You are on page 1of 36

Kakayahang

Lingguwistiko
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
Mga Layunin:

Nauunawaan ang estruktura ng wika.


Nakagagawa ng pagsusuri at angkop na pagwawasto
hinggil sa estruktura ng wika.

OWF • 2020
Ang Maging Guro
Dakila ang maging guro. Hindi lamang
ito simple propisyon kundi isang
bukasyon. Kinakailangang ang matibay na
damdamin at malalim na pagtupad sa
pangakong laging uunahin ang kapakanan
at pagkarunong ng mga mag-aaral kaysa
sarili. nagiging pangalawang magulang
ng sinu mang mag-aaral ang mga guro.
Kahit na umuuwi na sariling pamilya ang
isang guro, madalas trabaho rin sa
paaralan ang iniuuwi. Nasa kamay ng mga
Ang Maging Guro
guro, hindi lamang ang pagkatuto ng mga
magaaral sa aspetong akademiko, kung di
ang pagiging mabuti nilang tao. Uunlad
ang isang lipunan mula sa ambag ng
mahusay na abugado, duktor, inhenyero,
nars, sundalo, arkitektu, accountant,
negosyanti, at ibpa, ngunit lahat sila
ay dadaan sa pagtuturo at pagkalinga ng
isang guro.
ng Lingguwistiko
Kakayaha
Abilidad ng isang tagapagsalita ng wika na
gumamit ng angkop na salita at ayusin ang
pagkakasunod-sunod nito sa isang
pangungusap.

Nagagamit ba ng angkop ang mga salita sa


isang pahayag?

Nakabubuo ba ng mga pangungusap na may ideya


batay sa pagkakaunawa sa mga salita?
Kakayahang Lingguwistiko - natural o
likas na kakayahan ng isang
tagapagsalita na malalimang gamitin at
unawain ang isang wika (Chomsky, 1965)

Lingguwistikong pagtatanghal (linguistic


performance) - pasulat o pasalitang
paglalapat ng lingguwistikong kakayahan

Kakayahang sosyolingguwistik + diskorsal


+ pragmatik = Kakayahang Lingguwistiko
Mga Sangay ng Pag-aaral
ng Lingguwistika

PONOLOHIYA
MORPOLOHIYA
SINTAKS
Ponolohiya
PALATUNUNGAN
PONEMA - "PHONEMA" o "PHONE" = tunog
- pinakamaliit na yunit ng tunog
- kumakatawan sa mga titik, marka o pananda

PONOLOHIYA - pag-aaral ng mga ponema


- pag-aaral ng mga pantig, ritmo, tono,
at intonasyon ng wika
Ponolohiya
PONEMANG SEGMENTAL - patinig, katinig, diptonggo
at klaster

PONEMENG SUPRASEGMENTAL - tunog na binibigkas


kaalinsabay ng mga kataga, salita, parirala, at
pangungusap at nagdaragdag ng kahulugan o ideya sa
mga ito.
Ponemang Segmental
PONEMANG PATINIG - TAGAPAGBIGAY-TINIG (ALFONSO SANTIAGO)
Ponemang malayang nagpapalitan -
/e/ at /i/; /o/ at /u/

Halimbawa:
/e/ at /i/
/pera/ - /pira/
/piraso/ - /peraso/

/o/ at /u/
/Dodong/ - /Dudung/
PONEMANG KATINIG
Dagdag na titik:
/f/, /v/, /j/, /z/, /ch/, /ñ/, at
/sh/

Halimbawa:
Felimon chokolate
visa Sto. Niño
janitor short
ziplayn
NOON

/f/ = /p/
/v/ = /b/
/j/ = /dy/
/ch/ = /ts/
/z/ = /s/
/sh/ = /sy/
A. Mag-fax ka ng mensahe sa kanilang
opisina upang maipaalam agad sa kanila
ang pagbabago sa mga aktibidad.

B. Mag-pax ka ng mensahe sa kanilang


opisina upang maipaalam agad sa kanila
ang pagbabago sa mga aktibidad.
A. Dadalo ako sa 3-araw na workshap sa
pag-arte sa isang kilalang istasyon ng
telebisyon.

B. Dadalo ako sa 3-araw na worksyap sa


pag-arte sa isang kilalang istasyon ng
telebisyon.
A. Sa tindi ng init ng panahon,
napakasarap uminom ng malamig na
sofdrinks.

B. Sa tindi ng init ng panahon,


napakasarap uminom ng malamig na
sopdrinks.
A. Lakasan mo nga ang volyum ng radyo
at nang mahikayat natin silang
makinig.

B. Lakasan mo nga ang bolyum ng radyo


at nang mahikayat natin silang
makinig.
DIPTONGGO

- kumbinasyon ng ponemang patinig (a, e, i, o ,u)


at malapatinig (y at w) sa isang pantig.

/ay/, /aw/, /ey/, /ew/, /iy/, /iw/, /oy/, /ow/,


/uy/, /uw/

- magkasunod na patinig sa isang pantig

piano, tiempo, guapo, cuento, buitre, suerte


Panuto: Piliin ang mga salitang may
diptonggo.

1. kapayapaan 6. iwagayway
2. umaawit 7. himapapawid
3. pamaypay 8. himaymayin
4. hinawi 9. Malay
5. palayain 10. palayan
KLASTER

- tunog na magkasamang katinig o kambal-


katinig sa isang pantig

Halimbawa:
Unahang pantig
blu-sa kru-do dra-gon
gra-be kla-se prak-tis
Gitnang pantig
kong-gre-so kom-pro-miso im-prom-tu

Hulihang pantig
is-park re-port pla-kard
PALAPANTIGANG FILIPINO

Kayarian Halimbawa

P a-ma
KP ma-ta
PK ak-ma
KPK ban-tas
KKP bra-so
PALAPANTIGANG FILIPINO
Kayarian Halimbawa

PKK eks-tra
KKPK prak-tis
KKPKK tsart
KKPKKK shorts
Pantig ng Salita
Ponemang Suprasegmental
tunog na binibigkas kaalinsabay ng mga
kataga, salita, parirala, at
pangungusap at nagdaragdag ng
kahulugan o ideya sa mga ito.
A. DIIN
B. TONO
C. INTONASYON
DIIN
- tumutukoy sa pwersang
ibinubuga ng mambibigkas

Tuldik (accent):
(`) - paiwa
(ˆ) - pakupya
(´) - pahilis
MALUMAY - may diin sa ikalawang pantig
m mula sa huli.
- banayad ang bigkas at walang
i impit.
- maaaring magtapos sa patinig
o o katinig
- walang tuldik
Halimbawa:
busilak, binili, gayuma
MALUMI - may diin sa ikalawang pantig
m mula sa huli.
- banayad ang bigkas at may
impit.
- laging nagtatapos sa patinig
- may tuldik na paiwa (`)

Halimbawa:
binatà, ipinanukalà, payapà
MABILIS - tuloy-tuloy ang bigkas.
- may diin sa huling pantig
ngunit walang impit.
- ginagamitan ng tuldik na
pahilis (´).

Halimabawa:
matapát, kanilá, bulaklák
MARAGSA- tuloy-tuloy ang bigkas
- may impit sa huling pantig
ng salita
- laging nagtatapos sa patinig
- ginagamitan ng tuldik na
pakupya (ˆ)

Halimbawa:
tuyô, likhâ, butikî
TONO

- pagpapahayag ng mananalita ng
damdaming nais ipahiwatig:
galit, saya, lungkot, takot,
pag-aalinlangan.

- ito ang lakas o hina ang


pagsasalita
INTONASYON

- tumutukoy sa pagtaas at
pagbaba ng tinig sa
pagsasalita.
- maaaring maging
pagkakakilanlan ng rehiyonal o
dayalektal na wika
MAY PATAAS NA INTONASYON:
pagtatanong o pag-aagam-agam

Alin ang aking pipiliin,


hanapbuhay kapiling ang aking
pamilya gayong may kakarampot
na kita, o ang paglayo sa mga
minamahal kapalit ang dolyar na
mag-aahon sa kahirapan?
MAY MABABANG INTONASYON:
tiyak na tugon o pagpapakita ng
pagsang-ayon

Limang taon mula ngayon ay


tiyak nang tatanggapin niya ang
bunga ng kaniyang pagsisikap

Wala na akong magagawa pa,


sapagkat pinal na ang desisyon.
MAY INTONASYON PATAAS-PABABA:

Maiibigan kaya niya ang


regalong binili ko? Matutuwa
siya alam ko.

You might also like