You are on page 1of 12

Ginto sa Lupa: Mga Isyung Sosyo-ekonomikal sa

nobelang Anak ng Lupa ni Domingo Landicho

Panimula

Ang sosyo-ekonomiko ay pag-aaral tungkol sa kung ano ang mga

epekto ng Gawain pang-ekonomiya sa lipunan ng tao. Ito ay nagbubunga ng mga

pagkawala ng trabaho ng mga tao na depende sa lugar, edukasyon, at kadalasan sa

mga grupong. Salik na nakaapekto sa sosyo-ekonomiko ng bansa ay ang pangpublika

at pamahalaan sapagkat nagmumungkahi ito ng mga usapin o Gawain na nauugnay sa

pplitika o mga aktibidad na may kinalaman sa pagsasagawa ng kapangyarihan at

pamamahala sa isang bansa o pamayanan. Ang ekonomiya at Industriya naman ay isa

din sa nakakaapekto sa sosyo-ekonomiko ng bansa sapagkat ang ekonomiya ay

tumutukoy sa kabuuang Sistema ng produksyon , pamamahagi, at serbisyo sa isang

bansa o rehiyon. Ito ay may kinalaman sa mga Gawain ng mga tao, Negosyo, at

pamahalaan na nag-uugnay sa produksyon, pagkonsumo, at pag-aambagan ng yaman.

Ang industriya naman ay bahagi ng ekonomiya na naglalayong bumuo, magproseso, at

mamahagi ng mga produkto o serbisyon. Kasama din dito ang populasyon kung saan

ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang particular na lugar, bansa,

o rehiyon sa isang takdang panahon. Ito ang kumakatawan sa kabuuang bilang ng mga

tao sa isang lugar at ang mga kinabibilangang grupo nito. Ang kultura at panlipunan ay

ang kultura ay tumutukoy sa mga kaugalian, paniniwala, wika, sining, musika,

pananamit, at iba pang salik na nagtatakda ng identidad at kaugalian ng isang pangkat

na tao. Ang panlipunan naman ay may kaugnayan sa mga ugnayamg panlipunan,


institusyon, organisasyon, at mga proseso na bumubuo sa isang lipunan. Ito ang

tumutukoy sa mga relasyon, istraktura, at mga Gawain ng mga tao sa isang pamayanan

o lipunan.AT ang panghuli sa mga salik na epekto sa sosyo-ekonomiko ng bansa ay

ang globalisasyon, ito ay isang proseso ng pagsasama ng mga ekonomiya, kultura, at

lipunan ng iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ito ang resulta ng pagbabago ng

teknolohiya at pagbubukas ng mga internasyonal na hangganan na nagdudulot ng

malawakang palitan ng mga ideya, produkto, serbisyo, at kultura sa pagitan ng mga

bansa.

Tungkol sa May-akda

Ang nobela ay naglalarawan ng buhay at pananaw nayon sa bagwis

ng pambansang pagsulong ng Pilipinas. Kasaysayan ito ng paglago ng kamalayan mula

sa liblib ng kulturang nayon patungo sa nababanghay na ideyolohiya ng lungsod. Ang

mga pangunahing karakter ng nobela sina Toryo, Oden, Oyo, Bining, at Ligaya ay mga

anak ng lupa na ang buhay ay sinaklawan ng naganap na pagbabago sa nayon at sa

lungsod, magpapalitaw ng kani-kanilang tatag, magpapanday ng kanilang pananaw,

maghahatid ng luha, pag-ibig, at pag-asa. Sa nobela, magkakambal na realismo ng

nayon at lungsod ang naikintal na maghahanay sa obrang ito bilang haligi ng

kontemporaryong nobelang Pilipino.


Premyadong manunulat, awtor ng 23 aklat ng tula, maikling kuwento, dula, literaturang

pambata, talambuhay, at mga aklat pag-aaral si DOMINGO G. LANDICHO. Siya ay

kasalukuyang propesor ng malikhaing pagsulat at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nag-tapos siya ng Ph.D. sa Pilipinolohiya sa U.P. Isa rin sivang artista sa tanghalan,

telebisyon, at pelikula at isang brodkaster sa Radio Veritas, bukod sa kanyang pagiging

Execom Member ng National Commission for Culture and the Arts, kolumnista, at

editorial consultant. lsinilang siya sa Luntal (Taal, Batangas) noong 4 Agosto, 1939,

anak ng magsasaka.

Teoryang Ginamit

 Realismo

Sa “Anak ng Lupa”, maaaring makikita ang mga realistang aspeto ng buhay sa

pamamagitan ng paglalarawan ng mga pangyayari at karakter. Ang nobelang ay ay

maaaring magpapakita ng kahirapan, karahasan, at paghihirap na karaniwang

nararanasan ng mga tao sa lipunan.

 Sosyolohikal

Ang “Anak ng Lupa” ay maaaring magpapakita ng mga temang sosyolohikal

tulad ng mga paglaban para sa Karapatan, diskriminasyon, korapsyon at iba pang mga

suliranin na kinakaharap ng mga tao sa lipunan. Ang nobela ay maaaring magpapakita

ng mga kontrast sa pagitan ng uri ng tao sa lipunan, pati na rin ang mga epekto ng mga

pangyayari sa kanilang buhay at pag uugali.


 Kultural

Sa “Anak ng Lupa” maaaring matukoy ang mga kultural na salik na nagtatakda

sap ag-uugalin ng mga karakter. Ang nobela ay maaaring magpapakita ng mga

tradisyon, paniniwala, at mga pagkakaiba ng mga kultur ana bumubuo sa kuwento.

Maaaring magkaroon ng mga pagtatalo sa pagitan ng mga tradisyonal na paniniwala at

mga modernong pagbabago na nagsasalamin sa mga pangyayari sa nobela.

 Eksistensyalismo

Sa “Anak ng Lupa”, maaaring maipakita ang paghahanap ng mga karakter ng

kahulugan at layunin sa kanilang buhay. Ang mga pangyayari at mga suliranin na

kinakaharap ng mga karakter ay maaaring magdulot sa kanila ng mga pagdududa at

paghahanap ng sariling kahulugan ng buhay. Ang nobela ay maaaring magpapakita ng

mga pakikipagsapalaran.

 Buod ng Nobela

Ang nobelang "Anak ng Lupa" ay tungkol sa kwento ng isang bata na nagmulat

sa kanyang sarili sa kalagayan ng pag-aari ng lupa sa Pilipinas. Ang pangunahing

karakter ay si Damian, isang binata mula sa Malaybalay sa Bukidnon.

Napakahirap ng buhay sa barangay nina Damian dahil ang mga mamamayan ay

patuloy na nabibiktima ng mga mapanakop na mga korporasyon. Nais ni Damian na


mag-aral upang magkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho upang matulungan

ang kanyang pamilya at magkaroon ng sariling lupain. Gayunpaman, hindi ito madaling

gawin dahil hindi sapat ang pera ng pamilya niya upang maipaalam sa kanya sa pormal

na paaralan.

Isang araw, nalaman ni Damian na mayroong isang paaralan para sa mga anak ng

magsasaka na libreng handog ng isang organisasyon. Inumpisahan niya ang kanyang

pag-aaral nang libre. Sa paaralan, natutunan niya na ang mga magsasaka ay mayroong

mga karapatan sa lupa at na ito ay hindi dapat mapasakamay ng mga mapanakop na

korporasyon.

Napakabigat ng puso ni Damian nang malaman niya na ang kanilang mga ninuno ay

pinagkaitan ng kanilang karapatan sa lupa sa mga pangalawang uri ng mga dayuhan.

Naisip niya na gawin ang lahat upang hindi maulit ang napakasaklap na pangyayari na

iyon.

Ayon kay Damian, maaari niyang maging isang magiting na anak ng lupa sa

pamamagitan ng pagsulong sa kampanya para sa karapatan ng mga magsasaka sa

lupa. Nagtungo siya sa mga lugar kung saan may mga korporasyon na nagtatrabaho at

nahirapan siya ngunit hindi siya sumuko. Siya ay nagpakita ng tapang upang ipaglaban

ang karapatan ng kanyang mga kababayan.


Sa huli, natutunan ni Damian na ang pagsisikap para sa kanyang paniniwala ay hindi

basta-basta nakukuha ngunit nakabubuti ito sa buong kapatiran ng mga magsasaka.

Ang nobelang "Anak ng Lupa" ay nagpapakita ng malalim na kahulugan ng pagiging

isang tunay na anak ng lupa at ang mga paghihirap na napapasok ng mga magsasaka

sa mga mayayamang ibang tao.

Sipi ng Diyalogo

Kabanata 12, page 121 “Ano ho ba’ng sanhi?” “Galit ng mga lamang lupa”, tuwirang

sagot ni ka Tulume.” Mga lamang lupa?” “Si Garse ay pinarusahan upang ipakita sa’tin

ng batas ng kailaliman ang kanilang pagputol.b Ang kanilang poot!” “Dahil ho bas a

matandang balete?” “Di kasi” “pero” “ anong pero pero? May iba pang paliwanag?”

naniniyak ang tingin ni ka Tulume. “Me sugat si ka Garse’” sagot ng baguntao.

“Iainasagawa niya ang kanyang sugat sa unos. Hindi kaya yon ang paliwanag, Ka

Tulume. “ kung makapagsasalita ang lupa” pahinagpis ni ka Tulume. Lilitaw ang

katotohanan,’lilitaw ang katotohanan, palki ng baguntao.

kabanata 13, page 130

Sa taga-nayon,ang bawat buhay ay may

kakambal na mga alamat o biro mula sa pagiging musmos

hanggang sa pagtanda, kung ilang pilat na likha ng paghaklit


ng karit sa pangungumpay, o mga lihim at hayag na

kapilyuhan ng pagbibinata, at mga butil ng aral ng pagiging

amaMaraming kadalagahan sa nayon ang pumasok na mananahi sa gusali ni

Kabesang Ote at nagsimula na silang gumising sa isang takdang oras, magbihis sa

isang takdang sandali at humabol sa oras ng pagpasok bilang namamasukan.

Nagsimula na ring gumayak ang mga dalaga araw-araw, naglalagay ng papula sa labi

at pisngi. Ang pagiging mananahi ay nagpabago ng kanilang dating anyo, hindi dahil sa

iyon ay kanilang kagustuhan kundi dahil sa iyon ay isa sa mga itinakdang patakaran ni

Nyora Tinay sa kanyang patahian. Kaya't ang mga mananahi ay nagsuot ng unipormme

na kay Nyora Tinay na rin kinukuha ang tela, napilitan silang bumili ng pulbos, lipistik,

pabango at iba pang kagamitang pampaganda. ( Kabanata 14 page 134)

"Takipsilim na'ng buhay ko. Wala, wala akong nakikitang pagbabago sa 'ting kalagayan.

Isinisilang at namamatay ang tao na walang pagkakaiba ang umaangking buhay. Ang

masama pa, parang nabubuhay na ang lahat para sa kanilang sarili."

"Tama lang po 'yon, Ka Tulume."

"Alin ang tama ro'n?" namimilog ang mga mata ni Ka

Tulume. "Kapag ang maralita'y naging makasarili,

magsisimula na ang kanilang pagkagapi. Wala na ang lakas

ng marami. Iyon ang simula ng mga kabiguan." ( Kabanata 14 page 135)


Kung ating aamining ang karalitaan ay batas na hindi

mabubuwag, pa'no tayo makakaalis sa buhay na ating

ginisnan? Pa'no tayo makakaalis sa Makulong?"

"Walang makakaalis dito sa 'tin," sabi ni Ka Tulume.

"Lumang tugtugin na po 'yan." "Pabulaanan ninyo," naghahamon ang tinig ni Ka Tulume

na waring may lumambong na kalungkutan sa mukha.

"Walang makakatakas sa ugat na sinuso sa lupa." ni Ka Tulume. "Ang patahian ni

Niyora Tinay ay simula ng daan para sa

"Ang buhay po'y susulong at susulong." "Hindi ang ikid ng buhay mahirap," umaamin

ang tinig

pag-aalis sa tinatawag ninyong karalitaan," sabi ng isang magsasaka. (Kabanata 14

page 136)

kabanata 15, page 140

Para kay Ka Bisyong naman, ang pamumugon ay isang

hanapbuhay kung panahon ng iluhan, pagkat sa Makulong

at sa mga kanugnog nayon, napabantog na siya bilang


nangungunang mamumugon.

kabanata 15, page 143

“Mula sa isang taon, ang kabuhayan ng buong Makulong

ay ibabatay sa tubo, mga kasama,” matatag na pakli ng

katiwala. “Mangangahulugan ito na maging ang ibibili ninyo

ng bigas, pang-ulam at iba pang pangangailangan ay

magmumula sa katas ng inyong itatanim na tubo.”

“Hindi na kami tumututol kung maging tubuhan ang buong

Makulong. Pero ibig naming malaman ang magiging katayuan

namin sa aming pagsasaka,” sabi ng isang magsasaka.

“Paano ang minulatan na naming hatian?” paglilinaw ng

isa pang magsasaka.

kabanata 15, page 144

“Mula sa isang taon, ang lahat ng magsasaka ay magiging

suwelduhan ng asyenda.”

“Paano ang aming karapatan sa isang makatarungang


paghahatian?” ulit ng isang kabataan.

kabanata 15, page 144

Isip-isipin ninyong ang anumang pagbabago ng

patakaran ay isinasaalang-alang din ang inyong kapakanan.

Kung kayo’y suwelduhan ni Senyor Martin, maging mabuti

o masama man ang ani, tuloy ang inyong kinikita.

kabanata 15, page 145

Hindi kanila ang lupa, at habang ang

sinasakang lupa ay pag-aari ng iba, ano ang magagawa ng

kamalayan sa karapata’t katwiran? Malinaw ang sinasabi ni

Kabesang Ote na nagsasatinig lamang ng panig ni Senyor

Martin: walang bakod ang tabihan ng Makulong.

kabanata 15, page 146

Inamin nila ang katalunan, inamin nila ang pagkagapi ng mga

katwiran, at ang lalong masakit, wala silang maaaring gawin kundi ang umamin at

tumanggap ng pagkagapi.
kabanata 25, page 226

“Hindi punto rito ang katapatan o kawalang-katapatan,”

tandisang haplit ng matanda. “Ang sinusuri rito’y delikadesa

ng pagkatao.”

kabanata 25, page 231

Karapatan ng

unyong ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa hindi

makatarungan at ilegal na pagbuwag.”

Bisa ng Panitikan

Marahil ay karamihan satin ay nabasa na Ang librong anak ng lupa,

ngunit ano nga ba Ang nagging epekto nito sa mga mambabas? Bilang Isang magaaral

na Isa sa mga nakabasa na ng libro ay lubos na naantig ang aming damdamin sa

naging laman ng libro. marahil ay maraming aral Ang mapupulot dito na pwedeng

makaapekto sa pag uugali ng Isang tao lalong lalo na sa mga kabataan. Ngunit Hindi

lamang aral Ang makikita sa kwento Isa na Rin Dito ang mga malalim na tema na

tinatalakay sa nobela tulad ng kahirapan, kawalan ng katarungan, at paglaban para sa

mga karapatan ng mga magsasaka. Ito ay isang pagpapakita ng katotohanan ng

maraming magsasaka na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang lupang sinasaka


at para sa makatarungang kalagayan. Hindi lamang patungkol sa paghihirap Ang iyong

mababasa meron Rin itong patungkol sa pagibig na siya namang kinagigiliwan ng

marami, dito mo Rin matutuklasan Ang mga sinaunang Gawain ng mga kalalakihan at

kababaihan, marahil ay maraming team Ang makikita sa libro ngunit Isa parin sa

pinakatema nito Ang patungkol sa mga mag sasaka at sa kahirapan na siya namang

nakakaantig.

You might also like