You are on page 1of 1

Ang editoryal na ito ay maayos nasunod ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng

tekstong argumentatibo. Una, mayroon itong paksa na angkop para sa tekstong


argumentatibo. Pangalawa, naglahad ang manunulat ng mga halimbawa o ebidensya para
masuportahan ang kanyang posisyon na maraming estudyante ay nawawalan na ng ganang
mag-aral. Pangatlo, mayroon itong sapat na rekomendasyon tungkol sa posisyon. Ang
rekomendasyon na nakalahad dito ay nagbigay ng solusyon at aral patungkol sa posisyon.
Ang hindi lamang nasunod sa pagsulat ng tekstong argumentatibo na ito ay wala itong sapat
na konklusyon. Masasabi kong kahit wala ang konklusyon ay ayos lamang para sa ibang mga
magbabasa neto dahil madali naman intindihin ang kanyang posisyon sapagkat maayos
nailahad ng manunulat ang nais niyang sabihin at nagbigay siya ng mga halimbawa na
nauugnay din sa estudyanteng tulad ko ngunit kailangan parin ito sa pagsulat ng tekstong
argumentatibo dahil ito ay maaring balikan ang mga ideya sa introduksiyon at ilahad ang
buod kung paano ito nilinang.

You might also like