You are on page 1of 5

PANGALAN NG TAGAPAGSALITA: JOHAYDA C.

DONATO

I. Mga Tiyak na Layunin


(Bawat isang tagapagsalita ay maghahanda ng kani-kanilang sariling layunin ayon sa paksang-
aralin na naiatas sa kanila. Mga tiyak na layunin nan ais mong makamtan sa daloy ng iyong
pagtatalakay)

a. Natutukoy ang iba’t ibang uri at proseso ng pagbasa ;


b. Nalalaman ang ibat’t ibang kahulugan ng mga uri at proseso ng pagbasa; at
c. Nabibigyang-diin ang mga uri at proseso ng pagbasa.

II. Paksang-Aralin

a. Pangalawang Paksa: Uri at Proseso ng Pagbasa


b. Hanguang Aklat/Sanggunian: (Sundin ang APA FORMAT 7th Edition)
c. Karagdagang Sanggunian mula sa Hanguang Elektroniko: (URL)
https://pagbasaatpagsulat.wordpress.com/2017/03/11/ibat-ibang-uri-ng-
pagbasa/
https://www.scribd.com/document/332895500/Ang-Proseso-Ng-Pagbasa
d. Iba pang Kagamitang Panturo: (Halimbawa: Laptop, Overhead Projector,
Kagamitang Biswal PowerPoint Presentation, Construction Paper at Marker)

III. Panlinang na Gawain

 Paglalahad ng Paksa: (Pangkatang Gawain)


a. 4 na larawan, Isang salita
 Pagtalakay sa Aralin
a. Ipaliwanag ang mga Uri at Proseso ng Pagbasa
NILALAMAN NG PAKSANG-ARALIN AYON SA AKLAT/HANGUANG
ELEKTRONIKO:
(Ilahad dito ang iyong nasaliksik tungkol sa iyong paksang tatalakayin)
Uri ng Pagbasa
1. ISKANING
-Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na
hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. 

2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o
kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang
impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong
papel, riserts at iba pa.

3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at
ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa sa babasa.

4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas ng oras.
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang
pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na
mapalawak ang kaalaman.
6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa
para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA


Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o
masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak
ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang
bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

Proseso ng Pagbasa

Ang Proseso ng pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mgasimbolo at salita.


Bilang proseso, ito ay may apat na hakbangayon kay William S. Gray (1950), ang kinilalang
"Ama ngPagbasa” (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon,at (4)integrasyon.

PERSEPSYON - ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa


pagbigkas ng mga tunog.

KOMPREHENSYON - ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

REAKSYON - ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan,


pagpapahalaga at pagdama sa teksto.

INTEGRASYON - ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa


kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang
nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang
mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa,
nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na
pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng
binabasang teksto.

ILALAHAD SA HARAP-HARAPANG TALAKAYAN:


(Ilahad dito ang iyong ilalagay sa biswal na presentasyon o ilalahad sa klase)
Uri ng Pagbasa
ISKANING- dapat hanapin ang isang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang
babasahin.
ISKIMING- ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon.
PREVIEWING- dito ay sinuri muna ang kabuuan at ang estilo.
KASWAL- ito ay pansamantala o di-palagian.
PAGBASANG PANG-IMPORMASYON- ito ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang
kaalaman.
MATIIM NA PAGBASA- dito ay kailangang maingat ang pagbasa.
RE-READING O MULING PAGBASA- dito ay isinasagawa ang muling pagbasa upang
makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng material na binasa.
PAGTATALA- pagtatala ng mga mahahalagang kaisipan o ideya.

Proseso ng Pagbasa
PERSEPSYON- dito ay pagkilala at pagtukoy sa mga simbolo at tunog.
KOMPREHENSYON- dito ay ang pag-unawa sa simbolo salita.
REAKSYON- may kaalaman sa pagpasiya o paghatol.
INTEGRASYON- may kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay sa dati at bagong karanasan sa
tunay na buhay.

IV. Pagtataya/Paglalapat na Gawain


Mungkahing Estratehiya: Indibidwal na Pagsusulit
(Isang (1) paglalapat na gawain para sa bawat pangkat. Isahin lamang lahat ng paksa ng bawat
pangkat para sa paggawa ng pagsusulit. Ilahad dito ang inyong talatanungan o mga katanungan
na gagawin para sa paglalapat na gawain.)
TANONG:
1.Ilan ang mga uri ng pagbasa at ano-ano ang mga ito?
2.Magbigay ng dalawang proseso ng pagbasa at ipaliwanag ang mga ito.

V. Pagbibigay Pidbak at Input ng Instructor


(Maglaan ng isang buong blank bondpaper para sa pidbak/komento ng guro para sa pangkatang
pagbibigay input at marka)

PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS NG INDIBIDWAL NA HARAP-HARAPANG


TALAKAYAN (PAGPAPAKITANG-TURO)
PAKSA: URI AT PROSESO NG PAGBASA

TAGAPAGSALITA: JOHAYDA C. DONATO

PAMANTAYAN 25 20 15 10

(SULATING-ULAT)

• Ang mga layunin ay dapat tiyak, nasusukat at


naoobserbahan.
• Kinakailangang magkaroon ng mga layuning
sumasaklaw sa Cognitive, Affective at
Psychomotor.
• Ang mga gawain at paglalahad ay naihahanay sa
layunin at paksang ituturo.
• Buo at may kawastuhan ang mga nilalaman na
nailahad.
• Angkop ang mga nasaliksik na nilalaman ayon
sa paksa.
• Angkop ang pinagkunan ng sanggunian sa
hanguang aklat man o elektroniko.

KAGAMITANG PANTURO

• Kinakailangang konektado sa paksa at layunin


• Nakatutulong sa pagkatuto ng mag-aaral
• Nakukuha ang pansin at interes ng mag-aaral
• Maganda, malaki at malinis – kaaya-aya sa mata
• Tama ang pagbabaybay, balarila at bantas

KASANAYAN SA KOMUNIKASYON

• Ang boses sa paglalahad ng paksa ay malinaw at


malakas.
• Wasto ang balarilang ginamit sa pagsasalita.
• Wasto ang pagbigkas ng salita.

KATANGIAN NG GURO

• May kumpyansa.
• Maayos ang pagpresenta sa sarili.
• Ang personalidad ng guro ay makikitaan ng
respeto at atensyon mula sa mag-aaral.

KABUUAN

Komento/Suhestiyon ng guro:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

________________________________ __________________
Pangalan at Lagda ng Guro Araw at Petsa

You might also like