You are on page 1of 4

Jejemon

Ni Rolando Tolentino

siN0H AnG iBoBo2 U~ sa ELeKxoN, N0H? c~ N0N0y~ ba Na~ wLAng TRack~ rEcORD~ AT~ SOC-deM,~ c~
VlLLar~ bA nA SndAmKMk Ang kSO ng qRapx0N. o~ C ErAp~ Na PiNTAwd nA KRiMlnl, NOh?

Ito ang bagong craze at pet peeve ngayon. Gusto mo o kinamumuhian mo. Gusto mo dahil bagong anyo
ito ng lengguwahe, lalo na yaong historikal na naisantabi na sa kasalukuyang terminolohiya ay ang jologs.
Ito ang sub-uri ng Iumpen proletaryado. ang ayaw mong makasama sa public transport dahil ito ang
inaakala mong magnanakaw ng iyong cellphone o notebook, ayaw mong makita sa mall dahil ito ang
Iow-brow na manggugulo lamang, o ang pumapasok sa UP Fair para makipaggitgitan at makapasok nang
libre.

Kaya marahil, ayaw mo ng jejemon o ang bagong wikang halaw sa Latin Amerika (“jeje” bilang pagsasaad
ng pagtawa o lol [laugh out loud], at ang katumbas nito sa Pilipinas ay (“hehe'”) na nagpapamutiktik ng
text at iba pang social networking sites (Friendster biiang pangunahing realm ng jologs at Facebook
bilang naabot na ring virtual na komunidad ng jologs at mas naunang

gitnang uri) ng dagdag na consonants at capital letters.

Pinamumutiktik ng h at ~, gayong sa aktuwal na text ay 160 characters lang ang kapasidad nito, kundi ay
doble na ang bayad dito. Sa pangunahing source ng "jejemon," ang Urban Dictionary website, peyoratibo
ang tampok na kalidad nito. Ayon dito, ang jejemon ay ang sumusunod:

"- a person WhO tyPeZ IYKeS tH1s pfOuh..

whether you are RICH, MIDDLE CLASS, or POOR ifpK eU tYpE L1K3 tHiS pfOuh..eU are CONSIDERED AS
JEJEMON.

- (noun or adj.)-a person who is very expert in typing...


- a person that nevr (sic) gets tired of typing consonants in all of his comments...

- people with very LOW IQ

- a person that destroys the morale of language in any typing media like lnternet, cellphones,... etc.

- a person you want to fuck off and kill

- an emo/gangster who owns all the possible negative qualities of a person”

(http://www.urbandictionary.com/define. php?term=jejemon)

Kung gayon, ang mga katangiang inilista ay patutsada sa abang uri (underclass) na pamali-mali ang
spelling sa texting (“spell as you pronounce" hindi pa dahil nagtitipid sa character-usage kundi talagang
di lang alam ang baybay), at kung gayon, sinasabi ring hindi magaling mag-type (sa kaso ng computer) at
text. Kaya masasabing low IQ (walang pinag-aralan) at kung gayon muli, puwede mong ipagpantasyang
patayin kundi man makaisa man lamang sa kanila.

Ang jejemon ay sintomas ng bagong pagsasub-uri sa bansa. Umalagwa na ang pasosyal (matatagpuan
sila sa call centers), at ang tunay na sosyal, nakakabili ng latest na gadget, o

ang aproksimasyon nito. May entitlement ka sa teknolohiya dahil ito ang pangako ng mamahaling gadget
na biniIi mo. At dahil nga mahal ito, eksklusibo ang turing sa karanasang inaakalang magpapabukod-tangi
sa nakararami.

Parang ilang araw lang, tinanong ako ng iPhone program sa aking computer kung gusto kong mag-
update. Nag-agree ako, at natagpuan ko na lamang ang aking iPhone na blinock na ng lnternet. Binili ko
kasi ito sa US, pina-unlock sa Marikina Riverbanks, at nagmintina ng prepaid sa Globe kahit pa sa
kasunduan sa Apple ay postpaid lamang ang akses sa iPhone sa bansa. Kaya nga ako na-block. Nakahabol
ang copyright sa aking (iligal) na gamit ng gadget.

At ganito rin ang predikamento ng iba pang jeiemons. May mahihinuhang pagtutumbas sa anumang
gitnang uring panuntunan para sa mga nilalang na hindi pagkakalooban ng tadhana ng kapitalismo na
magkaroon ng akses dito. Kaya iregular ang akses. Kung branded ang sa gitnang uri, sa iejemons ay
Divisoria o Greenhills pirated (na may iba't iba pang class ng piracy); kung cell phones ito, puwede
namang nenuk (ninakaw) o 'yung mas lumang modelo.

Ang paglikha ng kaantasan ay hindi lamang simpleng paghihiwalay sa may K (karapatan) at sa wala. Ito ay
paglikha rin ng epistemiko at maging literal na karahasan (sa kaso nga ng jejemon sa Urban Dictionary na
may tasitong panghihimok ng annihilation). lnetsapuwera na nga sila ng estado, ineetsapuwera pa sila ng
mismong mamamayan nito.

Samakatwid, ito ang tagumpay ng mismong estado. Hindi nito kailangan gumawa ng batas para
ietsapuwera ang peligrosong mamamayan. Epekto na lamang ang pagkaetsapuwera ng lantarang
polisiyang ekonomiko at politika nakapabor sa naghaharing uri ng bansa. At ang isang direktang epekto
nga ng paglikha ng hegemoniya ng naghaharing uri-na pati ang pinaghaharian ay umaastang kabahagi ng
ideolohiya ng naghahari - na muling nag-eetsapuwera sa mamamayan.

"Felt" ang pagkaetsapuwera dahil may mukha ng taong nakaharap at nagmamanman sa ugali at pagkilos
ng jejemon. Hindi tulad ng estado, abstrakto ang mukha ng nagpapahirap: paano maikokonekta sina
Palparan, Gonzalez, at Arroyo, halimbawa, sa sistematikong pagkaligwak ng kabuhayan ng mahihirap
gayong pulis at MMDA ni Bayani Fernando ang nagpatupad nito?

Sa aking palagay, ang jejemon ay hindi naman pangalang nanggaling sa mismong hanay ng jologs, tulad
ng salitang "jologs" mismo. ipinataw lamang ito mula sa penomenong global, galing ng Latin Amerika,
gamit ng naghihikahos doon at mga bakla. At kung gayon, ang paglikha ng transglobal na lokalidad ng
pagkaetsapuwera ng naisantabing mamamayan. Alam ng mga sub-uring ito ang kanilang
pagkaetsapuwera, at ang kapangyarihan ng pag-etsapuwera ay ang kawalan-magagawa hinggil dito kundi
ilantad ang Iaban sa larangan ng kultural.
Mananatiling malaganap ang jejemon sa texting at sa Internet bilang wika ng subkulturang naisantabi at
nagnanais umalagwa, hindi pumantay kundi magkaroon lamang ng pagkahayag. Hindi ‘yung binabakuran
at whitewashed na pader sa

panahon ng diktaduryang Marcos para lumikha ng demarkasyon ng karapat-dapat at hindi. Ito na 'yung
pag-demolish ng tirahan para itapon ang mag-anak sa lugar na wala na sa imahinasyon ng gitnang uring
Pilipino.

lpinataw mula sa itaas ang pangalan at ang pagbibigay-ngalan sa karanasan ng jejemon. Kahit pa nga
buhay na sa ground level ang ganitong subkultura. Ang akses na inaakala ng jejemon para sa kanilang
lehitimasyon ay kultural, ang pamamayagpag sa media, lnternet, at text bilang pagsasaad na buhay at
patuloy na nagtratransporma ang ganitong subkultura.

Pero maging ito ay kooptasyon na rin ng kapital at estado. Umiinog ang mundo sa ekonomiyang
kapasidad na makabili ng bad at makapag-text, makaipon ng pera para maka-lnternet at Facebook,
bilang asersiyon ng politikal na identidad. Hindi nakakasapat. Sa pamamagitan

ng direktang politikal na pakikitunggali lamang magkakaroon ng lagusan para sa politikal na


pagkamamamayan ang naisantabi. Sa ngayon, ito munang asersiyon sa larangan ng kultural, ang tahimik
na pamamayagpag dahil nga sa

presensiya at substansiya ng gitnang uri na mahilig sa alintuntunin at proseso, at ngayon silang


nagtataguyod ng dekorum ang bigla na lamang nagiging "Jejebusters" at “grammar Nazi."

You might also like