ang mananaliksik sa husay ng paglalahad.
3. Para maging sistematiko, inoorganisa ang pagtalakay sa paulit-ulit na mga
tema o paksa na lumalabas sa datos.
4. Bumuo ng isang kategorya/tema sa iba’t ibang datos na nakalap upang maging
malinaw ito sa mambabasa.

Interpretasyon ng Datos
1. Pagtukoy sa mahahalagang datos sa talahanayan.
- maaaring hindi lahat ng numero o value na makikita sa talahanayan ay babasahin.
Ang pokus ng mga mambabasa na mahahalagang resulta ang ilagay.
2. Ipaliwanag ang posibleng dahilan.
- tatalakayin ng mananaliksik ang posibleng dahilan dahilan kung bakit mataas o
mababa ang antas o epekto batay sa paksa. Ipapaliwanag din kung bakit magkaiba ang
naging resulta.
3. Pag-ugnay ng haypotesis batay sa kinalabasan
-ipinapaliwanag na hindi nag-iiba ang datos na nakuha mula sa naunang
pagpapahayag ng mananaliksik.
4.Pag-ugnay sa resulta sa ibang pang result o cross-referencing
- inuugnay ang resulta sa impormasyong nakalap sa ibang paglakay na resulta.
5. Pag-ugnay sa iba pang pag-aaral o literature
- inuugnay sa iba pang konsepto ang literature

You might also like